Zian tanungin mo kasi! Will you be my girlfriend hay naku!
=Elvira’s Point of View= Tahimik akong nakatingin sa bintana habang tumatakbo ang sasakyan sa kalsada. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Zian, pero hindi ko rin siya tinatanong. Parang gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili kong mag-isip. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang linggo. Mula sa problema sa proyekto, sa korte, at ngayon, ito… mga salitang binitiwan niya na parang gustong-gusto kong paniwalaan pero takot din akong sagutin. “Mahal kita, kahit hindi mo sabihin.” Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang sinabi niya kanina. Ano bang ibig sabihin niyon? Mahal niya ako? Paano? Kailan? Totoo ba? Nilingon ko siya nang hindi niya napapansin. Tila relax na relax siyang nagmamaneho, ang kaliwang kamay niya ay hawak ang manibela habang ang kanan naman ay nakapatong lang sa kanyang kandungan. Parang walang bigat na iniisip. Samantalang ako, naguguluhan pa rin. “Elle,” tawag niya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Hmm?” sagot ko, kunwaring hindi naaapekt
=Elvira’s Point Of View=Lumabi ako habang nakatingin kay Zian, na abala sa paglalagay ng kung anu-ano sa backpack niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nagtatanong nang direkta kung pwede na ba akong maging girlfriend niya. Hindi naman ako naghahanap ng fairytale, pero sa tingin ko naman, deserve ko kahit konting effort, ‘di ba?O baka kasi binigay ko na ang katawan ko sa kanya, kaya iniisip niyang matic na iyon? Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam. Ang gulo talaga ng sitwasyon namin.“Elle,” tawag niya mula sa sala.“Hm?” sagot ko nang hindi tumitingin. Nasa kwarto ako, kunwari abala sa pagbabasa ng blueprint ng bagong project namin, pero ang totoo, ini-stress ko ang sarili ko kakaisip sa kung saan ba papunta ang relasyon na ‘to.“Magbihis ka. May pupuntahan tayo,” sabi niya, habang pinapatong ang backpack sa sofa.“Ano na naman? Gabi na ah,” sagot ko, bahagyang kunot-noo.“Basta. Hindi ka naman magtatagal magbihis, ‘di ba? Isang oversized hoodie at
=Elvira’s Point of View=Malamig ang hangin, pero hindi ko ramdam dahil sa init ng damdaming nararamdaman ko habang magkatabi kami ni Zian sa ilalim ng puno. Kung dati ay parang biro lang ang lahat sa pagitan namin—ang mga asaran, ang mga pasaring, ang mga banat niya na madalas kong iniisip na walang halong seryoso—ngayon, parang biglang nagbago ang lahat.Sa unang pagkakataon, naramdaman kong totoo ang lahat ng sinabi niya. Hindi lang siya si Zian na mayabang at pabiro, siya rin pala si Zian na marunong magmahal.Tahimik kaming nakaupo, nakasandal ako sa balikat niya habang pareho naming pinagmamasdan ang mga fairy lights na kumikislap sa mga sanga ng puno. Para akong nasa panaginip.“Alam mo, Elle…” biglang basag niya sa katahimikan.“Hm?” sagot ko, hindi man lang tumingin sa kanya. Masarap kasing magpanggap na normal lang ang lahat, na parang hindi kami nag-usap ng seryoso kanina.“Natakot akong tanungin ka.”Napatingin ako sa kanya. “Bakit naman?”“Hindi ko kasi alam kung anong sa
=Elvira’s Point of View= Matapos ang ilang linggo ng abala at tensyon, sa wakas ay may bago kaming project na magkakasama ni Zian. Isa itong malaking proyekto na pinagkatiwala sa aming dalawa bilang mga trainee engineers. Kabilang kami sa design and execution team ng isang mid-rise residential building sa bayan. “Excited ka na?” tanong ni Zian habang pareho kaming nakasakay sa elevator, papunta sa opisina ng senior engineer namin para sa unang meeting tungkol sa project. “Medyo kinakabahan,” aminado kong sagot, kasabay ng isang pilit na ngiti. “Huwag kang mag-alala,” sabi niya, ngumiti nang parang may pinaplanong kalokohan. “Basta’t nandito ako, walang pwedeng pumalpak.” Napailing ako, pero hindi ko napigilang mapangiti rin. “Ang yabang mo talaga.” “Confidence ang tawag diyan, honey,” sagot niya, kasabay ng mahinang tawa. Pagdating namin sa meeting room, nagulat ako nang makita na parang napakaorganisado ng setup. May mga blueprint na nakalatag sa mesa, mga sample materia
=Elvira’s Point of View= Kinabukasan, maaga kaming dumating ni Zian sa construction site. Ngayon ang unang araw ng aktwal na inspeksyon namin para sa proyekto, at pareho kaming excited. Pagdating pa lang namin, nakita na namin ang mga trabahador na abala sa kani-kanilang gawain. Ang ingay ng mga makina, ang amoy ng semento, at ang init ng araw—lahat iyon ay nagdala ng kakaibang sigla sa akin. “Tara, Elle. Umpisahan na natin bago pa tayo masunog dito,” biro ni Zian habang inaayos ang hard hat niya. “Aba, ngayon lang nagmukhang propesyonal ang playboy,” tugon ko, sabay ngisi. “Hoy, propesyonal ako palagi. Kahit sa pagmamahal,” sagot niya, sabay kindat. Napailing na lang ako. Palaging may kasamang biro ang bawat sinabi niya, pero hindi ko maitanggi na may tamang timpla ng kaseryosohan doon. Habang iniinspeksyon namin ang bawat sulok ng site, hindi maiwasang humanga ako sa progreso ng construction. Naging hands-on si Zian, sinisigurado niyang tama ang mga sukat ng bakal, at maa
=Elvira’s Point of View= Kinabukasan, abala na naman kami ni Zian sa construction site. Tila mas naging magaan ang trabaho ngayon dahil kahit papaano, parang nagkakaroon na kami ng natural na teamwork. Ang saya lang ng vibe sa paligid—pero syempre, hindi mawawala ang asaran namin sa isa’t isa. Habang abala ako sa pagsusuri ng isang pile ng mga blueprint sa opisina, narinig ko si Zian na tumatawa sa labas. Napatingin ako mula sa bintana at nakita ko siyang kausap ang isa sa mga interns. Babae, maganda, at halatang todo ang effort magpaganda kahit nasa construction site. “Wow naman,” bulong ko sa sarili habang pinapanood sila. Ang lapit nila sa isa’t isa, at si Zian, ayun, ngiti nang ngiti na parang artista sa commercial. Napabuntong-hininga ako. Wala naman akong karapatang magselos, di ba? Pero bakit parang ang bigat-bigat sa pakiramdam ko? Nagkunwari akong abala sa ginagawa ko, pero hindi ko maiwasang itulak ang pinto at lumabas. Diretso ako sa direksyon nila, kunwaring may k
=Elvira’s Point Of View= Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang balewalain. Kahit pa sabihin kong mas importante ang trabaho, sa huli, sa kanya rin bumabalik ang isip ko. Habang abala akong sinusuri ang mga detalye ng blueprint, naramdaman kong bigla siyang sumulpot ulit sa tabi ko. Tila wala siyang balak tantanan ako ngayong araw. “Elle,” tawag niya habang nakaupo siya sa gilid ng mesa ko, na para bang wala siyang ibang gagawin. “Ang tahimik mo naman.” Napatingin ako sa kanya, sabay pilit na ngumiti. “Busy nga, di ba? Kaya tumigil ka diyan.” “Hmm, talaga bang busy ka o iniiwasan mo lang ako?” tanong niya, sabay ngisi. Napairap ako. “Zian, trabaho ’to. Kung ayaw mong masita tayo ng boss natin, bumalik ka na sa ginagawa mo.” Pero imbes na umalis, yumuko siya at tinignan ang ginagawa ko, ang mukha niya halos magkadikit na sa akin. “Alam mo, kahit anong gawin mo, mas cute ka talaga kapag nagseselos ka,” sabi niya nang pabulong, pero ramdam ko ang laman ng mga sali
=Zian’s Point of View=Habang papunta kami sa kotse, hindi ko maiwasang magtago ng ngiti. Puno na ng init at saya ang paligid ko, at ang dahilan—si Elle. Kahit papaano, nakikita ko na nagiging komportable siya sa akin. Pero siyempre, hindi ko papayagan na hindi ko siya asarin. Ang saya nga kasi ng mga reaksiyon niya, e. Huwag na siyang magtangkang magtago, kasi alam kong nagseselos siya kanina pa.Ngumiti ako ng malawak habang binabaybay namin ang daan papuntang sasakyan. Mabilis kong inabot ang pinto at binuksan para kay Elle, tulad ng isang gentleman. Pero alam ko naman, ang mga galak na tulad nito ay may kasamang pang-aasar.“Hmm,” sabi ko habang umaakyat ako sa driver’s seat. “Alam mo, Elle, nakikita ko na kahit hindi mo aminin, medyo nagseselos ka kanina.”Agad akong tinapik ni Elle sa braso. “Zian, seryoso, titigil ka na!” Sagot niya, at aminin ko—mas lalo lang akong natawa. “Wala akong sinasabi,” sabi ko, sabay kaway sa kanya, pero mas lalo ko siyang iniwasan ng tingin para mak
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= [2 Years Later…] “Pa naman! Yung shoes mo kasi!” bulyaw ko kay papa nang bababa na kami ng Van sa bagong bahay na binili ko sa Pinas. Graduating na kasi si Clayn na naisipang magpaiwan sa Pinas. “Tsk, sandali kasi anak…” “Jusmiyo! Nagkapera na’t yumaman balasubas pa rin ang ugali!” bulyaw ni mama at hinampas si papa sa likod kaya napangiti ako. “Papa magagalit na naman si Clayn kapag na-late ka! Sino sasama sa kanyang umakyat!” reklamo ko at nagmamadaling kinuha ang susi sa bantay ng bahay na binili ko dito. “Sa car na!” natatarantang sabi ko ngunit bago pa man makasakay ay tumigil ang isang simpleng sasakyan sa harap ng bahay. Nang bumaba ang driver no’n ay nanlaki ang mata ko ngunit nangunot ang noo niya. “Nagmamadali kayo ate?” “Oh! Gagraduate ka di ba?!” gulat na sabi ko. “Luh? Bukas pa oy. Utak mo nasa ibang bansa pa,” singhal niya kaya napahinto ako. ‘Seryoso ba?’ Nakahinga ang lahat ng maluwag kaya naman napakamot ako sa sintido at
Zian’s Point Of View Napamulat ako nang maramdaman ang kakaibang kirot sa binti ko, bahagyang nanlabo ang mata ko ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Elle na lumantad sa harapan ko. Tila kanina lang… “Ah, hmm..” It was even hard for me to speak… “Zian?” “Anak?!” Sunod kong pagkurap ay lumantad ang mukha ng magulang ko. Napapikit akong muli baka lumantad ang mukha na hinihintay ko. “M-Mom… S-Si Elle?” mahinang sabi ko at nahirapang igalaw ang braso ko kahit binti. “She’s not here, son…” sagot ni dad, nangunot ang noo ko at pinilit bumangon. ‘That’s impossible. I know I’m not hallucinating when I saw her…’ “I just saw her dad, just a while—” “A while? You’ve been asleep for three days…” mahinahon na sabi ni dad at tinuro ang paa ko. “You can’t even walk until we remove this cement.” ‘Three days?’ “She didn’t visit me?” pabulong kong tanong. Bahagya pa ngang namaos ang boses ko dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. “She didn’t…” sa sagot nila ay labis akong nas
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Nagmadali kong sinundan ang emergency address ng cellphone niya. Pero papunta na sa ospital ang location ng cellphone niya dahilan para sumunod ako doon. Pagkarating ay napalunok ako nang makita siyang nasa stretcher at duguan. Humabol ako habang hinahapo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman. ‘Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapano man siya…’ Inasikaso siya kaagad ng mga doctor at nang lalapit na sana ako ay mabilis akong hinarang ng mga pulis. “Sino sila ma’am?” “T-The girlfriend, a-anong nangyari?” kinakabahang sagot ko. Napaghawak ko ang dalawang kamay. “Ma’am, hindi pa kami makakapagbigay ng buong detalye. Pero ayon sa initial report, may nangyaring habulan sa may 7th Alley Street at nadamay ang sasakyan ng boyfriend niyo,” paliwanag ng pulis habang sinusulyapan ang dugong nakapahid sa gilid ng braso ko—hindi ko man lang namalayan na nagkaroon ako ng dugo ni Zian habang sinusubukan siyang lapitan kanina. Nanlabo ang paningin ko. Par
=Elvira’s Point Of View= Sumunod na araw ay tila gulo ang namagitan sa pamilya ko. Pagkalito, mga kwestyon na hindi masagot ng totoo. “Ang tanong ko bakit biglaan ang alis natin? Gumaganda na ang buhay natin dito oh!” gitil ni mama sa harapan ni papa. Para akong isang manekin sa harapan nila, nakatulala lang sa palitan at batuhan nila ng mga salita. “Mas gaganda naman ang buhay natin doon, mas tahimik—” “Hindi ‘yon! Bakit biglaan nga ang alis! Hindi mo nasasagot ang tanong ko! We’re already settling down again! So why leave?” nauubos pasensyang sabi ni mama kaya napapikit ako ng mariin. “It’s because of me, ma.” Sumingit na ako sa pagitan nila para hindi na sila magtalo pa. “Elle? Bakit ikaw?” tanong ni mama, naguguluhan. “Zian and I broke up,” mahinahon na sabi ko. Napahinto siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Hindi siya nakasagot at napasulyap kay papa. “May pera naman ho ako kung ‘yon ang problema, mas gaganda rin ang buhay natin sa ibang bansa. Malaki an
=Elvira’s Point Of View= I prepared a resignation letter. I have 5 days left and I don’t want to leave my work hanging. Pumunta ako sa opisina upang magpasa ng resignation letter at alam kong makikita ko siya. Pagkapasok sa office at taas noo akong lumapit sa desk niya. Unti-unti na nagsalubong ang kilay niya nang makita ako after two days. Marahan ko namang inilapag sa harapan niya ang resignation letter at doon siya napahinto. “What’s this?” malamig niyang sabi. “I’m resigning,” sobrang hina kong sabi. Nang salubungin ko ang mata niya ay napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya. Huminga siya ng malalim. “Pati trabaho madadamay? Aren’t you being too immature, Elle?” nauubos pasensya niyang sabi kaya umiwas tingin ako. “Ang tagal mong pinaghirapan makapagtapos, para makakuha ng ganito ka-stable na trabaho. Pero dahil hiniwalayan mo ‘ko, pati ito iiwan mo?” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Answer me, Elle. Ano bang nangyayari sa’yo? I can understand if you’r
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid.
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m