=Elvira’s Point Of View= “Nandidiri ka ba sa pamamahay namin?” pandidirekta ko na ikinahinto niya. Binitiwan ni Zian ang kamay ko, at tinitigan niya ako nang masinsinan, seryoso at tila may kaunting inis sa mata niya. “Alam mo, Elvira, hindi ko alam kung bakit ang tagal mo pang tumanggi,” nagsimula siya, may bahid ng pagkapikon sa tono niya. “Kung hindi ko pa sasabihin nang direkta, hahayaan mo lang na doon pa rin kayo tumira, sa bahay na parang isang pitik lang, magigiba na.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o talagang iniinsulto niya ang estado ng bahay namin, pero masakit pakinggan. “Ano bang problema sa bahay namin, ha?” sagot ko, pilit na itinatago ang kirot na nararamdaman. “Sanay na kami sa ganun, Zian. Hindi lahat ng tao tulad mo, hindi lahat mayaman at pihikan.” Napailing siya at tumingin sa ibang direksyon, parang hindi siya kuntento sa sagot ko. “Kasi nga, Elvira, hindi lang ikaw ang iniisip ko dito. Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na isipin
Last Updated : 2024-11-03 Read more