Mix signals rin ‘tong si Zian eh 🤣❤️
=Elvira’s Point Of View= Pagkapasok namin sa OJT ay simple lang siya kung gumalaw, walang pakialam kung anong iisipin ng ibang tao. Tumikhim ako at pilit ibinaling sa trabaho ko ang atensyon. Matapos i-check ang mga blueprint ay doon lang lumapit si Zian. “May dumagdag na dalawa, just check it. Kami na bahala sa site,” habilin niya at idinagdag ang dalawang blueprint na dagdag sa proyekto ng aming kumpanya. “Sige…” Matapos ma-check ‘yon ay pumunta na ako sa office ng boss namin para ipasa ang mga blueprints. Pagkapasok ay tila nagulat ito at umayos agad ng upo. “Good morning sir, ipapasa ko lang po yung mga approved blueprints at yung ibang rejected,” bungad ko at naglakad papalapit. Nang mailapag ‘yon sa desk niya ay natigilan ako nang sadyang hawakan ng boss ko ang kamay ko, dahilan para naiilang kong iniiwas ‘yon. Lumagkit ang titig nito sa akin at magandang ngumiti. He’s 30 years old and hindi ko alam kung bakit niya ginawa ‘yon… “Sit first, I’m gonna check the bl
=Elvira’s Point Of View= Nababalisa akong bumalik sa mga kasama ko, nandidiri sa mga hawak ng boss namin. Tila hindi ko makalimutan ang masalimuot na pandidiring ginawa nito sa akin. “What’s wrong?” Nagulat ako at mabilis na umiwas nang may humawak sa balikat ko. Nangunot ang noo ni Zian sa naging reaksyon ko, ngunit pinilit ko maging normal. “S-Sorry, nagulat lang,” pagdadahilan ko. Tumaas ang isang kilay ni Zian at huminga ng malalim. “You’re slipping away, akala ko napano ka na. Napagalitan ka ba?” Napatitig ako ng matagal kay Zian. “H-Hindi naman, tara. Bumalik na tayo sa trabaho,” anyaya ko at dahil doon ay wala na siyang nagawa kundi sumunod. Nang matapos ang trabaho namin ay sinabay ako ni Zian papauwi, ngunit bago pa man tuluyang makarating sa condo ay tumunog ang cellphone ko. It was my brother, Clayn. “Answer it.” Nilingon ko si Zian sa kanyang sinabi ngunit sinunod ko at sinagot ang tawag ni Clayn. “Ano ‘y—” “Ako ‘to. May pera ka pa riyan? Nandito kasi yu
=Elvira’s Point Of View= Nang makabalik si Zian at matagal itong tumitig sa akin. Tila malalim ang iniisip niya. “Let’s talk when we get home, Elvira.” Tumango ako at bumalik sa pagtatrabaho. Mabilis na tumakbo ang oras at nang dumating ang uwian ay sumakay na ako sa sasakyan ni Zian. “What happened at the office earlier? You look terrified,” panimula niya kaya bumuntong hininga ako. Paano ko sasabihin sa kanya na tila may kakaibang plano ang boss namin na kalaswaan? Paano kung iba ang isipin ni Zian? “Y-Yung boss kasi natin, k-kahapon pa kakaiba tumingin. T-Tapos yung hawak niya parang nakakabastos,” sobrang hinang sabi ko at halos mapasigaw ako sa pagkabigla nang biglang pumreno si Zian. “What the fuck?” angil ni Zian. Iginilid niya ang sasakyan at tinitigan ako. Hindi makapaniwala. “Ngayon mo lang sinabi?” iritableng tanong niya. “K-Kung magagalit ka huwag na, hindi ko na lang sasabihin—” “Elvira?” naiinis na tugon ni Zian. Bumuntong hininga na lang ako sa
=Elvira’s Point Of View= Napatitig ako sa boss namin na dala-dala ang kanyang mga gamit sa pirasong kahon. Matalim ang tingin nito sa akin ngunit bago pa man ay napahinto ako nang harangin ni Zian ang boss namin. Suot-suot ni Zian ang nakakalokong ngisi. “You messed with the wrong person, sir…” sarkastikong aniya ni Zian. Lahat ay nakatingin kay Zian. “W-What did I ever do to you? You’re just like your dad… Disrespectful and rude—” “Oh yeah? Then what about the things you did to my girlfriend? Isn’t that disrespectful, and malicious?” angil ni Zian. Nagbulungan ang mga tao at doon ay masama akong tinignan ng boss namin. “S-So it was you—” “Eyes on me,” mariing sabi ni Zian. “Raise her salary? What for? To be your bed warmer?” dagdag na sumbat ni Zian. “I can buy the whole building for her, the whole company and all… Pero ikaw? Dagdag lang sa sweldo? Damn, cheap…” ngising sabi ni Zian, ngunit biglang nawala ang ngisi na ‘yon. “Leave.” Walang nagawa yung boss namin kund
=Elvira’s Point Of View= Hinayaan ko si Zian nagpahinga sa mga balikat ko. Matapos ang limang minuto ay binawi niya ang ulo at pinilit na ngumiti sa harap ko. “How have you been?” nakangiting saad niya. Matagal akong napatitig sa kanyang mukha sa kanyang bungad. “O-Okay naman…” alam kong masama magsinungaling, pero anong magagawa ko? Ayoko na dagdagan pa ang problema niya. “Ikaw kumusta? Bakit hindi ka ayos?” tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa nga labi. “W-Wala naman, family lang…” Same… Dahil iniiwasan niya ang usapan ay hindi ko na tinanong pa muli. Ngunit makalipas ang isang linggo at tapos na rin ang aming graduation. Kailangan namin mag-focus sa exam para maging licensed engineer na kami. “What’s your plan while waiting for the results?” kwestyon ni Zian at inaayos ang buhok. “Hmmm… Hahanap trabaho,” mahinahon na sabi ko. “Oh, is your salary here not enough?” Pinanlakihan ko si Zian ng mata. “Sabi ko huwag mo na akong sahuran, Zian—” “Hindi pwede ‘yon, E
=Elvira’s Point Of View= Pagkatapos no’n ay ramdam ko ang pagod sa aking katawan. Pagkatapos ng nangyari, humiga ako sa sofa at isiniksik ko ang mukha ko sa throw pillow. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa dami ng nangyari, pero parang gusto ko munang huminga nang malalim. Biglang lumapit si Zian, may dala pang bottled water at ngumisi sa akin habang nag-aayos ng buhok niya. “Wow, Elle. Mukha kang lantang gulay. Hindi ka pa ba nasasanay?” biro niya habang umupo sa tabi ko at inakbayan ako. Napairap ako sa kanya. “Puwede ba, Zian? Konting respeto naman sa pagod ko.” Ininom niya ang tubig at nag-angat ng kilay. “Respect? Eh, hindi mo nga masabi na ‘no’ kanina,” sabay tawa, halatang natutuwa sa pang-aasar. “Hay naku, tigilan mo na nga ako.” Binato ko siya ng throw pillow, pero sinalo lang niya iyon nang may ngiti, at mas lalo siyang lumapit sa akin. “Admit it, Elle,” bulong niya sa akin, hinahaplos ang buhok ko. “You enjoy it just as much as I do.” Tinulak ko siya nang
Isang linggo matapos ang mapang-asar na gabing iyon, dumating na rin ang pinakahihintay naming resulta ng board exam. Kabado ang bawat isa sa amin, at halos ayaw ko pang buksan ang email sa takot na baka hindi ko makuha ang inaasam-asam kong lisensya. Pero nang makita ko ang pangalan ko sa listahan ng mga pumasa, tumalon ako sa tuwa at napaiyak. Hindi pa ako nakakabawi sa emosyon ko nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Zian. “Engineer Elvira,” bati niya sa akin, ang tono niya ay parang hindi siya makapaniwala. “So, may lisensya ka na pala ngayon. Well, congratulations, ang taas pala ng standards ng PRC para ipasa ka.” Pabirong insulto niya, at alam kong sinusubukan niya lang ako asarin. “Talaga ba, Zian? Iyan talaga ang pambati mo sa akin?” sagot ko, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti. “Bakit, ano bang gusto mong marinig? Na proud ako sa’yo?” Napaka-playful ng tono niya, at narinig ko ang pamilyar niyang tawa. “Ayos lang naman, kahit nakapasa ka, hindi naman ibig
=Elvira’s Point Of View= Bago pa man siya makaalis ay biglang sumigaw si mama at lumapit. “Zian! Halika’t sumali ka sa celebration!” Umawang ang labi ko nang tangayin ni mama si Zian papasok sa loob. Ngumiti naman si Zian at nagpatangay, nang lingunin niya ako at mabilis niya akong kinindatan. Pagkapasok at nahihiya akong lumapit kay mama. “Ma naman… Kakatapos lang namin mag-dinner ni Zian, busog pa kami—” “Inuman naman ito,” mahinahon na bulong ni mama at nilingon si Zian upang ngitian. Ngunit nang makita ang mga bisita ay nahiya ako, dahil mumurahing alak lamang ang binili nila. Bagay na alam kong ni minsan ay hindi natikman ni Zian. “Oh nandito pala ang son-in-law ko! Congratulations!” lasing na sabi ni papa kaya lumabi ako. ‘Nakakahiya…’ “Ah, yes po… I just took her out on a date po,” nakangiting sabi ni Zian. “Osya! Tara inom! Maupo ka!” excited na sabi ni papa kaya napalunok ako. “Sure po, sure…” Naupo si Zian kaya napapailing akong tinitigan siya ngunit tuman