Limang minuto bago bumalik kaya naman napalunok ako dahil hindi ko sigurado kung iba na ba 'to. "Ayaw sumama, ikaw nga baka mas kilala ka." Utos nito kaya medyo nakatunog na ako na baka si Zai o si Traise 'to dahil hindi ko rin mabosesan. Naupo ito sa gilid ko kaya naman tumikhim ako, umayos ako ng upo at maya-maya ay sumunod ang isa pero hindi ko ito makilala. Nang lingunin ko sila ay sinenyasan ako na huwag magsalita kaya tumango ako. "Ayaw talagang sumama, anong sasabihin ko kay madam?" Lumunok ako, ibig bang sabihin no'n may record or tap wire dito sa bangka. "Tara na." Anyaya nila, it's not the typical boat that you have to row. It has electric that they have to pull, while on our way my hand was shaking unstoppable. Sobrang nag-aalala ako sa anak ko, that I can die just to save my baby. Huminga ako ng malalim dahil sumisikip ang dibdib ko sa kaba, ngunit natigilan ako ng may pasimpleng humawak sa kamay ko. Nang lingunin ko si Zai ay umiling siya sa akin, parang sin
Last Updated : 2024-10-06 Read more