Sumuko ka na Shane habang mag pagkakataon pa 😭
"K-Kung wala kang nagawang masama, Shane? Kung hindi ka naging ganito kasama? Ang masasabi ko lang mas minahal mo siya ng higit sa pagmamahal ko sa kaniya." Napatitig siya sa akin, ang itim ng mata niya ay magalaw. "K-Kasi ako? Wala akong i-ibang ginawa kundi pagdudahan siya, wala akong ibang ginawa kundi saktan siya, habang ikaw sinasaktan mo ang lahat para sa kaniya." Ngumisi ako sa sariling iniisip. "Nababaliw na ata ako kasi h-hindi na kita magawang kasuklaman," tumawa akong muli. "Shane, why d-do you have to settle for a guy like him?" Kwestyon ko at nilingon si Zai. "Tell me, why do you have to be like this when you deserve more?" Napatitig ng sobra sa akin si Shane at nang kumislap ang mata niya ay iniiwas niya ang tingin sa akin. "I'm sure, sa ganda mo na 'yan may magmamahal sa'yo ng higit pa hindi ka mababastos, hindi ka ikahihiya." Pumikit si Shane ng mariin at tsaka masama na muli akong tinignan. "Huwag mong sabihin 'yan!" "I-I don't like regretting things that
"Lauren!" Sigaw ni Shane nakikita ko ang mukha nila sa harapan ko. Ngunit nagpagulong gulong ako sa sakit ng ulo at tenga ko. "Lauren! Get a hold of yourself!" Habang naririnig ko ang boses niya ay naririnig ko ang maingay na tunog parang sirang mikropono. Sa pagmulat ko ay kumakalat na ang apoy. "Tumayo ka! Kailangan na nating umalis!" Sigaw ni Shane. "Mommy!" "Lauren ano ba!" Sigaw ni Shane at inilibot ang paningin sa umaapoy na paligid. "Tumayo ka! Lauren!!" Galit na galit si Shane at pilit akong itinatayo ngunit sobrang sakit ng tenga ko. "Ah!" "Ang sakit!" Sigaw ko. "Lauren! Mamatay tayo pag hindi ka tumayo!" Sigaw ni Shane at hinihila na ako. "N-No! Umalis na kayo! Umalis na kayo isama mo na ang anak ko! Um— ah!" Natakpan ko ang tenga. "Ano ba! Sasama ka! Hindi nga kita pinatay tapos papakamatay ka rito! Ang unfair!" Sigaw ni Shane.. "U-Umalis na kayo!" Sigaw ko. "Please! Ilabas mo na ang anak ko rito!" Umawang ang labi ni Shane. "Tanga ka ba ha! Sasama
Third Person's Point of View. Panay ang sigaw na ng lalake dahil sobrang mamahal ng gamot na 'yon, na nabasag dahil hindi sinasadya ni Lauren na mabangga ito dahil nga wala siyang nadidinig. Habang inaayos ni Zai ang scrub uniform niya ay nagulat siya ng makita na dumudugo na ang kamay ni Lauren na naalisan ng swero. At nakasalampak lang ito, nagmamadaling lumapit si Zai. "Ayaw mo bang naririnig na pinagsasabihan ka dahil sa kapabayaan mo?!" Lumapit si Zai kay Lauren. "I'm sorry sir, I will—" "Bakit ikaw ang nagsosorry! Siya ang bumangga sa akin dahilan para mabasag ang mga mamahaling gamot para sa kapatid ko! Mapapalitan niya ba 'yan?" Sumbat ng lalakeng nasa taong trenta anyos pa lamang. "Sinasabihan ko siya, kinakausap ko siya pero hindi siya nagsalita at tinakpan pa ang tenga niya!" Sinenyasan ni Zai ang mga nurse. "I will change it sir," maayos na pakiusap ni Zai at gamit ang gauze pad ay tinakpan niya ang naalis na swero ni Lauren. "Lauren—" he immediately st
Matagal akong tumulala sa kwarto hanggang sa nakatulog na ako, naalimpungatan na lang ako ng maramdaman ang pag-galaw sa paligid ko dahilan para magmulat ako ngunit unang tinignan ko ay ang orasan na bilog sa entrance. 2:00 AM? I slept that long? Nilingon ko naman si Zai na hawak ang alcohol at mukhang nagsa-sanitize siya, bumangon ako at dahan dahan na naupo. Napansin ko rin ang bagong swero na wala naman kanina bago ako natulog. I grabbed my phone to ask. =Zai Garcia= Lauren: You just got here? Pinanood ko naman siyang lingunin ako tapos ay tinignan ang cellphone niya, nangunot ang noo niya at halatang inaantok na siya. Zai: Yeah, katatapos lang ng operation. Lauren: Okay, rest. Ibinaba ko na ang cellphone ko at muling nahiga dahil dinadalaw pa rin ako ng antok, makalipas ang ilang minuto ay dinungaw ko si Zai at pasimpleng sinulyapan ngunit nakahiga siya sa sofa habang ang paa niya ay nakataas dahil hindi siya kasya at ang braso niya ay magka-krus. Naka
Kaya naman tinulungan ko na ang sarili kong kumain, habang kumakain ay natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko na tinangay ni Sierah sa kaniya kanina kaya naman nang tignan 'yon ni Zai ay nangunot ang noo niya bago tumayo para i-abot 'yon sa akin. Nang makita ang caller ay nangunot rin ang noo ko bago sinagot ang tawag. "Oh?" "Nakakarinig ka na? Kumusta ka?" Nangunot ang noo ko sa panimula niya. "I'm okay, bakit?" "Wala, I just heard from my people that you freaked out last night." "Yeah, I did. But please huwag mo na akong papasundan sa mga tao mo para lang ibalita kung okay na ako. Feels so uncomfortable," pagsasabi ko ng totoo. "Lauren, I'm sorry." Tumikhim ako ng mapansin ang tingin ni Sierah sa akin. "Si Shane?" Tanong ko. "She's inside the underground, they're going through a paglilisik." Huminga ako ng malalim. "Okay, ingat." Without further a do, I ended the call and ate my food. Habang kumakain ay nilingon ko si Sierah, "Baby, I have a question
Mula ng dumating siya sa buhay ko, sobrang nakakataba ng puso ang lahat ng pangyayari, but why did I only look on the bad side? Why didn't I trust him? What I did was wrong, Lahat na lang ng naidulot ko sa kaniya ay paghihirap at sakit. He looks better now, he look so okay without me. Without the problematic and over thinking wife. Napatigil ako at sinapo ang mukha ko, why do I feel lonely? "Lauren." But then I heard his voice, I heard his voice calling me by my name. "Why did I waste so much time?" Tanong ko. "Bakit g-ganito ako? I only regret things after i've done them. I only regret things after I lose them." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zai. "Life is full of regrets and we can't do anything because it happened already. Lauren, hindi lang sa'yo umiikot ang mundo at ibig sabihin no'n hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan." Napaiwas tingin ako ng tignan ng mga nurse. "Hinahabol ba niya si Zai?" "Siguro ay nakipaghiwalay si Doc sa kaniya?" Napairap ako. "Habo
"I am so greedy before anak, pero hindi ako nagsisising sinabi kong anak ka ni Vince dahil lumaki ka ng maayos sa poder nila." Matipid akong ngumiti. "Mahal na mahal kita, anak." She held my hands tightly. "Gawin mo ang lahat, upang hindi tuluyang masira ang pamilya mo at magaya sa'yo ang panganay mo. Masakit panoorin na binubuyo sila dahil hiwalay ang magulang nila," nang sabihin niya 'yon ay naluha ako. "Alam n-niyo na po na wala na kami ni Zai?" Nang itanong ko 'yon ay napabangon ang ulo niya. "W-Wala na kayo? I-I mean yung kasal niyo?" Tumango ako. "Sa isang pagsasama, normal na mag-away kayo kahit araw araw pa anak. Pero kung naghiwalay kayo dahil parehas kayong nasasaktan mali 'yon, maling magdesisyon gamit ang nararamdaman." Peke akong ngumiti. "I guess you're right mom, I'm already regretting." Nang maramdaman ko ang hawak ni mom sa braso ko ay nilingon ko siya. "It's not yet too late, maayos niyo pa. Lower your guards." Huminga ako ng malalim at umiling.
"Yeah, are you hungry?" Napatitig ako sa mukha ni Zai nang nakangiti niya kaming hinarap dahilan para sapuin ko ang sariling sintido. What's happening? "Daddy don't forget our dessert, my favorite ice cream!" Itinaas ko ang ulo at tinignan ko sila both of them look happy. "N-Nababaliw na ba ako?" Kwestyon ko at napailing iling bago lumapit. "Why mommy? Why are you looking at us like that? Did you and daddy fought?" Nangunot ang noo ko sa tanong ng anak ko. "What? W-What a-are you talking about?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at takang taka ako ng pati kurtina ay iba, pati na punda ng mga throw pillows. Was that all a dream? "Sierah, get inside your room." Maayos na pakiusap ko. "Mommy breakfast is getting ready na po," nakangusong reklamo niya kaya tinignan ko ang kamay ko. "Am I dreaming?" Kwestyon ko, nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako pumunta sa sink to rinse off my face so I could woke up but nothing happened. "Zai, pinch me." Mariing sabi ko nguni
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= [2 Years Later…] “Pa naman! Yung shoes mo kasi!” bulyaw ko kay papa nang bababa na kami ng Van sa bagong bahay na binili ko sa Pinas. Graduating na kasi si Clayn na naisipang magpaiwan sa Pinas. “Tsk, sandali kasi anak…” “Jusmiyo! Nagkapera na’t yumaman balasubas pa rin ang ugali!” bulyaw ni mama at hinampas si papa sa likod kaya napangiti ako. “Papa magagalit na naman si Clayn kapag na-late ka! Sino sasama sa kanyang umakyat!” reklamo ko at nagmamadaling kinuha ang susi sa bantay ng bahay na binili ko dito. “Sa car na!” natatarantang sabi ko ngunit bago pa man makasakay ay tumigil ang isang simpleng sasakyan sa harap ng bahay. Nang bumaba ang driver no’n ay nanlaki ang mata ko ngunit nangunot ang noo niya. “Nagmamadali kayo ate?” “Oh! Gagraduate ka di ba?!” gulat na sabi ko. “Luh? Bukas pa oy. Utak mo nasa ibang bansa pa,” singhal niya kaya napahinto ako. ‘Seryoso ba?’ Nakahinga ang lahat ng maluwag kaya naman napakamot ako sa sintido at
Zian’s Point Of View Napamulat ako nang maramdaman ang kakaibang kirot sa binti ko, bahagyang nanlabo ang mata ko ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Elle na lumantad sa harapan ko. Tila kanina lang… “Ah, hmm..” It was even hard for me to speak… “Zian?” “Anak?!” Sunod kong pagkurap ay lumantad ang mukha ng magulang ko. Napapikit akong muli baka lumantad ang mukha na hinihintay ko. “M-Mom… S-Si Elle?” mahinang sabi ko at nahirapang igalaw ang braso ko kahit binti. “She’s not here, son…” sagot ni dad, nangunot ang noo ko at pinilit bumangon. ‘That’s impossible. I know I’m not hallucinating when I saw her…’ “I just saw her dad, just a while—” “A while? You’ve been asleep for three days…” mahinahon na sabi ni dad at tinuro ang paa ko. “You can’t even walk until we remove this cement.” ‘Three days?’ “She didn’t visit me?” pabulong kong tanong. Bahagya pa ngang namaos ang boses ko dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. “She didn’t…” sa sagot nila ay labis akong nas
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Nagmadali kong sinundan ang emergency address ng cellphone niya. Pero papunta na sa ospital ang location ng cellphone niya dahilan para sumunod ako doon. Pagkarating ay napalunok ako nang makita siyang nasa stretcher at duguan. Humabol ako habang hinahapo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman. ‘Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapano man siya…’ Inasikaso siya kaagad ng mga doctor at nang lalapit na sana ako ay mabilis akong hinarang ng mga pulis. “Sino sila ma’am?” “T-The girlfriend, a-anong nangyari?” kinakabahang sagot ko. Napaghawak ko ang dalawang kamay. “Ma’am, hindi pa kami makakapagbigay ng buong detalye. Pero ayon sa initial report, may nangyaring habulan sa may 7th Alley Street at nadamay ang sasakyan ng boyfriend niyo,” paliwanag ng pulis habang sinusulyapan ang dugong nakapahid sa gilid ng braso ko—hindi ko man lang namalayan na nagkaroon ako ng dugo ni Zian habang sinusubukan siyang lapitan kanina. Nanlabo ang paningin ko. Par
=Elvira’s Point Of View= Sumunod na araw ay tila gulo ang namagitan sa pamilya ko. Pagkalito, mga kwestyon na hindi masagot ng totoo. “Ang tanong ko bakit biglaan ang alis natin? Gumaganda na ang buhay natin dito oh!” gitil ni mama sa harapan ni papa. Para akong isang manekin sa harapan nila, nakatulala lang sa palitan at batuhan nila ng mga salita. “Mas gaganda naman ang buhay natin doon, mas tahimik—” “Hindi ‘yon! Bakit biglaan nga ang alis! Hindi mo nasasagot ang tanong ko! We’re already settling down again! So why leave?” nauubos pasensyang sabi ni mama kaya napapikit ako ng mariin. “It’s because of me, ma.” Sumingit na ako sa pagitan nila para hindi na sila magtalo pa. “Elle? Bakit ikaw?” tanong ni mama, naguguluhan. “Zian and I broke up,” mahinahon na sabi ko. Napahinto siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Hindi siya nakasagot at napasulyap kay papa. “May pera naman ho ako kung ‘yon ang problema, mas gaganda rin ang buhay natin sa ibang bansa. Malaki an
=Elvira’s Point Of View= I prepared a resignation letter. I have 5 days left and I don’t want to leave my work hanging. Pumunta ako sa opisina upang magpasa ng resignation letter at alam kong makikita ko siya. Pagkapasok sa office at taas noo akong lumapit sa desk niya. Unti-unti na nagsalubong ang kilay niya nang makita ako after two days. Marahan ko namang inilapag sa harapan niya ang resignation letter at doon siya napahinto. “What’s this?” malamig niyang sabi. “I’m resigning,” sobrang hina kong sabi. Nang salubungin ko ang mata niya ay napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya. Huminga siya ng malalim. “Pati trabaho madadamay? Aren’t you being too immature, Elle?” nauubos pasensya niyang sabi kaya umiwas tingin ako. “Ang tagal mong pinaghirapan makapagtapos, para makakuha ng ganito ka-stable na trabaho. Pero dahil hiniwalayan mo ‘ko, pati ito iiwan mo?” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Answer me, Elle. Ano bang nangyayari sa’yo? I can understand if you’r
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid.
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m