Will update a few later
"I am so greedy before anak, pero hindi ako nagsisising sinabi kong anak ka ni Vince dahil lumaki ka ng maayos sa poder nila." Matipid akong ngumiti. "Mahal na mahal kita, anak." She held my hands tightly. "Gawin mo ang lahat, upang hindi tuluyang masira ang pamilya mo at magaya sa'yo ang panganay mo. Masakit panoorin na binubuyo sila dahil hiwalay ang magulang nila," nang sabihin niya 'yon ay naluha ako. "Alam n-niyo na po na wala na kami ni Zai?" Nang itanong ko 'yon ay napabangon ang ulo niya. "W-Wala na kayo? I-I mean yung kasal niyo?" Tumango ako. "Sa isang pagsasama, normal na mag-away kayo kahit araw araw pa anak. Pero kung naghiwalay kayo dahil parehas kayong nasasaktan mali 'yon, maling magdesisyon gamit ang nararamdaman." Peke akong ngumiti. "I guess you're right mom, I'm already regretting." Nang maramdaman ko ang hawak ni mom sa braso ko ay nilingon ko siya. "It's not yet too late, maayos niyo pa. Lower your guards." Huminga ako ng malalim at umiling.
"Yeah, are you hungry?" Napatitig ako sa mukha ni Zai nang nakangiti niya kaming hinarap dahilan para sapuin ko ang sariling sintido. What's happening? "Daddy don't forget our dessert, my favorite ice cream!" Itinaas ko ang ulo at tinignan ko sila both of them look happy. "N-Nababaliw na ba ako?" Kwestyon ko at napailing iling bago lumapit. "Why mommy? Why are you looking at us like that? Did you and daddy fought?" Nangunot ang noo ko sa tanong ng anak ko. "What? W-What a-are you talking about?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at takang taka ako ng pati kurtina ay iba, pati na punda ng mga throw pillows. Was that all a dream? "Sierah, get inside your room." Maayos na pakiusap ko. "Mommy breakfast is getting ready na po," nakangusong reklamo niya kaya tinignan ko ang kamay ko. "Am I dreaming?" Kwestyon ko, nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako pumunta sa sink to rinse off my face so I could woke up but nothing happened. "Zai, pinch me." Mariing sabi ko nguni
"Sierah, if it's easy this will not happen. Your dad is already stable and so I am, hindi ganoon kadaling ayusin ang relasyon anak—" "Then mommy you could take a vacation to fix yourself, I heard from lola that lolo left to fix himself and came back." Nakangusong sabi ni Sierah kaya mahina akong natawa. "The love they have is different from ours baby, lola is a brave woman. While I'm weak and scared," huminga ako ng malalim. "Lola fought for her love ones, and I left my love ones, hurt them, blame and a lot more." I added, pinantayan ko ang tangkad ni Sierah. "My love for your dad is not as strong as before—" "But still mommy, you admitted you still love daddy po. The case is it's not that strong but you love him." Nang sabihin niya 'yon ay nasamid ako, mali masyadong matalino ang mga bata ngayon putek. "As long as you love daddy, even if it's weak it will work. What if daddy's love is strong? He can give you energy," napakamot ako sa sintido ko sa explanation niya. "Minsan hini
After 2 Months.. Nakapamewang kong tinitigan ang mga pinamiling pasalubong sa kanila dahil nanatili ako sa ibang bansa halos palipat lipat ako ng bansa ngunit mas nagtagal ako sa side ni Daddy Vince sa London. Kinuha ko ang kahon ng sapatos at tsaka ako huminga ng malalim, sakto kaya 'to sa paa niya? Magagamit niya 'to kahit na nasa ospital siya. Inabot ko naman ang isang puting suit na babagay sa kaniya tsaka ko inabot ang designer's dress ni Sierah for her birthday. Maya-maya ay may kumatok sa kwarto kaya naman hinayaan kong pumasok 'to. "Use a box and use your parents private plane, Lauren." Nangunot ang noo ko at tinitigan si Traise na nandito. "I actually don't get it, why are you here and telling me to go home already?" Ngumisi na lang siya sa akin bago siya nagkibit balikat. "I won't like it if Zai will see us together." Seryosong sabi ko. "Just pack, you'll thank me later." Sagot niya at nilihis ang polo na suot. "Fine, get out." Tumawa siya at sumunod rin,
Inilabas at iginala ko lang si Sierah, halos desserts ang mga kinain namin kung kaya't habang naglalakad kaming dalawa at magkahawak ang kamay ay tumigil siya dahilan para tumigil rin ako. Pinanood ko siyangt tingalain ako. "Mommy, are you happy that you're with us again?" Tinitigan ko ang mukha niya bago ako dahan dahan na tumango upang maunawaan niya. "'Cause daddy told me that, once something's over I should accept it in order for you to be happy." Mahina akong natawa at naglakad na kasama siya. "Your dad told you that huh, how about we buy cotton candy?" Suhestyon ko na ikinalaki ng mata niya. "Yes mommy!" Bumili ako ng cotton candy na mukhang teddy bear ang hugis dahil ginawa pa ito ng vendor, nang i-abot ko kay Sierah 'yon at 'yon ring pagkakataon ko upang tignan kung anong oras na at napagtanto ko na alas nuebe na rin pala at mamaya ay kailangan na namin umuwi dahil gabi na. Tapos na kaya ang duty niya? As we walk further, tumigil ako sa harap ng isang jewerly stor
"Kidnap?" Tanong ko. "Sounds like," wika niya. "Gago." Bulong ko. "Ba't mo gagawin 'yon? Ba't mo ginawa 'yon?" Nagtatakang tanong ko. "Seriously, why are you guys so slow." Inis na sabi ni Traise. "Premature baby siya, 8 months." Nang sabihin 'yon ni Traise ay hindi ako nagsalita at nakinig lang. Traise's Point of View. Binalikan ko ang nangyari sa nakaraan, sa kung papaano ko kinuha ang bata na buhat buhat ni Zai ngayon. Tahimik kong sinundan si Shane sa hotel room niya ngunit sa veranda niya ako dumeretso upang magmasid sa mga plano niya, hanggang sa marinig ko ang kausap niya sa cellphone. "It's a newborn baby, just inject a few dosage and it'll die. Hindi kailangan ng effort, you just need to do it. Isang milyon na ang kapalit ano pa bang mahirap?" Are they talking about Lauren's baby? Balak niya bang ipapatay ang bata? "Just do it later at night! Hindi naman malalaman ni Lauren dahil hindi siya doctor, gawin mo lang 'yan pag wala si Zai." Umawang a
Lauren's Point of View. Tinitigan kong muli ang bata at nakikita ko nga ang facial features na nakuha niya kay Zai, mostly his dimples that shows. Tinignan kong muli si Traise. "You're kidding," wika ko. How can I not notice that day that it's not my son? Right? Impossible. "I'm stating facts, the night you had an ultrasound the night I visited you and the night you get to see the nurse. Iba na ang bata na nandoon." Napaiwas tingin ako dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Then who's the kid who died? Whose baby is it?" "That kid was about to die, he was left on streets for three days and he's a premature baby." He explained, it enlightens me yet it's hard to believe. "This is my son?" Napatitig ako kay Zai ng iharap niya sa kaniya ang bata. "Kung anak ko 'to ba't ngayon mo lang sinabi?" Kwestyon ni Zai. "I waited, until no one can harm him again. Natagalan dahil naabala rin ako sa underground at kaya sinundo ko na si Lauren dahil balak ko itong ipaalam n
Ngumiwi siya at nag-iwas tingin. "Sa'yo ko kaya gawin ha? Sabihin ko anak ko talaga si Laze, napaka-G-A-G-O mo." Bumungisngis si Ate Mia ng sumeryoso si Kuya Luke. Pasimple nitong pinakyuhan si Zai kaya natawa ako. "Oh 'di ba kinabahan ka do'n." Ngumisi na lang ako at tinitigan ang batang hawak ko. "I can't explain how happy I am, should we buy you a toy hmm?" Sa pangangausap ko kay Ian Zachary ay tumawa lamang ito kaya napangiti ako lalo. "So pa'no ba 'yan? Comeback?" Nalingon ko si Kuya Luke. "Comeback?" Kwestyon ko. "Balikan? Kayo?" Nangunot ang noo ko. "Bakit po?" "I mean sabi mo babalikan mo lang siya kung maibabalik si Ian Zachary. Ayan, hawak mo." Itinuro pa niya ito kaya napalunok ako. "W-When did I—" "Huwag pilitin, mas unahin muna ang mga bata." Pagputol ni Zai sa sasabihin ko. "Malapit na ang birthday ni Sierah, paghahandaan pa 'yon pati na ang binyag ni Zian." Tumaas amg kilay ko sa sinabi ni Zai. "Zian?" Kwestyon ko. "Tatlong letra nga l
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka