Will update one later!
Matagal akong tumulala sa kwarto hanggang sa nakatulog na ako, naalimpungatan na lang ako ng maramdaman ang pag-galaw sa paligid ko dahilan para magmulat ako ngunit unang tinignan ko ay ang orasan na bilog sa entrance. 2:00 AM? I slept that long? Nilingon ko naman si Zai na hawak ang alcohol at mukhang nagsa-sanitize siya, bumangon ako at dahan dahan na naupo. Napansin ko rin ang bagong swero na wala naman kanina bago ako natulog. I grabbed my phone to ask. =Zai Garcia= Lauren: You just got here? Pinanood ko naman siyang lingunin ako tapos ay tinignan ang cellphone niya, nangunot ang noo niya at halatang inaantok na siya. Zai: Yeah, katatapos lang ng operation. Lauren: Okay, rest. Ibinaba ko na ang cellphone ko at muling nahiga dahil dinadalaw pa rin ako ng antok, makalipas ang ilang minuto ay dinungaw ko si Zai at pasimpleng sinulyapan ngunit nakahiga siya sa sofa habang ang paa niya ay nakataas dahil hindi siya kasya at ang braso niya ay magka-krus. Naka
Kaya naman tinulungan ko na ang sarili kong kumain, habang kumakain ay natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko na tinangay ni Sierah sa kaniya kanina kaya naman nang tignan 'yon ni Zai ay nangunot ang noo niya bago tumayo para i-abot 'yon sa akin. Nang makita ang caller ay nangunot rin ang noo ko bago sinagot ang tawag. "Oh?" "Nakakarinig ka na? Kumusta ka?" Nangunot ang noo ko sa panimula niya. "I'm okay, bakit?" "Wala, I just heard from my people that you freaked out last night." "Yeah, I did. But please huwag mo na akong papasundan sa mga tao mo para lang ibalita kung okay na ako. Feels so uncomfortable," pagsasabi ko ng totoo. "Lauren, I'm sorry." Tumikhim ako ng mapansin ang tingin ni Sierah sa akin. "Si Shane?" Tanong ko. "She's inside the underground, they're going through a paglilisik." Huminga ako ng malalim. "Okay, ingat." Without further a do, I ended the call and ate my food. Habang kumakain ay nilingon ko si Sierah, "Baby, I have a question
Mula ng dumating siya sa buhay ko, sobrang nakakataba ng puso ang lahat ng pangyayari, but why did I only look on the bad side? Why didn't I trust him? What I did was wrong, Lahat na lang ng naidulot ko sa kaniya ay paghihirap at sakit. He looks better now, he look so okay without me. Without the problematic and over thinking wife. Napatigil ako at sinapo ang mukha ko, why do I feel lonely? "Lauren." But then I heard his voice, I heard his voice calling me by my name. "Why did I waste so much time?" Tanong ko. "Bakit g-ganito ako? I only regret things after i've done them. I only regret things after I lose them." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zai. "Life is full of regrets and we can't do anything because it happened already. Lauren, hindi lang sa'yo umiikot ang mundo at ibig sabihin no'n hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan." Napaiwas tingin ako ng tignan ng mga nurse. "Hinahabol ba niya si Zai?" "Siguro ay nakipaghiwalay si Doc sa kaniya?" Napairap ako. "Habo
"I am so greedy before anak, pero hindi ako nagsisising sinabi kong anak ka ni Vince dahil lumaki ka ng maayos sa poder nila." Matipid akong ngumiti. "Mahal na mahal kita, anak." She held my hands tightly. "Gawin mo ang lahat, upang hindi tuluyang masira ang pamilya mo at magaya sa'yo ang panganay mo. Masakit panoorin na binubuyo sila dahil hiwalay ang magulang nila," nang sabihin niya 'yon ay naluha ako. "Alam n-niyo na po na wala na kami ni Zai?" Nang itanong ko 'yon ay napabangon ang ulo niya. "W-Wala na kayo? I-I mean yung kasal niyo?" Tumango ako. "Sa isang pagsasama, normal na mag-away kayo kahit araw araw pa anak. Pero kung naghiwalay kayo dahil parehas kayong nasasaktan mali 'yon, maling magdesisyon gamit ang nararamdaman." Peke akong ngumiti. "I guess you're right mom, I'm already regretting." Nang maramdaman ko ang hawak ni mom sa braso ko ay nilingon ko siya. "It's not yet too late, maayos niyo pa. Lower your guards." Huminga ako ng malalim at umiling.
"Yeah, are you hungry?" Napatitig ako sa mukha ni Zai nang nakangiti niya kaming hinarap dahilan para sapuin ko ang sariling sintido. What's happening? "Daddy don't forget our dessert, my favorite ice cream!" Itinaas ko ang ulo at tinignan ko sila both of them look happy. "N-Nababaliw na ba ako?" Kwestyon ko at napailing iling bago lumapit. "Why mommy? Why are you looking at us like that? Did you and daddy fought?" Nangunot ang noo ko sa tanong ng anak ko. "What? W-What a-are you talking about?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at takang taka ako ng pati kurtina ay iba, pati na punda ng mga throw pillows. Was that all a dream? "Sierah, get inside your room." Maayos na pakiusap ko. "Mommy breakfast is getting ready na po," nakangusong reklamo niya kaya tinignan ko ang kamay ko. "Am I dreaming?" Kwestyon ko, nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako pumunta sa sink to rinse off my face so I could woke up but nothing happened. "Zai, pinch me." Mariing sabi ko nguni
"Sierah, if it's easy this will not happen. Your dad is already stable and so I am, hindi ganoon kadaling ayusin ang relasyon anak—" "Then mommy you could take a vacation to fix yourself, I heard from lola that lolo left to fix himself and came back." Nakangusong sabi ni Sierah kaya mahina akong natawa. "The love they have is different from ours baby, lola is a brave woman. While I'm weak and scared," huminga ako ng malalim. "Lola fought for her love ones, and I left my love ones, hurt them, blame and a lot more." I added, pinantayan ko ang tangkad ni Sierah. "My love for your dad is not as strong as before—" "But still mommy, you admitted you still love daddy po. The case is it's not that strong but you love him." Nang sabihin niya 'yon ay nasamid ako, mali masyadong matalino ang mga bata ngayon putek. "As long as you love daddy, even if it's weak it will work. What if daddy's love is strong? He can give you energy," napakamot ako sa sintido ko sa explanation niya. "Minsan hini
After 2 Months.. Nakapamewang kong tinitigan ang mga pinamiling pasalubong sa kanila dahil nanatili ako sa ibang bansa halos palipat lipat ako ng bansa ngunit mas nagtagal ako sa side ni Daddy Vince sa London. Kinuha ko ang kahon ng sapatos at tsaka ako huminga ng malalim, sakto kaya 'to sa paa niya? Magagamit niya 'to kahit na nasa ospital siya. Inabot ko naman ang isang puting suit na babagay sa kaniya tsaka ko inabot ang designer's dress ni Sierah for her birthday. Maya-maya ay may kumatok sa kwarto kaya naman hinayaan kong pumasok 'to. "Use a box and use your parents private plane, Lauren." Nangunot ang noo ko at tinitigan si Traise na nandito. "I actually don't get it, why are you here and telling me to go home already?" Ngumisi na lang siya sa akin bago siya nagkibit balikat. "I won't like it if Zai will see us together." Seryosong sabi ko. "Just pack, you'll thank me later." Sagot niya at nilihis ang polo na suot. "Fine, get out." Tumawa siya at sumunod rin,
Inilabas at iginala ko lang si Sierah, halos desserts ang mga kinain namin kung kaya't habang naglalakad kaming dalawa at magkahawak ang kamay ay tumigil siya dahilan para tumigil rin ako. Pinanood ko siyangt tingalain ako. "Mommy, are you happy that you're with us again?" Tinitigan ko ang mukha niya bago ako dahan dahan na tumango upang maunawaan niya. "'Cause daddy told me that, once something's over I should accept it in order for you to be happy." Mahina akong natawa at naglakad na kasama siya. "Your dad told you that huh, how about we buy cotton candy?" Suhestyon ko na ikinalaki ng mata niya. "Yes mommy!" Bumili ako ng cotton candy na mukhang teddy bear ang hugis dahil ginawa pa ito ng vendor, nang i-abot ko kay Sierah 'yon at 'yon ring pagkakataon ko upang tignan kung anong oras na at napagtanto ko na alas nuebe na rin pala at mamaya ay kailangan na namin umuwi dahil gabi na. Tapos na kaya ang duty niya? As we walk further, tumigil ako sa harap ng isang jewerly stor
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.