All Chapters of One Night Stand With The Mysterious Billionaire : Chapter 21 - Chapter 30

96 Chapters

Chapter 21

Nagulat si Sierra sa sariling ideya. Natutop niya ang bibig at sumulyap muli sa asawang payapang natutulog. Hindi naman siguro niya gagawin iyon, hindi diba? Ano namang mapapala niya kung magpapanggap siya? Paraan saan ang pagpapanggap kung sakali? Umiling si Sierra upang waglitin sa isipan ang ideyang iyon. Hindi niya dapat pinag-iisipan ng ganoon ang asawa lalo’t nasa ganoong sitwasyon iyon. Wala naman sigurong gugustuhin na nakaratay lang sa higaan ng halos kalahating taon, ‘no? Ngunit sa patuloy niyang panonood sa asawa ay hindi talaga mawala ang isiping iyon sa kanyang utak. Kaya naman ay tumayo siya at pumunta muna ng banyo upang maglinis ng katawan. Nang matapos siya ay tumabi siya sa asawa upang magpahinga na. Ngunit ang ideya kanina ay pilit pa ring bumabagabag sa kanya at mukhang walang balak na patahimikin siya. Kaya naman bumangon siya at lakas-loob na hinarap ang asawa. Kagat-labi siyang nagbuntong-hininga. “Kung talagang nagpapanggap ka lang, malalaman ko…” D
last updateLast Updated : 2024-08-15
Read more

Chapter 22

“Hmm… mabuti naman kung ganoon,” anang doktor na may himig ng pagdududa. “You must be wondering why I came so early today than yesterday, that's because Marco has an exercise to do today.” Kumunot ang noo ni Sierra sa narinig. Ehersisyo? Paano naman nag-i-ehersisyo ang imbalidong tao? Bago pa man siya makapagtanong ay mayroon na agad kasagutan ang doktor. Hindi niya tuloy malaman kung ano ba talaga ang propesyon ng taong ito, doktor ba o mind reader. “Mayroong gym na nakalaan lamang sa kanya. Kailangan niyang mag-ehersisyo ng tatlo o dalawang beses sa isang linggo para ma-mentain ang pisikal niyang kalusugan. May nurse tayong kasama, kami muna ang magsasagawa, all you have to do is watch because you will be the one doing those things one of these days.” Mahaba at seryoso nitong sinabi. Habang sinasabi nito iyon ay tulalang napasapo si Sierra sa kanyang noo. Iyon naman pala ang dahilan kung bakit firm at elastic ang mga braso nito! Hindi dahil nagpapanggap lang! Mabuti na la
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more

Chapter 23

Hindi pinansin ni Sierra ang sarkasmo sa tono ni Adriana. Tumungo na lamang siya sa kanyang cellphone at naglaro. Nanlaki ang butas ng ilong ni Adriana nang inignora siya ni Sierra, nagpalingon-lingon pa siya dahil baka may ibang nakikita sa pagkakapahiya niya sa babaeng ito. Kaya para makabawi rito ay tiningnan niya ang cellphone nito at mabilis sanang hahablutin ang telepono, ngunit alam niya ang likaw ng bituka ni Adriana kaya alam niyang mangyayari talaga ito. Kaya naman mabilis niyang iniwas ang kamay na may hawak sa telepono at saka buryong nag-angat ng tingin. “Hindi ka pa ba nadadala sa nangyari sa'yo noong nakaraan?” Tukoy nito sa pangyayari sa mansyon. “Ikaw…” Sa galit ni Adriana ay inangat niya ang kanyang kamay upang saktan si Sierra. Ngunit biglang tumayo si Sierra sa harapan ni Adriana, agad itong napapiksi at humakbang paatras dahil akala nito'y susunggaban ito ni Sierra. Pero hindi, bagkus ay malamig lamang ang mata nitong tumingin sa kanya, nakaramdam ito ng
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more

Chapter 24

Makalipas ang halos kinse minutong paghihintay ay wala pa ring ni anino ni Mr. Garcia ang lumalabas. Humugot ng hangin mula sa bibig si Sierra at nagpasyang tumayo at itanong sa front desk kung anong oras ba talagang lalabas ang taong hinihintay. Kadalasan kasi rito sa Audrey's Clothing ay kapag may naghihintay ay kailangan iyong harapin nang hindi ganoong katagal kaysa paghintayin ang tao. At sa kaso niya ay masyado ng matagal ang kinse minuto ng paghihintay. Sa ikalawang pagkakataong nagtanong siya ay sinabihan lamang siya ng mga ito na nasa mahalagang meeting lamang si Mr. Garcia o kaya naman may katawagan ito sa telepono. Kailangang hintayin ng ilang minuto pa. Naintindihan ni Sierra iyon, ngunit makalipas pang muli ang mga minuto at sa tuwing nagtatanong siya ay tanging iyon lamang ang sagot ng nasa front desk ay doon na siya nagduda at dismayadong napailing. Hindi naman tanga si Sierra upang hindi maintindihan ang mga ito. Sa paraan pa lamang ng aroganteng pagngisi ni Ad
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

Chapter 25

Kalmado lamang na huminga si Sierra at tumango. “Yes, Mr. Evan. You see, my hands are occupied, I cannot pick them by myself.” Kumurap-kurap si Evan, ang buntas ng ilong ay lumalaki na at anumang oras ay handa na siyang kaladkarin ang babaeng ito palabas ng kompanyang ito. “You, how dare you—” inangat ni Evan ang kamay upang bigyan ng leksyon si Sierra. Ngunit inignora lamang siya ni Sierra at sinabing. “Ang inutos sa akin ng director ay ayusin ang mga papel na ito at hindi ang pagpupulot ng mga nahulog. So if you want me to finish these and add another, please do it now.” Ayaw man ni Sierra maging tunog arogante ngunit hindi niya hahayaan ang sariling apihin sa kompanyang pagmamay-ari mismo ng kanyang ama at nakamkam lang ng mga halang ang kaluluwa. Msyadong marami ang papel na kailangan niyang ayusin kaya naman nang sumapit ang alas quatro ay dinala na niya ang iba sa bahay. Tutal ay may pahintulot naman siya mula sa director na dadalhin ang ibang trabaho sa mismong ba
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

Chapter 26

Nanigas si Morgan sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses ni Sierra sa kanyang likod. Ngunit agad din naman itong nakabawi dahil sa tagal na niya sa industriyang ito ay nagkaroon na siya ng kakayahang um-adapt sa mga pagbabago. Kaya naman agad niyang pinalitan ng kalmado ang taranta sa kanyang mukha. “Ang mga kontratang nasa kamay ko ay pagmamay-ari ni Mr. Marco Montezides,” wala sa sarili nitong tanong, wala pang emosyon ang mukha nito. “Ito ang kontratang nakaplano ng pipirmahan niya kasama si Mr. Slyvio Narvaez bago mangyari ang insidente.” Itinaas pa ni Morgan ang hawak na mga dokumento upang ipakita kay Sierra, isang beses namang tumango ang babae. “At ayon din sa aking kaalaman, Madame… nakakatulong raw sa taong imbalido ang kinakausap lalo kung ito'y tungkol sa mga pangyayari bago ang aksidente. Kaya po binabasa ko sa kanyang tabi ang mga nakalagay sa papel na iyon.” Nabunutan ng tinik sa lalamunan si Sierra. Akala pa naman niya ay sinabi na ng sekretaryang ito ang m
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

Chapter 27

Nang tuluyang makaalis si Sierra ay ang nurse ang nakatokang magbantay sa may pintuan habang ibinabalita ni Morgan ang mga bagay-bagay kay Marco. Nakasandal ang ulo ni Marco sa headboard ng kanilang kama habang pinipirmahan ang huling dokumento. Nang matapos ay nag-angat siya ng tingin kay Morgan. “Ano ng balita sa pinapagawa ko sa'yo?” Tanong niya. Alam ni Morgan na ang tinutukoy ni Marco ay ang pag-i-imbestiga niya ng katauhan ng asawa nito. Si Sierra Montalban. “Limang taon na ang nakalilipas ay naging malubha ang sakit ni Sierra Montalban kaya naman. Napagkadesisyuhan ng pamilyang Montalban na dalhin na sa ibang bansa ang kanilang anak upang mas matutukan ng mga eksperto roon. Ngayon ayon ay sa tingin ko'y palabas lamang nila na magpagamot sa ibang bansa pero ang totoo ay buntis ito ay doon lang manganganak. Alam mo ‘yon, para maiwasan ang eskandalo sa pamilya.” Mahabang salaysay ni Morgan. Blankong napatitig si Marco kung saan. “Sino ang ama ng bata?” “Malamang ay si
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 28

Marahang umiling si Peter. “There is no need, sister. I have already made a reservation. Ikaw ba…” Sandaling huminto si Peter bago nagpatuloy. “Sa mansyon ng mga Montezides ka na ba nakatira ngayon?” Saglit na tumingin si Sierra sa mga mata ng kapatid bago tumango. Alam ni Peter Montalban na imposible na niyang mapigilan pa ang kapatid sa galit nito. Hindi nito iyon magawa noon dahil wala siyang kapasidad, kaya ngayong asawa na siya sa isa sa pinakama-impluwensyang tao sa bansa ay madali na lamang sa kanya ang lahat. Hindi nagtagal ay pumasok na rin sila sa sasakyan. Kumain muna silang tatlo bago nila inihatid si Peter sa tutuluyan nitong hotel. Sa daan pauwi ay pinaalalahanan ni Sierra si Sathalia na huwag magpasaway at makipagkaibigan sa kanyang Kuya Sylvester. Nang marinig ang ‘Kuya Sylvester', nanlaki ang bilog na mata ni Sathalia, sumasayaw ang kasiyahan at kasabikan doon. Paulit-ulit na tumango ang at hanggang sa makarating sa bahay ay hindi ito natahimik sa katatanong
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 29

Ang akala ni Sierra ay siya lang ang makakapansin sa bagay na iyon. Ayaw naman niyang sabihin ito sa matanda dahil baka kung ano pa ang masabi nito. Ngayong mismo ang Senyora na ang nakapansin, isang pangahas na kuro-kuro ang sumagi sa kanyang isip. Si Sylvester ay kasing edad lamang ni Sathalia, parehong-pareho ang hulma ng mukha ng mga ito. Kung walang nakakaalam ng totoo ay isang daang porsyentong mapagkakamalang identical twins ang mga ito. Hindi kaya ay hindi talaga patay ang sanggol niya? Hindi kaya’y inanod lamang ito ng malaking alon at nasagip din kagaya niya, ibinigay sa bahay ampunan at naampon ng pamilya Montezides? Bumuhos ang kaba sa dibdib ni Sierra sa mga naiisip na posibilidad. Nakaramdam siya ng pagka-excite ngunit kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Nakangiti siyang sumagot sa Senyora. “Baka nagkataon lang po, Grandma…” Tumango lamang ang Senyora na may magandang ngiti sa mga labi. Ang mga mata nitong singkit ay halos hindi na makita sa sobrang pagng
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more

Chapter 30

Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra hindi dahil maaga talaga siyang nagigising kundi dahil may nanggising sa kanya. Si Sathalia. Ang anak niyang pinangangambahan pa niyang maninibago sa klima ng bansa at magkaka-jet lag ngunit hindi. Bagkus ay para itong nakalaklak ng daang bitamina dahil sa sobrang ligalig. “Mommy! Mommy! Wake up! Wake up already! I'm going to school with my big brother! Hurry up! We're running late!” Atat na hinila ni Thalia ang kamay ni Sierra papasok sa banyo. Halos humiwalay pa nga ang kaluluwa ni Sierra sa kanyang katawan nang mabuhusan ng malamig na tubig na nanggagaling sa shower head. Pinindot na pala ito ng anak. Ngumisi lamang ang makulit na bubwit at nag-peace sign. Ang nangyari ay imbes na ang anak lang ang paliliguan ay nasali na rin siya. Pagkatapos maligo at magbihis, bumaba na ang mag-ina upang mag-agahan. Kahit kaliligo pa lang ni Sierra napapahikab pa rin siya, ngunit itong anak niya, parang hindi dumaan sa pagtulog! “Good morning
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status