Home / Romance / Reject his child / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Reject his child : Chapter 21 - Chapter 30

74 Chapters

Chapter 21

IBINALIK ko ulit ang cellphone sa tote bag na may panginginig ang aking mga kamay, Anong ibig sabihin ni kenon? Lihim ba sila nagkikita ng asawa ko? Nilingon ko nang may pagtatanong sa aking mga mata si Aliah kasalukuyan itong payapang natutulog. Bumalik ako ulit sa kinauupuan ko kanina kung saan halos isang dangkal ang pagitan namin. Rinig ko halos ang paghilik nito. "Aliah, ano ang relasyon mo sa lalaking iyon? Dapat ba kita pag dudahan?" Bulong ko sa aking sarili, hindi ko alam kung saan ako nanggagaling. Napahilamos ako sa aking sariling palad. Paano kung may katotohanan ang kutob ko? Hindi, hindi maaari. Dahan dahan ako napadusdos sa gilid ng kama. Dapat na ba ako maniwala sa pinagsasabi ni Stephanie sa akin noon, na iiwan ako ni aliah sa oras na may bago siya makilala, iiwan ako kapag nag sawa na ito sa akin? Hindi ako alam kung gaano katagal ako nakatulog sa ganon posisyon, ni hindi ko naramdaman ang panganagawit ng aking leeg. Bumangon ako na mabigat pa rin ang loob ko sa i
last updateLast Updated : 2024-08-09
Read more

Chapter 22

Napabalikwas ako ng kama nang maramdaman ko ang pag tunog ng akin tiyan tanda ng pagkalam ng aking sikmura. Ewan ko ba kung gaano kabait ang aking anak sa araw kabaliktaran naman ito kapag ganitong oras. Hindi ko na talaga kaya ang gutom pakiramdam ko ilang buwan ako hindi kumakain. Kahit ba tinatamad ako hindi ko puwede gutomin si baby, kumakamot pa ako sa aking ulo habang palabas ako ng kuwarto. Ganito ba talaga kapag buntis sa gabi umaatake ang pagkalam ng sikmura. "Tingnan mo ang isang iyon, Di man lang nagawang patayin ang ilaw."Bulong ko nang mabungaran kong nakabukas ang ilaw sa sala tanaw ko din ang liwanag sa kusina mukhang nakabukas din ang ilaw doon. "Haynako Aliah, hayaan mo na. Total siya din naman ang nagbabayad ng bills."Dagdag ko pa sa aking sarili. Sa bagay siya naman talaga ang nagbabayad ng lahat simula noong maikasal kami. Kahit naman gustohin ko magbayad wala din ako magagawa kahit sa sarili kong pangangailangan hindi magkasya ang tinatanggap kong sahod so huw
last updateLast Updated : 2024-08-10
Read more

Chapter 23

TINULONGAN niya ako makaupo pagkatapos hinawakan niya ang magkabila kong palad ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang mata. Minsan hindi ko maintindihan ang templa ng kaniyang pag uugali may mga araw kasing napaka lambing niya sa akin at minsan naman daig pa nito ang naglilihi ng anim na buwan sa kasungitan nito. "Matulog ka ng maaga, ipag bukas mo na lang ang manga."Nawala ang mga ngiti sa akin labi, Akala ko pa naman kaya siya pumasok ng aking kuwarto para sabihin ibibili niya ako ng mangga, pero inulit na lang nito ang sinabi kanina. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumayo upang pumunta sa kabilang dulo ng katre. "Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin, nakahawak pa rin siya sa aking kamay habang nakatingala sa akin. "Matutulog, diba sinabi mo maaga ako matulog."Parang nakikita ko ang aking kilay kung paano ito nagkabuhol buhol ng tingnan ko siyang may pagkairita sa aking boses. Binawi ko ang aking kamay at mabilis humakbang para hindi niya makita ang expression ng aking
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 24

Napabuntong hininga ako nang makita ko ang asawa ko, mahimbing siya natutulog nakabalot siya ng makapal na blanket kaya halos maligo na siya ng sarili nitong pawis. Umupo ako sa tabi nito tulad ng madalas ko ginagawa upang tanggalin ang blanket sa katawan, Tinanggal ko din ang isang unan sa ulo nito paano kasi ang taas no'n at masakit iyon sa leeg. Napangiti ako ng makita ko ang nangangahalating mangga sa kanang kamay nito may mga bakas pang kagat, kinuha ko iyon at Inilapag sa ibabaw ng side table niya. Parang natukos ako haplosin ang mala-anghel niyang mukha. Kung hindi ko sana niya ako nakilala siguro malayo ang mararating nito sa buhay, dahil bukod sa maganda matalino rin siya sa paaralan pero dahil maaga ko siya binakuran nawalan siya ng oportunidad magkaroon ng mas magandang buhay. Nang dumako ang aking daliri sa kaniyang labi medyo napangiwi pa siya marahil nakikiliti siya sa ginagawa ko na siyang ikinangiti ko dahil napaawang pa ang labi nito sa ginawa ko. Kay ganda niyang pag
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 25

PAGKARAAN ng ilang minuto bumukas ang pinto at mukha agad ng doktor ang sumungaw doon mabilis ako tumayo at lumapit sa kaniya tinanggal niya ang kaniyang mask. "Dok, kumusta ang mommy ko?" Agad na tanong ko sa doktor. "Maraming dugo ang nawala sa kaniya mabuti na lang at naagapan ang pagsasalin sa kaniya ng dugo, ngayon ang hinihintay lang natin ay ang mabilis na recovery ng pasyente."Tapik sa akin ng doktor pagkatapos umalis na siya agad para puntahan ang iba pang pasyente sa kabilang kuwarto, saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang aking mommy maputla siya nakaratay sa puting bed, may nakaturok sa kanang braso nito na dextrose at may binda ang kaniyang ulo nay bakas pang dugo. Lumapit ako sa kaniya at masuyong hinalikan ang kaniyang palad. Mahihinang katok ang umagaw ng atensyon ko mula sa pinto, Akala ko si Yaya ang nandoon kaya hindi ko siya nilingon."Kumusta si mommy?" Boses ni Stephanie ang narinig ko, napalingon ako sa kaniya may dala itong isang basket na
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 26

NAPAILING ako habang nagugulohan, parang may mali sa dalawa. Mag uusisa sana ako ulit nang maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone sa aking bulsa kaya agad ko yon kinuha at sinagot ang nasa kabilang linya. "Hello yaya, may problima ba?" Tanong ko kay yaya, kasalukuyan nasa bahay at nagbabantay kay Aliah. "Sir, anong gagawin ko. Manganganak yata si ma'am Aliah. Eh pumutok po ang panubigan niya!" Tarantang sabi ni yaya sa kabilang linya. Bigla ako nataranta at palakad-lakad na parang inahing manok na mangingitlog. "Yaya, calm down okay.. Ganito ang gawin mo. Tumawag ka ng taxi or ambulance sabihin mo Dr. Hospital! Pupuntahan ko kayo doon. Ingatan mo ang asawa ko!" Taranta ko ibinalik ang cellphone ko sa aking bulsa at pinagmasdam muna si mommy kung okay lang ba na iwan ko siya kasama si yaya. Nakita ko ang pag matalim na tingin ni Stephanie halatang kanina pa siya nakikinig sa usapan namin ni yaya. "Ano? Basta mo lang iiwan dito si mommy? Matanda si Aliah, kaya na
last updateLast Updated : 2024-08-12
Read more

Chapter 27

HINDI naman kalayuan ang ospital dahil ilang minuto narating namin ang ospital agad ako ipinasok sa delivery room, dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko namalayan ang sumunod na pangyayari. Nagsipag unahan pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang tahimik ko pinagmamasdan aking anghel kakaabot lang sa akin ng midwifery nang pumasok ito sa kuwarto ko. "Baby, nandito na si mama.."Unang bungad ko sa malusog na baby boy ko, ito iyong unang karga ko sa kaniya mula ipinanganak ko siya kanina. Nakita ko ang pag labas ng kanyang munting dila marahil uhaw na ito kaya inilapit ko siya sa aking dibdib upang pad*d*h*n siya. Walang humpay na kasiyahan ang tinatamasa ko ng mga oras na iyon habang pinagmamasdan siyang tahimik na dumid*d* sa akin. Saglit ako natigilan ng may kumatok sa pinto siguro asawa ko na iyon ang nandoon. Ngumiti ako tumingin sa pinto habang hinihintay ang pag sungaw doon ng asawa ko pero bigla napawi ang aking mga ngiti nang isungaw doon ni yaya ang kaniya
last updateLast Updated : 2024-08-13
Read more

Chapter 28

KAHIT hindi Ako nakatingin sa kaniya ramdam ko ang pagpipigil niya sa kaniyang inis malakas kasi siya napabuntong hininga bago niya tahimik na nilisan ang kuwarto. Nang makaalis siya saka lang kumalas ng yakap si mommy pero nandoon pa rin ang takot sa kaniyang itsura. "Sir, huwag mo po mamasamahin. Tingin ko kasi hindi makakabuti sa mommy mo ang madalas na pag iisa."Saad ni yaya, nagbaba siya ng tingin habang inilalapag ang plato sa side table pagkatapos niya iyon damputin sa sahid. Nagtataka naman ako napatingingin sa kaniya. "Yaya, gusto ko mag tapat ka sa akin. May nangyari ha habang wala ako sa bahay? I mean may ibang tao bang nakakasalamuha si mommy bukod sa inyo?"Tanong ko kay yaya. Tumingin siya sa pinto mukhang sinisiguro kung may papasok ba sa kuwarto at pag tapos no'n lumapit siya sa kinauupuan ko ako naman naghihintay sa kaniyang sasabihin. "Kasi sir--"Ibubuka sana ni yaya ang kaniyang bibig nang bigla bumukas ang pinto at pumasok agad doon si Stephanie, agad ako naal
last updateLast Updated : 2024-08-13
Read more

Chapter 29

Aliah's POV NOONG isang araw ko pa kino-contact si calib pero lagi naka patay ang kaniyang cellphone ganon na lang ba kami ka-walang halaga sa kaniya at kahit alam niyang nanganak ako ay hindi pa rin siya nag atubiling tawagan ako, O kahit huwag na para sa akin para sa anak man lang niya. Nang matapos ako mg type tatlong beses ko e-senend sa number ni Calib ang para siguradong mababasa niya ang message ko bago ko ibinalik sa bag ang cellphone. "O para saan iyang kunot noo na iyan? Alam mo, kanina ko pa napapansin iyang madalas pag kunot noo mo, iniisip ko tuloy na parang nakaka abala ako sayo."Serysong sambit ni kenon, dumating siya kanina at hindi siya pumayag na hindi siya mag bantay sa akin habang wala si yaya. Pinauwi ko muna kasi siya para kumuha nang iba pa namin mga gamit. Napakunot uli ako nang noo. Bakit naman niya naisip na nakaka abala siya sa akin mabuti nga at pumunta siya para may makasama naman ako dito sa ospital habang wala si yaya. "Hindi naman, si Calib kasi hin
last updateLast Updated : 2024-08-13
Read more

Chapter 30

TINANGUHAN ko siya habang nakasunod ang aking mata sa kaniya. Mabuti at mabait si yaya hindi ko na kailangan magpa stress para utusan siya dahil kusa naman niya ginagawa ang kaniyang tungkolin. Tiningnan ko ang aking anak na kasalukuyan mahimbing natutulog. Paano nga kung alam na ni Calib ang totoo? Paano kung kamuhian niya ako ng tuluyan. Tulad ng sinabi ni yaya hindi pa ako nakukompletohan ng tulog dahil nagigising si baby ng madaling araw kaya oras ko na upang makatulog na rin. Ipinikit ko ang aking mga mata habang ang bahagi ng aking utak ay naglalakbay kung saan-saan. ----------- Pasado alas otso ng gabi ng magising ako, napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan ang pag sapit ng oras. Nagtataka ako napasulyap sa anak ko ganon ang tuwa ko nang makita kong mahimbing ang tulog niya siguro dahil hindi maingay ang kapaligiran hindi katulad sa ospital na labas masok ang mga tao. Napansin ko ang tray sa ibabaw ng mesa kaya agad ako tumayo upang abotin iyon, sinawan hipon at
last updateLast Updated : 2024-08-14
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status