Share

Chapter 23

TINULONGAN niya ako makaupo pagkatapos hinawakan niya ang magkabila kong palad ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang mata. Minsan hindi ko maintindihan ang templa ng kaniyang pag uugali may mga araw kasing napaka lambing niya sa akin at minsan naman daig pa nito ang naglilihi ng anim na buwan sa kasungitan nito.

"Matulog ka ng maaga, ipag bukas mo na lang ang manga."

Nawala ang mga ngiti sa akin labi, Akala ko pa naman kaya siya pumasok ng aking kuwarto para sabihin ibibili niya ako ng mangga, pero inulit na lang nito ang sinabi kanina. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumayo upang pumunta sa kabilang dulo ng katre.

"Saan ka pupunta?"

Tanong nito sa akin, nakahawak pa rin siya sa aking kamay habang nakatingala sa akin.

"Matutulog, diba sinabi mo maaga ako matulog."

Parang nakikita ko ang aking kilay kung paano ito nagkabuhol buhol ng tingnan ko siyang may pagkairita sa aking boses. Binawi ko ang aking kamay at mabilis humakbang para hindi niya makita ang expression ng aking
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status