KAHIT hindi Ako nakatingin sa kaniya ramdam ko ang pagpipigil niya sa kaniyang inis malakas kasi siya napabuntong hininga bago niya tahimik na nilisan ang kuwarto. Nang makaalis siya saka lang kumalas ng yakap si mommy pero nandoon pa rin ang takot sa kaniyang itsura. "Sir, huwag mo po mamasamahin. Tingin ko kasi hindi makakabuti sa mommy mo ang madalas na pag iisa."Saad ni yaya, nagbaba siya ng tingin habang inilalapag ang plato sa side table pagkatapos niya iyon damputin sa sahid. Nagtataka naman ako napatingingin sa kaniya. "Yaya, gusto ko mag tapat ka sa akin. May nangyari ha habang wala ako sa bahay? I mean may ibang tao bang nakakasalamuha si mommy bukod sa inyo?"Tanong ko kay yaya. Tumingin siya sa pinto mukhang sinisiguro kung may papasok ba sa kuwarto at pag tapos no'n lumapit siya sa kinauupuan ko ako naman naghihintay sa kaniyang sasabihin. "Kasi sir--"Ibubuka sana ni yaya ang kaniyang bibig nang bigla bumukas ang pinto at pumasok agad doon si Stephanie, agad ako naal
Aliah's POV NOONG isang araw ko pa kino-contact si calib pero lagi naka patay ang kaniyang cellphone ganon na lang ba kami ka-walang halaga sa kaniya at kahit alam niyang nanganak ako ay hindi pa rin siya nag atubiling tawagan ako, O kahit huwag na para sa akin para sa anak man lang niya. Nang matapos ako mg type tatlong beses ko e-senend sa number ni Calib ang para siguradong mababasa niya ang message ko bago ko ibinalik sa bag ang cellphone. "O para saan iyang kunot noo na iyan? Alam mo, kanina ko pa napapansin iyang madalas pag kunot noo mo, iniisip ko tuloy na parang nakaka abala ako sayo."Serysong sambit ni kenon, dumating siya kanina at hindi siya pumayag na hindi siya mag bantay sa akin habang wala si yaya. Pinauwi ko muna kasi siya para kumuha nang iba pa namin mga gamit. Napakunot uli ako nang noo. Bakit naman niya naisip na nakaka abala siya sa akin mabuti nga at pumunta siya para may makasama naman ako dito sa ospital habang wala si yaya. "Hindi naman, si Calib kasi hin
TINANGUHAN ko siya habang nakasunod ang aking mata sa kaniya. Mabuti at mabait si yaya hindi ko na kailangan magpa stress para utusan siya dahil kusa naman niya ginagawa ang kaniyang tungkolin. Tiningnan ko ang aking anak na kasalukuyan mahimbing natutulog. Paano nga kung alam na ni Calib ang totoo? Paano kung kamuhian niya ako ng tuluyan. Tulad ng sinabi ni yaya hindi pa ako nakukompletohan ng tulog dahil nagigising si baby ng madaling araw kaya oras ko na upang makatulog na rin. Ipinikit ko ang aking mga mata habang ang bahagi ng aking utak ay naglalakbay kung saan-saan. ----------- Pasado alas otso ng gabi ng magising ako, napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan ang pag sapit ng oras. Nagtataka ako napasulyap sa anak ko ganon ang tuwa ko nang makita kong mahimbing ang tulog niya siguro dahil hindi maingay ang kapaligiran hindi katulad sa ospital na labas masok ang mga tao. Napansin ko ang tray sa ibabaw ng mesa kaya agad ako tumayo upang abotin iyon, sinawan hipon at
NANG matapos kami magtalo ni mommy wala sa loob kong lumabas ng ospital upang maglabas ng nararamdaman. Dahil sa kag*g*h*n ko, ako ngayon ang nasasaktan at hindi ko alam na magagawa sa'kin ito ni mommy. Napahawak ako nang mahigpit sa manibela dahil sa inis ko, naalala ko pa ang mukha ng asawa ko habang magiliw siya nakikipag bisuhan sa mommy ko sa tuwing dadalaw kami kay mommy at noong araw ng aming kasal masaya silang nagkukuwentohan ang sabi ko nga sa sarili ko noon kaya ko pakisamahan si Aliah basta maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa. Tinanggap ko na nga baka si Aliah talaga ang para sa akin kaya noong malaman kong nagdadalang tao si Aliah Kinalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Stephanie. Dahil halos paliparin ko ang pagpapatakbo ng sasakyan mabilis ako nakarating sa harap ng aming bahay, bumaba ako ng sasakyan, lalo ako nilamanon ng galit nang masagi ng aking mata ang nakaparadang sasakyan sa harap ng aming bahay, familiar sa akin iyon dahil minsan ko nang nakita
Aliah's POV Sasabog ako sa sama ng loob habang naka-hawak ako sa aking dibdib nang makalabas ng kuwarto si Calib hindi dahil pinagbibintangan niya ako kundi hindi dahil hindi man lang niya nagawang tapon ng tingin ang anak namin, Kanina akala ko lalapitan niya ang aming anak para kargahin sa kaniyang mga bisig pero nakatayo lang ito habang nakaduro siya sa akin. Oo, nandoon na ako sa galit siya sa akin pero huwag naman niya idamay ang aming anak dahil wala naman ito kasalanan ang sanggol. Nilapatan ko ang aming anak at masuyo ako humaplos sa kaniya. "Anak, kaunting tiis na lang at pasasaan ba at makakarga ka din ng papa mo.." Saad ko sa aking anak habang luhaan pa rin ang aking mata. Kung alam ko lang na magiging dahilan ng away namin ni Calib ang paghingi ko ng tulong kay kenon e-di sana tiniis ko na lang ang sakit na nararamdaman. Napatawag kasi ako bigla kay kenon ng sumakit ang tiyan ko wala naman ako ibang mahingian ng tulong maliban kay yaya at sa kaniya. Si yaya naman hindi
Kay lakas ng aking kaba habang binabaybay ko ang kahabaan ng hallway ng ospital kung saan naka admit si mommy, iniwan ko ang aking anak kay yaya dahil hindi naman puwede ipasok sa ospital ang bata. Habang papalapit ako sa kuwarto dinig na dinig ko ang pag pintig ng aking puso napahawak ako doon at napatigil muna sa paglalakad upang mag ipon ng lakas na loob. "Malamig naman siguro ang ulo ni Calib ngayon at huwag sana kami mag talo pa kasi napapagod na ako makipag bangayan." Bulong ko bago ako nagpalinga-linga ng mata sa kapaligiran. Malawak ang ospital at malinis pa ito halatang mamahalin magpa ospital dito. Wala kang makitang nakakalat na tao tulad ng pasyente. Tanging mga doctors at nurses ang makikita mo sa kapaligiran. Muli ako tumingin sa may bandang kaliwa para kasing may namukhaan ako doon kanina. Napakunot noo ako nang makilala ko si kenon habang nakangiti itong humahakbang sa kinaroroonan ko. "Nandito ka, teka hindi ka pa ba magaling?" Bungad niya sa akin, may bi
Lumaki ang mga mata ni yaya habang nakatingin siya sa akin nang padabog ko isara ang pinto. "Ma'am, ang bilis mo naman yata! Hindi naman umiiyak si baby!" Saad niya sa akin. Akala niya kaya ako umuwi agad dahil kay baby. Napasandal ako sa pinto nang maisara ko iyon at naramdaman ko ang pag laglag ng aking luha sa aking pisngi. Nagtataka naman si yaya napatingin sa akin, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagtatanong. Ibinaba si baby sa kanyang crib at nagtungo siya sa akin. "Ma'am, ayos ka lang ba? Gusto mo ipaghain kita?" Pag aalo sa akin ni yaya saka siya napahaplos sa aking likod. "Yaya, paki impake mo sa akin ang mga gamit ni baby.." Matamlay kong utos kay yaya matapos ako mahimasmasan. "Ma'am, may nangyari ba? A---anong?" Tanong sa akin ni yaya, pagkuway napatango lang ito nang tumingin ako sa kaniya. "Yaya gawin mo na lang ang ipinag uutos ko at huwag ka ng magtanong kung puwede!" Saad ko kay yaya na may pagkairita ang aking boses, humakbang ako at kinuha ang
Nang makapasok ako ng kuwarto ko sumalubong sa akin ang katahimikan ng pamamahay ano na ang gagawin ko? Sana man lang pinag isipan ko mabuti ang ginawa ko. Pero Parang ang hirap tanggapin sa part ko na magpapalaki ako ng anak na hindi naman sa akin, pero paano kung anak ko talaga ang bata? Umiling ako para tanggalin sa isip ko ang guilt. Eh hindi man lang nag paliwanag sa akin. Hindi din niya ipinagtanggol ang kaniyang sarili ibig sabihin hindi talaga ako ang ama ng bata. Malalim na ang gabi bago ako tuluyan nakatulog dahil sa pangungunsensya ng kabilang utak ko. Aliah's POV MALALAKING hakbang ang ginawa ko upang makipag agawan ng mauupuan sa jeep paano kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako dadalhin ng aking mga paa kasama ng anak ko na ngayon ay mahimbing na natutulog dahil katatapos ko lang pad*d*hin mabuti na lang at hindi siya umiyak habang nakikipagsiksikan ako sa jeep. "Kuya puwede ka ba umurong? Hindi kasi ako puwede umupo sa pinaka dulo may karga kasi akon