"Mama, gusto ko rin sama!" Salubong sa akin ni calix nang maratnan ko siya sa may sala may dala itong maliit na back pack sa kaniyang likod. May ngiti sa kaniyang labi. Nilapatan ko siya at ginulo ang bagsak niyang buhok. "Naku, anak kapag sumama ka sa akin lalo ako matatagalan sa pamamingke at baka maiwanan lang kita, gusto mo ba iyon?" Lumuhod ako sa kaniya para maabot niya ako. Nasanay na siya sumama sa pamamalingke pero ngayon nagmamadali ako at hindi ko kasama si ate Megan baka maiwanan ko lang siya. "But you promise me.." Nakanguso niyang sabi na may pagtatampo ang kaniyang boses. "Payagan mo na yang baby na yan para hindi magtampo!" Saad ni Ate Megan. Kalalabas lang niya ng kaniyang kuwarto at may tuwalya ang kaniyang ulo halatang katatapos niya maligo. "Pero ate Megan baka mawala lang siya sa isip ko!" Kinuha ko ang aking bag at umupo sa may sofa, masyado kasi spoiled si calix kay ate megan. "Paano siya mawawala sa isip mo? eh sasama si Yaya sa inyo!"
Sabi ko sa kaniya habang hawak ko siya sa magkabilang pisngi. Nakangiti siya sa akin at saglit nag isip saka ngumuso ito sa akin. "Opo, pero yong big na toys ang gusto ko!" Nakaturo siya sa malaking toy car, ang bilis talaga mag bago ng isip. "Akala ko ba ito ang gusto mo, bakit bigla lumiko ang tingin mo diyan?" Natatawa kong sabi sa kaniya bago ako tumayo at nilapitan ang malalaking toy car, may kamahalan ang mga yon kaya minsan nasasayangan ako dahil mabilis din niya ito pag sawaan. "Eh, may ganiyan na po ako mama. At saka promise hindi na po ako magpapabili ulit sayo mama!" Itinaas pa nito ang kanang kamay. "Ang bait naman ng baby ko, Hali ka na at ibibili kita. Ano ba ang color ang gusto mo? Red or blue?" Tanong ko sa kaniya. Kahit sinong nanay naman hindi makatanggi kapag anak na ang humingi. "Yong color red po ang gusto ko mama!" Turo niya. Mabilis ko naman siya inakay at nagtanong sa tindera. "Ma'am mahal po yan, yong isa na lang. Ang hirap din kasi yan i
MABUTI na lang at nakatulog ng maaga si Stephen pagkatapos ito mag wala nang pagpapaluin ng kaniyang mommy. Lumabas ako ng kuwarto upang magpahangin nang maabutan ko si Stephanie sa sala, nakaupo siya sa sofa at malayo niya tinutungga ang laman ng bote. Napailing ako lumapit sa kaniya at pahablot ko inagaw sa kaniya ang baso ng alak. "Kailan ka ba titigil sa paglalasing ha? Stephanie, hindi ka na teenager. May anak ka na!" Sigaw ko sa kaniya habang hawak-hawak ko ang baso at bote. Tiningnan niya ako ng masama at ngumisi lang siya ng pagak saka nagsindi ng sigarilyo pagkatapos ay nagbuga siya ng usok. "At ano ang pakialam mo? Hindi ba, kab*t mo lang ako? Katulad ng lagi mo ipinapamukha sa akin! Calib almost four years! Almost four year mo ipinapamukha sa akin na kab*t mo lang ako!" Nagliliyab ang kaniyang mata dahil sa galit sa akin, maituturi kong isang impye*no ang pakasalan siya. At paano ako magpapakasal sa kaniya kung araw-araw kami nag aaway kahit sa maliliit na bagay a
BAGAMAT may katandaan ang itsura ng lalake pero hindi maikakaila ang kagwapohan nito noong araw ng kaniyang kabataan. Dahan-dahan ako humakbang palapit sa nakasabit na larawan masuyo iyon hinaplos. "Anak...."Wika ng boses sa aking likuran, kahit matagal na panahon na hindi ko iyon naririnig familiar pa rin sa akin ang tunog na iyon. Parang napako ang aking mga paa. Hindi ko iyon maigalaw parang may magnet. Pakiramdam ko tumigil ang aking diwa at tanging boses na lang niya ang naririnig ko sa paligid na nag e-echo sa loob ng malaking Mansyon. Paulit ulit ang pag banggit niya sa aking pangalan. "Aliah, anak...."Ang mga mumunting butil ng luha sa aking mata ay tuluyan nang kumawala at nagsi-unahan pumatak sa aking pisngi. Nanatili akong nakatayo sa harap ng malaking larawan habang nakatalikod sa may-ari ng boses, hindi ko alam kung ilang beses niya ako tinawag ang pagkakaalam ko gusto ko siya sumbatan pero nanaig pa rin ang pagiging anak ko sa kaniya kaya dahan-dahan ako humarap haba
"Nagustohan mo? Lahat nang nakikita mong nakapalibot dito sa mansion at kasama nitong mansion ay pag mamay-ari mo." Putol ni Daddy sa aking diwa, hindi ako makatulog kaya pumunta ako dito sa terrace nang mapatulog ko si calix. Nilingon ko si daddy mula sa wheelchair na kinauupuan niya, litaw ang kaniyang kakisigan sa suot nitong puting pang tulog. Nagtataka man ako sa sinabi ni Daddy ay agad ko din ibinalik ang aking mata sa kalawakan ng edsa. Mula sa ikatlong palapag ng mansion abot tanaw ko ang kalawakan ng edsa may iba't ibang ilaw ang nanggagaling doon. Matatanaw din mula doon ang naglalakihan building. "Anak, lumalaki na ang aking apo. Bakit hindi ka lumabas minsan at maghanap ng magigisnan niyang ama. At isa pa bata ka pa puwede pang masundan si calix."Pagpapatuloy ni Daddy. Ibig niyang sabihin bakit hindi ako maghanap ng kapalit ni Calib. Sa pinagdaanan ko mahirap na ang makipag sapalaran ulit sa pag ibig. "Daddy, sa pag papalaki pa lang kay calix hirap na hirap na ako tap
Dad, uuwi muna kami sa amin may pasok pa kasi si calix, pero babalik naman kami agad kapag vacation na ng mga studyante." Malungkot ako tiningnan sa mata ni dad, naroroon ang pangulilal agad. Ayaw ko man siya iwan pero may pasok pa kasi si calix. "Ano bang buwan ngayon? April? Sige, pero bumalik kayo agad ha! Gusto ko kayo makasama ng aking apo habang nab----" "Dad, tinatakot mo naman ako! At isa pa aasikasohin ko ang dapat asikasohin sa probinsya para agad tayo makaalis ng bansa para sa pagpapagamot mo." Agad na putol ko sa sasabihin ni Daddy, ayaw ko isipin na iiwan niya kami gayon kakaayos pa lang namin. Ang daming panahon na nasayang dahil lang sa sama ng loob. Ngayon ayaw ko aksayahin ang isa pang pagkakataon para sa aming mag ama. "Magpapagamot ka okay?" Agad ko siya niyakap, ayaw ko ipadama sa kaniya ang takot na nararamdaman ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. "Sige, payag na ako para sa inyo ng apo ko pero pagkatapos nito at wala pang mangyari. Ititigil na n
May upuan naman sa bahay at may kape, at mas malinis pa ang hangin sa bahay. Bakit kailangan mo ako bantayan?" Nag pipigil na inis ko, tiningnan niya ako ng masama bago tumayo at lumipat sa kabilang upuan. Binuksan niya ang kaniyang bag at in ilabas niya ang kaniyang sigarilyo. Mabilis ako lumapit sa kaniya at inagaw ang sigarilyo mula sa kaniyang kamay. "Are you crazy? Kita mo naman nasa opisina ka oh?" Dinurog durog ko ang sigarilyo at itinapon sa trash can na malapit sa pinto. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Bueno, dumaan lang ako rito dahil kailangan ko ng pera."Nakapamaywang siya Marahan niya sinuklay ang kaniyang buhok gamot ang kaniyang daliri. "Binigyan na kita noong kataposan ah. At isa pa nabili ko na lahat ang kailangan ng anak ko." Saad ko. habang nakatitig sa kaniya, kilala ko siya kung kailan siya nagsasabi ng totoo at hindi. Hindi siya makatingin sa akin. Parang aligaga siya na hindi ko maintindihan. "Wala talaga akong maaasahan pag dating sayo! Let*
Tahimik ako bumaba sa aking sasakyan pagka park ko nito sa aming garage, katulad nang nakasanayan ko inuuna ko ang pag pasok sa kuwarto ni Stephen para e-check siya kung ano ang ginagawa niya. Naglalaro ba siya o minsan mas madalas ko siya abotang tulog. Pag pasok ko pa lang sa kaniyang kuwarto ay agad bumungad sa aking ang kakaibang amoy--- kaya napatutop lang mang ako ng aking ilong gamit ang aking sariling palad sabay tawag kay Stephanie. "Stephanie! Steph!" Naka dalawang tawag ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot. Kaya si yaya na lang ang tinawag ko. "Yaya! Ano ba? Nagbibigay ako ng tamang sahod sa inyo. Sana naman asikasohin niyo ang anak ko!" Malakas na sigaw ko. Saka ko kinarga ang nakangiting si Stephen. Nagkalat sa kaniyang crib ang punit-punit niyang pampers halatang pinag laruan ang kaniyang dumi dahil pati ang kaniyang daliri ay may kulay pang yellow doon. "Pasensya na hi sir, e nawala po sa isip ko."Agad na dahilan ng matandang katulong, paano naman kasi n