"Nagustohan mo? Lahat nang nakikita mong nakapalibot dito sa mansion at kasama nitong mansion ay pag mamay-ari mo." Putol ni Daddy sa aking diwa, hindi ako makatulog kaya pumunta ako dito sa terrace nang mapatulog ko si calix. Nilingon ko si daddy mula sa wheelchair na kinauupuan niya, litaw ang kaniyang kakisigan sa suot nitong puting pang tulog. Nagtataka man ako sa sinabi ni Daddy ay agad ko din ibinalik ang aking mata sa kalawakan ng edsa. Mula sa ikatlong palapag ng mansion abot tanaw ko ang kalawakan ng edsa may iba't ibang ilaw ang nanggagaling doon. Matatanaw din mula doon ang naglalakihan building. "Anak, lumalaki na ang aking apo. Bakit hindi ka lumabas minsan at maghanap ng magigisnan niyang ama. At isa pa bata ka pa puwede pang masundan si calix."Pagpapatuloy ni Daddy. Ibig niyang sabihin bakit hindi ako maghanap ng kapalit ni Calib. Sa pinagdaanan ko mahirap na ang makipag sapalaran ulit sa pag ibig. "Daddy, sa pag papalaki pa lang kay calix hirap na hirap na ako tap
Dad, uuwi muna kami sa amin may pasok pa kasi si calix, pero babalik naman kami agad kapag vacation na ng mga studyante." Malungkot ako tiningnan sa mata ni dad, naroroon ang pangulilal agad. Ayaw ko man siya iwan pero may pasok pa kasi si calix. "Ano bang buwan ngayon? April? Sige, pero bumalik kayo agad ha! Gusto ko kayo makasama ng aking apo habang nab----" "Dad, tinatakot mo naman ako! At isa pa aasikasohin ko ang dapat asikasohin sa probinsya para agad tayo makaalis ng bansa para sa pagpapagamot mo." Agad na putol ko sa sasabihin ni Daddy, ayaw ko isipin na iiwan niya kami gayon kakaayos pa lang namin. Ang daming panahon na nasayang dahil lang sa sama ng loob. Ngayon ayaw ko aksayahin ang isa pang pagkakataon para sa aming mag ama. "Magpapagamot ka okay?" Agad ko siya niyakap, ayaw ko ipadama sa kaniya ang takot na nararamdaman ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. "Sige, payag na ako para sa inyo ng apo ko pero pagkatapos nito at wala pang mangyari. Ititigil na n
May upuan naman sa bahay at may kape, at mas malinis pa ang hangin sa bahay. Bakit kailangan mo ako bantayan?" Nag pipigil na inis ko, tiningnan niya ako ng masama bago tumayo at lumipat sa kabilang upuan. Binuksan niya ang kaniyang bag at in ilabas niya ang kaniyang sigarilyo. Mabilis ako lumapit sa kaniya at inagaw ang sigarilyo mula sa kaniyang kamay. "Are you crazy? Kita mo naman nasa opisina ka oh?" Dinurog durog ko ang sigarilyo at itinapon sa trash can na malapit sa pinto. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Bueno, dumaan lang ako rito dahil kailangan ko ng pera."Nakapamaywang siya Marahan niya sinuklay ang kaniyang buhok gamot ang kaniyang daliri. "Binigyan na kita noong kataposan ah. At isa pa nabili ko na lahat ang kailangan ng anak ko." Saad ko. habang nakatitig sa kaniya, kilala ko siya kung kailan siya nagsasabi ng totoo at hindi. Hindi siya makatingin sa akin. Parang aligaga siya na hindi ko maintindihan. "Wala talaga akong maaasahan pag dating sayo! Let*
Tahimik ako bumaba sa aking sasakyan pagka park ko nito sa aming garage, katulad nang nakasanayan ko inuuna ko ang pag pasok sa kuwarto ni Stephen para e-check siya kung ano ang ginagawa niya. Naglalaro ba siya o minsan mas madalas ko siya abotang tulog. Pag pasok ko pa lang sa kaniyang kuwarto ay agad bumungad sa aking ang kakaibang amoy--- kaya napatutop lang mang ako ng aking ilong gamit ang aking sariling palad sabay tawag kay Stephanie. "Stephanie! Steph!" Naka dalawang tawag ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot. Kaya si yaya na lang ang tinawag ko. "Yaya! Ano ba? Nagbibigay ako ng tamang sahod sa inyo. Sana naman asikasohin niyo ang anak ko!" Malakas na sigaw ko. Saka ko kinarga ang nakangiting si Stephen. Nagkalat sa kaniyang crib ang punit-punit niyang pampers halatang pinag laruan ang kaniyang dumi dahil pati ang kaniyang daliri ay may kulay pang yellow doon. "Pasensya na hi sir, e nawala po sa isip ko."Agad na dahilan ng matandang katulong, paano naman kasi n
NAGUGULOHAN ako habang tutok na tutok ako sa larawan ng tatlo lalo na sa batang lalaki, ilang ulit ko iyon hinaplos. Pakiramdam ko pinagkaitan ko ang bata maging parte ng buhay ko. Paano ko iyon nagawa sa kaniya? Tumayo ako at kumuha ulit ng isa pang bote ng alak. Paano kung totoo pala ang kutob ko ngayon at hindi na ako mapatawad ni aliah, paano kung hindi niya ako kilalanin bilang ama niya. katulad ng ginawa kong pang abandonado sa kanila? Sunod-sunod ang pagtungga ko ng alak na tila pakiramdam ko lalo nagiging tubig na sa aking panlasa. "My god Calib! Tumayo ka nga diyan at baka maabutan ka ng anak mo na ganiyan ang itsura mo!" Naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni Stephanie, naabutan ako nitong nakasubsub sa sofa at nagkalat sa sahig ang maraming bote ng alak. napakusot ako sa aking mata. Hindi ko na pala nagawang pumunta ng kuwarto kagabi dahil sa sobrang kalasingan ko. "Maglalasing ka din naman, bakit dito pa sa bahay!" Nanggagalaiti niyang inis habang nakapamaywang ito sa
Nak, calix. Don't do that again ha! Madami ka naman toys sa house at isa pa, sa makalawa na ang alis natin. Hindi mo naman madadala lahat sa America."Sabi ko kay calix nang magpasama siya sa comfort room upang umihi. Patay malisya naman humarap sa akin at ngiti-ngiti pa ang inosente niyang mukha. "Mom, what America? Marami po ba toys doon?" Inosente niyang tanong sa akin habang tinutulongan ko siya ayosin ang suot nitong pants. Hanggat maaari ayaw ko iparamdam sa kaniya ang pang e-i spoiled sa kaniya baka lumaki pa itong spoiled brat. "Nak, ang America. Ano kasi, place iyon at malayo. Need pa natin sumakay ng airplane para makapunta doon. Sige ka gusto mo bang marami kang bitbit kapag nag biyahe na tayo?" Paliwanag ko sa kaniya. Nakita kong lumiwanag ang kaniyang mukha nang mabanggit ko ang airplane. Alam kong gusto gusto niya sumakay. katulad na lang kapag naglalaro siya ng airplane toys. "Talaga mommy? Sasakay tayo ng airplane?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin, sina
HINDI naman linggo ngayon kaya hindi masyado matao sa simbahan. Tahimik ko pinaupo si Stephen sa bakanteng upuan pagkatapos tinabihan ko siya. "Stephen, behave ikaw ha. Mag pray muna tayo." Saad Ko sa kaniya. Tila naiintindihan naman ng bata kaya tumango lang ito sa akin at tahimik na tumingin sa paligid. Taimtim ako nag dasal habang ang aking anak ay tahimik lang ito sa aking tabi. "D---dad--daddy! L---lo---look oh!" Narinig kong tawag sa akin ni Stephen. Sabay tapik sa akin tagiliran dahil nasa kalagitnaan ako ng pagdarasal hindi ko ito nilingon at nag patuloy na lang sa pagdarasal. "L--lo--look oh!" Sambit niya ulit. Agad ko tinapos ang pagdadasal at humarap ako sa kaniya. Nakaturo siya sa papalabas na mag aama. Ang batang kasama nila ay kumakaway ito sa amin. Ganon na lang ang pagkataranta ko nang makilala ko ang bata. Ang batang kumakaway sa amin ay ang batang kahawig na kahawig ko, kung saan sinasabing apo ni Mr. Tawili. Agad ko kinarga si Stephen at mabilis kami luma
BUKOD sa mga kasambahay namin wala na kami ibang kamag anak na puwede ko pag sabihan ng nararamdaman ko. Dahil marami ako ibinilin sa kaniya agad din namin pinutol ang pag uusap naki umiyak din kasi si calix. Kahit sa maiksing oras na nakasama namin si daddy naging malapit din sila sa isa't isa kaya madalas niya ito hanapin sa akin. "Mom, punta tayo kay lolo dad. Tawagan mo siya."Nagsisimula na siya umiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing hinahanap niya sa akin si daddy. Hindi ko namalayan may mga butil na palang luha sa aking pisngi kaya nagulat na lang ako ng punasan niya iyon. "Mom, don't cry na. Di na po ako iiyak. I don't want you to cry mommy..." lalo ako napahikbi nang isa-isa niya punasan ang aking luha gamit ang maliliit niyang daliri hindi pa siya nakontento nang itaas niya ang kaniyang t-shirt at ipunas sa aking luha. "No sweet heart, I am not. I'm not crying.." Pilit ko pinasigla ang boses ko at ngumiti sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pag punas. "Nag la-lie k