Nak, calix. Don't do that again ha! Madami ka naman toys sa house at isa pa, sa makalawa na ang alis natin. Hindi mo naman madadala lahat sa America."Sabi ko kay calix nang magpasama siya sa comfort room upang umihi. Patay malisya naman humarap sa akin at ngiti-ngiti pa ang inosente niyang mukha. "Mom, what America? Marami po ba toys doon?" Inosente niyang tanong sa akin habang tinutulongan ko siya ayosin ang suot nitong pants. Hanggat maaari ayaw ko iparamdam sa kaniya ang pang e-i spoiled sa kaniya baka lumaki pa itong spoiled brat. "Nak, ang America. Ano kasi, place iyon at malayo. Need pa natin sumakay ng airplane para makapunta doon. Sige ka gusto mo bang marami kang bitbit kapag nag biyahe na tayo?" Paliwanag ko sa kaniya. Nakita kong lumiwanag ang kaniyang mukha nang mabanggit ko ang airplane. Alam kong gusto gusto niya sumakay. katulad na lang kapag naglalaro siya ng airplane toys. "Talaga mommy? Sasakay tayo ng airplane?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin, sina
HINDI naman linggo ngayon kaya hindi masyado matao sa simbahan. Tahimik ko pinaupo si Stephen sa bakanteng upuan pagkatapos tinabihan ko siya. "Stephen, behave ikaw ha. Mag pray muna tayo." Saad Ko sa kaniya. Tila naiintindihan naman ng bata kaya tumango lang ito sa akin at tahimik na tumingin sa paligid. Taimtim ako nag dasal habang ang aking anak ay tahimik lang ito sa aking tabi. "D---dad--daddy! L---lo---look oh!" Narinig kong tawag sa akin ni Stephen. Sabay tapik sa akin tagiliran dahil nasa kalagitnaan ako ng pagdarasal hindi ko ito nilingon at nag patuloy na lang sa pagdarasal. "L--lo--look oh!" Sambit niya ulit. Agad ko tinapos ang pagdadasal at humarap ako sa kaniya. Nakaturo siya sa papalabas na mag aama. Ang batang kasama nila ay kumakaway ito sa amin. Ganon na lang ang pagkataranta ko nang makilala ko ang bata. Ang batang kumakaway sa amin ay ang batang kahawig na kahawig ko, kung saan sinasabing apo ni Mr. Tawili. Agad ko kinarga si Stephen at mabilis kami luma
BUKOD sa mga kasambahay namin wala na kami ibang kamag anak na puwede ko pag sabihan ng nararamdaman ko. Dahil marami ako ibinilin sa kaniya agad din namin pinutol ang pag uusap naki umiyak din kasi si calix. Kahit sa maiksing oras na nakasama namin si daddy naging malapit din sila sa isa't isa kaya madalas niya ito hanapin sa akin. "Mom, punta tayo kay lolo dad. Tawagan mo siya."Nagsisimula na siya umiyak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing hinahanap niya sa akin si daddy. Hindi ko namalayan may mga butil na palang luha sa aking pisngi kaya nagulat na lang ako ng punasan niya iyon. "Mom, don't cry na. Di na po ako iiyak. I don't want you to cry mommy..." lalo ako napahikbi nang isa-isa niya punasan ang aking luha gamit ang maliliit niyang daliri hindi pa siya nakontento nang itaas niya ang kaniyang t-shirt at ipunas sa aking luha. "No sweet heart, I am not. I'm not crying.." Pilit ko pinasigla ang boses ko at ngumiti sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pag punas. "Nag la-lie k
CALIB'S POVIlang beses ko sinulyapan ang sarili ko sa malaking salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Bukod sa mahabang bigote, mahaba na rin ang buhok ko at hinahayaan ko ito matakpan niya ang bahagi ng mukha ko. Naghilamos ako at kinuha ko ang towel at Marahan ko pinunasan ang aking mukha. Tahimik ako nakatutok sa salamin, pinagmamasdan ko ang kabuoan ko. Kailangan ko ayosin ang sarili ko. Matapos ako mag ahit ng bigote, sinimulan ko ang pagputol ng aking mahabang buhok, ayaw ko naman iyong sobrang plakado na gupit mas gusto ko pa rin ang ragged look. "Aba, naging tao ka na ah! Akala ko papabayaan mo na ang buhok mo maging bundok!" Nagbibirong bungad sa akin ni Troy, kapapasok ko lang ng MCSAN'S Coffee kung saan siya na ang namamahala doon ngayon matapos ibinta sa kaniya ni Stephanie ang kaniyang share noong magpakasal kami. Sinalubong ako niyo ng iyakap. Wala pa rin siya pagbabago, mapang asar pa rin siya hanggang ngayon. "Kumusta kayo dito? Ikaw wala ka pang ipinag
Tama si Troy, si kenon lang ang makakasagot sa mga katanongan ko pero saan ko hahanapin ang taong iyon? Napailing ako habang inaalala ko kung saan ko hahanapin si kenon. Hindi ko rin alam kung ano ang apelyido nang taong iyon. "Come on! Bakit ngayon pa." Bulong ko sa aking sarili. Alas sinko e punto na kaya mabagal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA. "Sh*t!" sambit ko nang may bumundol sa likod ng aking kotse. Marahan ako napatingin sa side mirror. Isang grupong kalalakihan ang sakay ng black van. Napatiim baga ako ng mag over take sila. Mukha pang nang aasar ang mga ito nang buksan nila ang bintana ng sasakyan at sabay sabay sila nagkakantiyawhan. Papatulan ko sana sila nang mag ring ang aking cellphone kaya doon napunta ang aking atensyon. "Sir, kailangan niyo umuwi ngayon. Naospital ang mommy mo!" Mangiyak-iyak na sambit ni yaya sa kabilang linya. ------- "That wit*h! Makikita niya pag labas ko dito sa ospital!" Hysterical na sigaw ni mommy. Nadatnan kong gapos n
"Ma'am!" tawag sa akin ni yaya nang makababa kami ng sasakyan. Medyo ginabi kami dahil masyado nawili si calix sa paglalaro sa park. Agad siya lumapit sa akin at bulong. "Ma'am mabuti na lang at dumating kayo." parang pagod na pagod ito. Nagtaka naman ako dahil lumingon siya sa loob ng Mansyon bago siya nag patuloy sa pagsasalita. "Ma'am, may bisita po kayo." Bulong ulit ito. Lalo kumunot ang noo ko. Wala naman ako inaasahan bisita at bakit hindi niya ako tinawagan kanina para maaga kami nakauwi ni calix. Nag madali ako pumasok ng mansion para tingnan kung sino ang bisita ko na sinasabi ni yaya. Sumunod din sa akin si yaya na halata sa kaniyang mukha ang Kuryosidad. Baka kaibigan lang ni Daddy at ngayon lang niya nalaman ang pagkawala ni daddy. "Hindi mo ba tinanong kung ano ang pangalan niya o ano ang kailangan niya?" Tanong ko kay yaya habang papasok kami sa mansion. Pilit naman hinihila ni calix ang aking kamay gusto niya kasi kami tumakbo para daw mabilis namin maki
Napatulog ko na si calix, Hay naku. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa pamangkin mo. Alam mo bang bigla na lang siya nagtanong sa akin about his father." Saad ko kay ate megan bago ko tinungga ang juice na tinimpla ni yaya bago siya natulog. "Alam mo sis, huwag ka na magtaka. Natural magtatanong iyon sayo tungkol sa kaniyang ama. At isa pa lumalaki na siya, hindi naman habang buhay mo maitatago sa kaniya ang tungkol sa kaniyang ama." Pumilantik ang kaniyang kamay. Saglit ako natigilan. Ayaw ko naman itago sa kaniya. Pero anong sasabihin ko. "Basta bahala na.. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw kong malaman niya na nasa sinapupunan pa lang siya ay hindi siya tinanggap ng kaniyang ama." Nagkibit balikat ako. Alam ko naman na katulad din siya ni Daddy gusto miya magkaayos kami ni Calib. Binuksan niya ang mamahalin niyang bag at may kinuha siya doon sabay abot sa akin. Nagtataka naman ako kinuha iyon at tiningnan. "Ano ito?" Tanong sa kaniya. Address iyon at contact number pero ang hindi k
CALIB'S POV"My god Calib! Bakit ka padalos dalos ng desisyon na hindi ko nalalaman!" Sumambulat sa akin ang malakas na boses ni mommy nang papasok ako sa kaniyang kuwarto. Isang linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas siya nang ospital. Ngayon din ang araw na nalaman niya ang pag binta ko ng Osteja green tower. Napahilot ako ng sarili kong noo, labag din naman sa kalooban ko ang pag binta ko ng Osteja green tower pero Lubog na kami sa utang. Paano ko ba sa kaniya ipapaliwanag. "Mom, calm down! Ano ang gusto mong gawin ko? Tumunganga lang sa isang tabi? Mom, Lubog na tayo sa utang, lahat ng investors nag back out na sila, pati board members ibininta nila sa iba ang shares nila. Mom, kung kinakailangan ibinta ko ang sarili ko para lang hindi tuluyan mawala sa akin ang kompanya gagawin ko." Napataas ang boses ko, pakiramdam ko namumula na ang aking mukha. "Ang sabihin mo, isa kang pabaya! Pareho na kayo ng asawa mo! Sabihin mo sa akin kung sino ang nakabili, kung kinakailangan ko
Bati sa akin na kagigising lang na si Calib may ngiti pa sa kaniyang labi. Gusto ko man kiligin pero wala ng oras dahil nasa labas si calix at ayaw ko datanan kami sa ganon sitwasyon. Mabilis ko siya hinampas sa balikat at pilit pinapabangon. "Anong good morning diyan! Bumangon ka diyan at magtago dahil nasa labas ang anak ko!" Tarantang saad ko habang inaayos ang aking sarili pagkatapos binalingan ko siya ulit na ngayon ay pupungas-pungas bumangon. "And what's wrong? Anong mali kung makita niya ako rito? Asawa naman kita ah!" Patay malisya niyang sabi at humiga ulit. "Ito ang mali Calib! Bata lang ang anak ko at mahirap sa kagaya niyang bata ang ipaunawa kung ano man ang makita niya dito!" Halos bumulong ako sa pagkasabi. Hinila ko siya ulit pabangon at ako na mismo ang nagsuot sa kaniya ng damit na hinubad niya kagabi sabay ng paghila sa kaniya papasok sa cabinet. Wala na siya nagawa kundi sumunod na lang sa akin Malaki naman ang cabinet siguro makakahinga siya doo
BAWAL SA EDAD 18 PABABA! "And I love you so much asawa ko, Patawarin mo ako kung madalas kita paiyakin." Saad niya sabay angat sa aking mukha mula sa kanyang dibdib. Kay lapit ang aming mukha at para bang gusto nang kumawala ang puso ko sa aking dibdib. "Huwag mo na ako papaiyakin ulit ha! Dahil kung hin---" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang siilin niya ako ng mainit na halik hanggang sa umabot ng ilang sigundo bago niya pinakawalan ang aking labi. Parang gusto ko magsisi nang pakawalan niya ang labi ko. Nakatitig lang ako sa kaniyang labi na may pagtatanong ang aking mga mata hanggang sa bumaba ang aking mata sa mapula at manipis niyang labi parang naiintindihan niya ang bawat titig ko sa kaniya kaya muli niya ako siniil na halik. Namalayan ko na lang ang aking dilang kusang gumaganti sa bawat galaw ng kaniyang dila. "I miss you so much asawa ko..." Wika nito nang pakawalan niya ang aking labi. Titig na titig pa rin siya sa aking labi habang bumababa ang isa nitong
Napatikhim ako nang maamoy ko ang niluto niyang ulam at ang nakakagigil na amoy ng mabangong shower gel na nanggagaling sa gawi ni aliah. Halatang bagong paligo ito dahil sa basa nitong buhok. Nakasuot lang ng simpling oversized t-shirt na tenirnohan ng pajama na hindi nakabawas ng kaniyang kagandahan. Mukha naman hindi niya ako susungitan dahil bahagya lang tumingin sa akin sabay inom ng malamig na tubig. "Good evening.." Nahihiya kong bati sa kaniya sabay upo sa katabi nitong upuan. Simpling sulyap lang ang ginawa niya sa akin pero parang matutunaw na ako sa hiya. Kung hindi lang ako gutom hindi sana ako bababa upang kumain pero baka ako naman ang gawin haponan ng mga bulati sa aking tiyan. Inabot ko ang bandihadong kanin at naglagay sa aking plato pagkatapos ay naglagay rin ako sa plato nito dahil napansin kong wala na siyang kanin. "May sarili akong kamay, kaya kong maglagay na hindi na kailangan ang tulong mo." Irap na wika niya sa akin. Kailangan ko kapalan ng aki
Napasulyap ako sa paligid parang nanuyo ang aking lalamunan nang mapansin kong mangilan ngilan lang ang nagbibiyahe. "Put***k! Kung kailan natatakot ako saka pa nabakante ang edsa. Pikit mata ko pinaharorot ang sasakyan bahala nang may masagi ako ang mahalaga hindi ako mahuli ng buhay ng mga yon." Wika ko sa aking sarili habang mabilis ako nagmamaneho. Nang mapansin ko nasa bandang kaliwa ko na ang sasakyan at pilit sumisiksik sa unahan ng aking sasakyan. Hindi pa naman ako ganon kagaling magmaneho. Sa pagkataranta ko ay agad ako tumawag sa bahay. "Yaya! Kung may mangyari man sa akin ikaw na ang bahala sa anak ko huwag mo siya gutomin!" Hindi ko pa naririnig ang nasa kabila linya ay sunod sunod na ako nag bilin at ibinaba ko na ang tawag ni hindi ko nga alam kung narinig ba ni yaya ang mga bilin ko. Mahaba-haba ang oras na nakipagtagisan ako sa pagmamaneho mula sa hindi ko kakilalang mga armad bago nila ako nilubayan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko ang nagtataas
BUMUGA muna ako ng malalim na hininga bago ako tuluyan bumaba kung saan naghihintay si Stephanie sa akin. Hindi maipinta ang pagkakangiti sa kaniyang labi. Ganito naman siya lagi abot langit ang kasiyahan kapag alam niyang nag aaway kami ni mama. "What a nice scene, sweet heart! Muntik nga ako pumanhik at tulongan ka dumugin ang walang hiya mong ina!" Nagtagis ang aking mga ngipin ng palihim ng murahin niya si mama. Anong karapatan niya pagsalitaan ng ganon ang aking ina. Pero nanatili iyon sa aking isip ayaw ko bigyan siya lalo ng dahilan para ipahamak lalo ang aking ina. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?" Nakasimangot na saad ko. Totoong pagka irita ang ipinapakita ko sa kaniya. Sa dami ba naman ginawang kasalanan sa akin. Binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha doon ang lighter upang sindihan ang sigarilyo na mukhang kanina pa nakaipit sa daliri nito. "I need cash, kailangan ko ipamili ng bagong gamit ang anak mo." Diretsahan sagot niya sa akin habang nana
Pagkatapos nang isang gabing pamamalagi ko ng ospital umuwi muna ako ng bahay para sa anak kong si stephan. Inabotan ko siyang nakikipag laro sa kaniyang Yaya himala at inaasikaso na siya ng kaniyang yaya. "D---daddy!" Maluwag ang pagkakangiti niya sa akin sabay yakap. Kahit naliligo na ito ng spaghetti ay hindi naging hadlang para yaposin niya ako ng halik. "Hmmmm... How's my baby boy? Mukhang nag e-enjoy ah!" Wika ko sabay karga sa kaniya. Nakasunod sa amin ang kaniyang yaya na parang may sasabihin. "H---how's yooour dddday d---daddy?!" Pautal-utal niyang sabi pero kahit papaano naiintindihan pa rin kung ano ang gusto niyang sabihin. Nang marating namin ang kwarto niya nilagay ko muna siya sa kaniyang crib saka ko hinubad ang suot kong suit at pagkatapos maingat ko siya kinarga ulit at dinala sa banyo upang linisin. Samantalang naiwan sa sala si yaya na hindi ko pa rin nililingon kanina kahit parang may gusto siyang sabihin. "D---daddy! Where's mo--mommy?" Bi
Aliah's POV "Ma'am, may naghahanap po sayo sa labas." Bungad sa akin ni yaya. Araw ng Thursday, naka leave ako sa opisina para alagaan si calix ilang araw na kasing sinusumpong ng masamang lagnat at kagagaling din namin ng ospital. Tumayo ako at nagtungo sa kanilang dulo ng kama upang kunin ang tuwalya nang mapansin kong nakatayo doon si yaya hindi pa pala ito nakalabas ng kuwarto. "May problema ba yaya?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit naman ito at kinuha ang tray na nakalagay sa ibabaw ng table. "May naghahanap po sayo sa labas ma'am. Sasabihin ko bang busy ka?" Malumnay niyang tanong sa akin. Marahil natoto na siya sa nangyari noong isang araw basta lang niya pinapasok si Calib na hindi man lang niya sinabi sa akin. "Sino ang naghahanap sa akin Yaya?" Tanong ko sa kaniya na hindi ko man lang siya nilingon dahil abala ako sa pagbibihis kay calix. "Si Mr. Osteja po." Para ako nakarinig ng kung anong pangalan at bumangon naman ulit sa akin ang galit mula sa aking dibd
"I said get out of here! Bago pa ako mawalan ng respeto sayo! Ang kapal ng mukha mo tumapak sa aking bakuran at ipamukha sa akin ang mga walang katotohanan mong paratang!" Bumagsak na sa inosenti niyang mukha ang rumaragasang luha na kanina pa nagbabanta kumawala. Para na naman kinurot ang aking puso nang makita ang mga luha na iyon tulad ng dati. Gusto ko sana siya lapitan at yakapin at sabihin na nagsisinungalin lang ako dahil alam ko naman hindi niya iyon magagawa pero pinangungunahan ako ng hiya sa aking sarili. "Just leave! At huwag ka na magpapakita sa akin o kay calix dahil I swear kapag nagpakita ka ulit sa akin o sa anak ko baka mapatay pa kita!" Pagbabanta ng kaniyang boses kasabay ang pag punas niya sa kaniyang luha gamit ang palad niya. "Mama! Bakit ka po crying? Ano po ginawa mo sa mama ko?" Nabigla ako nang bigla sumulpot ang kaniyang anak sabay sugod sa akin at pinagsusuntok niya ako ng maliliit nitong kamao. "Bad ka po! Bad! I thought, you are good guy! Ba
MAINGAT ko inilagay sa likod ng aking sasakyan ang napamili kong mga gamit para sa anak kong si calix. Naririnig ko pa ang masaya niyang boses habang kausap ko siya kanina. Mabilis ko pinaharurot ang sasakyan kapag ganitong oras mabagal umusad ang trapiko sa kahabahan ng edsa paniguradong aabotan ako ng dilim sa biyahe at nakasimangot na mukha ng anak ko ang bubungad sa akin. "Mom!" Patakbong salubong sa akin ng anak kong si calix bitbit ang laruan nito. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi pa ito nakasuot ng pang tulog. "Ma'am hindi pa siya naghahaponan eh gusto ka po yata niya makasabay sa hapag kainan." Sumbong agad sa akin ni Yaya kasunod niya itong sumalubong sa akin. "It's okay yaya. Gusto ko na din siya makasabay, ikaw. Pwede mo rin kami salohan mas masarap kasi kapag maraming kasabay." Nakangiti ko sa kaniya sabay abot ng pinamili ko agad naman niya kinuha ang mga iyon at sumunod sa driver. "Sige po ma'am at ipag iinit ko kayo ni calix ng sabaw." Wika nito saka