"Ma'am!" tawag sa akin ni yaya nang makababa kami ng sasakyan. Medyo ginabi kami dahil masyado nawili si calix sa paglalaro sa park. Agad siya lumapit sa akin at bulong. "Ma'am mabuti na lang at dumating kayo." parang pagod na pagod ito. Nagtaka naman ako dahil lumingon siya sa loob ng Mansyon bago siya nag patuloy sa pagsasalita. "Ma'am, may bisita po kayo." Bulong ulit ito. Lalo kumunot ang noo ko. Wala naman ako inaasahan bisita at bakit hindi niya ako tinawagan kanina para maaga kami nakauwi ni calix. Nag madali ako pumasok ng mansion para tingnan kung sino ang bisita ko na sinasabi ni yaya. Sumunod din sa akin si yaya na halata sa kaniyang mukha ang Kuryosidad. Baka kaibigan lang ni Daddy at ngayon lang niya nalaman ang pagkawala ni daddy. "Hindi mo ba tinanong kung ano ang pangalan niya o ano ang kailangan niya?" Tanong ko kay yaya habang papasok kami sa mansion. Pilit naman hinihila ni calix ang aking kamay gusto niya kasi kami tumakbo para daw mabilis namin maki
Napatulog ko na si calix, Hay naku. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa pamangkin mo. Alam mo bang bigla na lang siya nagtanong sa akin about his father." Saad ko kay ate megan bago ko tinungga ang juice na tinimpla ni yaya bago siya natulog. "Alam mo sis, huwag ka na magtaka. Natural magtatanong iyon sayo tungkol sa kaniyang ama. At isa pa lumalaki na siya, hindi naman habang buhay mo maitatago sa kaniya ang tungkol sa kaniyang ama." Pumilantik ang kaniyang kamay. Saglit ako natigilan. Ayaw ko naman itago sa kaniya. Pero anong sasabihin ko. "Basta bahala na.. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw kong malaman niya na nasa sinapupunan pa lang siya ay hindi siya tinanggap ng kaniyang ama." Nagkibit balikat ako. Alam ko naman na katulad din siya ni Daddy gusto miya magkaayos kami ni Calib. Binuksan niya ang mamahalin niyang bag at may kinuha siya doon sabay abot sa akin. Nagtataka naman ako kinuha iyon at tiningnan. "Ano ito?" Tanong sa kaniya. Address iyon at contact number pero ang hindi k
CALIB'S POV"My god Calib! Bakit ka padalos dalos ng desisyon na hindi ko nalalaman!" Sumambulat sa akin ang malakas na boses ni mommy nang papasok ako sa kaniyang kuwarto. Isang linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas siya nang ospital. Ngayon din ang araw na nalaman niya ang pag binta ko ng Osteja green tower. Napahilot ako ng sarili kong noo, labag din naman sa kalooban ko ang pag binta ko ng Osteja green tower pero Lubog na kami sa utang. Paano ko ba sa kaniya ipapaliwanag. "Mom, calm down! Ano ang gusto mong gawin ko? Tumunganga lang sa isang tabi? Mom, Lubog na tayo sa utang, lahat ng investors nag back out na sila, pati board members ibininta nila sa iba ang shares nila. Mom, kung kinakailangan ibinta ko ang sarili ko para lang hindi tuluyan mawala sa akin ang kompanya gagawin ko." Napataas ang boses ko, pakiramdam ko namumula na ang aking mukha. "Ang sabihin mo, isa kang pabaya! Pareho na kayo ng asawa mo! Sabihin mo sa akin kung sino ang nakabili, kung kinakailangan ko
"Tulad nang sabi ko, makikilala natin siya mamaya pagdating niya." Nakangiti na wika ng lalaki. Napailing na lang ako at umupo ulit sa aking kinauupuan habang si mommy naman ay hindi mapakali. Ilang sigundo na lang at darating na ang bagong nag mamay-ari ng green tower, kung ano man ang binabalak ni mommy ay hindi ko alam. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa conference room habang hinihintay namin kung sino man ang bagong nagmamay-ari ng green tower. Ang bawat isa ay nagkatinginan nang marinig namin ang mahihinang katok mula sa pinto. Agad tumayo si Mr. Jacob, ang lalaking una ko nakaharap na akala ko siya ang bumili ng green tower. Tinungo niya ang pinto at na may ngiti sa labi. "Good morning ma'am Tawili!" Saad ni Mr. Jacob nang mapag buksan niya ang nasa pinto. Para ako napako sa aking kinauupuan nang tuluyang makapasok ang bagong may-ari ng green tower, Ang babaing nasa harap ko ngayon ay isa nang ganap na napakagandang babae, napakaganda niya sa kaniyang suot na damit,
LALO lumaki ang mga mata ni yaya habang palipat lipat ang tingin niya sa amin. Mangiyak-iyak siya habang natataranta ito. Hinila ko si Yaya palayo pagkatapos tiningnan ko siya ng matalim. Mamimihasa siya kung lagi na lang niya makukuha ang kaniyang kagustohan. "Yaya!" Ang sigaw niya, halos lumuwa na ang kaniyang mata sa inis habang sinusundan niya kami ng tingin. Wala na siya nagawa kundi tumawag ng ibang katulong. -----"Sir, baka lalo niya ako pag initan dahil sa ginawa mo." Saad ni yaya nang marating namin ang kuwarto ni Stephen. Hindi ito mapakali habang inaayos ang mga laruan ng anak ko. "Yaya, kung patuloy mo susundin ang pag dedemand niya lalo yan Mamimihasa! At kailan ba hindi uminit sa inyo ang ulo niya? Mula ngayon si Stephen na ang aasikasohin mo, kung sinasadya niya gumawa ng kalat huwag mo nang nililinis. Maliwanag?" Nag uutos na saad ko kay yaya. Tumango na lang si yaya pero alam kung hindi pa rin niya susundin ang utos ko dahil mas natatakot sila kay Stephanie kays
CALIB'S POV Kahit tinatamad ako maaga ako gumising at pinaligoan si Stephen, kaarawan niya kasi ngayon at gusto ko siya ipasyal kahit papaano. Hinayaan ko din siya mamili ng kaniyang susuotin. Humarap siya sa akin nang makapili siya nang isusuot. "D-da---daddy! S---st---steph---en! W---wa---want t---this!" Masayang baling niya sa akin, sabay ipinakita ang damit na napili. Kulay orange na may malaking print. Akala yata niya ang ganda ganda ng napili niya kaya masayang masaya ito habang sinusuklat niya sa harapan ng salamin. "Nak, Stephen. Sigurado ka bang yang ang napili mo? Marami pa sa cabinet anak." Tanong ko sa kaniya. Tiningnan lang niya ako saka ngumiti. Kilala ko ang anak ko kapag ngingiri-ngiti ang expression niya. Kaya lumapit sa kaniya at maingat na tiningnan ang kaniyang pamper. "Sabi ko na nga ba eh, kahit kanilan hindi nagsisingalin ang mga ngiti na yan." Sabi ko sa kaniya, parang naman ito napahiya at yumuko. "Oh, parang nagbibiro lang si daddy eh, Hali ka n
I ran out of calib's condo unit while my eyes were filled with tears. Gusto ko sabunutan at sugurin ang babaing kasama nito sa kama habang pinagsasaluhan nila ang mainit na pagnin**g pero nangibabaw sa akin ang takot. Takot na baka kapag ginawa ko yon ay hindi na ako balikan pa ni calib. Mabilis ko narating ang maliit na apartment kung saan dalawang taon ako nanirahan kasama si calib. We often spend hot nights together, along with his promise na ako lang ang babaing magiging ina ng kaniyang magiging anak. Napalakas ang hikbi ko nang mapansin kong hawak-hawak ko pa rin ang maliit na bagay sa aking mga kamay na may maliit na guhit pula sa loob niyon. Gusto ko sana siya surpresahin at sabihin sa kaniya na handa na ako maging nanay ng mga anak niya pero ako pala ang nasurprise nang makita ko siya sa kama na may kasamang ibang babae. Habang abala ako sa pag iimpake ng aking mga gamit dahil balak ko sana pumunta muna sa bahay ng aking matalik na kaibigan upang doon magpalamig muna habang
"Alin ang masarap, ang niloloto o ang nagluloto?" biro nito sa akin habang abala pa rin ito sa ginagawa. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Ganito ba ako ka-in love sa taong ito at pati simpling biro niya ay nadadala ako? Minsan iniisip ko hindi na normal ang pag tibok ng puso ko para kay calib. Naramdaman kong tapos siya sa kaniyang ginagawa at kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka ko tinungo ang refrigerator at kumuha ng pitcher. "Simpre ang pagkain." kunwari kong sagot. Tumawa ito nang malakas saka humarap sa akin. "At kailan ka pa nasarapan sa sinigang?" patuloy pa rin sa pag tawa. Nakalimutan kong hindi pala ako mahilig ng sinigang. See, pati ayaw ko kainin nakakalimutan ko dahil lang sa simpling biro niya, ganon ako kabaliw sa kaniya. Umupo ako at itinukod ko ang aking magkabilang braso sa table at pinagmasdan ko ulit siya. Paano na lang kapag nakasal na kami. Ganito pa din kaya ako kasaya? Muli na naman pumasok sa aking utak ang napag usapan namin ni Mrs. Ostej