LALO lumaki ang mga mata ni yaya habang palipat lipat ang tingin niya sa amin. Mangiyak-iyak siya habang natataranta ito. Hinila ko si Yaya palayo pagkatapos tiningnan ko siya ng matalim. Mamimihasa siya kung lagi na lang niya makukuha ang kaniyang kagustohan. "Yaya!" Ang sigaw niya, halos lumuwa na ang kaniyang mata sa inis habang sinusundan niya kami ng tingin. Wala na siya nagawa kundi tumawag ng ibang katulong. -----"Sir, baka lalo niya ako pag initan dahil sa ginawa mo." Saad ni yaya nang marating namin ang kuwarto ni Stephen. Hindi ito mapakali habang inaayos ang mga laruan ng anak ko. "Yaya, kung patuloy mo susundin ang pag dedemand niya lalo yan Mamimihasa! At kailan ba hindi uminit sa inyo ang ulo niya? Mula ngayon si Stephen na ang aasikasohin mo, kung sinasadya niya gumawa ng kalat huwag mo nang nililinis. Maliwanag?" Nag uutos na saad ko kay yaya. Tumango na lang si yaya pero alam kung hindi pa rin niya susundin ang utos ko dahil mas natatakot sila kay Stephanie kays
CALIB'S POV Kahit tinatamad ako maaga ako gumising at pinaligoan si Stephen, kaarawan niya kasi ngayon at gusto ko siya ipasyal kahit papaano. Hinayaan ko din siya mamili ng kaniyang susuotin. Humarap siya sa akin nang makapili siya nang isusuot. "D-da---daddy! S---st---steph---en! W---wa---want t---this!" Masayang baling niya sa akin, sabay ipinakita ang damit na napili. Kulay orange na may malaking print. Akala yata niya ang ganda ganda ng napili niya kaya masayang masaya ito habang sinusuklat niya sa harapan ng salamin. "Nak, Stephen. Sigurado ka bang yang ang napili mo? Marami pa sa cabinet anak." Tanong ko sa kaniya. Tiningnan lang niya ako saka ngumiti. Kilala ko ang anak ko kapag ngingiri-ngiti ang expression niya. Kaya lumapit sa kaniya at maingat na tiningnan ang kaniyang pamper. "Sabi ko na nga ba eh, kahit kanilan hindi nagsisingalin ang mga ngiti na yan." Sabi ko sa kaniya, parang naman ito napahiya at yumuko. "Oh, parang nagbibiro lang si daddy eh, Hali ka n
"You here! Ang saya nila noh!" Napalingon ako bigla sa may-ari ng boses, Di kalaunan ibinalik ko agad ang aking atensyon sa mga bata nang makalapit sa aking kinatatayuan ang may-ari ng boses. "Matagal ko ng kaibigan si Troy, and obviously madalas ka niya maikwento sa akin, Or shall I say, madalas ako magselos lalo na kapag ikaw at ang anak mo ang bukang bibig niya." Pag papatuloy ng babae, ewan ko ba pero napukaw niya ang atensyon ko. Sa tuno ng pananalita niya ay parang may malalim silang ugnayan ni troy. Lihim ako tumingin sa gawi niya at napansin kong may itsura siya. "Kung hindi ka lang lalaki, iisipin kong kaagaw kita sa puso niya."Tumawa siya ng pagak, tama ang kutob ko may malalim na ugnayan sila ni troy, pero bakit hindi sa akin nabanggit ni troy tungkol sa kanila. "Siguro nagugulohan ka, siguro hindi pa ako naipapakilala sayo ni Troy. Anyway, let me introduce myself to you. I'm Daphnie, Troy's Girlfriend."Nakangiting pagpapakilala niya sa akin. Marahan ko tiningnan an
"At talagang Nagpunta kayo doon sa bahay ng kaibigan mo nang walang paalam sa akin, dinala mo pa yang bata!" Narinig kong sabi niya. Alam kong nakasunod niya sa akin habang papasok kami ng bahay. "Ano ba! Para akong hangin dito ah!" Buliyaw niya sa akin, pinigilan pa niya ang kamay ko. Tumigil ako sa pag hakbang at napatingin sa kaniya. "Alam mo naman pa lang nag punta kami doon ano ang ikinagagalit mo? At isa pa, nagpapasalamat nga ako kay troy dahil binibigyan niya ng halaga ang mahahalagang araw ng anak ko na dapat sana ikaw ang nagbibigay nun sa kaniya!" Nagpupumigil na galit ko, kung hindi lang tulog si Stephen baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniyang ina. "Ginagawa mo naman dahilan ang anak ko para mga kasiyahan mo!" Malakas ang boses niya. Wala siyang pakialam kung magising si Stephen. "Look, hindi tayo mag katulad Stephanie! Look at your self!" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa saka ako humakbang ulit palayo sa kaniya. Alam kong sinundan niya
Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa harap ng dati kong asawa nagbabakasakali na pumayag makipag hiwalay ng maayos pero Mali yata ako ng pinuntahan dahil sa halip na makipag ayos sa akin nakipag away pa. "Bakit kat*ng-kati ka makipag hiwalay sa akin? Tell me, mas magaling ba sa kama ang ipapalit mo sa akin?" Mabilis ang aking kamay at biglang dumapo sa mukha ng kaharap ko. Pinagsasampal ko hanggang sa napagod ako pag sasampalin siya. "How dare you! Anong karapatan mo para sabihin sa akin yan? Calib, matagal ako nag tiis, nanlimos ng pagmamahal mula sayo? But you're killing me slowly with the way you treat me every day! Ngayon ibinibigay ko na sayo ang freedom na hinihiling mo noon!" Mapait ako ngumiti at sabay pinahid ang aking mga luha. Pero hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag yakap sa akin. Mahigpit na halos ikadurog ng aking mga buto. Dinig na dinig ko ang pintig ng kaniyang puso. "I'm so sorry... Pinagsisihan ko na iyon nang matagal ng panahon."Paos ang kaniyang boses
MAAGA pa lang ay umalis na ako ng bahay hindi para pumunta ng office kundi pumunta ng Tawili white tower ang isa sa mga gusali ng mga Tawili kung saan napag alaman kong si Aliah ang isa sa namamahala doon hindi naman kataka taka dahil nag iisang anak si Aliah. Hindi pa nag isang oras ay nasa harapan na ako ng gusali. Malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko tuluyan pinindot ang 6th floor papunta sa office ng dati kong asawa. Dahil maaga pa naman kaya hindi masyado matao ang gusali iilang staff ang naka salubongin ko. Tatlong babae ang nag uusap habang nakasabay ko sila. "Ewan ko ha, pero ang pagkakaalam ko hindi pa annuled si Ma'am Tawili sa dati nitong asawa." Wika ng babaing may hawak ng folder. "Pero balita ko may pamilya na yong dating husband, so may pag asa pa sa kaniya si Attorney Saabidra." Sagot ng kausap nito. Lihim ko sila nilingon at agad naman nila ako nahalata dahil tumigil sila sa pagsasalita habang ang mga mata nila ay abala sa pagsusuri sa akin. Katul
"Can't you hear me?---" "Ma'am Tawili tapo---" "What?!" Sabay namin sabi nang biglang bumukas ang pinto at mag salita doon ang kaniyang sekretarya. Matatalim na titig ang pinakawalan niya sa akin bago tumayo ng tuwid at hinarap ang kaniyang sekretarya. "Mr. Osteja maari ka nang lumabas! Marami pa ako appointment!" Matalim ang kaniyang mga titig sa akin na sinadya niyang lakasan ang kaniyang boses. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito sabay iling. Bago ako tuluyan Tumalikod isang nagsusumamong tingin ang ginawa ko para ipabatid sa kaniya na handa ako mag hintay para sa makapag usap kami ulit. ALIAH'S POV PARA ako binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang katok mula sa pintuan at hindi malaman ang susunod kong gagawin. Basta ang alam ko sa mga oras na iyon pakiramdam ko para akong kinusot na kamatis sa sobrang hiya ko sa aking sarili at sa dati kong asawa na si Calib. "Leave.. Please!" Ang tanging naisatinig ko habang abala ako sa pag aayos ng akin
MAINGAT ko inilagay sa likod ng aking sasakyan ang napamili kong mga gamit para sa anak kong si calix. Naririnig ko pa ang masaya niyang boses habang kausap ko siya kanina. Mabilis ko pinaharurot ang sasakyan kapag ganitong oras mabagal umusad ang trapiko sa kahabahan ng edsa paniguradong aabotan ako ng dilim sa biyahe at nakasimangot na mukha ng anak ko ang bubungad sa akin. "Mom!" Patakbong salubong sa akin ng anak kong si calix bitbit ang laruan nito. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi pa ito nakasuot ng pang tulog. "Ma'am hindi pa siya naghahaponan eh gusto ka po yata niya makasabay sa hapag kainan." Sumbong agad sa akin ni Yaya kasunod niya itong sumalubong sa akin. "It's okay yaya. Gusto ko na din siya makasabay, ikaw. Pwede mo rin kami salohan mas masarap kasi kapag maraming kasabay." Nakangiti ko sa kaniya sabay abot ng pinamili ko agad naman niya kinuha ang mga iyon at sumunod sa driver. "Sige po ma'am at ipag iinit ko kayo ni calix ng sabaw." Wika nito saka
Bati sa akin na kagigising lang na si Calib may ngiti pa sa kaniyang labi. Gusto ko man kiligin pero wala ng oras dahil nasa labas si calix at ayaw ko datanan kami sa ganon sitwasyon. Mabilis ko siya hinampas sa balikat at pilit pinapabangon. "Anong good morning diyan! Bumangon ka diyan at magtago dahil nasa labas ang anak ko!" Tarantang saad ko habang inaayos ang aking sarili pagkatapos binalingan ko siya ulit na ngayon ay pupungas-pungas bumangon. "And what's wrong? Anong mali kung makita niya ako rito? Asawa naman kita ah!" Patay malisya niyang sabi at humiga ulit. "Ito ang mali Calib! Bata lang ang anak ko at mahirap sa kagaya niyang bata ang ipaunawa kung ano man ang makita niya dito!" Halos bumulong ako sa pagkasabi. Hinila ko siya ulit pabangon at ako na mismo ang nagsuot sa kaniya ng damit na hinubad niya kagabi sabay ng paghila sa kaniya papasok sa cabinet. Wala na siya nagawa kundi sumunod na lang sa akin Malaki naman ang cabinet siguro makakahinga siya doo
BAWAL SA EDAD 18 PABABA! "And I love you so much asawa ko, Patawarin mo ako kung madalas kita paiyakin." Saad niya sabay angat sa aking mukha mula sa kanyang dibdib. Kay lapit ang aming mukha at para bang gusto nang kumawala ang puso ko sa aking dibdib. "Huwag mo na ako papaiyakin ulit ha! Dahil kung hin---" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang siilin niya ako ng mainit na halik hanggang sa umabot ng ilang sigundo bago niya pinakawalan ang aking labi. Parang gusto ko magsisi nang pakawalan niya ang labi ko. Nakatitig lang ako sa kaniyang labi na may pagtatanong ang aking mga mata hanggang sa bumaba ang aking mata sa mapula at manipis niyang labi parang naiintindihan niya ang bawat titig ko sa kaniya kaya muli niya ako siniil na halik. Namalayan ko na lang ang aking dilang kusang gumaganti sa bawat galaw ng kaniyang dila. "I miss you so much asawa ko..." Wika nito nang pakawalan niya ang aking labi. Titig na titig pa rin siya sa aking labi habang bumababa ang isa nitong
Napatikhim ako nang maamoy ko ang niluto niyang ulam at ang nakakagigil na amoy ng mabangong shower gel na nanggagaling sa gawi ni aliah. Halatang bagong paligo ito dahil sa basa nitong buhok. Nakasuot lang ng simpling oversized t-shirt na tenirnohan ng pajama na hindi nakabawas ng kaniyang kagandahan. Mukha naman hindi niya ako susungitan dahil bahagya lang tumingin sa akin sabay inom ng malamig na tubig. "Good evening.." Nahihiya kong bati sa kaniya sabay upo sa katabi nitong upuan. Simpling sulyap lang ang ginawa niya sa akin pero parang matutunaw na ako sa hiya. Kung hindi lang ako gutom hindi sana ako bababa upang kumain pero baka ako naman ang gawin haponan ng mga bulati sa aking tiyan. Inabot ko ang bandihadong kanin at naglagay sa aking plato pagkatapos ay naglagay rin ako sa plato nito dahil napansin kong wala na siyang kanin. "May sarili akong kamay, kaya kong maglagay na hindi na kailangan ang tulong mo." Irap na wika niya sa akin. Kailangan ko kapalan ng aki
Napasulyap ako sa paligid parang nanuyo ang aking lalamunan nang mapansin kong mangilan ngilan lang ang nagbibiyahe. "Put***k! Kung kailan natatakot ako saka pa nabakante ang edsa. Pikit mata ko pinaharorot ang sasakyan bahala nang may masagi ako ang mahalaga hindi ako mahuli ng buhay ng mga yon." Wika ko sa aking sarili habang mabilis ako nagmamaneho. Nang mapansin ko nasa bandang kaliwa ko na ang sasakyan at pilit sumisiksik sa unahan ng aking sasakyan. Hindi pa naman ako ganon kagaling magmaneho. Sa pagkataranta ko ay agad ako tumawag sa bahay. "Yaya! Kung may mangyari man sa akin ikaw na ang bahala sa anak ko huwag mo siya gutomin!" Hindi ko pa naririnig ang nasa kabila linya ay sunod sunod na ako nag bilin at ibinaba ko na ang tawag ni hindi ko nga alam kung narinig ba ni yaya ang mga bilin ko. Mahaba-haba ang oras na nakipagtagisan ako sa pagmamaneho mula sa hindi ko kakilalang mga armad bago nila ako nilubayan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko ang nagtataas
BUMUGA muna ako ng malalim na hininga bago ako tuluyan bumaba kung saan naghihintay si Stephanie sa akin. Hindi maipinta ang pagkakangiti sa kaniyang labi. Ganito naman siya lagi abot langit ang kasiyahan kapag alam niyang nag aaway kami ni mama. "What a nice scene, sweet heart! Muntik nga ako pumanhik at tulongan ka dumugin ang walang hiya mong ina!" Nagtagis ang aking mga ngipin ng palihim ng murahin niya si mama. Anong karapatan niya pagsalitaan ng ganon ang aking ina. Pero nanatili iyon sa aking isip ayaw ko bigyan siya lalo ng dahilan para ipahamak lalo ang aking ina. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?" Nakasimangot na saad ko. Totoong pagka irita ang ipinapakita ko sa kaniya. Sa dami ba naman ginawang kasalanan sa akin. Binuksan niya ang kaniyang bag at kinuha doon ang lighter upang sindihan ang sigarilyo na mukhang kanina pa nakaipit sa daliri nito. "I need cash, kailangan ko ipamili ng bagong gamit ang anak mo." Diretsahan sagot niya sa akin habang nana
Pagkatapos nang isang gabing pamamalagi ko ng ospital umuwi muna ako ng bahay para sa anak kong si stephan. Inabotan ko siyang nakikipag laro sa kaniyang Yaya himala at inaasikaso na siya ng kaniyang yaya. "D---daddy!" Maluwag ang pagkakangiti niya sa akin sabay yakap. Kahit naliligo na ito ng spaghetti ay hindi naging hadlang para yaposin niya ako ng halik. "Hmmmm... How's my baby boy? Mukhang nag e-enjoy ah!" Wika ko sabay karga sa kaniya. Nakasunod sa amin ang kaniyang yaya na parang may sasabihin. "H---how's yooour dddday d---daddy?!" Pautal-utal niyang sabi pero kahit papaano naiintindihan pa rin kung ano ang gusto niyang sabihin. Nang marating namin ang kwarto niya nilagay ko muna siya sa kaniyang crib saka ko hinubad ang suot kong suit at pagkatapos maingat ko siya kinarga ulit at dinala sa banyo upang linisin. Samantalang naiwan sa sala si yaya na hindi ko pa rin nililingon kanina kahit parang may gusto siyang sabihin. "D---daddy! Where's mo--mommy?" Bi
Aliah's POV "Ma'am, may naghahanap po sayo sa labas." Bungad sa akin ni yaya. Araw ng Thursday, naka leave ako sa opisina para alagaan si calix ilang araw na kasing sinusumpong ng masamang lagnat at kagagaling din namin ng ospital. Tumayo ako at nagtungo sa kanilang dulo ng kama upang kunin ang tuwalya nang mapansin kong nakatayo doon si yaya hindi pa pala ito nakalabas ng kuwarto. "May problema ba yaya?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit naman ito at kinuha ang tray na nakalagay sa ibabaw ng table. "May naghahanap po sayo sa labas ma'am. Sasabihin ko bang busy ka?" Malumnay niyang tanong sa akin. Marahil natoto na siya sa nangyari noong isang araw basta lang niya pinapasok si Calib na hindi man lang niya sinabi sa akin. "Sino ang naghahanap sa akin Yaya?" Tanong ko sa kaniya na hindi ko man lang siya nilingon dahil abala ako sa pagbibihis kay calix. "Si Mr. Osteja po." Para ako nakarinig ng kung anong pangalan at bumangon naman ulit sa akin ang galit mula sa aking dibd
"I said get out of here! Bago pa ako mawalan ng respeto sayo! Ang kapal ng mukha mo tumapak sa aking bakuran at ipamukha sa akin ang mga walang katotohanan mong paratang!" Bumagsak na sa inosenti niyang mukha ang rumaragasang luha na kanina pa nagbabanta kumawala. Para na naman kinurot ang aking puso nang makita ang mga luha na iyon tulad ng dati. Gusto ko sana siya lapitan at yakapin at sabihin na nagsisinungalin lang ako dahil alam ko naman hindi niya iyon magagawa pero pinangungunahan ako ng hiya sa aking sarili. "Just leave! At huwag ka na magpapakita sa akin o kay calix dahil I swear kapag nagpakita ka ulit sa akin o sa anak ko baka mapatay pa kita!" Pagbabanta ng kaniyang boses kasabay ang pag punas niya sa kaniyang luha gamit ang palad niya. "Mama! Bakit ka po crying? Ano po ginawa mo sa mama ko?" Nabigla ako nang bigla sumulpot ang kaniyang anak sabay sugod sa akin at pinagsusuntok niya ako ng maliliit nitong kamao. "Bad ka po! Bad! I thought, you are good guy! Ba
MAINGAT ko inilagay sa likod ng aking sasakyan ang napamili kong mga gamit para sa anak kong si calix. Naririnig ko pa ang masaya niyang boses habang kausap ko siya kanina. Mabilis ko pinaharurot ang sasakyan kapag ganitong oras mabagal umusad ang trapiko sa kahabahan ng edsa paniguradong aabotan ako ng dilim sa biyahe at nakasimangot na mukha ng anak ko ang bubungad sa akin. "Mom!" Patakbong salubong sa akin ng anak kong si calix bitbit ang laruan nito. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi pa ito nakasuot ng pang tulog. "Ma'am hindi pa siya naghahaponan eh gusto ka po yata niya makasabay sa hapag kainan." Sumbong agad sa akin ni Yaya kasunod niya itong sumalubong sa akin. "It's okay yaya. Gusto ko na din siya makasabay, ikaw. Pwede mo rin kami salohan mas masarap kasi kapag maraming kasabay." Nakangiti ko sa kaniya sabay abot ng pinamili ko agad naman niya kinuha ang mga iyon at sumunod sa driver. "Sige po ma'am at ipag iinit ko kayo ni calix ng sabaw." Wika nito saka