Share

Chapter 36

"Mama, gusto ko rin sama!"

Salubong sa akin ni calix nang maratnan ko siya sa may sala may dala itong maliit na back pack sa kaniyang likod. May ngiti sa kaniyang labi. Nilapatan ko siya at ginulo ang bagsak niyang buhok.

"Naku, anak kapag sumama ka sa akin lalo ako matatagalan sa pamamingke at baka maiwanan lang kita, gusto mo ba iyon?"

Lumuhod ako sa kaniya para maabot niya ako. Nasanay na siya sumama sa pamamalingke pero ngayon nagmamadali ako at hindi ko kasama si ate Megan baka maiwanan ko lang siya.

"But you promise me.."

Nakanguso niyang sabi na may pagtatampo ang kaniyang boses.

"Payagan mo na yang baby na yan para hindi magtampo!"

Saad ni Ate Megan. Kalalabas lang niya ng kaniyang kuwarto at may tuwalya ang kaniyang ulo halatang katatapos niya maligo.

"Pero ate Megan baka mawala lang siya sa isip ko!"

Kinuha ko ang aking bag at umupo sa may sofa, masyado kasi spoiled si calix kay ate megan.

"Paano siya mawawala sa isip mo? eh sasama si Yaya sa inyo!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status