PROLONGUE: Pagdating nila sa ospital, diretso silang pumunta sa recovery room. Huminto si Logan sa harap ng pinto, at biglang bumigat ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang aasahan sa kanyang makikita. Ramdam niya ang pagod, kaba, at takot na baka hindi pa rin magising si Amanda o kung may makikita siyang pagbabago sa kanya. Hinawakan siya ni Mommy sa balikat. “Anak, nandito lang ako. Hinga muna tayo ng malalim, at tandaan mong kasama mo ako anuman ang mangyari.” Malalim na huminga si Logan, at saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Sa loob, nakita niya si Amanda, nakahiga sa kama, tahimik at payapa ang mukha. Nakalagay ang ilang mga tubo at kagamitan sa paligid niya, ngunit ang mahalaga, nakikita ni Logan ang mahinang pagtaas-baba ng kanyang dibdib — hudyat na humihinga siya, na patuloy siyang lumalaban. Lumapit siya sa tabi ng kama ni Amanda, hinawakan ang kanyang kamay at marahang hinaplos ito. Naramdaman niya ang init nito, na tila nagbigay sa kanya ng pag-asa. “Hi,
Last Updated : 2024-11-05 Read more