Habang lumilipas ang mga araw, naging mas mapagmatyag si Logan kay Amanda. “Alam kong may kakaiba talaga kay Amanda, kailangan malaman ko kung anong dinadamdam niya. Hays sana ay okay lang siya.” Bumulong na sabi ni Logan sa kaniyang isipan. Napapansin niya ang bawat paghinto nito upang makahinga nang malalim, ang paghawak nito sa dibdib, at ang tila pag-iwas nito sa mga masiglang gawain na dati nilang ginagawa nang magkasama. Nakaramdam siya ng lalong pag-aalala, ngunit pilit niya itong isinantabi, iniisip na baka dala lang ito ng labis na pagod ni Amanda sa pag-aasikaso ng kasal. Isang gabi, habang nasa kalagitnaan sila ng pagtulog, biglang nagising si Logan nang marinig ang mahina at hirap na paghinga ni Amanda. Agad siyang bumangon at inilapit ang sarili sa kanya. “Amanda, mahal, ayos ka lang ba?” tanong niya, puno ng pag-aalala sa kanyang boses. Nagising si Amanda, pilit na inaayos ang sarili. “Oo, Logan… Huwag kang mag-alala. Siguro, nana
Last Updated : 2024-10-26 Read more