CASSANDRA POV Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata, pero lahat ay malabo pa rin. Parang may mabigat na nagdadagan sa ulo ko, at ang bawat paggalaw ko ay may kasamang sakit. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari, pero ramdam ko ang init ng isang kamay sa pisngi ko , banayad, maingat, at nagpapagaan sa bigat ng nararamdaman ko. “Cassandra…” boses iyon ni Lucas, puno ng kaba at pagkabahala. “Cassandra, okay ka lang ba? Naririnig mo ba ako? Huwag kang matutulog please kang Cassandra kaya mo yan!” Pilit kong iginalaw ang bibig ko. “Lucas…” halos pabulong ang sagot ko, mahina ang boses, parang wala akong lakas para magsalita pa. “Ako nga!” sagot niya, ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa kaba. “Anong masakit? Sabihin mo sa akin, Cassandra, hindi ka pwedeng mawala!” Ang mga kamay niya ay patuloy na humahaplos sa pisngi ko, pagkatapos ay bumaba sa balikat ko, tinitiyak na wala akong malubhang pinsala. Ramdam ko ang lamig ng gabi, pero ang init ng pag-aalaga niya ang nagbigay s
Huling Na-update : 2024-11-24 Magbasa pa