LUCAS POVMakalipas ang ilang buwan mula nang maaksidente si Cassandra sa pagtutulungan naming lahat ay tuluyan na siyang nakarecover. Parang walang nangyari sa kaniya. Mabilis na nagbalik ang sigla niya, ang mga mata niyang mapupungay ay muling nagkaruon ng kakaibang sigla. “I’m glad to see you smilling Cass. Pero no more racing na.” Sabi ko sa kaniya ng huminto ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng tagaytay height“Opo Mister. From now on makikinig na ko sayo. And i’m sorry dahil nag alala ka dahil sakin.” Sagot niya sa akin. Kinapitan ko naman ang kaniyang mga kamay at hinalikan ko sng likod ng kaniyang palad. Napangiti naman siya sa akin at agad na yumapos sa aking mga braso.Habang tinitingnan ko siya, napagtanto ko na hindi ko na dapat patagalin pa. Panahon na para tuparin ko ang matagal ko nang plano. Pinagpaalam ko na din ito sa kaniyang Mommy Chloe , naalala ko pa ng humingi ako ng permiso sa kanila. Talagang kabang kaba ako pero nilakasan ko ang loob ko.Habang nasa byahe
LUCAS POVAnim na buwan ang lumipas.Ang araw ng kasal namin ay dumating na. Ginanap ito sa isang malaking simbahan na napapaligiran ng mga puno at bulaklak. Sa loob nito ay punong-puno ng puting rosas, kandila, at kristal na chandelier na parang kinuha mula sa isang fairytale. Habang hinihintay ko si Cassandra sa altar, kabado akong nakatayo. Nang bumukas ang mga pinto ng simbahan, halos huminto ang puso ko."you look great anak, wag kang kahaban" sabi ni Mommy sa akin"ewan ko ba mommy sobrang kinakabahan talaga ako" sagot ko kay mommy"everything will be fine" tugon niya ng nakangiti sa akin.Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas na ang pinutan ng simbahan.Naroon si Cassandra, naglalakad sa aisle habang hawak ni Daddy ang braso niya. Suot niya ang isang gown na gawa sa pinong lace at tulle, may mga detalyeng parang mga dahon at bulaklak na hinabi sa tela. Ang laylayan ng gown niya ay mahaba at kumikinang sa bawat hakbang niya.Ang buhok niya ay nakaayos sa isang eleganteng bun n
“Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang aking buhay, Cassandra. Magiging kasama kita sa bawat sandali.”Ang mga mata namin ay magkasama sa isang masalimuot na pananaw ng kaligayahan.Ang aming mga pangako sa isa't isa, ang mga salitang ipinangako sa harap ng altar, ay magiging gabay sa bawat hakbang na tatahakin namin sa buhay na magkasama. Pagkatapos ng seremonya, nagkaroon ng engrandeng reception. May live orchestra, buffet na punong-puno ng masasarap na pagkain, at isang malaking fountain ng tsokolate. Sumayaw kami sa ilalim ng libu-libong fairy lights, na parang mga bituin sa langit. Sa gabing iyon, nagpasalamat ako sa Diyos. Hindi lang dahil sa naging maganda ang araw, kundi dahil binigyan niya ako ng isang tulad ni Cassandra—ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay. Makalipas ang ilang linggo matapos ang kasal namin ni Cassandra, sinimulan na namin ang buhay mag-asawa. Tumira kami sa isang bahay na pinili namin pareho ang simple pero maaliwalas, may maliit na hardin sa likod kung
Makalipas ang apat na taon mula nang ikasal kami ni Cassandra, naging mas maayos ang buhay namin. Si Caleb ay apat na taong gulang na, malikot at masayahin. Ang tingin ng iba, perpekto ang pamilya namin, pero hindi nila alam na may mabigat na bagay na unti-unting sumusubok sa pagsasama namin ni Cassandra. Nagsimula ang lahat nang pumasok si Cassandra sa trabaho muli. Pagkatapos ng ilang taon na nakatutok siya kay Caleb, bumalik siya sa corporate world. Masaya ako para sa kanya, pero hindi ko inasahan ang pagbabagong dala nito. Isang gabi, habang nag-aalmusal kami… “Love parang lagi ka ng late umuuw ngayong mga panahong to?. Hindi ba pwedeng huwag ka nang mag-overtime, Cassandra?” “Lucas, sinabi ko naman sa’yo, kailangan ito sa trabaho. May deadline na kailangang habulin.” sagot niya sa akin. Magmula ng huli naming malaking pagtatalo na muntikan ng mauwi sa hiwalayan ay nagbago na si Cassandra sa pakikitungo sa akin. “Pero paano si Caleb? Lagi ka na lang wala, alam mo bang palagi
CASSANDRA POV Ang sakit ng huling pag-uusap namin ni Lucas ay parang sugat na muling nabuksan. Hindi niya alam kung bakit ako naging malapit kay Ian. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon ang pagkakaruon ng lamat ng relasyon namin?! Hindi ba’t ako itong sinaktan nuon!? Ako itong niloko at muntik iwan dahil sa napabayaan ko ang sarili ko. Nakalimutan ko ng mag ayos at tumaba ako magmula ng ipanganak ko si Caleb. Oo malapit ang loob ko kay Ian at yun ay dahil sa siya lang ang nakinig at nakaintindi sa lahat ng hinanain ko noon sa buhay. Grabe ang post partum depression na inabot ko na halos ikabaliw ko na. Tapos anong sinasabi niya sakin sa tuwing inaangal ko ang pananakit ng ulo ko noon?, ang pagsasabi kong nanginginig na ang katawan ko minsan pag mag isa na lang ako?! Sa tuwing hihingi ako ng tulong para bantayan kahit saglit si Caleb. Diba ang sinasabi niya palagi na pagod din siya at baka naman nag iinarte lang ako. Noong una akala ko ay tama ang naging desisyon ko na pakasala
PRESENT TIME “Sabihin mo sa akin, Cassandra. Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Ian? Bakit sobra kung ipagtanggol mo siya laban sakin?! Bakit ? Mas gusto mo na ba siya? Ipagpapalit mo ba kami ni Caleb sa kaniya?!” Tanong sakin ni Lucas. Bigla akong sumabog ng marinig ko ang mga salitang iyon sa kaniya. “How dare you to accuse me Lucas, alam mo ba kung bakit naging malapit ako kay Ian? Ngayon sasabihin ko sayo lahat-lahat tutal ayaw mong tumigil ng kaka duda. Alam mo bang nung mga oras na nahuli kita sa bar two years ago? Hinimatay ako sa labas noon dahil hindi ko napigilan ang sama ng loob na nararamdaman ko ng mga sandaling nakita kitang nakikipaglandian sa ibang babae. And that time? Si Ian ang tumulong sakin, dinala niya ako sa ospital at siya ang nagdala sakin sa ospital. Imagine ilang beses akong tumatawag sayo nun! Pero ano? Nasan ka?! Nasa kandungan ng ibang babae habang ako halos hindi magkandamayaw sa pag aasikaso sa inyo . Kahit anong sabi kong hindi maganda ang pakiramd
LUCAS POV Mula nang magkaayos kami ni Cassandra , parang muling nagliwanag ang buhay ko. Ang bahay namin, na dati’y puno ng tensyon at tahimik na mga gabi ngayon ay bumalik na ito sa dating sigla. Ang malalakas na tawa ni Caleb, na naging sentro ng aming pagsasama. Malaki ang pinagpapasalamat ko dahil naging bukas kami ni Cassandra sa isa’t isa. Ang masarap na tawanan namin bilang pamilya . Unti-unti naming naibabalik ang dating kami. Ang pagsasama namin ay naging mas masaya. Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mapanatili ang kasiyahan sa pamilya namin. Kaya hindi ko na hinayaan pang lumipas ang aming anibersaryo ng kasal nang walang espesyal na sorpresa para kay Cassandra. “Cass, may plano ako para sa anniversary natin,” bungad ko isang gabi habang nag-aayos siya ng damit ni Caleb. Hilig niyang maging hands on na ina sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho. Tumingin siya
Nang makabalik na kami sa aming tent site. Habang naglalakad kami ni Cassandra sa Safari, hawak niya ang kamay ni Caleb na tuwang-tuwa sa paligid, parang biglang bumagal ang oras. Pinagmamasdan ko silang dalawa—ang mag-ina ko. Napansin ko ang liwanag sa mga mata ni Cassandra na parang matagal nang hindi ko nakikita, at ang walang kapantay na saya sa boses ni Caleb tuwing may makikitang hayop sa paligid. Sa gitna ng saya, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong sinayang ko. Flashback Dalawang taon na ang nakalipas, nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko, hawak ko ang isang baso ng alak habang nakikipagkwentuhan sa isang babaeng halos hindi ko na maalala ang pangalan. Ang cellphone ko ay paulit-ulit na nagri-ring sa bulsa. Si Cassandra ang tumatawag, pero hindi ko iyon sinasagot. “Mamaya na,” bulong ko sa sarili ko habang inilapag ang baso. Ni hindi ko naisip kung ano ang nar
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n
CASSANDRA POV Tumindig ang hukom mula sa kanyang upuan. “The court will now deliberate on the presented evidence,” aniya, at iniwan kami sa isang nakakabinging katahimikan. Tumigil ang oras para sa amin ni Charlie. Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel at ang mga buntong-hininga ng iba pang tao sa loob ng korte, ngunit para sa akin, tila nasa ilalim kami ng tubig, malabo at mabagal ang lahat. Nakaupo lang si Charlie, nakatitig sa harap, pero alam kong halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Ako naman, nakaayos ang pagkakaupo, pinipilit magpakita ng lakas. Hindi ko siya maaaring saluhin kung makita niyang ako mismo ay basag. Ilang minuto pa ang lumipas na parang isang mahabang siglo bago bumalik ang hukom sa kanyang pwesto. Umupo siya at tumingin sa amin ng may bigat. “After reviewing the evidence presented,” aniya, “the court finds that there is substantial proof to merit the granting of the petition for annulment.” Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko—kal
CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th
Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga