Pagkauwi namin, napansin kong tila mas matamlay pa rin siya. Kaya’t dumiretso ako sa kusina at nagluto ng paborito niyang pagkain—adobo na may konting anghang, eksaktong tulad ng gusto niya noong bata kami. Nang ilapag ko ito sa mesa, sinamaan niya ako ng tingin. “Cass, hindi ko naman sinabi na gusto kong kumain,” reklamo niya. “Hindi ko tinatanong kung gusto mong kumain,” sagot ko nang diretso. “Kailangan mong kumain. Kung ayaw mo, ipapapasok ko ang adobong ito sa bunganga mo. Naintindihan?” Napangiti siya, kahit papaano. “Ikaw talaga. Pumunta ka lang dito para sigawan ako at pakainin ng adobo.” Tumawa ako, ngunit sa loob ko, kinukumbinsi ko ang sarili na kaya ko siyang ibangon. Pero sa likod ng isip ko, may galit na hindi ko kayang itago—galit para sa asawa niyang walanghiya. Tinawagan ko si Lucas dahil dumiretso ako sa bahay ni Charlie para samahan siya. “Anong naiisip mo, Cass?” tanong niya, halata ang pag-aalala. “Gusto kong magsimula na agad ang kaso. Hindi lang it
Last Updated : 2024-12-11 Read more