Nagsimula na ang seremonyas ng Pari , ang aming kasal ay simple pero binuo ng pagmamahal. Tuwang tuwa ang mga naging saksi sa aming pagmamahalan.Pagkatapos ng simpleng seremonya sa ospital, habang nakahiga si Amanda at hawak-hawak ko ang kanyang kamay, pinuno ako ng bagong pangako. Tumitig ako sa kanya, ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko, at nagbuntong-hininga bago magsalita. Habang abala ang lahat, dumating na din ang pinadeliver kong pagkain at nagsimula ng magsalo salo ang lahat.“Mahal thank you! I love you” sabi ni Amanda sa akin. “Amanda,” bulong ko sa kanya, “hindi ito ang huling kasal natin.” Nakangiti kong sabi Napatingin siya sa akin, nagtataka, ngunit may halong saya sa kanyang mga mata. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, kahit na tila alam na niya ang sagot. Hinawakan ko nang mas mahigpit ang kamay niya at nginitian ko siya, puno ng pag-asa at pangako. “Siyempre mahal , alam kong pangarap mo ding ikasal sa simbahan, sa harapan ng lahat ng kaibigan natin at m
KAYLINE POV Ang bilis ng tibok ng puso ko habang hawak-hawak ko ang manibela, ramdam ko ang excitement sa bawat rev ng makina. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tumakas para magkarera, kahit na alam kong tutol si Mommy sa ginagawa ko. Pero ito lang ang nakakapagpawala ng stress ko. Ito lang ang bagay na parang nagbibigay sa akin ng kalayaan sa gitna ng lahat ng stress ko sa opisina. Ngayong gabi, alam kong kailangan ko ulit ng ganitong adrenaline rush para lang makalimutan ang bigat ng araw ko. Bago pa man ako makapagsimula tumawag na sakin si Mommy. "Hello anak, where are you? nasa race track ka na naman ba?" tanong niya sa akin "Mom, please hindi naman po palagi?!" pakiusap ko sa kaniya "hay Kayline bakit ba sa kinadami dami ng mamanahin mo sakin yan pang pagkahilig mo sa pa sa pagkarera." sagot naman ni Mommy, narinig ko ang kaniyang malalim na buntong hininga bago muling nagsalita. "okay sige , may magagawa pa ba ako. Basta mag-iingat ka." sabi pa niya. "thanks M
Nasa loob pa ako ng kotse, hindi makapaniwala sa nangyari. Napapahampas ako sa manibela, nararamdaman ko ang galit at inis na bumabalot sa akin. Paano nangyari ’yon? Paano ako natalo ng isang tulad ni Lucas? Sa unang pagkakataon, ako ang nagpa-iwan sa finish line, at hindi ko matanggap ang pagkatalo ko. Nakatingin ako sa rearview mirror, at nakita kong palapit na si Lucas, nakangiti pa, tila walang kasing yabang. Kalmado siyang lumapit at kumatok sa bintana ng kotse ko. Napilitan akong bumaba, at kahit gusto kong itapon ang ngiti niya pabalik sa kanya, pinili kong maging professional sports lang dapat. “Kayline,” sabi niya, kunot ang noo pero may taglay na ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing darating ang araw na makakatikim ako ng pagkapanalo laban sa’yo.” “Sinwerte ka lang,” sagot ko, halos pinipigil ang inis sa tono ko. “Pero fine, isang laban lang naman ‘to. Huwag kang masyadong magpakasaya.” Nagtawanan ang mga nasa paligid namin na nakasaksi ng laban. Alam nilang bihira ak
Saglit akong napaisip, pero sa kabila ng lahat, napabuntong-hininga ako ng may kaunting saya. “Nasa highway ako, malapit sa bridge na tinambayan natin dati.” Hindi nagtagal, may pamilyar na headlights ang tumigil sa tapat ng kotse ko. Bumaba si Lucas, nakangiti habang nilalapitan ako. Parang hindi makapaniwala sa pagkakakilala ko sa kanya ng lubos sa pagkakataong iyon. “Parang mabilis mo akong natunton, ah,” biro ko. “Siyempre naramdaman ng puso kong mangyayari ito,” biro niyang sagot pero may kakaibang lambing sa boses. Sa tingin niya, may isang emosyon na tila hindi niya kayang itago. Habang nagkakasarapan kami ng kwentuhan ni Lucas ay biglang may pumaradang isang sasakyan. Pagkakita pa lang sa akin ni Ivonne, kita na agad sa mga mata niya ang matinding pangmamata. Tila sinasadyang ipakita kung gaano siya nandidiri habang sinisilip ako mula ulo hanggang paa. Nang makalapit siya, ngumisi siya na para bang nang-iinsulto. “Well, well,” sabi niya, hinahagod ako ng tingin na tila
Habang nakaupo ako sa opisina at nagbabasa ng mga papeles, biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Tumambad sa harapan ko si Ivonne, ang ex-wife ni Lucas. Sa tingin pa lang niya, alam kong hindi ito isang simpleng pagbisita. Malamig ang kanyang mga mata, ngunit may halong apoy ng pagkagalit na tila matagal nang pinipigil. “Cassandra,” madiin niyang sabi, matalim ang bawat bigkas. Naglakad siya palapit sa mesa ko, halos nagmamartsa ang bawat hakbang na tila nagpapakita ng kapangyarihan. “Mukhang masyado kang kampante, ha? Akala mo ba talaga mahala ka ni Lucas? Hindi porket ikaw ang palagi niyang sinasamahan ay makakalimutan na niya ako! nagkakamali ka” Pinilit kong manatiling kalmado, pero ramdam ko ang unti-unting pag-init ng paligid. Tumayo ako para salubungin ang tingin niya, pilit pinapakita na hindi ako natitinag. “Ivonne, hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin. Pero kung nandito ka para magsimula ng gulo—” Naputol ang salita ko nang bigla siyang sumingit. “Alam m
LUCAS POV Habang nakaupo ako sa coffee shop, ramdam ko ang pag-aalangan ko. Nag-aapoy ang damdamin ko, ngunit hindi dahil sa galit kundi sa takot na baka, sa oras na malaman ni Cassandra ang totoo, mawala siya sa akin. Nang dumating siya, seryoso ang mukha niya, at kita ko sa mga mata niya ang paghahanap ng mga sagot na matagal na niyang gustong malaman. Mabilis siyang naupo sa tapat ko, at ilang saglit na kaming tahimik. Sa wakas, siya na ang nagbasag ng katahimikan. “Lucas, gusto kitang makilala nang buo. Gusto kong malaman ang mga bagay na iniwan mong nakatago,” sabi niya, mahina ngunit may paninindigan. “Gusto ko ang pagiging totoo mo sa akin… pero ngayon, pakiramdam ko may isang bahagi ng buhay mo na hindi mo sinasabi. Pumunta kanina si Ivonne sa opisina ay may sinasabi siya na dapat kong malaman” Napabuntong-hininga ako, at doon ko napagtanto na wala akong maitatago sa kanya. Mahal ko siya. Iyon lang ang alam ko, pero ngayon, nararamdaman kong mas matindi ang pag-ibig kong i
Habang binabaybay namin ang tahimik na kalsada pauwi, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang ngiti ni Cassandra. Siya ang nagmamaneho, at sa bawat liko at bawat patak ng ilaw mula sa mga poste sa daan, parang may pinaplano siya. Tahimik lang ako, sinusubukan kong basahin ang kanyang mga kilos. Nang bigla niyang inilihis ang sasakyan papunta sa isang maliit na daan sa gilid, palayo sa kabihasnan. Hindi ko inasahan ang susunod na mangyayari huminto kami sa isang liblib na lugar na napapalibutan ng mga puno, tahimik at malayo sa kahit sino. "wait Cassandra what are we doing here?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin nang may halong kapilyahan bago ako hinatak papalapit. "let's see kung ano ang sinasabi ni Ivonne." Ramdam ko ang init ng kanyang mga kamay na dumukot sa aking pagkalalake at ang lalim ng kanyang tingin. Walang pag-aalinlangan, walang takot tanging kumpiyansa ang nababasa ko sa kanya. Nagsimula siyang kumilos sa paraang hindi ko inaasahan. Tumindi ang bawat galaw
Sa mga sumunod na minuto, ang bawat galaw namin ay nagiging mas matindi, mas walang pakundangan. Wala na akong pakialam sa kung ano ang mga mangyayari sa labas ng momentong iyon. Tanging kami lang ni Cassandra, ang bawat sensasyon, at ang kagustuhan namin na maranasan ang isa’t isa nang buo. Naramdaman ko ang katawan niyang dumidikit sa akin, ang mga kamay niya na naglalakbay sa aking katawan na parang hinahanap ang bawat sulok ng aking kaluluwa. Ibinaba ko ang aking car seat at pinahiga ito. Pumatong akong sa ibabaw ni Cassandra . Mabilis at madiin ang bawat pag-ulos na aking ginawa. Nabuhay ang nakatagong pagnanasa na matagal kong pinipigilan sa tuwing kasama ko si Cassandra. Hindi ko na matandaan kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon basta’t ang tanging mahalaga, siya ang nasa harap ko, at wala akong takot na nahulog sa kanya. Ang init ng kanyang katawan ay parang apoy na nagsimula nang kumalat sa aking mga ugat. Sa bawat saglit ng kanyang mga halik, ang mundo ko ay nagigin
5 Years LaterCHARLIE POVHindi ko inakala na ang buhay na minsan kong inakalang puno lang ng hirap, sakit, at kahihiyan ay magdadala sa akin ng ganito kagandang biyaya. Sa ngayon, kasalukuyan akong nasa sala ng aming bahay, pinagmamasdan si Liam, ang aming apat na taong gulang na anak, na abala sa kanyang mga laruan. Tumatawa siya habang pinapaikot-ikot ang maliit niyang laruang kotse.“Daddy, tingnan mo! Ang bilis ng kotse ko!” sigaw niya, puno ng tuwa.Ngumiti ako habang sinasagot siya, “Ang galing mo naman, anak! Ikaw na siguro ang pinakamabilis na driver sa buong mundo.”Narinig ko ang boses ni Janela mula sa kusina. “Charlie, kaya mo bang bantayan si Liam nang saglit? Inaayos ko lang ang tanghalian natin.”“Walang problema, mahal,” sagot ko habang lumapit kay Liam. Umupo ako sa sahig at sumali sa kanyang laro.Sa gitna ng paglalaro namin, hindi ko maiwasang mapaisip. Sino ba ang mag-aakala na ang dating Charlie na walang direksyon sa buhay ay magiging ganito kasaya? Noon, ang al
Kinabukasan, matapos ang gabing puno ng emosyon, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga sinabi ni Charlie. Sa lahat ng nangyari sa amin, ramdam ko ang lalim ng nararamdaman niya, pero hindi ko inakalang darating ang araw na magtatapat siya ng ganoong katapat. Habang abala ako sa trabaho, bigla siyang nag-text. " Pwede ka bang mag-half day ngayon? May importante akong gustong gawin kasama ka." "mag-Half day? Charlie, ang dami kong ginagawa! Anong meron?" reply ko sa kaniya "Secret. Please? Isa lang itong hiling ko ngayon. hayst ang hirap kapag lawyer ang sinusuyo, kailangan may defense palagi. Basta you will love it." sagot niya. Napangiti ako sa reply niyang iyon. Paulit ulit kong binabasa ang message niya sa akin. Alam kong mahirap tanggihan si Charlie. Sa huli, pumayag din ako, kahit medyo nagtataka kung ano ang iniisip niya. Sinundo niya ako sa opisina bandang tanghali. “Anong trip mo ngayon?” tanong ko, habang sumasakay sa kotse niya. Ngumiti siya, ‘yung tipong ngiti na lagin
Sa mga susunod na linggo, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang saya na dulot ni Charlie. Sa kada mag-uusap kami ay may kakaiba na siyang saya na dulot sakin. Alam kong hulog na hulog na ako kay Charlie mula sa mga seryosong bagay hanggang sa mga simpleng kalokohan . Si Charlie ang naging sandigan ko lalo na sa mga araw na sobrang bigat ng iniisip ko dahil sa mga kasong kapit ko. Gumagaan ang sandali kapag kasama ko siya. Isang gabi, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog, napansin kong mas tahimik siya kaysa usual. Hindi ko na ito pinansin agad, iniisip na baka abala lang siya sa mga bagay na wala akong kaalaman. Ngunit nang makatawid kami sa isang tulay, tumigil siya at humarap sa akin. "Atty. Janela," sabi niya, "sabihin mo ng korny ako pero alam mo bang, hindi na ako sanay na hindi kita nakikita , parang ang tagal tagal ng isang araw kapag busy ka sa trabaho mo. I'm sorry, hindi ko intensyon na mahulog sayo, pero anong magagawa ko sa ganda mo ba namang yan. Pero wag kang mag-ala
Mga ilang linggo ang lumipas matapos ang gabing iyon sa café. Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ko ang kakaibang koneksyon na patuloy na tumitibay sa pagitan namin ni Atty. Janela. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nagsisimula, pero isang bagay ang sigurado mas komportable ako sa kanya, mas lalo kong nakakilala siya at mas lalo ko siyang pinahahalagahan. Pakiramdam ko ay mas concern na ako sa kaniya ngayon hindi tulad noon.Tuwing magkikita kami, nararamdaman ko ang kakaibang saya. Puno ng kasiyahan ang bawat pag uusap namin , minsan seryoso, pero kadalasan ay puro kalokohan lang. Nakakagaan ng loob ang makasama siya, at sa mga pagkakataong magkasama kami, alam kong hindi kami nagmamadali.Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama sa isang business meeting. Habang tinitingnan ko siya habang nagsasalita sa harap ng mga kliyente, napansin ko ang gilas at tapang sa mga mata niyang puno ng determinasyon. Dati, siya ang tumulong sa akin sa pinakamasalimuot na b
Habang naglalakad kami patungo sa kainan, naramdaman ko ang kakaibang saya na matagal ko ng hindi nararamdam. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na detalye tungkol kay Atty. Janela - ang mga buhok niyang medyo magulo dahil sa hangin, ang mga mata niyang medyo namumugto pa pero sumisinag ang taglay niyang kagandahan. May kakaibang aura siya, kahit malungkot siya ay malakas pa rin ang dating niya.“Okay lang ba sa’yo ’to?” tanong ko habang nagbabayad kami sa parking lot. “Medyo tahimik na lugar lang. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero atleast makalimot ka sa ginawa ng mokong na yun.”Nagngiti siya, pero may halong pag-aalangan. “Masaya na ako sa kahit anong lugar, Charlie. Gusto ko lang mag unwind. That bullshit. Sa dinami dami na ng kasong nakapitan ko kahit isa wala pang nagpa iyak sakin. Ang mokong lang palang yun ang makakaganito sakin. And for the record iniwan ako ng hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko."Naramdaman ko ang galit sa kaniyang puso kahit n
CHARLIE POV Lumipas ang anim na buwan mula nang matapos ang annulment ko. Pakiramdam ko, unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Mahirap ang naging proseso, pero sa wakas, nakakabangon na ako. Isang hapon, nagpunta ako sa paborito kong café para magpahinga. Simpleng plano lang - uminom ng kape, magbasa ng libro, at i-enjoy ang katahimikan. Habang nag-aabang ng order, may narinig akong argumento mula sa mesa sa likod ko. “Nakakatawa ka! Aanuhin ko ang isang Atty na sikat nga pero hindi ko naman mapakinabangan! Ni hindi kita makasama sa tuwing may gatherings ang mga tropa. Mas inuuna mo pa ang pesteng trabahong yan! Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo kayang makisabay sa akin,” sabi ng lalaki, galit na galit. Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nanghihimasok, pero ang lakas ng boses nila para hindi mapansin. “Please! Be considerate! Huwag naman ganito! Wag mo kong papiliin. Mahal kita pero hindi ko kayang basta iwan ang trabaho ko. Maraming umaasa sa akin,” sagot n
CASSANDRA POV Tumindig ang hukom mula sa kanyang upuan. “The court will now deliberate on the presented evidence,” aniya, at iniwan kami sa isang nakakabinging katahimikan. Tumigil ang oras para sa amin ni Charlie. Naririnig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel at ang mga buntong-hininga ng iba pang tao sa loob ng korte, ngunit para sa akin, tila nasa ilalim kami ng tubig, malabo at mabagal ang lahat. Nakaupo lang si Charlie, nakatitig sa harap, pero alam kong halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Ako naman, nakaayos ang pagkakaupo, pinipilit magpakita ng lakas. Hindi ko siya maaaring saluhin kung makita niyang ako mismo ay basag. Ilang minuto pa ang lumipas na parang isang mahabang siglo bago bumalik ang hukom sa kanyang pwesto. Umupo siya at tumingin sa amin ng may bigat. “After reviewing the evidence presented,” aniya, “the court finds that there is substantial proof to merit the granting of the petition for annulment.” Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko—kal
CHARLIE POV Ilang linggo pa ang lumipas, at dumating ang araw ng preliminary hearing para sa kaso. Pormal na pumasok sa courtroom si Sharmaine, kasama ang kanyang abogado. Napansin ko ang pagbabago sa aura niya - tila wala na siyang kumpiyansa tulad ng dati. Marahil alam niyang wala na siyang ligtas. Habang nagsasalita ang abogado ni Sharmaine, ipinakita nila ang argumento na hindi raw sapat ang ebidensya para makakuha ng annulment. Pero nang magsalita si Atty. Janela, dala niya ang lahat ng dokumento, testimonya, at pati ang leaked video na nagpapatunay ng pagtataksil sa akin ng aking asawa. Nang ipakita ang video, nakita kong napayuko si Sharmaine, habang ako naman ay nanatiling matatag. Tila sa mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik ang dignidad na matagal na nawala sa akin. “Your Honor,” sabi ni Atty Janela, “this video is not just a breach of trust in a marriage. It is a public humiliation caused by the respondent’s actions. My client has suffered enough, and we believe th
Ilang linggo matapos magsimula ang proseso ng annulment, isang tawag mula kay Atty. Janela ang nagbigay ng bagong hamon para kay Charlie. Kinakailangan nilang magkita ng kanyang dating asawa na si Sharmaine upang mag-usap ng ilang legal na aspeto ng kanilang kasal. Hindi ito maiiwasan, lalo na’t may mga dokumentong kailangang pag-usapan nang harapan. Sa araw na iyon, sinamahan ko si Charlie sa meeting place—isang neutral na opisina na pinili ni Atty. Janela. Tahimik si Charlie habang nasa biyahe. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya, lalo na’t matagal na niyang iniwasan ang ex-wife niya mula noong nahuli niya ito sa akto ng pagtataksil. Hindi ko naman siya masisisi dahil magmula naman nuon ay wala na siyang ibang nakarelasyonbukod sa kaniyang napang asawa. Nerd kasi itong si Charlie, although gwapo siya ay masyado siyang tahimik unlike Christopher na super walwal. HIndi ko kasi maintidihan sa kapatid kong to. Hindi mahilig pumorma, pati ang kaniyang buhok ay gusto niya yung mga