Malapit ng mag-ala una, wala pa ring Connor ang bumabalik. Kumunot na ang noo ni Shy at tumayo na siya mula sa pagkakahiga sa sofa. Pinatay niya ang radio at lumabas para silipin si Connor sa labas pero wala siyang Connor na nakita.“Shy!” Napatingin siya sa tumawag sa kaniya, nakita niya si Joseph, ang kasamahan ni Connor sa pagiging kargador.“Hinahanap mo ba ang mister mo?”Ilang na ngumiti si Shy. Hindi pa rin siya sanay na marinig na mister niya si Connor at misis siya nito. Naging ganto na ang set up nila ilang taon na rin.Kailangan nila maging ganoon, para maging disguise nila sa pagtatago nila mula kay Don Anton.Kung Si Donya Merita ang naging hadlang kay Kallahan para makasama si Mithi, ngayon naman, ang lolo nila na si Don Anton Siao ang siyang gumugulo kay Connor.“Alam mo ba kung nasaan siya?” mahinahong tanong ni Shy kay Joseph.“Nasa kina sir, may handaan kasi doon. Inimbitahin siya ni Reese.”Kumunot ang noo ni Shy. Batid niyang si Reese na anak ng amo ni Connor ay ma
Read more