You guys are so mean to me. Nag-iwan po ako ng note na isa nalang ang UD sa September at kapag busy ay baka wala nga. Saka patapos na tayo kay Mithi. Road to happy ever after na nga... Special chapters nalang tong ina-update ko kung baga. And I said na puspusan ang update ko sa October (story ng iba) dahil yun ang free time ko. Wala na akong iisipin diyan. So I was really hoping na nagkakaintindihan tayo. Gaya niyo, gusto ko rin po magsulat. Kinukulang lang ako sa oras. Oras po kalaban ko, utak ko ang puhunan ko. Tinapos ko talaga ang important plot bago ako maglowkey, so that hindi ko kaya maiwan sa ere. But hindi niyo appreciated. Medyo nakakasad. Sorry, pero ayko kasi ng nega vibes. Kung galit kayo, gusto ko unawain kayo. Hope u do the same to me.
What Luis said to them ay nag-iwan ng malaking bomba sa pamilya Siao lalo na kay Kallahan at Luwi. In exchange of truth, Luis asked Kallahan to keep Louise’s identity hidden from Donya Merita at Don Anton. Ayaw niyang ipasabi ang tungkol sa anak niya na anak ni Elena. After all, Siao is about the Yeon. Kung gustuhin kunin ni Donya Merita ang apo niya, makukuha niya si Louise. Kallahan agreed, but in return, hindi dapat siya hadlangan ni Luis kung nanaisin man niyang makita ang kapatid niya. Everything is settled. Luis didn’t come back after that day. He flew back to US kasama ni Louise at Jelay. Doon na muna sila. Ang importante lang naman ay nalaman na niya kung sino ang magulang ng anak niya. And for Kallahan, they confirm kung si Elena nga ba ang may-ari ng bangkay and they found out na oo. Mama nga niya ang namatay. Another heartbreak from Donya Merita pati niya. Pakiramdam ni Donya Merita ay namatayan siya ulit ng anak. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan na naman siya ng
Things are now on the right place. Matapos nilang malaman ang tungkol kay Elena, naging sakitin na si Donya Merita. Nasa bahay nalang siya lagi nakakulong at halos ayaw na lumabas. Kabaliktaran ang nangyayari kay Don Anton Siao.Ang siyang Chairman sa Si Corp. Lagi siyang napapadalaw sa bahay ni Kallahan para bisitahin ang triplets. Dahilan kung bakit napapatanong na si Mithi kung may mali ba silang nagawa ni Kallahan at panay silang dalawan ng Don.But the truth, inaabangan niyang magawi si Connor sa bahay ni Kallahan. He expected na magiging smooth ang plano niya para kay Connor pero hindi iyon nangyari.Nagrebelde si Connor at pinagtataguan na siya nito sa loob ng anim na taon.Ngayon, ay may dala si Mithi na meryenda para sa Don nang marinig niya itong nagsasalita sa cellphone na hawak nito.“Wala pa rin bang balita?” tanong ni Don Anton sa mga tauhan niya.Napapatalon nalang si Mithi kapag napapataas ang tono ng boses nito. Batid ni Mithi na sobrang galit ang Don kay Connor at Shy
Walang ibang maririnig sa sala kun’di ang tunog lamang ng orasan na nasa tabi ng isang cubism artwork. Ilang magkakasunod na lunok ang nagawa ni Kelleon lalo’t nasa hapag kainan ang ama ni Shamcey na walang imik at tahimik lang na nakikinig sa madaldal na si Kelly.“Opo lolo, mabait po si Mayumi at kuya Bagwis. Si Alab po hindi. Para po siyang hindi anak ni tito Kal.” Pagku-kwento ni Kelly sa lolo niya.Busy ang mga maid sa tabi, panay sila sulyap kay Kelly na unang beses nilang nakilala.Sumulyap naman sandali si Shan kay Shamcey. “Are they your friends?”“Opo lolo. Mayumi is my best friend.”“I see.” Sabi ni Shan. “I didn’t know anak that you were this close with the Siao.”Napahawak si Shamcey sa kamay ni Kelleon nang makita na tagaktak na ang pawis nito mula sa noo. Ramdam rin niya ang panginginig ng kamay nito.Shan is a fine man. Hindi pala ngiti, but he’s diligent with his work and in his passion. He was also a supportive father when Shamcey asked him kung maaari ba siyang magt
Pagdating nila sa dulo ng lupang pagmamay-ari ni Shan, agad na tinawag ni Shan si Kelleon.“Dad?”Tumingin muna si Shan kay Shamcey at Kelly bago nagpatuloy. “Alam mo ba kung gaano ka importante sa akin ang anak ko?”“Opo dad. Dahil ama rin po ako at umiikot ang mundo ko kay Kelly. Siya po ang dahilan kung bakit gusto ko pang magsumikap. Kaya alam ko kung gaano ka-importante sayo si Shamcey.”“Kung ganoon, bakit ngayon ka pa nagpunta dito para hingin ang kamay niya sa akin?”Natahimik si Kelleon. Ang totoo, ay wala rin siyang dahilan na masabi maliban sa natakot sila ni Shamcey na humarap kay Shan.Kung kaya, lumuhod na siya agad para humingi ng paumanhin sa mga nagawa niya.Napatingin naman si Shamcey at Kelly sa gawi nila. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Shamcey. Matagal siyang nawala sa puder ng ama niya pero hindi naman ibig sabihin non na hindi niya kilala ang daddy niya.Batid niyang, gigisahin ng maigi ng dad niya si Kelleon.Hindi pa rin siya tinanggap ng pamilya ni Kelleon,
“The wedding is cancel!” Iyon ang narinig ni Anton Siao mula kay Shan kung kaya mabilis niyang naitapon ang phone niya sa harapan ni Kallahan at Mithi.Nagkatinginan ang dalawa at gusto na lang umalis sa harapan ng lolo nila.“Shan cancelled the wedding.” Nagtatangis na sabi nito. Mas lalong tumindi ang galit niya kay Connor.“Hayaan mo na po kasi si Connor, lo. He’s living his life. Ayaw niya magpakasal kay Shamcey at ayaw rin ni Shamcey sa kaniya so don’t push it anymore.”“Life? Anong buhay meron siya ngayon? Buhay ba itong nagtatago siya?”“Nagtatago lang naman siya sayo,” bulong ni Kallahan kaya nasapak siya ni Mithi.“Ah lo, uwi na po kami. Hinahanap na po kasi kami ng mga anak namin.” Nakangiting sabi ni Mithi. Hindi pa naman nakakasagot ang Don, lumayas na siya tangay si Kallahan.Pagpasok nila sa loob ng sasakyan, agad na pinagsasapak ni Mithi si Kallahan sa braso. “Ikaw, ayaw mo talagang tumahimik ano? Kita mo ba yung reaction ni lolo kanina? Malapit na yung mangain ng tao.”
“Woman, why do you hate me?”Napahinto si Shy sa ginagawa niyang crochet top sa tanong na iyon galing kay Connor. Napatitig siya mula sa maputlang mukha ni Connor at halos walang emotion sa mata na siyang pinaka-ayaw niya. Connor looks bland and empty.Kahit pa siya ang may maamong mukha kumpara sa kanila ni Kallahan, siya iyong walang kaexpre-expression.“Tinatanong mo pa yan? Isn’t it obvious? You kidnapped me!”“You promised me na babayaran mo ‘ko sa ginawa kong pagtulong sayo.” Nakangising sagot ni Connor sa kaniya.“That’s b*llsh*t! I wasted my years here with you para ano? Maging alila mo? Hindi na ito kabayaran Connor! Sobra-sobra na ito!”Biglang tumayo si Connor at kinuha niya ang damit niyang nilagay niya sa lamesa. “I didn’t treat you as my maid. You choose it yourself dahil iyon ang gusto ni Kallahan na gawin mo.” Aniya at umalis.Nabigla si Shy sa sinabi ni Connor. In fact, ayaw niya sa kinalalagyan niya ngayon. Ayaw niya itong nagtatago siya kasama ni Connor. Wala silang
Rinig na rinig ang bawat patak ng ulan na tumatama sa payong na dala ni Mithi habang naglalakad siya papasok ng Luxe hotel na pag-aari ng fiancé niya.Sa bawat pagtapak niya sa semento, gumagawa iyon ng ibayong ingay mula sa kaniyang stiletto.Maraming staff ang nakatingin sa kaniya at binabati siya ng may ibayong paggalang. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mithi sa kanila.10th floor. Iyon ang pinindot niya nang makapasok siya ng elevator. Namumukadkad ang natural niyang ganda at kulay sa cocktail red dress na suot niya. Kasama ng red stiletto, mapula rin ang labi ni Mithi, kung kaya tawag ng lahat sa kaniya ay Ms. Red.“Good evening, Ms. Red,” ang pagbati ng empleyado sa kaniya matapos magbukas ng elevator.Ngumiti si Mithi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kulang na lang e mabali ang leeg ng mga taong nadadaanan niya.Pumunta siya sa hotel room, kung saan doon gaganapin ang unang gabi na magniniig sila ni Luis, ang fiancé niyang papakasalan niya bukas.Kailangan niyang tignan kun
“ANONG KAHIBANGAN ITO MITHI?” Sigaw ni Annaliese, ang stepmother niya. “Nakipaghiwalay ka kay Luis? Nababaliw ka na ba?”“Nahuli ko siyang may ka-sex. Anong gusto niyong gawin ko? Ipagsawalang bahala ang lahat?”“Reasons! Nagdadahilan ka lang! Bakit? May kabit ka ba?” Sigaw ni Annaliese sa kaniya.Tumingin si Mithi sa papa niya, nagbabasakaling ipagtanggol siya pero hindi iyon ang nakita niya. Nasa plato lang ang tingin nito na tila walang pakialam sa kaniya.Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya at pinipigilan na huwag maiyak.“Paano na ngayon iyan? Nakapagpadala na tayo ng wedding invitations sa mga kakilala natin! Nakakahiya kung ika-cancel ang engrandeng kasal na ito.”“M-Matutuloy po ang k-kasal,” saad ni Mithi sa stepmom niya.Naalala niya ang sinabi no’ng lalaki kagabi. “My name is Kallahan Peloramas. Remember that name, wife.”Kung tutuosin, kasal na sila sa mayor’s office. Pumirma na siya ng marriage contract na hindi nag-iisip ng tama.“Give me one night.”“Huh?” takan