Hi. Good morning. How are you? Thank you for waiting. Tapos na po exam namin, balik na po ako ulit sa pagsusulat. Makaka update na po ako ng tuloy tuloy.Hehe
Pagdating nila sa dulo ng lupang pagmamay-ari ni Shan, agad na tinawag ni Shan si Kelleon.“Dad?”Tumingin muna si Shan kay Shamcey at Kelly bago nagpatuloy. “Alam mo ba kung gaano ka importante sa akin ang anak ko?”“Opo dad. Dahil ama rin po ako at umiikot ang mundo ko kay Kelly. Siya po ang dahilan kung bakit gusto ko pang magsumikap. Kaya alam ko kung gaano ka-importante sayo si Shamcey.”“Kung ganoon, bakit ngayon ka pa nagpunta dito para hingin ang kamay niya sa akin?”Natahimik si Kelleon. Ang totoo, ay wala rin siyang dahilan na masabi maliban sa natakot sila ni Shamcey na humarap kay Shan.Kung kaya, lumuhod na siya agad para humingi ng paumanhin sa mga nagawa niya.Napatingin naman si Shamcey at Kelly sa gawi nila. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Shamcey. Matagal siyang nawala sa puder ng ama niya pero hindi naman ibig sabihin non na hindi niya kilala ang daddy niya.Batid niyang, gigisahin ng maigi ng dad niya si Kelleon.Hindi pa rin siya tinanggap ng pamilya ni Kelleon,
“The wedding is cancel!” Iyon ang narinig ni Anton Siao mula kay Shan kung kaya mabilis niyang naitapon ang phone niya sa harapan ni Kallahan at Mithi.Nagkatinginan ang dalawa at gusto na lang umalis sa harapan ng lolo nila.“Shan cancelled the wedding.” Nagtatangis na sabi nito. Mas lalong tumindi ang galit niya kay Connor.“Hayaan mo na po kasi si Connor, lo. He’s living his life. Ayaw niya magpakasal kay Shamcey at ayaw rin ni Shamcey sa kaniya so don’t push it anymore.”“Life? Anong buhay meron siya ngayon? Buhay ba itong nagtatago siya?”“Nagtatago lang naman siya sayo,” bulong ni Kallahan kaya nasapak siya ni Mithi.“Ah lo, uwi na po kami. Hinahanap na po kasi kami ng mga anak namin.” Nakangiting sabi ni Mithi. Hindi pa naman nakakasagot ang Don, lumayas na siya tangay si Kallahan.Pagpasok nila sa loob ng sasakyan, agad na pinagsasapak ni Mithi si Kallahan sa braso. “Ikaw, ayaw mo talagang tumahimik ano? Kita mo ba yung reaction ni lolo kanina? Malapit na yung mangain ng tao.”
“Woman, why do you hate me?”Napahinto si Shy sa ginagawa niyang crochet top sa tanong na iyon galing kay Connor. Napatitig siya mula sa maputlang mukha ni Connor at halos walang emotion sa mata na siyang pinaka-ayaw niya. Connor looks bland and empty.Kahit pa siya ang may maamong mukha kumpara sa kanila ni Kallahan, siya iyong walang kaexpre-expression.“Tinatanong mo pa yan? Isn’t it obvious? You kidnapped me!”“You promised me na babayaran mo ‘ko sa ginawa kong pagtulong sayo.” Nakangising sagot ni Connor sa kaniya.“That’s b*llsh*t! I wasted my years here with you para ano? Maging alila mo? Hindi na ito kabayaran Connor! Sobra-sobra na ito!”Biglang tumayo si Connor at kinuha niya ang damit niyang nilagay niya sa lamesa. “I didn’t treat you as my maid. You choose it yourself dahil iyon ang gusto ni Kallahan na gawin mo.” Aniya at umalis.Nabigla si Shy sa sinabi ni Connor. In fact, ayaw niya sa kinalalagyan niya ngayon. Ayaw niya itong nagtatago siya kasama ni Connor. Wala silang
Rinig na rinig ang bawat patak ng ulan na tumatama sa payong na dala ni Mithi habang naglalakad siya papasok ng Luxe hotel na pag-aari ng fiancé niya.Sa bawat pagtapak niya sa semento, gumagawa iyon ng ibayong ingay mula sa kaniyang stiletto.Maraming staff ang nakatingin sa kaniya at binabati siya ng may ibayong paggalang. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mithi sa kanila.10th floor. Iyon ang pinindot niya nang makapasok siya ng elevator. Namumukadkad ang natural niyang ganda at kulay sa cocktail red dress na suot niya. Kasama ng red stiletto, mapula rin ang labi ni Mithi, kung kaya tawag ng lahat sa kaniya ay Ms. Red.“Good evening, Ms. Red,” ang pagbati ng empleyado sa kaniya matapos magbukas ng elevator.Ngumiti si Mithi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kulang na lang e mabali ang leeg ng mga taong nadadaanan niya.Pumunta siya sa hotel room, kung saan doon gaganapin ang unang gabi na magniniig sila ni Luis, ang fiancé niyang papakasalan niya bukas.Kailangan niyang tignan kun
“ANONG KAHIBANGAN ITO MITHI?” Sigaw ni Annaliese, ang stepmother niya. “Nakipaghiwalay ka kay Luis? Nababaliw ka na ba?”“Nahuli ko siyang may ka-sex. Anong gusto niyong gawin ko? Ipagsawalang bahala ang lahat?”“Reasons! Nagdadahilan ka lang! Bakit? May kabit ka ba?” Sigaw ni Annaliese sa kaniya.Tumingin si Mithi sa papa niya, nagbabasakaling ipagtanggol siya pero hindi iyon ang nakita niya. Nasa plato lang ang tingin nito na tila walang pakialam sa kaniya.Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya at pinipigilan na huwag maiyak.“Paano na ngayon iyan? Nakapagpadala na tayo ng wedding invitations sa mga kakilala natin! Nakakahiya kung ika-cancel ang engrandeng kasal na ito.”“M-Matutuloy po ang k-kasal,” saad ni Mithi sa stepmom niya.Naalala niya ang sinabi no’ng lalaki kagabi. “My name is Kallahan Peloramas. Remember that name, wife.”Kung tutuosin, kasal na sila sa mayor’s office. Pumirma na siya ng marriage contract na hindi nag-iisip ng tama.“Give me one night.”“Huh?” takan
Hindi nga dumalo ang Yeon family kasama ni Luis. Maraming nagtaka dahil mabilis na kumalat ang balita na inatras ng pamilya ni Luis ang wedding kaya nagtataka sila bakit tumuloy pa rin ang bride kasama ng panibagong groom.“This is disgusting Antonio. Ano itong nangyayari? Bakit iba ang kasama ni Mikaela?” tanong ng kapatid ni Antonio sa pagdating nina Mithi at Kallan sa simbahan kanina.“I have taken everything kasama ng mga binayaran ng mga Yeon. I’ll wire my dowry for Mithi’s hand to her father’s account, so bakit disgusting ang kasal namin ni Mithi sa inyo?” Seryosong sabi ni Kallahan dahilan kung bakit natahimik ang tita ni Mithi.Wala na ring naglakas ng loob na salungatin ang seremonyas kanina ng pari. Natapos ang kasal na walang naging problema.Iyon ang natatandaan ni Mithi sa nangyari kanina sa simbahan habang nakatingin sa mga bisita niya sa loob ng reception hall..Kahit ang venue ay nag-iba. Lumipat sila sa mas malaking reception hall kumpara sa napili niya para sa kanila
“Welcome to our room, wife.” Sabi ni Kallahan kay Mithi.Nilibot ni Mithi ang tingin niya sa loob ng kwarto, simple ang design ngunit may mangilan-ngilan siyang furniture na nakikita.Malaki rin ang kama at sobrang lawak ng espasyo. Kung tutuusin, pwede pa silang magtayo ng sink sa kwarto nila.“That’s our bathroom and your dressing room.” Tinuro ni Kallahan ang isang dressing room na nasa left side corner.“What do you think? Do you like it?”“Yeah.”Kumunot ang noo ni Kallahan, hindi satisfy sa sagot ni Mithi. “Gusto mo bang maligo una? Or Ako muna? Or…” sinadya niyang putulin ang sasabihin at dahan-dahang lumapit kay Mithi. “Sabay tayo?” medyo paos ang boses na aniya.Biglang pinamulahan si Mithi ng pisngi. Agad siyang napaatras habang ang puso ay naghuhurumentado sa kaba.Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Kallahan yun sa kaniya.Nang makita ang reaction niya, napangisi si Kallahan. “Hindi ba sumagi sa isipan mo ito? Alam mo ang isa sa gawain ng mag-asawa.”Namilog ang mata ni M
Agad naglaway si Mithi nang pagbaba niya ay nakakita siya ng maraming pagkain sa mesa.“Miss Mithi-" hindi na niya pinakinggan ang sasabihin ng mga katulong. Nagmamadali na siyang pumunta ng mesa para kumain. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya habang naliligo siya.“Miss Mithi, nandito na po ang mga damit na pinibili ni sir para sayo.”Namilog ang mata ni Mithi dahil hindi pa nga niya nagagamit ang ibang damit na nasa dressing room, may ipapadagdag na naman si Kallahan na bago.Tapos halos pa lahat ng binili ay mga luxury items, nahihiya siyang suotin yun at nasasayangan rin siya sa pera.“Ahm—" napatigil siya ng mapagtanto na hindi pa pala niya kilala ang assistant ni Kallahan.“Shy po ang pangalan ko Miss Mithi.”“Shy, ano…pakisabi kay Kal na huwag na siyang bumili pa ng bagong damit dahil hindi ko pa naman lahat nasusuot yung naroon sa dressing room.”“Masusunod po Miss Mithi.”Ngumiti siya at kumain na. Naparami na nga ang kain niya to the point na muntik na siyang mabulunan. Hi