“Buti at hindi pa natuluyan.. Kainis.” Bulong bulong ni Shy habang palayo siya kay Connor. Napahawak siya sa dibdib niya at malakas pa rin ang kabog non.Sa ilang taon nilang nakipagtagu-taguan kay Don Anton, hindi pa kailanman napahamak si Connor. Naiinis siya na hindi man lang siya sinabihan na nabaril pala ito.Sa inis niya, pumulot siya ng bato na napakaliit at ibinato kay Connor. Sa sobrang inis at pag-aalala niya, tumulo ang luha niya ng hindi niya napapansin.“May patawa tawa ka pa diyan no’ng nabaril ka? Paano kung namatay ka? Paano kung may nangyaring masama sayo na hindi ko alam?”Gusto na talagang ngumiti ni Connor, pero pinili niyang mag poker face dahil ayaw niyang marealize ni Shy ang mga sinasabi niya ngayon. Gusto niya ito, iyong hindi nag-iisip si Shy at emotion lang ang pinapairal kasi nalalaman niya kung ano ba talagang nararamdaman ni Shy sa kaniya.“Sorry…”“Sorry? Sa tingin mo ayos na ako na nagsorry ka? Nabaril ka, hindi nadapa. Ano bang tingin mo sa katawan mo?
Read more