Share

Chapter 216- Kinikilig lang ako sa dalawang langgam sa tabi mo

Kinagabihan, matapos nilang kumain, agad na sinabi ni Rosalie kay Shy na magtatabi na sila ni Connor sa kwarto nito.

“Po?” bahagya siyang nagulat dahil kahit na tumira sila sa iisang bahay, hindi pa sila kailanman nagtatabi. Kahit na isang beses, hindi pa. Kaya sobrang nagulat siya sa sinabi ng mama niya.

“Anak, sabi ko kako e ayusin mo na ang kama mo at magtatabi kayo ni Connor.”

“Mama naman, ang liberated niyo.” Reklamo niya

“Ay? Ako pa ang liberated? Sino bang nakipag live in ng 5 years na hindi nagsasabi sa amin ng papa mo?”

Nakagat ni Shy ang labi niya… Lubos siyang kinabahan.

Bumaling siya kay Connor na nakikipag-usap kay Rizallie.

“Kuya, anong favorite color mo?” tanong ni Rizallie sa kaniya.

“Black..” Nakangiting sagot ni Connor. Ang dahilan ng ngiting yun ay dahil naririnig niya ng malinaw ang usapan ni Shy at Rosalie.

Kunwari lang siyang walang naririnig…

“Bakit ka nakangiti kuya?”

“Wala naman… Kinikilig lang ako sa dalawang langgam sa tabi mo.”

Tumingin si Rizallie sa mesa a
Omega Centauri

Which is true naman...

| 19
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status