All Chapters of The Billionaire Stole Me From My Groom: Chapter 201 - Chapter 210

214 Chapters

Chapter 201- Rizallie, kapatid ni Shy

MALALIM NA NAPABUNTONG HININGA SI SHY habang nakahagod sa likod ni Connor. “Ayan. Ayaw mo kasi makinig. Sinabi ng huwag mo ng kainin at baka isuka mo lang.”“Sorry… Hindi na ako kakain ng iba kapag nagluto ka para sa akin.” Lasing na sagot ni Connor at sumuka muli.“Bilisan mo ng sumuka diyan.” Sabi ni Shy at iniwan siya sandali para kumuha ng malinis na towel.Pagbalik niya, tapos na si Connor sa pagsuka. Nilapitan niya ito at agad na pinunasan ang mukha. Nakakunot ang noo niya habang nagpupunas sa binata nang marinig niya ang mahinang pagtawa nito.“Misis, ayaw mo ba ako maging asawa? Malapit ka ng lumampas sa kalendaryo, ako naman pa lolo na.”Hindi alam ni Shy bakit pero bahagya siyang natawa sa sinabi ni Connor. Hindi maganda ang relasyon nilang dalawa pero may mga panahon rin naman na maayos ang pag-uusap nila. Gaya nito.Naging madaldal at hindi bugnutin si Connor.“Matulog ka na para mawala ang pagkalasing mo.”“Hindi naman ako lasing. Pinipilit mo lang na lasing ako kahit na
Read more

Chapter 202- Shy unconsciously does her servant duties

Hindi nagpapansinan ang dalawa no’ng gabing yun hanggang sa nakatulog sila sa kani-kanilang kwarto. Kinabukasan, maagang nagising si Shy para ipaghanda ng pagkain si Connor dahil maaga itong papasok ngayon sa trabaho.“Woman, have you seen my shirt?” tanong ni Connor pagkababa niya ng hagdan.“Nasa bathroom.. Pwede ba, tandaan mo saan mo iniiwan ang mga damit mo?” inis na sabi ni Shy. Kilalang kilala na talaga niya si Connor. At hindi man lang niya yun napapansin.Tumaas naman ang sulok ng labi ni Connor at nagtungo sa banyo. Pagbalik niya sa kusina, nakahanda na lahat ng pagkain.“Saang bansa mo gusto pumunta sa susunod?”Tumigil si Shy sa ginagawa niya at napatingin kay Connor. “Anong bansa ang sinasabi mo?”“It’s been a month nang lumipat tayo dito. Hindi magtatagal, matutunton na naman tayo ni lolo.”“Bakit ba ayaw kang tantanan ng lolo mo? Hindi mo naman na mapipilit si Ms. Shamcey na pakasalan ka dahil may anak na siya kay sir Kelleon.”“Obsess si lolo sa mga ginto. Interesado s
Read more

Chapter 203- Brief ni Connor

Nilabas ni Shy lahat ng mga labahin niya kasama na ang mga brief ni Connor. Naging normal routine na sa pagitan nilang dalawa ang mga ito.Parang wala na kay Shy lahat ng mga ginagawa niya. Kahit ang paglaba ng mga personal na gamit ni Connor ay parang wala na sa kaniya.Pumunta siya sa may Poso—a rusty metal that were used by people in their town to dig up some water from the well.“Hi Shy, mukhang marami kang lalabhan ngayon ah?” ang sabi ni Lena na naunang naglalaba sa tabi ng poso.“Ay oo.. Wala kasing tubig sa gripo.”“Naku Shy, masanay na kayo ni Connor. Kapag ganitong oras talaga, pinapatay nila ang linya ng tubig. Ewan ko ba at hindi pa ito nari-resolba samantalang ito palagi ang pangako ng mga politikong tumatakbo, ang unlimited tubig.” Mahabang litanya mula kay Alphie na siya ring isa sa naglalaba.“Huy Alphie, mamaya may makarinig sayo at baka mapost ang mukha mo sa pesbok!” Paalala ni Lena.“Naku, e post nila. Wala akong pakialam sa kanila. Bakit? Totoo naman ah!” AlphieH
Read more

Chapter 204- Kailangan kong umuwi

“CONNOR!” Napatigil si Connor sa pagbuhat sa isang sakong bigas ng tawagin siya ni Reese. Maliban kay Connor, alam ng lahat na may gusto si Reese sa kaniya.“Ma’am Reese,”“Ayan ka na naman sa ma’am. Reese nalang kasi. Ito naman, para naman tayong hindi magkaibigan.” Sabi pa ni Reese sabay bangga sa siko ni Connor.Tumingin si Connor sa mga kasamahan niya. Ayaw niyang madikit kay Reese pero sobrang ‘touchy’ nito sa kaniya. Hindi naman niya ito pwedeng pagsabihan at baka e mawalan pa siya ng trabaho.Kailangan niya ng trabaho para makapagprovide siya sa kanila ni Shy.“May gagawin ka ba pagkatapos nito, Connor? Kain tayo sa labas mamaya sa out mo, libre ko!”Agad na sumipol ang mga kasamahan nila sa trabaho. Tinutukso siya ng lahat kahit na batid nilang may Shy na siya sa buhay niya.“Ay naku ma’am Reese, sorry pero kasi maaga ako uuwi ngayon. Iyon kasi ang sabi ni misis.” Palusot niya kahit na wala namang sinabi na ganoon si Shy.“Hindi naman tayo magtatagal e.” Sabi ni Reese na naiin
Read more

Chapter 205- Departing

“I-I booked you a tics. Ready na ang mga gamit mo?”Tumigil si Shy sa ginagawa niyang paghahalo sa ulam na niluluto niya. Aalis na siya, pero nagawa pa rin niyang maghalo-halo ng ulam sa kalan.Hindi niya kasi inaasahan na biglang papayag ng ganoon-ganoon nalang si Connor. Pakiramdam niya tuloy ay parang may hindi tama kahit na siya naman ang humiling dito na uuwi siya.“Nakaready na ang maleta ko.” Sabi niya pero siya e hindi pa nakabihis ng damit.Tumaas ang sulok ng labi ni Connor. Kanina pa niya pinagmamasdan si Shy na aligaga sa kusina.“Bakit ka pa nag-abalang magluto? Nag-aalala ka ba sa akin na wala akong makain mamayang gabi pag-alis mo?” napatalon si Shy sa gulat nang maramdaman ang hininga ni Connor sa tenga niya.Napalunok siya ng wala sa oras at biglang napaharap sa binata. “What are you doing? Ang lapit lapit mo.” Sinubukan niyang magalit pero mas naunahan siya ng matinding kaba.“I’m sorry. Sinisilip ko lang naman ang niluluto mo. So nag-aalala ka ba sa akin kaya ka nag
Read more

Chapter 206- Ako ang mister niya

Mabilis lang ang naging byahe ni Shy. After the air travel, nagtaxi lang siya papuntang San Carlos—ang probinsya nila.Madaling araw na siya nakarating sa bahay nila. Ngunit kahit na ganoon, ang isipan niya ay nasa kay Connor pa rin. “Bakit ba iniisip ko pa ang lalaking yun? Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya.” Sabi ni Shy at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kanila.Ngunit nahinto siya ulit at inisip na naman si Connor. Inis niyang kinuha ang cellphone niya para sana tawagan si Connor nang bigla siyang nasilaw sa flashlight na itinapat ng papa niya sa kaniya. “Shy?”“Pa? teka ang flashlight pa!” aniya na nakapikit ang isang mata at nakaharang ang siko sa mukha.“IKAW NGA SHY! ANAK, TEKA, BAKIT HINDI KA NAGPASABI? MAAAA! NANDITO ANG ANAK MO!”Ang nakapatay nilang ilaw ay agad na bumukas lahat at lumabas ang mama niya.“SHY!” Sa lakas ng boses nito, napangiwi na siya. “NAKUNG BATA KA! BAKIT HINDI KA NAGPASABI NA UUWI KA? AT BAKIT NGAYON KA LANG? NGAYON KA LANG BA PINAYAGAN
Read more

Chapter 207- Si Connor lang ang iniisip niya

Napabangon si Shy nang makarinig ng boses ng isang babae mula sa kabilang linya.“Oh ate, gising ka na pala. Sayang at hindi mo naabutan si kuya Connor. Hinahanap ka niya.” Sabi ni Rizallie nang nakangiti, na tila ba nanunukso. Pero wala no’n ang attention ni Shy, naroon kay Connor.Sino yung babaeng yun? Anong ginagawa ni Connor? Bakit may kasama siya?Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang umalis at puntahan ang binata. Kinuha niya ang cellphone kay Rizallie at tinawagan muli si Connor ng hindi nag-iisip pero hindi na nito sinasagot ang tawag. Mas lalo siyang nabahala.“Ate, nag-alala ka ba kay kuya Connor? Boyfriend mo ba siya?” dahil sa sinabing iyon ni Rizallie, biglang natigilan si Shy.“H-Huh? Hindi…” Sabi niya at agad na binitawan ang cellphone niya.“Ano bang pinagsasabi mo diyan Rizallie? Saka bakit nasa kwarto kita?” aniya para maiba ang usapan. Ang lakas ng tibok ng puso niya.Nagbaba ng tingin si Rizallie. “Ate, sorry po..” Sabi niya. “Sorry kung sinagot po kita kahapo
Read more

Chapter 208- Bahala ka sa sarili mo

“Kamusta ang trabaho mo doon sa boss mo anak?” tanong ng papa ni Shy. “Mabuti at pinayagan ka na umuwi ng boss mo sa atin. Nagpaalam ka ba sa kaniya?”Tumango si Shy. “Opo pa,” matamlay niyang sabi.“May sakit ka ba anak? Bakit ang tamlay mo? Sumagot ba ang boss mo sayo kanina?” tanong ng mama niya.Umiling si Shy, dahil hindi siya sinagot ni Connor. Napatingin naman sa kaniya si Rizallie. Ang alam niya kasi e si Connor ang tinatawagan ng ate niya kanina at hindi si Kallahan.“Hindi po ma, busy po ata.”“Boss mo pala si kuya Connor, ate? Pero bakit siya tumawag sayo kanina para kamustahin ka kung safe ka ba nakarating dito?” singit ni Rizallie.“Connor?” kunot noong sabi ni Rosalie at Sammy. “Hindi ba, Kallahan ang pangalan ng boss mo anak?”“Pinsan po ni sir Kallahan, si sir Connor ma, pa…” Aniya sabay simsim sa juice na nasa harapan niya.“So boss mo rin pala siya ate. Akala ko e boyfriend mo.”“RIZALLIE!” Saway ni Shy sabay pamimilog ng mata.“Boyfriend? Nililigawan ka ba ng pinsan
Read more

Chapter 209- Kal, can you call my woman for me?

Galit na galit si Don Anton matapos niyang malaman na natamaan ng bala ang apo niyang si Connor. Agad niyang pinuntahan ang tauhan niyang may gawa non at malakas itong sinampal.Nasa likuran lang si Kallahan, walang imik. Batid niyang hindi sinasadya ang nangyari. Malinaw na nakarating sa kaniya na pantakot lang ang baril, ngunit aksidente yung naputok nong tumatakas si Connor.Hindi rin naman alam ng lolo niya na palihim siyang tumutulong sa pinsan niya.“Hindi ba sabi ko dalhin niyo lang dito ang apo ko? Hindi ko sinabing barilin niyo.”“Hindi ko po yun sinasadya sir.” Takot na sabi nong tauhan.“Hindi sinasadya? Bob0 ka ba at hindi nag-iisip?”“Lo, daplis lang yun.” Ang sabi ni Kallahan. “Dahil kung napuruhan si Connor, sana sinugod na siya ngayon sa hospital.” Isa pa, masamang damo yun. Matagal yung mamatay. Gusto sana niyang idugtong pero di nalang niya ginawa.Sinamaan ng tingin ni Don Anton ang tauhan niya at agad na inutos sa ibang tauhan na tanggalan ng trabaho ang lalaking y
Read more

Chapter 210- Layuan mo ang lalaking yun

“Anong nabaril?” tanong ni Shy sa sarili niya. Napatayo pa siya at napatitig sa phone niya. Kakatawag lang ni Connor kanina na hindi niya sinagot bago siya tawagan ni Kallahan.Pakiramdam niya e ayos lang talaga si Connor at nakiusap lang ito kay Kallahan na sabihin yun para tumawag siya. Kung kaya mas lalo pa siyang nagmatigas siya at hindi tumawag kay Connor.“Akala mo naman maiisahan mo ko.” Sabi niya.Pinatay pa niya ang phone niya at lumabas ng bahay. Nakita niya sa harapan si Rizallie na nakikipag-usap sa isang lalaki na hindi niya kilala.Kumunot ang noo niya at nilapitan ito. Tatlong araw na siya sa kanila ngunit ngayon lang niya nakita si Rizallie na nakipag-usap sa iba.“Rizallie!”Tumingin si Rizallie sa kaniya. “Ate..”Tumingin si Shy doon sa binata. “Ilang taon ka na hijo?” unang tanong niya dahil sa tingin niya ay nasa desi sais na ito.“16 na po,” sabi no’ng lalaki.Tumango siya at tumingin kay Rizallie. Tama nga ang hinala niya.“Ate, this is Geo.”Hindi nagpakita ng
Read more
PREV
1
...
171819202122
DMCA.com Protection Status