Nasa condo ni Kelleon si Shamcey at kasalukuyan silang nagpa-pack ng gamit niya sa isang maleta. Pero si Shamcey ang nai-stress dahil 2 months si Kelleon sa US pero ang damit na nilabas e dalawang pares lang ng blouse, isang thick jacket, isang leather jacket, 5 boxers, 2 pants at iyon lang.“Akala ko ba 2 months ka doon?. Bakit pang dalawang araw mo lang itong nilabas mo? Ang laki pa ng space ng maleta mo oh/”“Kung maubusan ng damit, edi uuwi ako. Baka paraan yun ng destiny para umuwi ako sayo.” Aniya at malapad na ngumiti.Pero hindi naman kinilig si Shamcey sa banat niya. In fact, nabwesit pa nga ito.Nang makita niyang sinamaan siya ng tingin ni Shamcey e bigla siyang tumikhim. “Bibili na lang ako doon sa US.”“So bakit mo pa ako pinapunta dito? Kaya mo lang itong gawin mag-isa e.”“Wala. Gusto ko lang kayong makasama ni ba—"“Isang baby mo pa at malilintikan ka sa akin.”Napalunok siya sa pagbabanta nito.“Ano… I just want to be with you and besides, I’m bored.” Lumapit siya kay
Magbasa pa