“Please Angel, isang linggo lang naman ang hinihingi nilang extension e.” Ang sabi ng boss niya na nakiusap na mag-extend pa ng isang linggo si Angel sa Italy.Nakiusap kasi ang client ni Angel na gusto pa niyang ipa extend si Angel ng isa pang linggo.“Pero tita, hindi ko pa po kasi nakakausap si Michael. Hindi ko po alam kung papayag siya lalo’t ang usapan ay isang linggo lang ako dito.”“Please… Last mo na ito. If you want to resign, hindi na kita pipigilan. Just this one..”Nag-alala si Angel dahil buong akala niya e uuwi na sila sa makalawa ni Maricris. Miss na niya ang asawa niya at anak niya.Gusto na niyang umuwi rin.“Sige po tita.. tatawag po ako mamaya kapag nakausap ko na po si Michael.”“Salamat, Gel..”Nang mamatay ang tawag, tumingin siya kay Maricris.“Ano daw ba ang sabi? Hindi ka pa nila papauwiin?”“Hindi pa raw e,” sabi niya. “Mukhang ikaw lang yata ang makakauwi sa makalawa.”“Huh? Paano yan? Ini-expect pa naman ni Mithi na uuwi ka na.”“Kaya nga. Wait, tawagan ko
Huling Na-update : 2024-07-24 Magbasa pa