[Seiji’s POV] “Binigyan ko ng isang libo, boss. Hindi na magsasalita ‘yun. Sinigurado ko na,” wika ng kaibigan ko pagkaupo nya sa driver’s seat. “Good,” sagot ko sa kanya habang nakatunghay kay Kataleia na naglalakad palayo. She’s so stubborn; I’ve realized that tonight. At binasted na naman nya ako. Pangalawang beses na akong ma-unggoy nya. But this time, I don’t feel any hurt. Slight disappointment, perhaps, pero hindi gano’n kasaklap sa pakiramdam hindi gaya noong una. Alam ko nang she’ll come to it soon. I just need to be more patient. We kissed. Yeah. Natutuwa talaga ako do’n. I wasn’t expecting it, pero ayun na nga, nangyari na. Pinigilan ko ang aking sarili na gumawa ng ibang bagay na maaaring makakapagpa-turn off sa kanya. Kung halik, halik lang. Kaya ‘yun lang talaga ang ginawa ko kahit gigil na gigil na ako sa kanya. Noong nag-insist sya na iwan ko na lang sya roon, hindi ako napalagay. Umalis nga ako pero pinasunod ko ang tao ko para bantayan sya at kung susunduin nga
Magbasa pa