All Chapters of Kidnapped by the Billionaire After Divorce: Chapter 41 - Chapter 50

226 Chapters

CHAPTER 41: Another Incident

 HETO NA NAMAN ang pakiram ni Liberty na tila wala siyang mapuntahan. Wala pa ang kaibigan niya sa bansa, ayaw niya pa ring umuwi sa kanila dahil mararamdaman niya lang ang kalungkutan dahil sa pagiging mag-isa.Kaya naman, kaysa kung ano-ano ang isipin niya kapag nasa bahay, dumiretso siya sa isa pang hospital kung saan naroon ang mama ni King. Sa hindi malamang kadahilanan, kahit walang sinasabi ang ginang sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ito at ngumingiti sa kanya na kailanman ay hindi niya naramdaman sa nanay niya.Bago pumasok ng kwarto, isang malapad na ngiti ang inihanda niya nang sa ganoon ay hindi nito maramdaman ang problemang dala-dala ngunit nang papasok na siya sa loob ay narinig niya ang isa sa mga tagapagbantay ng ginang na pinag-uusapan siya.&
last updateLast Updated : 2024-07-23
Read more

CHAPTER 42: He Became Nervous

 HINDI MAIWASAN NI King na huwag mapangiti dahil sa malaking improvement ng mommy niya magsimula nang makikilala nito si Liberty. Kahit papaano'y gumagawa na ito ng responds sa mga nakapaligid dito sa ilang mga pagkakataon na nakakausap niya.“Are you excited to go home, Mom?” tanong niya sa mommy niya habang iniisa-isang isilid ang gamit nito. “Cause I am.”Totoo ang sinabi niya. Matagal-tagal ding nanatili ang mommy niya sa hospital kaya hindi na rin siya umuuwi sa bahay nila dahil hinahanap niya ang presensya nito roon.“Inayos ko na rin ang room mo according to what you’ve said before. Yes, Mom. Sinunod ko na ang gusto mo. Napakabuti kong anak ‘di ba?” Ang balak niya pa noong una&rsqu
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

CHAPTER 43: He Strikes Again

NAGISING SI LIBERTY dahil sa malakas na sigaw niya na pumailanlang sa buong kwarto. Habol niya ang malalim na paghinga habang balot ang mukha ng matinding pag-aalala. Saka niya lamang napagtanto kung nasaan siya nang ikutin niya ng tingin ang apat na sulok ng kwarto.“Hospital again?” nanghihinayang niyang tanong sa sarili. Bakit naman yata sa dinami-rami ng mga lugar, sa hospital pa siya naging lapitin?“Ano bang kamalasan ang dumikit sa buhay ko? Hindi ko na nga problema ang pera pero matetegi rin ako, hindi ko iyon mapapakinabangan!” Umiiling niyang sambit sa sarili. “Kailangan ko ng pumasok sa trabaho…”Natigil lamang siya sa malalim na pag-iisip nang pumasok sa kwarto si King. Kung ano ang suot nito kagabi ay ganoon pa rin iyon. Halata rin sa nanlalalim nitong mga mata na wala pa ring tulog.“Kumusta ka?” tanong nito sa kanya nang makalapit.“Ito, may contest ng tanungan sa utak ko. Masamang balita, wala pa ring panalo,” sagot niya rito. “Hindi pa magaling ang kamay ko, paa ko na
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

CHAPTER 44: What is Hope

 ANG KANINANG PAGIGING kalmante ni Liberty ay napalitan ng matinding kaba nang hindi siya sa bahay na tinutuluyan nila noong nagsasama pa sila dinala ni Duncan dinala. Patungo sila sa liblib na lugar na ngayon lamang nila pupuntahan. Gusto niyang tanungin ito kung anong plano sa kanya ngunit natatakot siya sa sasabihin ng asawa dahil alam niya na rin ang iisang sagot doon na kahit na anong mangyari ay hindi niya papayagang gawin nito sa kanya. Walang magawa na tinitignan niya na lamang ang mga lugar na madadaanan nila sa pagbabakasakaling makakita siya ng kahit na isang senyales kung paano ito matatakasan.Ganoon ang ginagawa niya hanggang sa huminto sila sa isang ancestral house na ngayon niya lamang napuntahan.“We’
last updateLast Updated : 2024-07-25
Read more

CHAPTER 45: Living in Hell

NAIKUYOM NI LIBERTY ang kaninang nakabukas na kamay nang dumating ang hindi niya inaasahang bisita. Sigurado siya. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit na nasa kabilang kwarto’y dinig niya ang kawalang-hiyaang ginagawa ng dalawa sa ibabaw ng kama. Habang magkasalo ang mga ito at parehong pinaliligaya ang isa’t isa, napakaraming tanong na kusang tumatakbo sa isipan niya.Bakit? Bakit umabot siya ng ganito kababa? Bakit kailangang hayagang ipadama sa kanya ng magaling niyang asawa ang pagtataksil nito? Higit sa lahat, bakit kumakapit pa rin siya sa masayang memorya na nagdadala lamang ng kirot sa kanya? Hindi na dapat. Wala na dapat siyang nararamdaman na kahit ano lalo na kung ipinagdudulan na sa kanya ng reyalidad na tapos na nga talaga ang pahina ng pagsasama nilang dalawa.Gusto niyang tanungin ang sarili kung gaano ba kalalim ang ibinaon niyang pagmamahal dito para umabot sa punto na hirap siyang kalimutan ito. Nasa itaas ang kanyang utak, mas mababa sa puso kung tutuusin ngunit ba
last updateLast Updated : 2024-07-26
Read more

CHAPTER 46: Dearest Friend

“HOW CAN YOU be sure?” galit na tanong ni King sa staff ng hospital kung saan naka-confine si Liberty. “Asawa niya po mismo ang nag-ayos ng releasing paper niya,” siguradong sabi ng nurse.“Wala rin po kaming nakita kahit na anong pagtutol kay Mrs. Salvantez,” giit pa ng isa.“Opo. Kaya ang akala namin ay ayos lang po na ang asawa niya ang susundo sa kanya, Mr. Salvantez.”Naibagsak naman ni Charles ang kamay sa ibabaw ng lamesa. Bakas din ang galit dito dahil sa nalaman. Dahil sa industriyang ginagalawan nila, hindi naging malabo na naging malapit din sila na kalaunan ay naging magkalaban at magkaibigan. Ayon sa mga nalaman niya, dating kumukuha ng law si Charles ngunit lumipat sa programming kinalaunan dahil hindi naman talaga ang naunang kurso ang gusto nito at pinagbigyan lamang ang mga magulang. Malaking hakbang nang magsimula ito sa negosyo na ngayon ay kasusyo niya na rin niya.“Alam mo ang ugali ni Ruffa, p’re!” sabing muli ni Charles. “Ayaw na ayaw na niyon sa lahat kapag ma
last updateLast Updated : 2024-07-26
Read more

CHAPTER 47: She Went Crazy

“KAIN! SINABI NG kumain ka!” may diin ang pagsasalita habang nagpupumilit si Victoria na ipasok sa bibig niya ang kutsara.Ngunit matigas si Liberty. Hindi niya kinakain ang mga pagkaing si Victoria mismo ang nagluto. Wala siyang tiwala sa mga tao rito sa bahay. Mas pipiliin niyang mag-ulam ng instant noodles na siya mismo ang naghanada kaysa kainin ang mga pagkaing ihahain ng mga ito.“Napakatigas ng ulo mo!” malakas na sigaw nito kasabay ng pagsipa sa kanyang wheelchair.“Hindi ako kakain,” may diin niyang sabi sa mga ito. “Mas pipiliin ko pang magutom kaysa mamatay sa lason.”“Sige! Kung iyan ang gusto mo!” may galit na kinuha ng ina ni Duncan ang mga nakahain sa kanyang harapan.Nakangising nakatingin naman sa kanya si Merideth habang patuloy ito sa pagkain. Sa pamilyang narito, alam niya higit pa sa kahit na sino kung sino nga ba ang mas nasisiyahan na makita siyang nahihirapan siya.Wala ngayon si Duncan dahil sa mga dapat na ayusin sa kompanya. Kailangan niya lamang ng tamang p
last updateLast Updated : 2024-07-27
Read more

CHAPTER 48: He Wants Her Back

HINDI MAKAPANIWALANG TININGNAN ni Liberty ang asawa nang dalhin siya nito sa inihandang pagsasalo sa likod-bahay. Doon, nakahanda ang isang mahabang lamesa kung saan puno ng iba’t ibang putahe ang pagkain. Mayroon din mga rosas na puti sa center table katabi ng baso na may kandila sa loob. Puno din ng pailaw ang lugar na nagpatingkad sa ganda ng paligid.Kung hindi ganito ang sitwasyon nila ng asawa at hindi siya nitgo niloko, baka, sa pagkakataong ito’y umiiyak na siya labis na kasiyahang ipinadadama sa kanya ng asawa.Ngunit habang itinutulak nito ang kanyang wheelchair, bakit walang maramdaman na kahit na ano si Liberty? Tila ba kahit anong gawin ni Duncan ay hindi na siya muling sasaya sa piling nito. Ang lamat na hatid nito ay masyado ng malaki para tapalan pa.Ang pagkakangiti ni Duncan nang mga sandaling iyon ay napakatingkad. Suot nito ang formal na damit upang magmukhang engrande ang gabing iyon ngunit ang nakikita niya pa rin sa asawa ay ang pagtataksil nito na hindi na yata
last updateLast Updated : 2024-07-28
Read more

CHAPTER 49: The Accident

MGA BALIW NA ang kasama niya sa bahay. Hindi niya alam kung paano pa ng mga ito nagagawang taas-noong humaharap sa kanya na parang walang nagawang kataksilan. Higit sa lahat, inaasahan pa ng magaling na kabit ng asawa niya na handa siyang magpaalila sa pag-aakalang katulad pa rin siya ng dati na pinagsisilbihan si Duncan.“Bakit para sa ‘yo lang iyang niluto mo?” may pagtataray na tanong ni Merideth.Nagawa pang tumingin ni Liberty sa kanyang likuran bago tingnan ang babae saka ibaling ang tingin sa niluto niyang kaldereta na sinigurado niyang para lamang sa kanya. Ipinatong niya iyon sa kanyang hita upang maitulak nang walang hirap ang wheelchair.“Ako pala ang kinakausap mo?” nagmamaang-maangan niyang tanong dito bago ipagpapatuloy ang pagpapagulong sana sa wheelchair na pinigilan ni Merideth.“Tinatanong kita, bakit para sa ‘yo lang iyang niluto mo—”Natawa si Liberty at umiling sa babae. “Baka nakakalimutan niyong bihag niyo ako dito pero hindi niyo alila. Bakit, kung ipagluluto k
last updateLast Updated : 2024-07-28
Read more

CHAPTER 50: In the Warehouse

MATAPOS MATAWAGAN ANG kaibigan, kaagad na inalis ni Liberty ang ebidensya na binuksan niya at pinakialaman ang sariling cellphone. Kinuha ito ni Duncan nang sapilitan siyang dalhin sa lugar na ito. Sinigurado niya ring ibinalik niya iyon sa pagkakaayos nang sa ganoon ay hindi pagsuspetsahan. Nang makalabas sa kwarto ni Duncan, bakas na naman sa kanya ang matinding pag-aalala at takot sa magiging kalagayan ni Merideth. Hindi siya ganoon kasama para umabot sa punto na kaya niyang ipahamak ang kahit na sino para lamang mapanatag ang kalooban niya na nakaganti. Hindi kasama ang mga inosenteng buhay sa mga kailangang madamay. Hindi siya mapapalagay hangga’t hindi nalalaman ang kundisyon nito.Kung gaano siya katagal na naghintay doon ay hindi niya alam. Ang sigurado siya’y hindi siya makakaalis nang hindi nalalaman ang kalagayan nito.Iyon na yata ang pinakamatagal na paghihintay niya. Kulang ang salitang pagkainip para ipaliwanag niya ang kabang nadarama. Bawat pagpihit ng orasan ay tila
last updateLast Updated : 2024-07-28
Read more
PREV
1
...
34567
...
23
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status