All Chapters of Kidnapped by the Billionaire After Divorce: Chapter 181 - Chapter 190

226 Chapters

CHAPTER 181: An Old Acquaintance

“I CAN GIVE you my alibi,” sambit niya sa mga pulis na patuloy ang pagkwestyon sa kanila.Nasa presinto sila ngayon kung saan naroon din si Olga at Celine. Gusto siyang samahan ni King ngunit siya na mismo ang tumanggi. Mas kailangan ito ngayon ni Lindsay na dinala na rin sa hospital upang malaman ang kalagayan ng babae. “Here, this is my last phone call history,” ipinakita niya sa mga ito ang oras ng pag-uusap nila ni Carleen. “Magagawa ko bang gumawa ng isang krimen habang nagbibigay ako ng instruction sa assistant ko tungkol sa application na dine-develop namin?”Hindi niya tinatanggal ang tingin sa pulis na kaharap niya ngayon. Ipinapakita niya rito kung gaano siya kaseryoso sa kanyang mga sinasabi.“Can’t you find any CCTVs na malapit sa banyo?”“Kami ang bahalang magresolba niyan,” matigas na sambit ng pulis. “Gusto kong malaman ang buong pangyayari—”“Ano pa bang gusto niyong malaman?” naiinis na tanong ni Liberty. “Ang mga sinabi ko, iyon na iyong lahat. Wala akong tinanggal,
last updateLast Updated : 2024-10-25
Read more

CHAPTER 182: The Dark Motives 

WALA NA ANG binata nang magising siya kinabukasan. Sa dami ng nangyari, nakatulog siya kama ng hindi nakapagpalit ng damit na suot niya sa bidding kaya ganoon na lamang ang gulat niya na pantulog na ang suot niya nang magising kanina. Saka niya naalala ang tagpo kung saan kinausap pa siya kagabi ng binata. “I know I'm not a good person, Liberty. I've committed more sins that you can’t even imagine. But if there's one thing I'm sure of, it's my love for you. That is true even if we turn the world upside down…”Hindi niya alam kung totoo ang mga narinig na iyon sa binata o parte lamang ng panaginip niya. Kung anuman sa dalawa, sana’y sinabi ito sa kanya kung kailan maririnig niya nang walang pagdududa na galing iyon sa bibig nito mismo.“He should have told me personally…”Ngunit kailangan niya pang humiling nang sobra? Kulang pa ba ang mga ibinibigay sa kanya ng binata?“I won’t settle for less…” Ganoon na ang nangyari sa relasyon nila ni Duncan. Hindi na iyon mauulit sa pangalawan
last updateLast Updated : 2024-10-25
Read more

CHAPTER 183: Face the Truth 

HINDI MAPAKALI NANG araw na iyon si Liberty. Gusto niyang puntahan ang binata kahit hindi niya alam ang sasabihin dito. Ang mahalaga lamang sa kanya nang sandaling iyon ay makita si King.“Bakit hindi mo puntahan, Hija?” nakangiting tanong sa kanya ng mama ni King. “Kung iyan ang sinasabi ng puso mo, bakit ipagpapabukas mo pa?”“Hindi po ba kalabisan kung pupuntahan ko siya ngayon at magkikita naman kami sa susunod na araw?”“Ang tanong, kakayanin mo ba ang pag-iisip nang matagal?”Ganoon na lamang ang paglunok nang malalim ni Liberty. Gustong-gusto niya talagang makita ang binata upang maayos ang tampuhang namagitan sa kanila. Ngunit nahihiya siya na amining ganito niya na kamahal si King para maging apektado sa hindi nila pag-uusap.“Sige na, Hija. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano, okay?” Hindi niya maiwasang huwag maantig sa pag-aalagang ipinapakita sa kanya ng nanay ni King. Hindi niya naramdamang iba siya magsimula nang tumira siya sa bahay nit
last updateLast Updated : 2024-10-25
Read more

CHAPTER 184: Love is Crazy

BUONG GABI NA gising si Liberty nang araw na iyon. Inalagaan niya ang binata na nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot. Madaming bumabagabag sa kanyang isipan habang patuloy ang pagbabantay niya rito. Naiisip niya pa lang ang maraming posibilidad na maaaring mangyari sa oras na naituloy sana ni Olga ang pagtatangka sa lalaki ay hindi niya na kinakaya.Hanggang ngayon din, napapatanong siya sa sarili kung saan nanggagaling ang lakas niya upang makipaglaban sa mga katulad ni Olga na walang ginawa kung hindi ang manira ng buhay. Ang manabunot o manampal? Hindi niya akalain na magagawa niya kung ang dating siya ang humarap dito. Hindi niya hahayaan na marumihan ang kamay niya ng mga katulad nila na walang delikadesa.Ngunit dahil pala sa simpleng pagmamahal na salita, magagawa niya ang mga na hindi niya akalain na magagawa. Kapag si King pala ang usapan, kaya niyang itaya ang lahat ng mayroon siya para lamang dito.Natatakot man siyang aminin ngunit ganoon niya na kamahal ang binata na ha
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more

CHAPTER 185: The Bento Box

MATINDING PAGKALAM NG sikmura ang naramdaman ni Liberty nang magising. Dahil sa pagmamadali niya na puntahan kahapon ang binata, hindi na siya nakakain ng hapunan kaya ngayon ay gutom ang inabot niya.Kahit inaantok pa, mabilis ang naging pagtayo ni Liberty sa kinahihigaan. Wala na si King sa tabi niya na inaasahan niya ng mangyari dahil siya mismo ang nagsabi na puntahan nito ang party kung saan maraming investors na dadalo. Plano nila na i-expand ang application na iyon hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa mga karatig-bansa na interesado sa kanilang application. Alam niya, hindi man sinasabi ni King ngunit malaki ang tiwala nito sa kakayahan niya kaya hindi malabo na mas marami pa ang mapupuntahan ng nasabing application.Suot lamang niya ang pajama nang bumaba si Liberty para magpunta sa dining hall ng hotel. Ngunit dahil anong oras na siya nagising, ang mga hindi niya gustong pagkain ang nakahain doon. Sigurado rin siyang hindi na iyon mainit kaya sa labas niya na napagdesis
last updateLast Updated : 2024-10-27
Read more

CHAPTER 186: Taste of You

“LAHAT NG ITO gagawin ko?” gulat na tanong ni Liberty habang kasama si King sa isang shooting range area. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan ng binata at ito ang naisip na ituro sa kanya.Gusto lang daw nito na matututo siya sa pagpapaputok ng baril nang hindi natatakot. “Sigurado ka ba na ituturo mo ito sa akin?” hindi niya pa rin makapaniwalang tanong sa binata.Mabilis naman ang pagtango ni King nang walang pagdadalawang-isip. Dahil sa pagiging pursigido at seryoso nito, ganoon na lamang ang sunod-sunod na pagpikit at dilat ng mga mata ni Liberty habang nakatingin sa target na kanyang aasintahin.“This is like giving a foundation to our business, Liberty. You should have to be more careful but at the same time, be certain of the target that you need to be hit.”“Bakit? Ano bang business natin? Drvgs ba? Mafia ka ba—”“Lady, be serious!” nauubusan ang pasensyang sambit ni King na naging dahilan ng kanyang pagnguso.Bakit naman kase nagpresi-presinta siya na magpaturo sa b
last updateLast Updated : 2024-10-27
Read more

CHAPTER 187: The Fear of Mistress

“MAY BABAE KA ba, Duncan?” iyon kaagad ang naging bungad ni Merideth sa asawa nang dumating ito sa kanilang bahay nang lasing na naman at umaga na.Ilang gabi na siyang hindi makatulog at binabalot ng matinding pag-aalala na baka pinalitan na siya ng asawa dahil hindi niya maibigay ang ibang pangangailangan nito bilang lalaki. Kailangan niya na raw din kaseng mag-ingat at huwag mapagod dahil sa delikado niyang pagbubuntis. Mahina na ang kapit ng bata sa kanyang sinapupunan. Natatakot siyang mahulugan lalo na’t alam niya na ang batang dinadala niya ang dahilan kung bakit siya ang piniling pakasalan ni Duncan.“Huwag mo ng ulitin ang tanong ko, Duncan! May babae ka ba—”“Ano sa tingin mo!” malakas na tanong nito sa kanya. “M-may babae ka nga?” natatakot niyang pagkukumpirma rito.Malamlam lang ang mga mata na nakatingin sa kanya ang asawa. Hindi ito sumagot sa kanya ngunit kitang-kita sa mga mata nito na wala na iyong buhay. Inuubos na rin ni Duncan ang oras sa alak habang nagpapalipa
last updateLast Updated : 2024-10-27
Read more

CHAPTER 188: Lies to Unfold

HINDI MANAKAW ANG ngiti at pagtawa kay Liberty nang makita ang itsura ni King na todo kung makahawak sa hawakan ng bakal ng tren habang ang tingin ay nasa magkabilaan niyang bahagi. Hindi rin nito alam kung saan ilalagay ang sarili dahil sa siksikang nangyayari.“Wala pa bang upuan?” mahina nitong tanong sa kanya na ikinailing niya na namang muli.“Rush hour kase kaya puno ang tren.”“Sabi ko kase sa ‘yo magkotse na lang tayo—”Hindi rin nito naituloy ang sasabihin nang tapalan niya ng butsi ang bibig ng binata na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa pagkakasimangot. Siya ang pinapili nito ng date na gusto niyang mangyari tapos ngayong narito na sila napakaraming arte? Ang akala niya, natural na mayaman din ito nang bata pa lamang ngunit sumobra naman yata sa yaman na hindi sanay na mag-commute.Nang magkaroon ng isang bakante sa loob ng tren, dali-dali kaagad ang pagharang doon ni King bago siya sabihan na maupo na. Pagngiti lamang ang naging sagot niya rito bago umupo sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 189: Lies for Another Lies

“HINDI KO PO alam,” sabi niya sa mama ni King. “Isang araw nagising na lang ako na mahal ko na ang anak niyo. Sa sumunod na araw nakita, ko na lang ang sarili ko na maging matibay…”“Sa tingin mo hindi normal iyon?” tanong muli ni Elinor sa kanya.“Hindi po normal na labanan ang dalawang babae at kaladkarin ang buhok ng mga ito nang wala akong awa na nararamdaman. Hindi ko ho alam kung saan nanggagaling ang lakas at galit ko para gawin ang mga bagay na hindi ko naman dating ginagawa. Sa pagkakaalala ko ho, hindi ako amasona, Tita. Mas sanay pa akong itong inaapi at mananahimik lang.Natawa ang mama ni King sa sinabi niya.“Sabagay, nalaman ko nga rin sa anak ko ang ginawa mo para lang maprotektahan siya doon sa babaeng ginamitan siya ng dro6a—”“Hay nako, Tita! Umiinit pa rin po ang ulo ko sa bruha na iyon,” hindi naman makakaila na totoo ang sinasabi niya dahil napakainit na na ngayon ng pisngi niya dahil sa galit. “Ang hindi ko rin maintindihan kay King ay kung bakit ayaw magsampa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 190: Out of Desperation

DESPERADO NA TALAGA si Duncan. Kinain niya rin pala ang mga binitawan niyang salita na kayang niyang magtayo ng kompanya na walang tulong ng mga Salvantez. Ang tao kaseng makakasusyo sana sa negosyo ay niloko siya. Itinakbo nito ang paunang bayad para sa proyektong kanilang sisimulan. Ngunit hindi siya titigil sa paghahanap. Sisiguraduhin niyang makakaganti siya.Ngayong nasa harapan niya si Liberty, makikita ang malaking pagbabago rito. Mapapansin din na tiwala na ito sa sarili para harapin siya. O dahil marami lang tao kaya kampante ito na pakiharapan siya?“Kung magtititigan na lang tayo rito, aalis na ako, Duncan—”“H-hindi!” mabilis niyang sagot dito. “Eh anong kailangan mo?” “Ano… pwede mo bang kausapin ang grandpa? Gusto kong bumalik ng kompanya, Liberty. Ako lang ang may kakayahang magpatakbo niyon. Wala ng iba.”Nakatingin lang nang matagal sa kanya si Liberty. Bakas sa mukha nito na tila hindi makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa kanyang bibig.“Akala ko ba kaya mo n
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
23
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status