Dahil isa lang ang na-update ko kahapon, bawi po ako ngayon. May kasunod pa pong mga chapter ito ngayong araw. Have a blessed Sunday everyone...
“LAHAT NG ITO gagawin ko?” gulat na tanong ni Liberty habang kasama si King sa isang shooting range area. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan ng binata at ito ang naisip na ituro sa kanya.Gusto lang daw nito na matututo siya sa pagpapaputok ng baril nang hindi natatakot. “Sigurado ka ba na ituturo mo ito sa akin?” hindi niya pa rin makapaniwalang tanong sa binata.Mabilis naman ang pagtango ni King nang walang pagdadalawang-isip. Dahil sa pagiging pursigido at seryoso nito, ganoon na lamang ang sunod-sunod na pagpikit at dilat ng mga mata ni Liberty habang nakatingin sa target na kanyang aasintahin.“This is like giving a foundation to our business, Liberty. You should have to be more careful but at the same time, be certain of the target that you need to be hit.”“Bakit? Ano bang business natin? Drvgs ba? Mafia ka ba—”“Lady, be serious!” nauubusan ang pasensyang sambit ni King na naging dahilan ng kanyang pagnguso.Bakit naman kase nagpresi-presinta siya na magpaturo sa b
“MAY BABAE KA ba, Duncan?” iyon kaagad ang naging bungad ni Merideth sa asawa nang dumating ito sa kanilang bahay nang lasing na naman at umaga na.Ilang gabi na siyang hindi makatulog at binabalot ng matinding pag-aalala na baka pinalitan na siya ng asawa dahil hindi niya maibigay ang ibang pangangailangan nito bilang lalaki. Kailangan niya na raw din kaseng mag-ingat at huwag mapagod dahil sa delikado niyang pagbubuntis. Mahina na ang kapit ng bata sa kanyang sinapupunan. Natatakot siyang mahulugan lalo na’t alam niya na ang batang dinadala niya ang dahilan kung bakit siya ang piniling pakasalan ni Duncan.“Huwag mo ng ulitin ang tanong ko, Duncan! May babae ka ba—”“Ano sa tingin mo!” malakas na tanong nito sa kanya. “M-may babae ka nga?” natatakot niyang pagkukumpirma rito.Malamlam lang ang mga mata na nakatingin sa kanya ang asawa. Hindi ito sumagot sa kanya ngunit kitang-kita sa mga mata nito na wala na iyong buhay. Inuubos na rin ni Duncan ang oras sa alak habang nagpapalipa
HINDI MANAKAW ANG ngiti at pagtawa kay Liberty nang makita ang itsura ni King na todo kung makahawak sa hawakan ng bakal ng tren habang ang tingin ay nasa magkabilaan niyang bahagi. Hindi rin nito alam kung saan ilalagay ang sarili dahil sa siksikang nangyayari.“Wala pa bang upuan?” mahina nitong tanong sa kanya na ikinailing niya na namang muli.“Rush hour kase kaya puno ang tren.”“Sabi ko kase sa ‘yo magkotse na lang tayo—”Hindi rin nito naituloy ang sasabihin nang tapalan niya ng butsi ang bibig ng binata na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa pagkakasimangot. Siya ang pinapili nito ng date na gusto niyang mangyari tapos ngayong narito na sila napakaraming arte? Ang akala niya, natural na mayaman din ito nang bata pa lamang ngunit sumobra naman yata sa yaman na hindi sanay na mag-commute.Nang magkaroon ng isang bakante sa loob ng tren, dali-dali kaagad ang pagharang doon ni King bago siya sabihan na maupo na. Pagngiti lamang ang naging sagot niya rito bago umupo sa
“HINDI KO PO alam,” sabi niya sa mama ni King. “Isang araw nagising na lang ako na mahal ko na ang anak niyo. Sa sumunod na araw nakita, ko na lang ang sarili ko na maging matibay…”“Sa tingin mo hindi normal iyon?” tanong muli ni Elinor sa kanya.“Hindi po normal na labanan ang dalawang babae at kaladkarin ang buhok ng mga ito nang wala akong awa na nararamdaman. Hindi ko ho alam kung saan nanggagaling ang lakas at galit ko para gawin ang mga bagay na hindi ko naman dating ginagawa. Sa pagkakaalala ko ho, hindi ako amasona, Tita. Mas sanay pa akong itong inaapi at mananahimik lang.Natawa ang mama ni King sa sinabi niya.“Sabagay, nalaman ko nga rin sa anak ko ang ginawa mo para lang maprotektahan siya doon sa babaeng ginamitan siya ng dro6a—”“Hay nako, Tita! Umiinit pa rin po ang ulo ko sa bruha na iyon,” hindi naman makakaila na totoo ang sinasabi niya dahil napakainit na na ngayon ng pisngi niya dahil sa galit. “Ang hindi ko rin maintindihan kay King ay kung bakit ayaw magsampa
DESPERADO NA TALAGA si Duncan. Kinain niya rin pala ang mga binitawan niyang salita na kayang niyang magtayo ng kompanya na walang tulong ng mga Salvantez. Ang tao kaseng makakasusyo sana sa negosyo ay niloko siya. Itinakbo nito ang paunang bayad para sa proyektong kanilang sisimulan. Ngunit hindi siya titigil sa paghahanap. Sisiguraduhin niyang makakaganti siya.Ngayong nasa harapan niya si Liberty, makikita ang malaking pagbabago rito. Mapapansin din na tiwala na ito sa sarili para harapin siya. O dahil marami lang tao kaya kampante ito na pakiharapan siya?“Kung magtititigan na lang tayo rito, aalis na ako, Duncan—”“H-hindi!” mabilis niyang sagot dito. “Eh anong kailangan mo?” “Ano… pwede mo bang kausapin ang grandpa? Gusto kong bumalik ng kompanya, Liberty. Ako lang ang may kakayahang magpatakbo niyon. Wala ng iba.”Nakatingin lang nang matagal sa kanya si Liberty. Bakas sa mukha nito na tila hindi makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa kanyang bibig.“Akala ko ba kaya mo n
“YOU’VE GOT TO be kidding me!” malakas na palatak ni King nang pumalpak ang planong pagtugis kay Benjamin.“Ilang beses pa bang papalpak ang operasyong ito?” bakas din ang problema sa mukha ni James.“Ginagawa namin ang lahat ng makakaya!” sabi ng isang miyembro ng SWAT Team. “Ngunit mukhang natutunugan ang galaw natin!”“There’s a mole in your team,” sabat ng bagong hepe ng pulisya na kadarating lamang sa pinangyarihan ng ingkwentro.Hindi maiwasan ni King na titigan ang kababata ni Liberty. Bagong destino lamang ito sa kanilang bayan at hindi lingid sa kanyang kaalaman na ang kapatid niya ang dahilan ng paglipat nito sa kanila. “I want him to be detain ASAP,” pirmi nitong wika sa kanya. Kumunot ang noo ni King nang makita ang galit sa mga mata ng kausap. Hindi nito iyon itinatago sa kanya kahit alam pa ng kung sino ang kausap.“Sinira ng kapatid mo ang pamilya ko,” panimula nito matapos na huminga nang malalim. “Kaya kung may isang tao na gustong-gusto rin siyang mahuli, ako iyon.
PAULIT-ULIT NA HINABOL ni Duncan ang kanyang paghinga habang puro kadiliman ang nakikita niya. Hindi niya malaman kung saan siya lilingon dahil sa kaba na kanyang nararamdaman. Gusto niyang at gawin ang lahat upang makagalaw ngunit may busal ang kanyang bibig. Mahigpit din ang kanyang pagkakatali kaya naman wala siyang kakayahan na gumalaw.Sigurado rin siya na sa isang kotse siya isinakay dahil na rin sa liit ng kanyang pinaggagalawan.Napakatagal ng biyahe niya. Hindi niya na rin malaman kung saan sila pupunta maliban sa kaalaman na napakalayo na niyon sa kompanya niya kung saan siya dinukot.Ganoon na lamang ang pag-angat ng ulo ni Duncan nang huminto ang kanilang sinasakyan. Hindi rin nagtagal, sapilitan siyang ibinaba habang patuloy ang pagpupumiglas niya.“Mga walanghiya kayo!” paulit-ulit niyang sambit habang bakas sa boses ang pagkagigil. “Pakawalan niyo ako rito para makita niyo ang hinahanap niyo! Kilala niyo ba kung sino ako—”Bago pa man maipagpatuloy ni Duncan ang sasabih
HINDI MAIWASANG MAKARAMDAM ni Liberty ng matinding kaba at kasiyahan dahil ngayon na ang lipad ni Lenard kaya nasa hospital sila. Patungo ito sa ibang bansa kung saan ipagpapatuloy ang obserbasyon dito upang malaman nila ang mga rason kung bakit hindi pa rin nagigising ang kapatid niya.Nangangarap pa rin siya na darating ang araw na sana’y makasama na niya ito.Nang makababa sila ni King, kaagad na kinuha ng binata ang kanyang kamay dahil nakikita nito ang kaba sa kanyang mukha.Ngunit, nakakadalawang hakbang pa lamang sila sa pag-akyat ng hospital ay ganoon na lamang ang eksena ng gulong ng sasakyan na sumadsad dahil sa biglaang pagpreno niyon. Bigla-bigla rin ang pagtapon ng malaking body bag doon ng dalawang lalaking nakaitim at walang pagkakakilanlan bago paharurutin ng mga ito ang sasakyan papalayo.Nang gumalaw ang body bag at lumabas sa zipper ang kamay ng tao, ganoon na lamang ang takot na nakita nila sa mga dumaraan.Si King na unang umaksyon ang nagbukas ng body bag. Sa kan
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa