All Chapters of Kidnapped by the Billionaire After Divorce: Chapter 191 - Chapter 200

226 Chapters

CHAPTER 191: He Can’t Wait

“YOU’VE GOT TO be kidding me!” malakas na palatak ni King nang pumalpak ang planong pagtugis kay Benjamin.“Ilang beses pa bang papalpak ang operasyong ito?” bakas din ang problema sa mukha ni James.“Ginagawa namin ang lahat ng makakaya!” sabi ng isang miyembro ng SWAT Team. “Ngunit mukhang natutunugan ang galaw natin!”“There’s a mole in your team,” sabat ng bagong hepe ng pulisya na kadarating lamang sa pinangyarihan ng ingkwentro.Hindi maiwasan ni King na titigan ang kababata ni Liberty. Bagong destino lamang ito sa kanilang bayan at hindi lingid sa kanyang kaalaman na ang kapatid niya ang dahilan ng paglipat nito sa kanila. “I want him to be detain ASAP,” pirmi nitong wika sa kanya. Kumunot ang noo ni King nang makita ang galit sa mga mata ng kausap. Hindi nito iyon itinatago sa kanya kahit alam pa ng kung sino ang kausap.“Sinira ng kapatid mo ang pamilya ko,” panimula nito matapos na huminga nang malalim. “Kaya kung may isang tao na gustong-gusto rin siyang mahuli, ako iyon.
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

CHAPTER 192: What they Realized

PAULIT-ULIT NA HINABOL ni Duncan ang kanyang paghinga habang puro kadiliman ang nakikita niya. Hindi niya malaman kung saan siya lilingon dahil sa kaba na kanyang nararamdaman. Gusto niyang at gawin ang lahat upang makagalaw ngunit may busal ang kanyang bibig. Mahigpit din ang kanyang pagkakatali kaya naman wala siyang kakayahan na gumalaw.Sigurado rin siya na sa isang kotse siya isinakay dahil na rin sa liit ng kanyang pinaggagalawan.Napakatagal ng biyahe niya. Hindi niya na rin malaman kung saan sila pupunta maliban sa kaalaman na napakalayo na niyon sa kompanya niya kung saan siya dinukot.Ganoon na lamang ang pag-angat ng ulo ni Duncan nang huminto ang kanilang sinasakyan. Hindi rin nagtagal, sapilitan siyang ibinaba habang patuloy ang pagpupumiglas niya.“Mga walanghiya kayo!” paulit-ulit niyang sambit habang bakas sa boses ang pagkagigil. “Pakawalan niyo ako rito para makita niyo ang hinahanap niyo! Kilala niyo ba kung sino ako—”Bago pa man maipagpatuloy ni Duncan ang sasabih
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

CHAPTER 193: More Questions Here

HINDI MAIWASANG MAKARAMDAM ni Liberty ng matinding kaba at kasiyahan dahil ngayon na ang lipad ni Lenard kaya nasa hospital sila. Patungo ito sa ibang bansa kung saan ipagpapatuloy ang obserbasyon dito upang malaman nila ang mga rason kung bakit hindi pa rin nagigising ang kapatid niya.Nangangarap pa rin siya na darating ang araw na sana’y makasama na niya ito.Nang makababa sila ni King, kaagad na kinuha ng binata ang kanyang kamay dahil nakikita nito ang kaba sa kanyang mukha.Ngunit, nakakadalawang hakbang pa lamang sila sa pag-akyat ng hospital ay ganoon na lamang ang eksena ng gulong ng sasakyan na sumadsad dahil sa biglaang pagpreno niyon. Bigla-bigla rin ang pagtapon ng malaking body bag doon ng dalawang lalaking nakaitim at walang pagkakakilanlan bago paharurutin ng mga ito ang sasakyan papalayo.Nang gumalaw ang body bag at lumabas sa zipper ang kamay ng tao, ganoon na lamang ang takot na nakita nila sa mga dumaraan.Si King na unang umaksyon ang nagbukas ng body bag. Sa kan
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

CHAPTER 194: Your Wife is Pregnant

HETO NA NAMAN ang pagiging emosyonal ni Liberty. Hindi niya na maintindihan ang sarili dahil sa mabilis na pagbabago ng mood niya. Pansin niya rin na napapadalas ang pagiging bugnutin niya lalo na ang pag-init ng ulo niya sa mga simpleng bagay.Katulad na lamang ngayon, pilit niyang pinapalayo ang kaibigan niyang si Ruffa nang magkita sila sa mall dahil sa amoy nito. Mabuti na lang din at mahaba ang pasensya ng kaibigan sa kanya. Dahil kung iba-iba iyon, alam niyang sinabunutan na siya o kaya naman iniwan.“Hoy, Bakla! Ako, huwag mong ine-echos ha! Ako mabaho?” “True, Bakla! Ano bang klaseng pabango iyang gamit mo? Napakabaho talaga!” sabi niya habang masuka-suka pa dahil parang babaliktad ang kanyang sikmura. Muli na naman ang naging pag-amoy ni Ruffa sa sarili. “Lumayo ka sa akin, Bakla! Nahihilo ako sa amoy mo.”“Kaunti na lang talaga, Friend!” banta nito sa kanya. “Ako nao-offend na!”“Bilhan na lang kitang bagong damit?” hindi niya napigilang itanong sa kaibigan habang kung t
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

CHAPTER 195: The Speed ​​of Karma

“CONGRATULATIONS, YOU’RE PREGNANT!” Iyon ang sabi sa kanya ng kaibigan niyang si Ruffa nang magising. Wala pa siya sa ulirat ngunit parang tumakas ang kaluluwa niya sa katawan.“A-ano kamo?” naguguluhang tanong ni Liberty.“Gaga ka!” sambit ni Ruffa. “Akala ko magkakaroon tayo ng warla kase pinagtitripan mo ako sa mall! Iyon pala totoo na iyang pag-iinarte mo sa akin.”Dahan-dahang tumayo mula sa kinahihigaan niya si Liberty bago titigan ang kaibigan.“Ako? Buntis? Paano nangyari—aray!”“Bobita talaga!” napipikong sambit ni Ruffa matapos siyang kurutin. “May matres ka, malamang mabubuntis ka!”“Sure ka ba—”“Gusto mong tumawag pa ako ng doktor, abularyo, manghuhula o tawagan ko si King?”Wala sa sariling nahawakan ni Liberty ang kanyang tiyan. Wala siyang kamalay-malay, may isang buhay na pala sa kanyang sinapupunan. Sa isiping ilang araw niyang naabuso ang katawan dahil sa pagiging abala sa kanilang application, konsensya ang lumukob sa kanya.“Bakit umiiyak ka na naman, Bakla?” nat
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

CHAPTER 196: You’re Gonna be a Dad

HINDI MALAMAN NI King kung paano pakikiharapan si Liberty nang makabalik mula sa ibang bansa. Pakiramdam niya’y may nagawa siyang hindi maganda rito ngunit hindi niya malaman kung ano. Sinubukan niya ang maraming paraan upang magsabi ito sa kanya katulad na lamang ng pagluluto sa kasintahan ngunit hindi nito matagalan na tingnan man lamang ang iniluto niya. Ganoon na lamang din ang kakaibang pagtarak sa puso niya ng patuloy na pag-iwas nito at pananatili sa kwarto. Sa ilang beses na hindi nito pinapansin ang kanyang niluto, sunod-sunod din ang pagdating ng mga delivery food sa kanilang bahay. Puro bento boxes iyon at hindi niya malaman kung anong nakita roon ni Liberty para makahiligan.“Nag-away ba kayo?” tanong ni Elinor sa kanya nang mapansin ang distansyang namamagitan sa kanila.“I…I don’t know, Mom?” naguguluhan niyang sagot sa ina.“Bakit hindi mo kausapin?” “Parang nandidiri siya akin—”“What?” gulat na tanong nito. “May babae ka ba, Anak—”“Mom, you know that I can’t do tha
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

CHAPTER 197: The Mistress Betrayal

“I’M SORRY TO say this, Mr. Salvantez, you heard me right. You have Azoospermia.”Parang pinagbasakan ng nag-umpugang bato si Duncan nang mga sandaling iyon dahil sa narinig na resulta ng kanyang test. Paulit-ulit ang pag-iling niya at gustong takpan ang taynga dahil sa narinig. Hindi siya naniniwala. “H-hindi ako baog!” malakas ang naging sambit niya. “You can have your second opinion to the hospital, Mr. Salvantez,” kalmado pa ring sambit ng doktor sa kanya. Nahilamos ni Duncan ang kanyang kamay sa mukha kasabay ng pagtingin sa kanyang ina na nasa tabi niya parati sa lahat ng pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.“Anak, pwede tayong magpa-second opinion!” giit ng mommy niya. “Hetong hospital na ‘to? They are useless! Siguradong nagkamali sila kaya gagawa ako ng paraan hanggang sa malaman natin ang totoo.”Ang totoo…Kailan magiging totoo ang bagay na gusto mo? Alam niyang sinasabi lang ito ng mommy niya para gumaan ang loob niya. Pagbali-baliktarin man kase nila ang totoo, ala
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more

CHAPTER 198: A Family Member 

“PWEDE BANG HUWAG ko ng kainin iyan?” nakikiusap na tanong ni King kay Liberty.“Masarap naman eh!” sagot kaagad ng kanyang nobya. “Sige na, isa lang, King!”Heto na naman ang pagpupumilit nito sa kanya na ipakain ang laman ng bento box. Hinihiling niya na sana katulad na lang din siya ng iba na pinagdadamutan nito sa pagkain kaso hindi. Masyadong mapagbigay sa kanya ang nobya na kahit siya ay umaayaw na rin.“You need other foods, Mi Raina. Huwag puro bento box,” pangaral niya rito.Heto na naman ang tila mangiyak-ngiyak nitong hitsura na hindi niya kayang tiisin. “Oh God…” nasambit niya na lamang dahil sa kanyang pagsuko.Ano naman laban niya sa tuwing iiyak ito ng ganoon at lumalabas ang pamumula ng pisngi nito na bahagya ng tumataba? Pinipigilan niya lang ang sarili ngunit gusto niyang pisilin iyon.“King, anong ginawa mo sa anak ko?” galit na tanong ng mommy niya na kapapasok lamang sa kusina. “Pinaiyak mo na naman ito?”“Mom, of course not!” depensa niya kaagad sa sarili. Nag
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

CHAPTER 199: Her Favorite Scent

KAILANMAN HINDI NAKARAMDAM ng ganitong pag-aalala si King para sa sarili. Wala siyang pakialam sa mangyayari kinabukasan noong mag-isa pa lamang siya ngunit ibang-iba na ngayon. Ang kaligtasan ng pamilya niya ang prayoridad niya. Ngayong magiging tatay na rin siya, unti-unti niyang naiintindihan ang mga desisyon ng isang magulang para sa kanyang pamilya na hindi niya kayang unawain dati. Katulad na lamang ngayon, kausap niya ang ama para sa isang desisyon na kailangan niyang gawin.“Dad, I can’t put my family’s life on the line just to protect Benjamin,” sambit niya rito habang parehas ang tingin nila ni Gustavo sa purong kapatagan na tanging bermuda grass lamang ang nakatanim.“Wala kang sinasabi ngunit higit pa sa kahit sino, alam kong ikaw ang higit na nasasaktan sa nangyayari sa pamilyang ito…”Hindi nagsasalita ang ama niya ngunit sigurado siyang nakikinig ito.“Hindi mo pinagdudahan ang mga desisyon ko sa buhay. Katulad ng ibang miyembro ng pamilyang ito, alam kong ang gusto mo
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

CHAPTER 200: Her Pregnancy Journey

“HOY, BAKLA! TOTOO nga ang tsismis!” eksaheradang bungad ni Ruffa nang minsang dumalaw sa bahay ni King. “Dito ka na nga talaga naglulungga!” “Hindi ako tinigilan hanggang hindi ako sumasama.” Umiiling na sambit ni Charles. “Siguradong maghapon na namang masakit ang taynga ko—”“Sige, reklamo pa!” malakas na sambit ni Ruffa matapos na lumipad na naman ang kamay kay Charles. Ang pobreng lalaki? Itinikom na lamang ang bibig.“Nung nag-uusap tayo, kumakain ka na, hanggang ngayong nasa harapan mo na ako, kumakain ka pa rin? Sabihin mo nga sa akin, Bakla! Saan mo dinadala ang mga pagkaing nilulunok mo?” Napakamot na lamang ng ulo si Ruffa nang unahin niya na naman ang pagsubo bago sagutin ang kaibigan.“Hindi ko nga rin alam eh. Hindi naman ako dati ganito kalakas kumain.”Ito ang unang pagkakataon na nagbuntis siya kaya hindi niya alam kung bakit ganito siya. Gustong-gusto niya rin na sinusubuan si King ng kinakain niya kahit isinusuka naman nito ang pagkain. Ayaw niya namang namimigay
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more
PREV
1
...
181920212223
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status