Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / Chapter 581 - Chapter 590

All Chapters of Seducing My Hot Ninong Everett: Chapter 581 - Chapter 590

669 Chapters

0586: Season 4 (Chapter 14)

Samira POVNapuno ng sigaw ko ang buong bahay.“Help! Someone, please help!”Nagmadali akong lumuhod sa tabi ni Donya Ria, pero hindi dahil sa pag-aalala. ginagampanan ko lang ang papel ko sa palabas na ito. Sa loob-loob ko, alam kong wala nang silbi ang kahit anong gawin nila. Masyado nang maraming dugo ang umagos sa sahig.Nagsimula nang magsilabasan ang ibang kasambahay na gaya ko, ang ilan ay napatakip pa ng bibig nang makita ang duguang ulo ni Donya Ria. Ang ingay ng mga hakbang nila sa sahig ay parang dumagundong sa aking pandinig. Mabilis silang lumapit habang ang takot nila at pagkabigla ay kitang-kita sa kanilang mga mukha.“Anong nangyari?!” sigaw ni Manang Luz habang namumutla agad ang mukha.Kailangan kong lumabas na inosente ako. Sinigurado kong nanginginig ang boses ko habang sumagot. “Nadapa po siya! Papunta na siya sa kuwarto niya nang bigla siyang nadulas at bumagsak!” Tumingin ako sa kanila na parang litong-lito habang pilit pinapakita ang pekeng pagkabahala sa mata
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

0587: Season 4 (Chapter 15)

Miro POVTanghaling tapat nang makarating ako sa condo. Wala akong klase ngayon dahil biglang kinansela ni Professor ang lecture namin, may emergency meeting daw. Sa isang banda, okay na rin. Kulang ako sa tulog. Kagabi pa ako lutang sa higaan at hindi mapakali. Siguro dahil bago pa lang ako dito sa condo at hindi pa sanay sa bagong tulugan, hindi ako nakagawa ng maayos na tulog.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Pero sa halip na antukin, nagising ang diwa ko nang patingin ko sa social media, isang malaking balita ang nabasa ko.“Donya Ria Monteverde, asawa ng negosyanteng si Don Vito Monteverde, comatose matapos ang isang aksidente sa sariling mansiyon!”Napakurap ang mga mata ko. Binasa kong muli ang balita. Nadulas daw si Donya Ria, nabagok ang ulo at ngayon ay nasa ospital, comatose.Hindi aksidente ‘to.Alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Sure akong si Samira. Siya lang naman ang may matinding galit kay Don Vito at sa pamilya nito. Alam kong may balak siyang m
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

0588: Season 4 (Chapter 16)

Miro POVNang sumagot si Samira sa video call ko, napatayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko inasahan na papayag siyang makipag-video call, lalo na at hindi siya basta-basta nakikipag-usap nang ganito. Pero heto siya ngayon, nakatingin sa akin sa screen ng cellphone ko, malamlam ang mga mata pero bakas sa mukha ang saya kasi safe na siya, wala na si Donya Ria, napatay na namin ito.“Miro, I appreciate what you did,” mahinang sabi niya. “You got the job done.”Napangisi ako. First time kong marinig ang boses niya tapos nagpapasalamat pa. Sa totoo lang, napansin kong maganda pala siya kapag seryoso, hindi mataray at hindi mukhang suplada. Nakikita ko tuloy na parang mabait naman siya.“I told you, I don’t fail.” Nilapat ko ang likod sa pader ng room ko at pinaglaruan ang kutsilyong hawak ko. “Now that she’s gone, sure akong malulungkot ng husto ang demonyong si Don Vito. Pero, the question is, what’s next?”Nagtagal siya ng ilang segundo bago sumagot sa akin. “We move fo
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

0589: Season 4 (Chapter 17)

Samira POVLahat ay abala na, lalo na kaming lahat ng mga kasambahay. Kaming lahat ang kumikilos para gawing maayos ang burol ni Donya Ria. Sa utos ni Manang Luz na mayordoma, inalis namin ang malalaking upuan at sofa sa malaking living area. Doon ilalagay ang puting kabaong na napapalibutan ng mamahaling mga bulaklak. Isang marangyang paglalagak ng isang babae na minsang naging reyna ng tahanang ito. Pero ngayon, lalamunin na ng lupa. Hanggang ilang araw na lang siyang magiging mayaman at kilala sa mundong ito, pagkatapos nun, lalamunin na siya ng lupa.Ang satisfying panuoring umiyak nila Vic, Via, Lolo Lito at Lola Emilia. Tanging si Don Vito lang ang seryoso, ni isang patak ng luha ay wala. Sabagay, bakit pa ba ako magtataka e, marami siyang babae sa buhay niya. Para ngang wala lang sa kaniya ang pagkamatay ng asawa niya, parang pabor pa sa kaniya kasi magiging malaya na siya sa pambababae niya.Tahimik akong nagtatrabaho, ngunit sa loob-loob ko, tuwang-tuwa talaga ako. Wala ni is
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

0590: Season 4 (Chapter 18)

Samira POVHinihintay kong mag-umaga para mapalitan ako, pero dahil wala pa namang kailangan gawin, pumunta muna ako sa kuwarto ko para I-check ang phone ko. Tinignan ko kung may message si Miro, pero wala naman kaya mukhang wala siyang update sa akin sa ginagawa niya sa labas. Pagkatapos nun ay naglakad na ako palabas ng kuwarto at nakita kong nakaupo pala sa may lamesa si Manang Cora. Akala ko ay natulog na siya, gising pa pala. Nang makita niya ako, itinuro niya ang upuang katapat niya.“Come, sit with me,” mahina niyang sabi. Kita ko sa mata niya na inaantok na siya.Umupo ako sa tapat niya, ramdam ko ang malamig na hangin na dumadaloy mula sa bukas na aircon. Hindi niya ako agad kinausap. Sa halip, sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, tila ba tinatantiya ang mga susunod niyang sasabihin. Hanggang sa magtanong na siya.“Ikaw ba ang may gawa nito?” tanong niya ng diretso at walang pag-aalinlangan.Napakunot ang noo ko. “What do you mean, Manang?”“Did you kill Donya Ria?”Naniga
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

0591: Season 4 (Chapter 19)

Miro POVPagkarating ko sa hacienda, masaya akong lumapit sa mga tito ko. May masaya kasi akong balitang kailangan sabihin sa kanila. May dala akong pizza at coffee na gustong-gusto nilang merienda.Pagpasok ko sa malaking training hall, nadatnan ko si Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na nag-uusap. Nang makita nila ako, agad akong sinalubong ni Tito Zuko. “Miro, anong balita?” tanong niya na tila excited akong makausap. Alam kasi nila na sa tuwing pupunta ako rito ay may mahalaga akong kailangan o mahalagang sasabihin.Ngumiti ako bago nagsalita. “Samira and I... we’re finally working together.”Napatingin sa akin ang tatlo kong tito, nagkatinginan sila na parang masaya para sa amin ni Samira.“Well, it’s about time. You two were always the strongest among our trainees,” sabi ni Tito Sorin.“That’s not all,” dugtong ko. “We killed Donya Ria.”Nagpalitan ng tingin ang tatlo at kita ko sa mga mata nila ang pagkagulat sa sinabi ko. “Are you serious? Kayong dalawa ang pumatay kay Donya
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

0592: Season 4 (Chapter 20)

Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako, pero hindi ito sapat para pakalmahin ang inis na nararamdaman ko sa buwisit na mayordomang ito. Halos alas-diyes na ako nagising dahil sa puyat ko dahil sa pagbabantay sa burol ng demonyitang si Donya Ria. Hindi rin naman nakapagtataka, alas tres na ng madaling araw nang tuluyan kaming makatulog ni Manang Cora. Pero ang buwisit na si Manang Luz, hindi man lang naisip na bigyan kami ng kahit kaunting konsiderasyon, hayop talaga siya. Ginising pa rin kami nang maaga, para lang siguraduhin na maghapon kaming magpapakapagod sa burol ng demonyitang si Donya Ria na wala naman akong pakialam. Kung hindi lang ako nagpipigil, baka sinapok ko na siya kanina.Tulad ng inaasahan ko, dagsa ang mga bisita sa burol ni Donya Ria. Tuloy kaming mga kasambahay sa kaliwa’t kanang pag-aasikaso sa bisita, nagpapakain, nag-aalok ng kape, nagliligpit ng mga pinagkainan. Ang ilan sa kanila, mukhang taos-pusong nagluluksa, pero alam kong karamihan ay narito lang
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

0593: Season 4 (Chapter 21)

Samira POVHalos sumisirit pa ang init ng kape nang bitbitin ko ang tray at maglakad papunta sa dining hall. Maaga pa, pero punong-puno na agad ng tao ang mansiyon. Ang ingay ng mga usapan, halakhak at pabulong na sumbatan. Nakakairita lang talaga kasi kulang na kulang ang tulog ko, kapag ganito pa naman, nakakainit talaga ng ulo. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang may humihila sa akin pababa sa bawat hakbang ko. Para akong magco-collapse, gusto ko pang mahiga talaga.“Samira,” may malamig na boses ang tumawag sa akin.Napatingin ako sa likuran ko. Si Sir Vic. Agad akong tumigil at para magalang na tumango sa kaniya. Pero sa isang iglap, bago pa ako makapag-react, hinawakan niya ang aking braso at mabilis niya akong hinila papunta sa isang sulok ng mansiyon, malayo sa ingay at mga mata ng mga tao.Nagulat ako. “Sir, bago po?”His sharp eyes bore into mine. “Did you even sleep?”Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Halos alas tres na ng madaling
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

0594: Season 4 (Chapter 22)

Samira POVNgayong araw na ililibing na si Donya Ria. Tanghali ang libing at gaya ng inaasahan namin, si Manang Luz lang ang pinayagang lumabas para sumama. Ayos sana kung pati sa mismong libing ay ibaon na rin kasama ang buwisit nabida-bidang iyon.Kami, siyempre, maiiwan sa bahay at bawal lumabas gaya ng nakasanayan ng lahat. May utos pa nga ang bruhang Manang Luz na linising mabuti ang buong mansiyon. Nakakasura, para talagang siya ang amo dito na akala mo ay siya na ang papalit na Donya Ria. Pero, ayos lang, humanda siya kasi kuha ko na ang loob ni Vic, magagamit ko rin si Vic para tanggalin ng isa-isa ang sungay sa ulo ni Manang Luz.Hindi pa nga halos kami nakababawi sa puyat sa lamay, heto’t parang mga alipin na naman kaming babad sa trabaho.Pinagpag ko ang basahan sa kamay ko habang lumilinga sa paligid. Seryoso ang lahat sa paglilinis, pero alam kong tulad ko, sawa na rin sila sa utos ni Manang Luz. Nagsalitan ang tingin ko kina Manang Cora at Manang Luciana. Bahagya silang
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0595: Season 4 (Chapter 23)

Samira POVHabang nagluluto ako ng agahan sa kusina, pasimple akong sumulyap kina Manang Cora at Manang Luciana. Pareho silang abala sa mga gawain, ngunit alam kong naghihintay lang sila ng senyas ko. Ngayon ang araw na namin sisimulan ang planong napag-usapan namin. Hindi pa ito ang katapusan ni Manang Luz, pero siguradong bibitak na ang pundasyon niya sa mansiyon ni Don Vito. At sisiguraduhin naming mababawasan ang angas sa katawan niya.“Samira, bilisan mo diyan! Hindi lang ikaw ang may ginagawa rito!” singhal ni Manang Luz habang abala akong nagtitimpla ng kape. Kapag talaga alam niyang tulog pa o wala sa manisyon si Sir Vic, ganito siya ka-bossy. Eh, tina-timing ko na hinahayaan ko lang na masungit siya, hindi ako lumalaban dahil kailangan niyang mag-stay sa ganoon kasi iyon ang dapat makita ni Sir Vic mamaya.Alam kong anumang oras ay gigising na si Sir Vic. Kanina ko pa siya hinihintay na magparamdam. Dapat makita niya ang ginagawang pang-aapi sa akin. Kaya naman sinadya kong b
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more
PREV
1
...
5758596061
...
67
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status