Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / Chapter 591 - Chapter 600

All Chapters of Seducing My Hot Ninong Everett: Chapter 591 - Chapter 600

669 Chapters

0596: Season 4 (Chapter 24)

Miro POVTumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako papasok sa campus. Sinilip ko ang screen at nagulat nang makita kong pangalan ni Ahva ang taong tumatawag sa akin ngayon. Hindi siya tumatawag nang ganito kaaga, kaya agad akong kinabahan. Sa gitna ng daan, dali-dali kong sinagot ang tawag niya.“Kuya…” humihikbing boses niya ang sumalubong sa akin. Halos pabulong ang boses niya at naawa pa ako kasi parang nanginginig siya. “May sumusunod sa akin… lima sila… gusto nila akong kunin. Tinawagan ko sina mama at papa pero hindi sila sumasagot, busy ata, ikaw lang ang sumagot sa tawag ko ngayon.”Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Nasaan ka?” dali-dali kong tanong sa kaniya.“Ise-send ko sa ’yo ang location ko… Kuya, bilisan mo, ha! May mga sandata silang dala at natatakot na talaga ako rito!”Pagbaba ko ng linya ko, dali-dali kong tinignan ang pinasa niya sa akin na kinaroroonan niya ngayon. At kahit kailangan ko nang pumasok, mas mahalaga ang buhay ng kapatid ko.Mula sa camp
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0597: Season 4 (Chapter 25)

Miro POVPagkarating ko sa campus, agad kong nakita ang delivery boy na may-ari ng motor. Halata sa mukha niya ang kaba at inis, pero bago pa man siya makapagsalita, iniabot ko na ang sampung libong piso sa kaniya.“I’m really sorry, bro. I had no choice, nasa panganib ang kapatid ko kaya niligtas ko lang,” sabi ko habang iniaabot sa kaniya ang pera.Nagulat siya at saglit akong tinignan bago niya tinanggap ang pera. “No worries, man! This is more than enough. Thanks!” Napatawa pa ito na halatang tuwang-tuwa.Nagpasalamat ako at agad na tumakbo papunta sa loob ng campus. Habol ang hininga ko nang makarating ako sa classroom, pero sa kabutihang-palad, hindi pa pala nag-uumpisa ang klase.“Mr. Miro, glad you could join us,” biro ng professor ko.Napangiti lang ako at dahan-dahang naupo. Mabuti na lang talaga at hindi siya strict pagdating sa attendance.Pagkatapos ng klase, agad akong umuwi para kausapin sina Mama Ada at Papa Mishon. Pagpasok ko ng bahay, nakita ko silang nakaupo sa sal
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0598: Season 4 (Chapter 26)

Miro POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay nakaalis na ako sa condo. Naka-motor ako papunta sa beach resort. Mabilis lang ang biyahe, walang gaanong sasakyan sa daan. Habang nagmamaneho ako, iniisip ko na ang mga posibleng mangyari, paano ko sisirain ang tahimik na bakasyon ni Don Vito? Paano ako makakahanap ng impormasyon nang hindi nila napapansin?Pagdating ko sa resort, malayo pa lang ay nakita ko na ang convoy ng sasakyan ni Don Vito. Maraming security, pero hindi iyon magiging hadlang sa akin. Inikot ko ang lugar at naghanap ng puwesto kung saan ako puwedeng mag-observe nang hindi nila napapansin. May isang bahagi ng resort na under renovation, doon ako nagpunta at nagmamasid mula sa mataas na bahagi ng scaffolding.Mula roon, nakita kong may tatlong babae na kasama si Don Vito, mukhang mga high-class escorts. Nagtatawanan sila, habang ang ilang bodyguards ay alerto sa paligid. Ang funny lang talaga ng hayop na tulad ni Don Vito. Kakalibing lang ng asawa niya pero heto, nagp
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0599: Season 4 (Chapter 27)

Samira POVSa kalagitnaan ng gabi, gumalaw ako ng sobrang tahimik. Ang dilim ay naging kakampi ko at ang bawat anino ay nagmistulang panangga sa akin. Tahimik kong ginawa ang sarili kong plano, ang pangalawang hakbang para kay Manang Luz, para mapatalsik na siya. Ito na ang tamang gabi para kumilos ako.Dahan-dahan akong pumasok sa kuwarto ni Don Vito. Ang malakas niyang hilik ang pumuno sa paligid, isang palatandaan na mahimbing ang kaniyang tulog. Lasing siya ng umuwi kanina, badtrip dahil sa mga ginawang panggugulo ni Miro sa bakasyon niya. Akala ko nagsisinungaling lang talaga si Miro, pero totoo nga palang nasira niya ang masaya dapat na bakasyon ni Don Vito, dinig na dinig ko kanina kung gaano siya kagalit kasi hindi nila nakilala o nahuli manlang si Miro. Ibig sabihin, mukhang magaling din si Miro at mas lalong kailangan ko siya para sa labang ito.Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Binuksan ko ang pinto ng kanilang walk-in closet, nandito pa rin ang mga damit at gamit ni Donya R
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0600: Season 4 (Chapter 28)

Samira POVNagising akong bigla sa malakas na sigaw ni Don Vito. Halos sabay-sabay kaming napabangon ng ibang mga kasambahay habang ramdam ang tensyon sa buong mansyon.“Everyone, downstairs! NOW!” sigaw niya mula sa hagdanan na para bang raratratin na kami ng baril.Hindi na namin kailangan pang magtanong. Isa-isang naglabasan ang mga staff mula sa kani-kanilang silid, mabilis na bumaba sa grand staircase kung saan naroon si Don Vito, kasama sina Lolo Lito, Lola Emilia, Sir Vic at Ma’am Via. Nakapamulsa si Sir Vic habang nakataas ang isang kilay at si Ma’am Via naman ay mukhang hindi natuwa na ginising ng ganito kaaga. Pero walang makakapantay sa galit sa mukha ni Don Vito.“Marami sa mga alahas ni Donya Ria ang nawawala!” sigaw niya na dahilan para may ilan sa amin na mapaatras sa kaba.Nagkatinginan kaming lahat. Alam naming hindi kami ang may gawa, pero iba ang takbo ng utak ni Don Vito. Kapag may nawala, siguradong may magbabayad. At sure kong ligtas ang lahat, puwera na lang kay
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0601: Season 4 (Chapter 29)

Samira POVNagising ako nang maaga, gaya ng nakasanayan. Pagkababa ko ng kama, agad akong nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kuwarto. Pagdating ko sa kusina, nakita ko na si Manang Luz, tahimik na naghihiwa ng gulay sa may counter. Ang dating mayabang at feeling may-ari ng mansyon ay tila nawala na. Ngayon, siya na ang laging inuutusan at pinagtatrabahuan ng mabibigat na gawain dito sa bahay.“Manang Luz, pakihugasan mo nga itong mga plato,” utos ni Manang Cora ng nakangiti pero halatang may bahid ng pang-aasar. Binabalik na ni Manang Cora kay Manang Luz kung anong ginagawa nito sa kaniya noon.“Opo,” mahina ang sagot ni Manang Luz na walang reklamo. Bawal siyang umangal, kundi malalagot siya kay Manang Cora. Alam na kasi ni Manang Luz ng patakaran, kapag sumuway sa mayordoma, may karapatan ang mayordoma na manakit, at ang utos na iyon ay galing kay Don vito.Nagpalitan kami ng tingin ni Manang Luciana. Pareho kaming napangiti nang palihim. Ang dating mataray na si Manang Luz, ngayon
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

0602: Season 4 (Chapter 30)

Samira POVNagising ako na may bigat sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay nanlata ako nang marinig ko ang balita mula kay Manang Cora na hindi na sa mansiyong ito titira si Don Vito. Ayon sa kaniya, lumipat na raw ito sa bago niyang mansiyon, sa isang lugar na walang sinuman sa amin ang nakakaalam kung nasaan.Simula nang manggulo si Miro, tila napagtanto ni Don Vito na hindi na siya ligtas dito. Kaya siguro nagdesisyon siyang lumipat na. Ginawa niya iyon para sa kanyang kaligtasan, ngunit ito ay naging hadlang para sa aking misyon na iligpit siya. Nakakainis kasi mukhang naging mali pa na inutusan ko si Miro na guluhin ang masaya niyang bakasyon, ngayon, napalayo tuloy ang taong gusto kong patayin.Dahil sa inis, napaupo ako sa gilid ng kama. Ang dahilan pa naman kung bakit ako nandito ay para tapusin siya, para tapusin si Don Vito. Kung alam ko lang na aalis siya, dapat noon pa lang, ginawa ko na ang dapat kong gawin. Sayang ang lahat ng effort ko. Sayang ang bawat segundong ginugugol
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

0603: Season 4 (Chapter 31)

Samira POVNang hapon na, paglabas ko ng kuwarto, tumambad sa akin ang nakaupo sa sala na si Lola Emilia. Mag-isa siyang naroon, may hawak na magazine. Nang magtama ang aming mga mata at ngumiti siya. Isang nakakalokong ngiti na naman ang binigay niya sa akin na para bang sabik na naman siyang mang-bully. Tumingin ako sa paligid,wala sina Sir Vic at Ma’am Via. Wala na rin naman dito si Don Vito, ang asawa niyang si Lolo Lito ay wala rin, mukhang nasa casino na naman.Boring ata si Lola Emilia at walang magawa kaya ako ang gusto niyang pag-trip-an, kaya lang ay wala ako sa mood kaya makakatikim siya sa akin.“Samira, make me some tea. No sugar. And make sure the water is boiling,” utos niya habang among-amo ang datingan.Naramdaman kong may binabalak na naman talaga siya. Alam kong hindi iyon simpleng utos lamang. Ngayong wala ako sa mood, lalo na’t umalis na si Don Vito sa mansiyong ito, wala akong balak na magpakumbaba. Hindi ko rin trip na hayaan lang siya, makakatikim siya sa akin
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

0604: Season 4 (Chapter 32)

Samira POVNagtipon kaming lahat sa maliit na silid ni Manang Cora. Kasama ko sina Manang Luciana, Manang Luz at ang iba pang mga kasambahay, sina Manang Josie, Manang Percy at Manang Rowena. Ngayong gabi, wala nang atrasan. Alam naming hindi kami maaaring manatili pa sa mansiyon na ito ng matagal kasi nakakasawa na, nasasayang ang buhay ng mga matatandang ito sa wala, kasi wala namang pasahod, buhay nila ang parang nakataya na kung hindi susunod sa kanila, mamamatay sila.Kailangan na naming tumakas. Ngunit bago iyon, kailangang planuhin namin nang maigi ang bawat hakbang.“We can’t just run blindly,” sabi ko sa kanila habang mahina ang boses upang walang makadinig sa amin sa labas. “We need to take care of the outside staff first. The armed guards in the garden, the security personnel loyal to the family, we need to figure out how to get past them.”Nagkatinginan sila habang halatang kinakabahan ngunit gusto na rin talaga nilang makalaya rito.“Paano natin malulusutan ang mga guward
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

0605: Season 4 (Chapter 33)

Miro POVMalamig ang hangin nang gabing iyon, ramdam ko pa ang bahagyang hamog na dumadampi sa balat ko habang tahimik akong naglalakad sa madilim na eskinita patungo sa ospital na kung saan ay naroon ang sinabi ni Samira na si Lola Emilia. Nakatago sa loob ng jacket ko ang dalawang armas na ginagamit ko sa ganitong klaseng pag-atake, isang silencer pistol at isang maliit ngunit matalas na kutsilyo na walang iniiwang bakas.Wala akong nararamdamang kaba o kahit kaunting pangamba. Isa lang itong normal na misyon para sa akin. Isang bagay na dapat gawin nang mabilis at malinis. Utos ito ni Samira na kailangan ko sa buhay ko kasi alam kong may malaki siyang matutulong sa akin kaya nag-e-effort ako para tuluyang makuha ang loob niya. Ngayon, ang mission ko ay kailangan kong tapusin si Lola Emilia ngayong gabi.Sa totoo lang, ganti ko na rin ito sa pagpatay ni Don Vito sa mama ko, pero hindi sapat dahil siya mismo ang gusto kong mawala.Pagdating ko sa likuran ng ospital, tumigil ako sanda
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more
PREV
1
...
5859606162
...
67
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status