Home / Romance / The Runaway Bride's Keeper / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of The Runaway Bride's Keeper: Chapter 81 - Chapter 90

124 Chapters

Chapter 81

Nang makauwi si Enrico ay sinalubong agad siya ni Girly sa entrada ng bahay."Hi, bakit narito ka sa labas?" bati ni Enrico ng makalapit siya kay Girly at yumakap sa nobya."Hinihintay talaga kitang makauwi. Gusto kong makausap ka tungkol kay Caroline." saad ni Girly matapos siyang bigyan ng matamis na halìk ni Enrico sa labi."Ngayon na?" ang tanong ng binata."Oo sana, habang nasa guest room pa si Caroline at hindi pa bumababa.""O-okay, mukhang importante ang sasabihin mo. Ang seryoso mo eh!" pagpayag ni Enrico sa nais ng kanyang nobya."Doon tayo sa tabi ng swimming pool?" wika ni Girly at naglakad papunta sa likod bahay.Sumunod naman si Enrico kay Girly.Naupo si Girly sa bakal na upuan na naroon sa poolside. Si Enrico naman ay nanatiling nakatayo sa side ng dalaga."Ang sabi ni Manang Teresa sa akin ay ipapagamit mo nga kay Caroline ang condo mo sa Pasay. Desidido ka na ba talagang itago siya sa pinsan mo? Naisip mo na rin ba ang maaaring mangyari kung sakali na malaman ni Kelv
last updateLast Updated : 2024-09-09
Read more

Chapter 82

"Caroline, buti at narito ka pala. Pupuntahan na sana kita sa silid mo dahil may sasabihin ako," bating wika ni Enrico nang magulat itong makita si Caroline na nakaupo sa sofa ng sala. "Oh hi, nakauwi ka na pala. Nainip ako sa loob ng room kaya ako lumabas. Anong sasabihin mo?" saad ni Caroline na kunwari ay hindi pa alam na nakauwi na ang binata. Tipid pang ngumiti si Caroline kina Enrico at Girly nang makita ang ka-sweet-an ng dalawa. Paanong hindi siya maiinggit kay Girly, kung makalingkis si Enrico sa nobya nito ay parang ayaw ng pakawalan. Naglakad kase papasok sa loob ng bahay ang magkasintahan na nakayapos ang mga braso ni Enrico sa baywang ni Girly mula sa likuran ng dalaga at nakapatong pa ang baba nito sa isang balikat ni Girly. Umayos ng tayo si Enrico pero hindi inalis ang mga braso sa baywang ni Girly. "Bukas ka na lang namin ihahatid ni Mang Cardo sa condo. Pagod din kase ako ngayong araw kaya bukas na lang," "Sure, akala ko kung ano na. Actually, iyon din sana
last updateLast Updated : 2024-09-10
Read more

Chapter 83

Kinabukasan, maagang tumambay si Girly sa kusina. Pagkahatid niya kase kay Enrico sa labas ng bahay ng umagang iyon ay hindi na siya bumalik pa sa kanilang kwarto at dumiretso na nga siya sa kusina dahil balak niyang mag bake ng blueberry cheese cake."Ma'am Girly, mukhang sobrang happy ka today ah! Inspired na inspired lang gumawa ng dessert," natutuwang puna ni Ella kay Girly."Ikaw na Ella ang nadiligan kagabi nang minamahal mo, hindi ka magiging happy?" wika ni Melai na ikinatawa nila Girly, Ella at Kakay."Huwag nga kayong mang-inggit diyan, may inosente pa tayong kasama rito," saad namang paalala ni Girly na inginuso pa ang nasa harapan niyang si Kakay, na alam nilang lahat na never been touch at never been kiss pa ang dalaga sa edad nitong bente singko."Aray naman, Ma'am Girly. Oo inaamin kong wala pa 'kong experience pero di naman ako inosente talaga sa mga bagay na ginagawa ng mga mag asawa o mag syota. Alam ko kung paano maglabing-labing ang isang babae at lalaki. Kaya ko r
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

Chapter 84

Nagpaluto si Girly ng paboritong ulam ni Enrico kay Manang Teresa nang ito ay magpumilit ng magtrabaho kahit na may sinat pa. Pinipigilan niya ang mayordoma ngunit ang sabi ng ginang sa kanya ay lalo lang nanghihina ang katawan nito kapag walang ginagawa at nakahiga lang sa kama. Pumayag na nga siyang kumilos si Manang Teresa pero yung madali lang ang ipinaluto niya at sinigurado niyang may tutulong na isang kasambahay sa pagluluto nito. "Ano bang putahe ang dadalhin mo kay Sir Enrico, Ma'am Girly?" tanong ng mayordoma. "Yung baked chicken na lang, Manang Teresa at vegetable salad. Yung ibang ulam na niluto ninyo ay initin na lamang mamaya nang sa ganun ay hindi na kayo magluto pa ng hapunan." "O sige, pero kumain ka muna bago ka umalis." "Hindi na po, Manang. Makikipagkita rin kase ako mamaya sa pinsan kong si Aileen sa mall na malapit lang sa building ng kumpanya nila Enrico. Lunch date, kaya mamaya ko na lang titikman ang niluto mo," saad ni Girly sa mayordoma. "Anong oras k
last updateLast Updated : 2024-09-13
Read more

Chapter 85

Lakad-takbo ang ginawa ni Girly palabas ng building nila Enrico, pagkalabas niya sa elevator ng kumpanya. Kahit na pinagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong niya ay wala siyang pakialam. Ang nais lang niya ay makalayo sa lugar at wag siyang maabutan ni Enrico na humabol pala sa kanya. Nasa labas na siya ng building ng maulinigan niya ang ilang beses na pagtawag sa kanya ni Enrico. Mabilis siyang naglakad at humakbang ng malalaki upang makalayo na ng tuluyan sa sa binata. At lahat ng dumaraan na sasakyan ay pinapara niya kahit na hindi naman iyon public transportation. Nakasakay si Girly agad sa taxi na napadaan sa direksyon niya bago pa man siya tuluyang nalapitan ni Enrico. "Manong, paandarin mo na please.., pakibilisan po," pakiusap niya sa driver pagkasakay niya sa loob ng passenger seat. Tumingin siya sa likuran ng taxing kinalululanan. Nakita niyang humabol pa si Enrico sa taxing sinasakyan niya at nang hindi na niya matanaw si Enrico ay doon lang siya nakahinga ng m
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Chapter 86

"Kilala mo ba yung babae?" tanong ni Rodjun. "Hindi, kanina ko lang siya nakita. Hindi ko rin alam kung siya ba ang bagong secretary ni Enrico." sagot ni Girly. "Anong balak mo ngayon?" "Sa nakita ko kanina, malinaw na pinagtaksilan niya ako. Hindi na ko babalik sa bahay niya. Ayokong makita siyang muli, Rodjun." lumuluhang saad ni Girly. "Ang sabi mo sa bahay ka niya nakatira, paano ang mga gamit mo? Hindi mo na kukunin?" "Wala naman importanteng bagay akong dala ng tumakas at takbuhan ko ang kasal namin ni Kelvin. Nang makiusap ako noon kay Enrico na tulungan niya akong makatakas sa mga tauhan ni Daddy, ang tanging dala ko lang ay pera at ang mga suot ko sa katawan." "Desidido ka na sa pasya mo na hindi na bumalik sa kanya?" muling tanong ni Rodjun. "Babalik sa kanya? Sa lalaking nanakit sa damdamin ko?! Para saan pa? para makinig sa mga kasinungalingan niya? Hindi na, hindi na Rodjun. Tinatapos ko na sa araw na ito ang relasyong namamagitan sa aming dalawa." sagot ni Girly
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Chapter 87

Samantala, mabilis na nag-aalalang bumalik si Enrico sa kanyang opisina dahil sa hindi nga niya naabutan si Girly. Bumalik siya sa opisina niya upang balikan ang kanyang cellphone at ang susi ng kanyang sasakyan. Balak niyang tawagan ang cellphone ni Girly kahit na hindi siya sure kung sasagutin pa ng dalaga ang tawag niya. Nakadama naman siya agad ng galit sa pagpasok niya sa opisina nang makitang . naroroon pa rin ang babaeng dahilan kaya siya namumuroblema ngayon. "Why, you're still here Lynette?!" paangil na tanong ni Enrico sa babae. Nagulat man si Lynette sa tono ng pananalita ni Enrico ay hindi naman makikitaan ng takot sa mukha ang babae. "Hinihintay kang bumalik. Hindi mo ba siya nahabol o nakausap man lang?" kalmado pa ngang tanong nito sa binata. Napabuntong hininga si Enrico at malungkot na sinagot ang tanong sa kanya sa pamamagitan ng pag-iling lang ng kanyang ulo. "Siya ba ang babaeng sinasabi mo sa akin kanina na girlfriend mo, kaya hindi mo na kailangan ang serbis
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more

Chapter 88

Inayos ni Enrico ang lamesa niya at tinawagan ang secretary niya na kanina pa niya inutusang ihatid ang ilang documents na pinirmahan niya ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin nakakabalik. Lalong uminit ang ulo niya dahil sa kakuparan ng bago niyang secretary. Hindi na niya hinintay na makabalik sa lamesa nito ang sekretarya niya. Agad na siyang umalis at nagmamadaling kinuha ang sasakyan niya sa parking area. Pagkaandar pa lang ng kotse ay kinontak na ni Enrico ang numero ng cellphone ni Girly. Un-attended ang tinatawagan niya kaya napahampas siya sa manibela ng ilang beses. Kinukutuban na siya pero umaasa pa rin siyang nakauwi na ng bahay si Girly. Nagmamaneho siya pauwi ng bahay pero hindi siya mapakali kaya tinawagan niya na sina Manang Teresa. "Hello, Manang..," bungad niyang wika sa ginang pagkasagot nito.sa tawag niya. "Sir Enrico, napatawag ka?" takang tanong ng ginang sa kabilang linya ng cellphone nito. "Si Girly ho, nakabalik na ba ng bahay, Manang
last updateLast Updated : 2024-09-16
Read more

Chapter 89

"Ito na ba ang sinasabi mong town house mo? In fairness ang ganda ha!" saad ni Girly ng ihinto ni Rodjun ang kotse nito sa tapat ng isang two storey house. "S'yempre sunod sa uso. Minimalist modern house design ang pagkakagawa sa bahay. Architect slash Engineer yata ako, baka nakakalimutan mo." pagyayabang ni Rodjun na ikinatango-tango ng ulo ng dalaga. "You mean, ang construction firm ninyo ang nag developed ng subdivision na 'to?" namamanghang tanong ni Girly. Proud naman na sumagot si Rodjun. "Yes, you're right Ms. Francisco. Hindi ka nagkakamali. Ako mismo ang gumawa ng design." "Wow, nakakabilib kang talaga! Kung sakaling naging doktor kaya ako tulad ng gusto ko noong maging paglaki ko nung bata pa ako magiging proud din kaya sa akin ang ibang tao?" "Oo naman! Bakit nagsisi ka ba na hindi pagdodoktor ang tinapos mo? Okay naman na nakapagtapos ka ng business management ah, nagagamit mo rin naman ang pinag-aralan mo sa mga negosyo ninyo." "Sabagay, masasabi ko namang kahit pa
last updateLast Updated : 2024-09-18
Read more

Chapter 90

Inabot ng halos dalawang oras sina Rodjun at Girly sa bayan. Pagkabili kase ng sim card ng dalaga ay isinalpak iyon agad at tinawagan si Marina. Nakipag-usap si Girly sa matalik na kaibigan at sinabi niya ang nangyari kanina sa opisina ni Enrico. At kung paanong nagkasama sila ni Rodjun ngayon. Ipinaunawa ni Girly kay Marina, ang nais muna niyang mangyari, na pilit na lang din inuunawa ni Marina, kahit na hindi niya lubos maintindihan ang dahilan ng kaibigan niya. Katulad din kase ni Rodjun ay hindi rin sang ayon si Marina na pagtaguan din ni Girly si Enrico. Ngunit sadyang matigas ang ulo ng kaibigan nila, hindi rin nakinig si Girly sa mga payo ni Marina. Matapos ang pag uusap ay nagdeposito nga si Marina ng tig-singkwenta mil sa dalawang ATM card ni Rodjun na iniutos ni Girly kanina, habang magkausap silang dalawa. Pagkatapos ay ini-withdraw din agad iyon ni Rodjun at ibinigay kay Girly. Nag abot si Girly ng sampung libong piso kay Rodjun. Ayaw tanggapin ng lalaki ngunit ipinili
last updateLast Updated : 2024-09-18
Read more
PREV
1
...
7891011
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status