Hating gabi na ng makauwi ng mansyon si Enrico na amoy alak at halatang lasing, dahil sa ayos ng paglalakad nito na pagewang-gewang. "Sir Enrico, kaya mo pa bang umakyat papunta sa silid mo?" nag aalalang tanong ni Manang Teresa na siyang nagbukas ng pinto para sa amo. "Kaya ko, Manang." sagot ni Enrico na nagtatanggal ng butones sa suot na polo. Hindi naman pinaniwalaan ng ginang dahil muntik na itong matalisod sa paglalakad. Nahawakan lang niya sa braso si Enrico kaya hindi ito nadapa. "Maupo ka na lang muna sa sofa Sir. Magtatawag lang ako ng tutulong sa akin na madala ka sa kwarto mo," wika ni Manang Teresa na nahirapang alalayan ang amo na madala ito sa sofa ng sala. "Wag na, hindi ko kailangan ng tulong. Kaya ko naman tumayo at maglakad Manang," salitang lasing ni Enrico na iginigiit na kaya nga niya. "Sir, wag kang makulit. Hindi mo na nga kaya, dito ka lang muna tatawagin ko si Jayson o sina Ella. Huwag kang tatayo ha," sambit ng ginang na napapagod na sa kakapigil kay E
Last Updated : 2024-09-21 Read more