Home / Romance / The Runaway Bride's Keeper / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of The Runaway Bride's Keeper: Chapter 71 - Chapter 80

124 Chapters

Chapter 71

Ang sama ng tingin ni Enrico kay Rodjun kaya nakaramdam ng tensyon ang dalaga. Hindi pa niya nakitang ganoon ang itsura ni Enrico noon. Unang beses na damang-dama niyang nagseselos ang binata. "Uhm.., Rodjun, si Enrico ang boyfriend ko. Siya ang nagsama sa akin dito sa party. Kaibigan niya yung may party. Enrico, si Rodjun Buenaflor, Classmate ko siya noon." pagpapakilala ni Girly sa dalawang lalaki. "Nice meeting you, Mr. Briones. Ikaw pala ang boyfriend nitong si Girly. Matagal na kaming hindi nagkikita mula ng lumipat kami ng parents ko sa Maynila." seryosong wika ni Rodjun na kitang-kita niyang pinagseselosan na siya ng lalaki dahil sa titig nito sa kanya. "Oo nga, matagal na rin. Ilang years na nga ba? Dito pala kayo nalipat. Kumusta na sina Tita at Tito?" wika ni Girly na natutuwa na mayroon siyang kakilala na nakakausap sa party kaya parang hindi niya alintana na may boyfriend siyang gusto ng manakit ng tao. "Wala na si Dad, Girly. Si Mom nasa bahay." sagot ni Rodjun kay Gi
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

Chapter 72

Lumipas ang ilang araw. Nagawan na ng paraan ni Girly at Enrico na magpapasok ng mga pinagkakatiwalaang tauhan ng binata sa negosyo nila Girly, na si Marina ang naging tulay upang maipakilala nito sa mommy at kapatid ni Girly ang inutusang tao ni Enrico na mag apply bilang financial administrator at business administrator manager sa bawat business ng pamilya ni Girly ng hindi malalaman ng mga ito na ang dalaga mismo ang nagpadala. Nalaman ni Girly na kumuha na rin ng caregiver ang mommy niya para may mag alaga sa asawa nito, na kanya namang ama. Bumalik na rin daw sa pagtatrabaho ang ina ng dalaga sa dental clinic nito pero ang sabi ni Marina sa kanya ay pumapasok lang kapag mayroon itong pasyente na nakapagpabook ng appointment. Tuluyan na rin inalis sa pwesto si Mayor Arnulfo Francisco sa munisipyo. Hindi naman umapela pa ang ama ni Girly dahil sa kalagayan na rin nito. Nabatid din ni Girly na umalis si Vincent sa lugar nila at nasa bakasyon daw ito. Naisip niyang pagkakataon na
last updateLast Updated : 2024-09-01
Read more

Chapter 73

Napapaisip si Girly kung bakit bumisita si Caroline at hinahanap si Enrico. Napagpasyahan niyang tawagan na lang ang binata para ipaalam na naroon sa mansyon si Caroline bago niya harapin ang dating nobya ni Enrico. "Hello.., Labs. Sorry.., kung naistorbo kita sa ginagawa mo. Kaya lang importante ang itinawag ko. Ang ex mong si Caroline, narito siya sa bahay mo at hinahanap ka. Gusto mo bang harapin ko siya? Pinapasok ko na, nakakahiya naman na hindi siya papasukin, ang layo ng binyahe niya para lang puntahan ka rito at makita kang muli." mahinahon ngunit halatang hindi gusto ng dalaga ang pagdating ni Caroline. Nagulat si Enrico sa sinabi ni Girly. Napakunot noo pa siya sa ginawa ni Caroline na pagbisita. "Baka may importante siyang gustong sabihin, Loves. Kaya lumuwas pa siya para lang makausap ako. Pakisabi na hintayin niya ako." saad ni Enrico. "Okay, kung iyan ang iyong gusto. Dito ka na rin ba magla-lunch? Wala pang nailuluto si Manang Teresa. Nasa grocery store pa si
last updateLast Updated : 2024-09-01
Read more

Chapter 74

"Ay, oo naman po Ma'am Girly. Makakaasa ka na wala kaming sasabihin kay Sir Enrico. Mas masaya kung sa iyo niya mismo malaman na magiging Daddy na siya. Sana nga tama kami ni Manang ng hinala na magkakaroon na nga ng baby sa mansyon." "Magpapasama ako sa iyo na magpatingin sa doctor kapag hindi pa rin ako dinatnan ng reglà ko after three days, Ella." saad ni Girly na ikinatuwa ng maid. "Sige po Ma'am, ngayon pa lang nai-excite na akong malaman na buntis ka nga Ma'am Girly!" masayang wika ni Ella na ikinatawa ni Girly. Natutuwa si Girly sa nalamang may posibilidad nga na preggy na siya. Tulad ng sinabi sa kanya ni Ella ay napansin nga niyang pumintog ang kanyang mga sùsù at parang tumigas ang mga utòng niya. Binalewala lang niya iyon dahil naisip niyang baka dahil sa ginagawa ni Enrico sa katawan niya gabi-gabi at tuwing madaling araw kaya nagkaganon. Nawala naman sa isip niya ang monthly period niya dahil sa naging abala ang utak at katawan niya sa pag aaral magluto. Kung hindi pa
last updateLast Updated : 2024-09-02
Read more

Chapter 75

Pagkababa ni Girly sa hagdan ay sinalubong siya ni Enrico ng mabilis na yakap at isang halìk sa pisngi. Gumanti naman siya at tipid pa siyang ngumiti sa binata. "Kadarating mo lang ba?" pormal na tanong ni Girly. "Kararating-rating lang. Ang sabi sa akin ni Ella ay nasa silid ka raw kaya ipinatawag na kita," sagot ni Enrico na sinabayan si Girly sa paglalakad. "Nagkita na kayong dalawa ni Caroline?" tanong muli ni Girly ng hindi niya mapansin ang babae sa paligid pagkatapat nila sa sala. "Oo, nasa pool side siya. Iniwan ko na muna roon upang magkausap tayo nang sarilinan," seryosong sagot ni Enrico matapos pahintuin ang dalaga sa paglalakad ng hawakan nito ang isang braso ng nobya. "Ah, e di nagkausap na pala kayong dalawa habang nasa itaas ako? Sasabihin mo ba sa akin ang kung anong pinag-usapan ninyo?" wikang tanong ni Girly. "Ella, iwanan mo muna kami rito ng Ma'am Girly mo. Doon ka na muna sa kusina. Mag uusap lang kami nitong girlfriend kong maganda," saad na utos ni Enrico
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 76

"Girly, please.., open the door." pakiusap ni Enrico na panay ang pagkatok sa labas ng pinto ng kwarto nila ni Girly. Kanina pa siya roon na kumakatok ngunit ayaw siyang pagbuksan ng dalaga. "Loves, please.., let me explain. Mag usap tayo," muling pakiusap ni Enrico. Ngunit kahit anong gawin o sabihin niya ay parang hindi naman siya naririnig ng dalaga. Sigurado rin siyang sinasadya ni Girly na ignorahin siya kaya hindi nga kumikibo ang dalaga. Kinalampag na ni Enrico ang pintuan sa pagka-frustrate niya, dahil wala man lang siyang naririnig na ingay sa loob ng silid. Hindi niya nauulinigan ang dalaga. Pero ayaw niya pa rin na sumuko, kailangan niyang makausap at mapaliwanagan si Girly. Ngunit kahit na papukpok na ng mabilis at hampas na ng palad ang ginagawa niyang pagkatok hindi pa rin iyon binuksan ni Girly. Halo-halo na ang nadarama niya ng oras na iyon. Naiinis, natatakot at nag aalala siya para kay Girly na nasa loob ng kwarto. Napansin niya ang kasambahay na si Melai ng
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

Chapter 77

"Naniwala ka naman agad sa sinabi sa iyo ng ex mo. Paano kung nagsisinungaling lang pala siya para makalapit uli sa iyo? Mag isip ka nga, Enrico." aning wika na ni Girly. "Ipinakita niya sa akin ang mga pasa niya, Girly. Ang iba ay bago pa lang, karamihan naman ay mukhang ilang araw na ang nakalipas pero visible pa rin," saad ni Enrico. "Let say na nagsasabi nga siya ng totoo, na sinasaktan nga siya ni Kelvin, pero bakit dito siya nagpunta? Pinsan ka ng lalaking gusto niyang pagtaguan di ba?" takang tanong ni Girly. "Naitanong ko rin yan sa kanya kanina. Ang sagot niya sa akin ay hindi iisipin ng pinsan ko na sa akin siya lalapit. Mas magiging ligtas siya sa pagbabanta ni Kelvin kung narito siya sa bahay ko. Nakita kong may point naman siya sa sinabi niya. Kaya pumayag ako na dumito na nga muna siya." "Talaga bang naniniwala ka sa kanya na wala siyang ibang kakilala na narito sa Maynila?" tanong ni Girly. "Kung may malapit siyang kaibigan na matutuluyan dito, hindi na sigu
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

Chapter 78

Tulad nang sinabi ni Girly kay Enrico ay pinilit niya nga na intindihin ang kanyang nobyo kahit nakakaramdam pa rin siya ng pagkainis at pagkadismaya sa binata. Pumayag na siyang tulungan ni Enrico ang dati nitong nobya kahit na nakakadama na nga siya ng pagseselos dahil sa nakikita niyang sobrang pagmamalasakit nito kay Caroline. Napag-isip-isip niya rin, na siya rin naman noong una ay tinulungan din ni Enrico kahit na hindi siya nito kakilala. At alam niyang napilitan lang nga ang binata noon nang dahil sa pangungulit niya. Naisip niya rin na hindi naman siguro mag aalala ng ganun si Enrico kung hindi totoo ang mga sinabi ni Caroline na pinagbabantaan ito ni Kelvin. Naisip niya rin na may pagkakahawig pala ang problema nila ni Caroline. Pareho silang may tinakbuhan at pinagtataguang lalaki na gusto silang pakasalan, ngunit hindi naman nila gustong makatuluyan. Ang pagkakaiba lang ay hindi niya talaga nakarelasyon si Vincent. Ipinagkasundo lamang siya ng kanyang Daddy sa lalakin
last updateLast Updated : 2024-09-06
Read more

Chapter 79

Sakay ng magarang kotse sina Enrico, Caroline at Manang Teresa ay binagtas nila ang daan patungo sa pinakamalapit na ospital. "Mang Cardo, pagkahatid mo nga pala sa akin sa kumpanya ay balikan mo sina Caroline at Manang Teresa sa ospital. Tatawagan na lang kita mamaya kung magpapasundo ako sa iyo o hindi," bilin ni Enrico sa matandang driver. "Sige ho, Sir." sagot ni Mang Cardo na sa daan nakatingin dahil nagmamaneho ito. "Manang Teresa, mamaya ay tawagan mo na lang si Mang Cardo o di kaya ay magpadala ka ng message sa sa cellphone niya para alam ni Mang Cardo kung palabas na kayo ng ospital ni Caroline," aning bilin naman niya sa mayordoma niya na naabala pa ng dahil kay Caroline. "Gagawin ko Sir Enrico ang bilin mo," sagot ni Manang sa kanya. "Nga pala, Manang Teresa. Ikaw na ang bahala kay Caroline. Dating gawi po, alam mo na ang ibig kong sabihin Manang," ani pang bilin ng binata. "Aalalayan ko si Miss Caroline at dating gawi, Sir. Wag kang mag aalala, Sir Enrico. Ako na ang
last updateLast Updated : 2024-09-07
Read more

Chapter 80

Mabilis na lumipas ang oras at nakabalik na ng mansion sina Manang Teresa at Caroline, na sinundo kanina ni Mang Cardo sa ospital. Wala silang imikang tatlo sa loob ng kotse nang sila ay papauwi pa lang kanina. Parehong pinakikiramdaman ng dalawang matanda ang babae ngunit tila bq wala naman iting pakialam Tahimik lang kase si Caroline at wala itong ibang ginawa kundi ang gumamit ng cellphone. Kahit nga nang sila lang dalawa ni Manang Teresa ang magkasama ay hindi ito nakikipag usap sa ginang. Nagsasalita lamang ito o sumasagot si Caroline kay Manang kapag kinakailangan. Ang totoo ay kanina pa naaalibadbaran si Manang Teresa kay Caroline dahil nakita na niya sa babae na hindi ito marunong makisama sa tulad nilang mga utusan ng mga mayayaman. Sumusunod lang ang ginang sa utos sa kanya ng binatang amo. Pagpasok nila ng bahay ay pinasamahan ni Manang Teresa si Caroline kay Melai na ihatid muna sa guest room ang kanilang bisita nang makapagpahinga na muna ang babae. Sakto naman na pa
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more
PREV
1
...
678910
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status