Home / Romance / The Runaway Bride's Keeper / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of The Runaway Bride's Keeper: Chapter 61 - Chapter 70

124 Chapters

Chapter 61

Pagkalayo nilang dalawa ay nadinig nila ang pag uutos ni Manang Teresa sa mga kasamahan nito. "Jason, bumalik ka na sa gate. Ella, sumunod ka sa akin sa kusina at tulungan mo akong maghanda na ng dinner nila Sir Enrico. Kakay at ikaw din Melai, umakyat kayo sa taas at ayusin ninyo ang kwarto nila Sir Enrico. Magtulong kayong dalawa para mabilis matapos. Pakiakyat na rin ninyo ang mga gamit nila. Pagkatapos ninyo ay bumaba kayo agad." aning utos ng mayordoma. Nang mawala ang mga kasambahay ni Enrico sa paningin nila ni Girly ay nagtanong ang dalaga sa kanya. "Bukod ba sa Lolo Dionisio mo, wala ng ibang pinagsisilbihan ang mga kasambahay ninyo sa bahay na ito?" tanong ni Girly na iginagala ang paningin sa kabuuan ng sala. "Wala, kaming dalawa lang naman ni Lolo Dionisio ang malapit na mag kamag-anak. May mga tita at tito at pinsan din naman ako sa side ng Daddy ko pero mga kamag anak naman ni Lola Soledad. Medyo malayo na rin kung tutuusin, kase sa mga pinsan na ni Daddy. Nag iisang
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 62

"Sir, nakaready na po ang dinner ninyo ni Ma'am Girly." wika ng isang katulong ni Enrico na si Melai ng lapitan sila nito. "Sige susunod na kami, Melai. Thank you..," aning saad ni Enrico. "Let's go, Loves. Kumain na tayo. Baka sa sobrang gutom ko ay ikaw na ang kainin ko." baling namang usal ni Enrico kay Girly na ikinangisi ng dalaga. "Behave, Bebelabs. Nakakahiya, baka marinig ka nila." pa angil na turan ni Girly. "Ayos lang na marinig nila. Sila pa nga ang dapat na mahiya sa atin, kase nakikinig sila." birong sagot ni Enrico. Napaikot ng dalaga ang kanyang eye ball dahil sa isinagot ni Enrico sa kanya. "Oo na nga lang, gutom lang din yan, Bebelabs. Tara na, mag dinner na tayo. Damihan mo ang kain mo ng hindi pasukan ng hangin ang utak mo." natatawang wika ng dalaga. Inakbayan naman ni Enrico si Girly sa balikat na hinayaan naman ng dalaga. Pagpasok nila sa hapagkainan ay nakaayos na nga ang mga pagkain sa lamesa. Pinaghila ni Enrico si Girly ng silya na uupuan nito. "Uhm,
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 63

"Ano bang negosyo ang gusto mong itayo?" tanong na lang ni Enrico na sinadyang ibalik na sa naunang topic nila ang usapan. Napangiti naman si Girly ng dahil dun. "Small business lang naman. Try kong maging entrepreneur na muna. Since, mahilig akong kumain, why not foods di ba? Like pizza, burger, pasta and asian noodles. Mga japanese, chinese, thai, korean and vietnamese noodles. Then yung place ng shop, sa loob mismo ng mall." nangangarap na turan ni Girly na ikinatango-tango ng ulo ng binata. "Goods naman ang naisip mong negosyo. Maganda rin ang idea. Target mo ba ang mga foreign costumer? bihira lang ang may ganyang concept na restaurant. Talagang nakagawa ka na pala ng business plan mo." komento ni Enrico na ikinatuwa talaga ni Girly. "Kaya nga gusto kong i-push. Si Aileen ang naisip kong maging kasosyo sa negosyo dahil pareho kaming mahilig mag food trip. Napag-usapan din naman noon ang tungkol sa sinasabi ko sa iyo. Nagkasundo kami noon na kung maisipan ng isa sa amin na mag
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 64

Kinabukasan pumasok sa opisina si Enrico dahil natambakan na siya ng mga documents na pipirmahan sa lamesa niya. Hindi niya iyon nagawa kahapon dahil inuna niya muna ang pakikipagmeeting at ang urgent document na kailangan niyang aprubahan at pirmahan. Nagpaiwan si Girly sa mansyon kahit na pinipilit siya ni Enrico kanina na sumama na lang siya sa kumpanya. Hindi naman napilit ni Enrico ang dalaga kaya nag bilin na lamang ito na hindi magtatagal sa kumpanya, na hanggang tanghali lang ito sa opisina at pagkabalik nito ng bahay ay aalis din sila agad upang mag lunch sa labas at mamili ng isusuot na dress ni Girly para sa engagement party mamayang gabi ng kaibigang si Nick. Habang busy si Enrico sa opisina niya, si Girly naman ay inaabala ang sarili sa pag aayos ng mga gamit niya sa loob ng kwarto nila ni Enrico. Patapos na siya sa pagliligpit ng makatanggap siya ng tawag mula kay Marina. "Hello, ang aga mong tumawag. Akala ko ay mamaya mo pa ako tatawagan. Kumusta?" aning wika ni Gi
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more

Chapter 65

Nagtapat na si Girly kay Marina at sinabi na niya ang lahat sa kaibigan. Pinayuhan lang siya ni Marina at natutuwa rin naman para sa kanya. "Salamat Marina, sa pang unawa. Nahihiya kase akong sabihin sa iyo ang mga kalandian ko kay Enrico." aniya sabay tawa. "Alam ko kase ang magiging reaksyon mo, pero batid ko din naman na magiging maligaya ka para sa akin. Biruin mo tumakas ako sa kasal na hindi ko nga gusto dahil ayoko sa lalaking pakakasalan ko, pero nakatagpo naman ako ng pag ibig sa pagiging runaway bride ko." masayang turan ni Girly sa kaibigan. "Baka sign na yan na dapat ka na ngang magkaroon ng sarili mong pamilya. Nasa right age ka naman na kase kaya carry mo na ang magkaroon ng asawa at anak." wika ni Marina na ikinatuwa pang lalo ni Girly. "You know what, Marina. Ang gaan-gaan ng feeling ko ngayon. Iba yung saya na nararamdaman ko mula ng maging malaya ako kay Dad. Hindi ko na iniisip ngayon ang sasabihin niya. Hindi katulad noon na hinahayaan ko siyang magpatakbo ng bu
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

Chapter 66

Pagkauwi ni Enrico ng bahay ay nagpaalam siya kay Girly na maliligo muna saglit ng salubungin siya ng dalaga sa labas ng pinto ng bahay.Hindi na siya sinamahan pa ni Girly na umakyat sa itaas dahil sinabi nito na baka magtagal lang silang dalawa sa loob ng kwarto.Hindi naman siya nagpilit magpasama dahil baka nga ganoon ang mangyari.Pagkatapos maligo ni Enrico ay isinuot na niya ang suit na nakita ni Girly kanina sa loob ng cabinet. Upang hindi na siya magahol pa para sa pupuntahang party nila mamaya. Hindi niya muna isinuot ang coat at binitbit na lang niya na nakahanger pa. Balak niyang isabit na lang muna iyon sa loob ng kotse nang hindi malukot.Pagbaba niya ng hagdan nakita niyang kumakain na ng potato chips na nakapakete si Girly. Habang tutok din ito sa pag i scroll sa fb ng cellphone nito."Nagutom ka na?" tanong ni Enrico ng makalapit siya sa nobya.Nginitian siya ng dalaga at tiningnan ang hawak-hawak na sitsiryang nilalantakan."Ah, ito ba? napadaan si Melai dito sa sala
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

Chapter 67

"S-sorry, Sir. A..Akala ko kase ay ikaw yung nakilala ko noon sa isang party. Hindi pala, kahawig mo lang." nakangiting wika ng dalaga. Hindi naman pinahaba pa ni Enrico ang usapin. Ipinakita niyang wala siyang interest sa babaeng feeling niya ay nagpapapansin lang sa kanya. "Ma'am, kukunin ko na po yung pinili ni Sir, yung susi po ng estante." "O-Oo nga pala, sorry..," at ibinigay ang susi sa saleslady. "Iwan ko muna sa iyo, Ma'am si Sir." "Okay, aķo ng bahala kay Mister..?" saad ng manager. "Briones, Enrico Briones." dugtong na pagpapakila ni Enrico. "Mr. Briones," pagsunod na bigkas ng manager sa sinabi ng binata na ikinatango-tango pa ng babae ng ilang beses. Umalis na nga sa tabi nila ang umistima kay Enrico. "Ma'am, ito na po yung napili ni Mr. Briones." saad ng saleslady na hawak na ang isang box ng jewelry set ng bumalik. Tinanggap iyon ng manager at nagsimula ng mag-calculate ng babayarang halaga ng alahas ni Enrico. "Ano po ba ang ring size ng pagbibigyan ninyo n
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

Chapter 68

Samantalang si Girly ay patapos na ng balikan siya ni Enrico sa salon. Nakisuyo siya sa may ari ng salon kung pwede siyang mag change clothes doon. Pumayag naman at pinaalalayan pa nga siya sa isang babaeng parlorista na walang ginagawa. Paglabas ni Girly sa loob ng banyo ng parlor ay suot na niya ang bagsak na tela na sleeveless front tie knot na hanggang binti ang haba at may slit na hindi naman aabot sa itaas pa ng hita niya na kulay UFO green na bumagay sa kanyang skin complexion. "Wow, you look so beautiful and gorgeous, Ma'am! Ang ganda-ganda mo talaga." sigaw ng isang beki na humanga sa ayos ni Girly. "Bagay sa iyo, Ma'am yung napili mong kulay ng dress. Ang ganda mong tingnan. Bagay na bagay kayo ni Sir. Di ba Sir, ang ganda ni Ma'am?" Malapad ang ngiting sumang ayon si Enrico. "May make up o wala. Simple o sexy dress man ang isuot mo. Sa mga mata ko, mula ng masilayan ka ay ikaw na ang pinakamaganda para sa akin." saad ni Enrico na lumapit kay Girly at hinawakan sa baywa
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

Chapter 69

"Kapag may iniisip akong mabigat na problema minsan ay pumupunta ako rito. Pinapanood ko lang ang paglubog ng araw at kasabay ng pagkawala nang araw sa aking paningin ay ang pagbuo naman ng gagawin kong pinal na desisyon sa problema ko." litanya ni Enrico na pinakikinggan ni Girly kahit na sa araw naman nakapokus ang mga mata nila habang magkahawak ang kanilang mga kamay at nakaupo sa malalaking batong magkakadikit. "May iniisip kang problema?! Tell me, what it is?Baka makatulong ako. Ano bang pinuproblema mo?" tanong ni Girly na hinigpitan pa ang hawak niya sa kamay ni Enrico nang balingan niya ng tingin ang nobyo. "Ngayon wala, gusto ko lang talaga na makasama kang panoorin ang paglubog ng araw dito. Maganda rin naman manood ng sunset na kasama ang mahal mo di ba?" nakasilay ang ngiting sambit ni Enrico na sumulyap sa nobyang biglang nakadama ng pag aalala sa kanya. "Akala ko naman ay problemado ka na ng dahil sa akin kaya mo ako dinala rito." biro namang turan ni Girly sabay hag
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more

Chapter 70

Nakarating ang magkasintahan sa mansyon ng pamilya ng kaibigan ni Enrico na si Nick. Iilan pa lang ang mga naratnan nilang bisita dahil maaga pa naman sa takdang oras ng party nang dumating silang dalawa. "Enrico.., pare," pasigaw na tawag ng isang lalaking masayang nakita ang binata pagkapasok pa lang sa main door ng mansyon. "Edgar..," sambit ni Enrico sa pangalan ng kaibigan ng marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Mabilis silang nilapitan nung Edgar. Nakipag-man hug si Enrico sa kaibigan ng makalapit ito sa kanya. "Kanina ka pa? sinong kasama mo? si Anthony at Nick?" mga tanong ni Enrico sa kaibigan nitong natutuwa pa rin na nakita siya. "Kadarating ko lang din. Nauna lang ako sa iyo ng ilang minuto. Si Anthony wala pa, pero on the way na raw. Si Nick naman umakyat muna sa itaas, ipinatawag nila Tito Arman sa maid." aning sagot ni Edgar at sa kasama na ni Enrico ito nakatingin. "Alam ba niyang narito ka na?" tanong pa ni Enrico sa kaibigan at sinulyapan ang nobyang napaka
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more
PREV
1
...
56789
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status