"Piringan ninyo ang mata ng babaeng 'yan," utos ng lalaking nasa tabi ng driver ng sasakyang kinalululanan nila Girly. "Bakit pa natin ito lalagyan ng blindfold sa mata, kung pwede naman gawing mas madali. Payapa pa ang magiging byahe natin pabalik sa hide out," suhestiyon ng babaeng katabi ni Girly at agad namang kumilos ang isang lalaking nakaupo sa likuran nila. Hindi rin nagtagal ay may iniabot ang lalaki na maliit na tela sa babaeng nagsalita kanina. Mabilis na naunawaan ni Girly ang balak na gawin sa kanya ng katabi niya, kaya siya nagpumiglas at nag-iiling ng kanyang ulo. "H-huwag! Huwag.., parang awa n'yo na, ayokong matulog! Huwag mong ipa-amoy sa akin yan. Ayoko n'yan. A-ayokong matulog, ayoko... Takpan na lang ninyo ang mga mata ko, hayaan ninyo akong gising pakiusap. Hindi ako gagawa ng kahit na anong ingay, pangako. A-ayokong matulog, please...!!" pagpupumiglas ni Girly na.nakikiusap, ngunit hindi rin siya pinakinggan ng babaeng gusto siyang patulugin. Ilang segundo l
Last Updated : 2024-10-19 Read more