Semua Bab The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Bab 771 - Bab 777

777 Bab

Chapter 52.2

MULI PANG NAPAHILOT ng kanyang sentido si Giovanni habang ang mga mata niya ay nananatili pa rin kay Margie. Hangga’t maaari ayaw na niyang palawigin pa ang kanilang problema. Tama na sa kanya ang nasabi niya na ang lahat. Hindi na kailangan pang kung saan-saan sila mapunta habang inaayos ang kanilang naging problema.“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Tito. Just file the case, ako na ang bahala sa iba pang mga kailangan. Kung kinakailangan ay hahalungkatin ko ang buong pagkatao niya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanan niya.” dagdag pa ni Gavin na nababasa na ang pagdadalawa ng isip ni Giovanni ng dahil sa pananahimik nito.Bagama’t narinig naman ito nang malinaw ni Giovanni ay hindi pa rin siya nagsalita. Tinitimbang niya ang sitwasyon. Hindi nila kailangang umabot doon. Kapag ginawa nila iyon mas lalo lang lalala ang lahat at mas sasama pa si Margie. Kawawa rin naman iyong babae. May pinagsamahan sila kung kaya parang ayaw niyang umabot sila doon. Sa p
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

Chapter 52.3

NANG MARINIG IYON ay napaahon na si Gavin sa kanyang inuupuan. Kakarating pa lang niya ng mansion at kasalukuyang nagtatanggal pa lang siya ng suot niyang medyas. Mukhang nagising na sa pagkakatulog sa kahibangan ang Gobernador kung kailan mas lumaki pa ang problema niya. Ganunpaman ay willing naman si Gavin na tulungan pa rin ito dahil batid niyang para rin iyon sa kapakanan ng kanyang kapatid na si Briel at hindi kung para rin kanino iyon.“Okay? Buo na ba ang desisyon mo, Governor Bianchi? Ipapakulong ko ang babaeng iyon. Makukulong siya. Kaya mo?”Napabuga ng usok ng sigarilyo si Giovanni na sa mga sandaling iyon ay halos wala pang maayos na tulog. Sinubukan niyang tawagan ang pamangkin ngunit hindi nito sinasagot. Na-lowbat na lang ang cellphone niya, walang nangyari. Ni hindi ito tumawag pabalik upang mag-reached out kung ano ang kanyang kailangan. At dahil bagong anak pa lang ito ay hindi na rin niya naman kinulit pa. Doon siya mas lalong napaisip lalo na pagbalik niya ng kanil
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

Chapter 52.4

NAG-APPLY SA ISANG sikat na kumpanya ng clothing line si Briel bilang isang designer, isang Linggo matapos nilang makarating ng Canada. Hindi naman siya doon nabigo dahil sa mga credentials niya at talento ay agad siyang tinanggap kahit pa inamin niya sa kanila na mayroon siyang anak. Umano ay hindi naman magiging sagabal o balakid sa kanyang trabaho ang kanyang kasamang anak. At dahil sa naging matunog na pangalan niya online na nadadawit sa Gobernador na hindi nakaligtas sa kanyang kaalaman na kumalat online ay inasahan na ni Briel na mahihirapan siya at mabu-bully kahit nasa ibang bansa siya, ngunit kabaliktaran naman noon ang nangyari. Dalawang palad siyang tinanggap ng kompanya na malaking bagay na pinagpapasalamat niya. Tahimik na pinanood niya rin ang naging press conference ni Giovanni pagkaraan ng ilang araw na aaminin niyang sobrang nasaktan siya. Nakikita niya na hindi pa talaga handa ang Gobernador na manindigan sa kanilang mag-ina, kung kaya naman hindi niya na iyon ipip
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-17
Baca selengkapnya

Chapter 53.1

NOONG UNA AY naninirahan sina Briel sa tahanan ng ama ng kanyang hipag na sina Mr. Conley, ngunit hindi nagtagal matapos ang isang buwan niyang pagtra-trabaho ay pinayagan na rin siya ng mag-asawa na bumukod ngunit malapit lang din naman iyon sa kanilang bahay. Laking pasasalamat ni Briel na hindi siya itinuturing na iba ng mag-asawa bagkus ay parang naging anak na siya ng mga ito dahil sa paraan ng kanilang pag-aasikaso sa kanilang mag-ina.“Sigurado ka ba talagang kaya mo na, Briel?” tanong ni Estellita na asawa ni Alejandrino sa araw na sinabi niyang may nahanap na siyang kanilang titirhan na mag-ina, “Tandaan mo na palaging bukas ang pintuan ng tahanang ito sa inyong mag-ina. Para ko na ‘ring apo itong si Brian…at para ka na rin naming anak ni Drino.” malambing nitong litanya. “Opo, Tita. Kaya na namin ni Brian na bumukod. Papasyal-pasyal na lang po kami dito kapag wala akong trabaho o kung gusto niyo po ay pwede rin naman po kayong magtungo sa tahanan namin. Ilang blocks lang an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-17
Baca selengkapnya

Chapter 53.2

MALAKAS NA TUMAWA lang si Briel, halata sa kanyang mukha na ayaw pa rin niyang magkuwento ng tungkol sa bagay na iyon ngayon kahit na sa matalik niyang kaibigan. Wala lang, parang nasanay na siyang hindi na ito binabalikan. Pakiramdam niya rin ay parang kahapon lang siya umalis ng Pilipinas. Ni wala na nga siyang balita ngayon kay Giovanni. Ni hindi na rin naman ito nagparamdam pa sa kanya kung kaya bakit pag-aaksayahan niya pa ito ng panahon? Anong gagawin niya? Siya na naman ang mauuna at gagawa ng hakbang? No way! Never na niyang gagawin ang bagay na iyon. Natuto na siyang pahalagahan ang kanyang sarili. Isa pa, kung mahalaga sila ni Brian kay Giovanni, hindi nito patatagalin na hindi sila makitang mag-ina. Ibang-iba talaga ang ugali ni Giovanni sa kapatid niya. Malayo.“Paano ba nakakabuo ng anak ang dalawang tao? Syempre nag-sex kaming dalawa!” irap ni Briel na pumaparada na. Nakaani na siya agad ng isang kurot sa tagiliran mula kay Farrah na pulang-pula ang buong mukha. Nang-aa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-17
Baca selengkapnya

Chapter 53.3

HUMALAY SA PALIGID ang matinis na hagikhik ni Brian na nakiliti sa matalas na stubbles ng ama na dumikit sa balat niya nang halikan siya nito. Nagawa pa siyang sabunutan ni Brian sa sobrang kiliti na kanyang nararamdaman, bagay na hindi pinansin ni Giovanni. Itinigil lang niya ang paghalik sa anak nang makitang nakalapit na ang mga magulang ni Briel na bagama’t nakangiti sa kanya ay alam niyang may mga sentemyento at hinaing sa pagiging napakabagal niya. Aminado naman siya doon, subalit may mga bagay lang din naman siyang isinasaalang-alang na tanging ang panganay lang nilang anak na si Gavin ang siyang nakakaalam. Kung siya ang masusunod, matagal na niya sanang nauwi sa bansa ang kanyang mag-ina. Kung gagawin naman niya iyon, ang abogadong si Gavin naman ang tiyak kalaban niya.“Uuwi si Briel ng New Year.” anunsyo ng Ginang na inilahad pa sa kanya ang sofa, ikinatango lang iyon ni Giovanni kahit na mayroon sana siyang reaction kagaya ng bakit sa New Year pa kung pwede namang sa Pask
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-18
Baca selengkapnya

Chapter 53.4

NATAWA NA LANG ang mag-asawang Dankworth sa kanilang apo na napakatabil na parang si Gabe na walang malilihim. Sa kabila ng mga ngiti nila ay kaakibat noon ang lungkot dahil sa kakulangan ng atensyon ng magulang ni Brian sa kanya. Ganunpaman ay naniniwala rin silang mag-asawa na kagaya nina Bethany at Gavin, isang araw ay mabubuo rin ang kanilang pamilya. Mabibigyan din nila ng buong pamilya ang bata, maging ng magiging mga kapatid.“Halika na Brian, mukhang kailangan na ng Daddy mong mag-impake at mag-booked ng plane ticket.” Agad namang tumalima si Brian na pumunta sa kanyang Lola at kumandong na dito. Hindi na rin doon nagtagal si Giovanni na gaya ng sinabi ng Ginang ay marami pa ngang kailangang gawin. Sa kabilang banda ay nasa flat na nila si Briel kasama ang kanyang kaibigan, nagsusukat na ito ng mga damit na kanilang pinamili. Habang ginagawa niya iyon ay nagsimula naman si Briel na isalaysay ang kanyang talambuhay sa kaibigan na ayaw siyang tantanan hangga’t hindi nagkukuwent
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
737475767778
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status