All Chapters of The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Chapter 721 - Chapter 730

745 Chapters

Chapter 39.4

NATAWA NA DOON si Giovanni kahit na kumakalat na rin ang lungkot sa kanyang sistema. Kailangan niya na pagaanin ang nararamdaman. Ganundin kasi ang nararamdaman niya. Kung pwede lang na bitbitin niya na lang si Briel patungo ng Baguio para lang hindi niya gaanong ma-miss, ginawa niya na sana iyon. Kaso ay hindi naman pwede iyon lalo pa sa sitwasyon na kinakaharap ng mga Dankworth at Bianchi sa ngayon.“Pinapahirapan mo naman ako, Gabriella…”Hindi sumagot si Briel na parang batang namamasa na ang bawat sulok ng mga mata. Naiiyak na siya. Hindi niya mapigilan ang sarili na para bang iiwan siya nito at kapag umiyak siya ay isasama na siya.“Kapag gumaling na si Bethany at bumaba ako, pwede kitang isama paakyat sa Baguio. Sa ngayon kasi hindi pa pwede dahil kailangan ka nilang mag-asawa eh. Mahihintay mo ba iyon, hmm? Saglit na lang...”Nagulat si Briel sa sinabing iyon ni Giovanni. Siya? Isasama nito sa Baguio? Saan siya titira? Sa mansion nila? Hindi man lang ba muna siya ipapakilala s
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Chapter 40.1

PATAKBO NG TINAWID ni Briel ang kanilang pagitan upang bigyan ang Gobernador nang mahigpit na yakap. Hindi pa man lang si Giovanni nakakapagpalit ng kanyang suot na pang-opisinang damit ay doon na ito agad dumiretso. Sinalubong naman din siya ni Giovanni ng yakap na agad na siyang nahawakan sa kanyang beywang at nabuhat upang iikot-ikot lang. Mababanaag sa kanilang mga mata na miss na ang bawat isa. Yumakap na ang mga binti ni Briel sa beywang ni Giovanni na mabilis ng nahalikan ang labi ni Briel na bumaba na sa leeg ng babae na mahinang humahagikhik sa tuwa at kiliti. Napatili pa doon si Briel sa hatid nitong ibayong kiliti na kinailangan ni Giovanni na agad selyuhan ang labi upang mapahina iyon.“I miss you—” “Sobrang na-miss din kita, Gabriella…” anas ni Giovanni na humakbang na patungo ng kama habang buhat pa rin ang katawan ng kasintahan. “Miss na miss...” patuloy nitong sambit habang salitan ang mga halik. Hinakbangan lang ni Giovanni ang maleta ni Briel sa sahig na nakakalat
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Chapter 40.2

NAKIKITA NA ANG sinag ng araw sa yari sa bubog na dingding ng silid kung saan ay nakahawi ang makapal na kurtina at tanaw ang labas noon na may halik pa ng mga hamog ng nagdaang gabi. Maingat na tinanggal ni Giovanni ang ulo ni Briel na nakaunan sa kanyang braso, gumalaw lang ito pero hindi naman tuluyang nagising na humarap lang sa kabilang dereksyon ng kama. Kailangan niyang magtungo ng sariling silid upang maligo at ihanda na ang kanyang sarili. Patingkayad niyang tinungo ang pinto matapos na halikan muli sa labi ang kasintahan. Pigil ang hingang lumabas siya ng silid ng nobya at nang bumalik doon pagkaraan ng ilang minuto ay nakaligo na at gayak na rin upang umalis ng mansion para sa trabaho. “Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?” tanong ni Briel nang maaninag ang bulto ni Giovanni sa gilid ng kama niyang nakaupo, agad na yumakap ang kanyang mga braso sa katawan nito matapos na umusog palapit at umunan sa isang hita ng Gobernador. Pabalagbag na ang higa niya ngayon sa nasabing
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Chapter 40.3

SA KANYANG PANINGIN ay sobrang naging gwapo lalo ng Gobernador. Para tuloy gusto na niyang hilahin ang oras na gumabi na para magkita na sila. Pinahaba na ni Briel ang kanyang nguso sa bilis noon at upang muli itong sumilip sa camera ngunit hindi na ito naulit pa. Nanatili na itong naka-focus sa kisame ng office.“Stop doing that, Gabriella…hindi na ako makapag-focus...”Lumakas pa ang tawa ni Briel, lalong pinahaba ang nguso na para bang gusto nito ng kiss mula kay Giovanni. Pinatay na ng Gobernador ang videocall. Maya-maya ay tumawag na lang ito sa phone number.“Bakit mo pinatay? Saglit mo nga lang pinakita sa akin ang mukha mo. Gusto ko lang naman ng kiss.”Problemadong napakamot na si Giovanni ng kanyang ulo habang panaka-naka ang tingin ng secretary niya na kanina pa may kakaibang ngiti sa kanyang labi bagama't hindi ito nakatingin sa kanyang mukha. Alam niya na narinig nito ang buong usapan nila ni Briel at nasulyapan din nito ang hitsura ng kasintahan niya.“Humanda ka sa akin
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Chapter 40.4

PAGKATAPOS NG DINNER ay hinayaan na silang magpahinga ni Donya Livia at hindi na inistorbo pa. Ni hindi na sila inimpede na makipag-usap pa sa kanya hanggang sa antukin. Gaya ng inaasahan pasimpleng dinala ni Giovanni si Briel sa loob ng kanyang silid. Habang nakaupo sa gilid ng malaking kama ay iginala ni Briel ang mga mata upang pansinin ang mga antigong bagay na naroon. Noon lang niya napagmasdang mabuti ang silid. Unang may nangyari sa kanila doon, ngunit doon lang nakatutok ang utak ni Briel kagaya kanina kung kaya naman hindi niya napuna kung ano ang hitsura ng kwarto ng Gobernador. “Bakit gulat na gulat ka yata sa hitsura ng silid ko?” lapit na agad ni Giovanni sa kanya na ikinulong na ang mukha ni Briel sa kanyang dalawang palad, yumakap naman ang mga braso ni Briel sa kanyang beywang bilang tugon. “Pang-ilang beses mo ng nakapasok dito ah? Noong una hindi pa tayo, tapos kanina. Bakit parang first time mo ata ngayon kung makaikot ang mga mata mo sa mga gamit na laman ng kwart
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 41.1

NAPAKUNOT NA ANG noo ni Donya Livia sa reaction ni Giovanni na parang galit ito sa kanyang huling tanong. Usually, wala itong pakialam sa ibang tao pero kitang-kita ng matanda ang concern sa bunso ng mga Dankworth na maistorbo. Hindi na niya iyon binigyan pa ng kulay, baka kasi iniisip at trinatrato niya lang ang babae na parang pamangkin niya rin. Kagaya ng hipag nitong si Bethany, ganun lang din iyon.“Mama, ang ibig kong sabihin ay anong oras na rin kasi. Sigurado akong tulog na iyon. Pagod iyon sa paglabas niya at paniguradong nagbabawi pa ang katawan sa puyat. Nakakahiya naman kung maiistorbo.”“Ganun ba iyon? Kahit na, katukin ko pa rin kaya at tanungin? Malay mo gusto niyang kumain?” pagbibiro pa ng matanda na parang mas gustong asarin ang kanyang anak na nakikinita niyang apektado doon.“Mama? Hindi ka pa ba inaantok? Bored ka ba? Huwag ka ng mangdamay pa ng iba...”Tiningnan na ng Gobernador ang caregiver nitong kasama na mabilis lang napatungo ang ulo sa kanya. Iyong mga tin
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 41.2

MAY PAGTUTOL MAN sa kanyang mga mata, hindi niya tahasang masabi iyon dahil nagkasundo na rin sila ni Giovanni ng kung anong gagawin sa relasyon nila pansamantala. Kumbaga, alam nila pareho kung ano.“Ah, akala ko fiancee mo na. Tanda mo na rin kasi, hindi ka pa ba mag-aasawa?” medyo nakakainsultong saad ni Daisy na tiningnan si Briel mula ulo hanggang paa, palihim siyang tinaasan ng isang kilay ni Briel. Kabadong tumawa lang si Giovanni na nilingon na si Briel. Nabasa niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Alam niyang nasaktan ito, pero hindi naman pwede na sabihin niyang bigla na girlfriend niya ang babae gayong itinanggi na niyang kasintahan ito. Nasabi na rin niya kung ano ang relasyon nito sa pamilya nila.“Nagbabakasyon lang siya dito.” dugtong pa ni Giovanni upang mukhang maging kapani-paniwala iyon. “Ah, o siya sige. Aalis na rin ako at may lakad pa ako. Ingat kayo kung saan pa man ang lakad niyo.”Dumiin ang mga mata ni Briel sa kamay ng babaeng humawak sa isang braso ng Gobe
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 41.3

INIHATID LANG NI Briel ang mga pinamili at dumeretso na din siya agad sa silid ng nobyo pagkatapos niyang mabilis na maligo. Hindi na siya nag-abalang magbihis pa at tanging roba lang ang naging suot nang magtungo ng silid nito. Sabik namang sinalubong ni Giovanni ang kasintahan na sa may pintuan pa lang ay kanya ng binuhat patungo ng kanyang kama matapos na i-locked ang pinto ng naturang silid. Maingat na inihiga ng kama, at mapanukso ang mga matang hinubaran na ito na parang normal na lang.“Kailan mo planong lumagay sa tahimik? I mean magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.” pahapyaw na tanong ni Briel habang nakaunan siya sa isang braso ni Giovanni, “Gusto ko lang namang malaman.” Nakapikit si Giovanni at marahan ang taas at baba ng kanyang dibdib. Pagod na pagod pa sa kanilang ginawa. Hindi pa siya gaanong nakakahinga heto na naman ang tanong ng nobya tungkol sa kasal nila.“Kapag thirty na ba ako at forty ka na? Hmm?” Itinaas pa ni Briel ang kanyang isang kamay upang haplusin
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Chapter 41.4

KULANG NA LANG ay lumipad at mahulog sa hagdan si Briel sa kanyang pagmamadaling makababa. Hindi nakaligtas iyon sa amang nasa puno ng hagdan at paakyat na sana. May dala itong pitsel ng tubig at baso. Puno ng pagtatakang hinintay niya ang anak na makababa bago ito tanungin kung saan pa ang lakad niya. “Gabing-gabi na, saan pa ang lakad mo?”“Inaya ako ni Farrah ng midnight snack, Daddy. Babalik din naman ako agad. Kaso nga lang ay baka madaling araw na!” tugon nitong ikinataas ni Mr. Dankworth ng isang kilay, kilala niya ang anak na gala pero never itong lalabas nang dahil sa midnight snack at nagmamadali. “Hindi naman na ako bata, Daddy!”Pagkasabi noon ay parang kidlat na niyang tinungo ang pintuan at mabilis na lumabas. Napailing na lang si Mr. Dankworth. Natawa na sa kalokohan ng bunsong anak. Tuloy na pumanhik na siya ng hagdan, naiiling. Lingid sa kanyang kaalaman na ang tiyuhin ng kanyang manugang ang kakatagpuin ng kanyang bunsong anak sa labas mismo ng mansion. Kung alam n
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Chapter 42.1

MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo na niya ang kusina kung nasaan si Giovanni na abala doong nagsasalin ng alak sa dalawang kopita na kanyang kaharap. Walang pag-aalinlangan na siyang niyakap ni Briel mula sa likuran sabay dungaw ng mukha sa bandang gilid ni Giovanni upang tingnan ang ginagawa. Napangiti na naman ang Gobernador sa ginawang iyon ng kasintahan. Sa isip ay ang cute talaga nito dito.“Umamin ka sa akin, Governor Bianchi, sa’yo ba ang apartment na ‘to?”Mahinang tumawa si Giovanni na binuhat na ang mga kopita ng alak at ini-abot ang isa noon kay Briel na nakayakap pa rin sa katawan niya kahit na nakaharap na siya sa nobya. Nakatayo na ito nang maayos. Sinandal pa ng Gobernador ang kanyang likod sa counter upang mapagmasdan lang ng malaya si Briel.“Sa atin ang apartment na ‘to, Gabriella. Here. Let’s celebrate, Baby.” umang pa niya sa baso ng wine dito. Tinanggap iyon ni Briel gamit ang isang kamay pero ang isang braso niya ay nanatiling nakayakap pa rin sa mainit na kat
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more
PREV
1
...
707172737475
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status