Все главы The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Глава 711 - Глава 720

745

Chapter 37.2

HINDI NA HININTAY pa ni Mr. Dankworth na makausap ng asawa ang panganay nilang anak at nauna na itong bumaba upang harapin ang hindi nila inaasahang bisita. Pagdating niya sa ibaba ay nasa sala na ang Governor na may malaking ngiti. Napakunot saglit ang noo ni Mr. Dankworth ngunit agad niya rin naman iyong pinalis. Naisip na nakakahiya kung papakitaan nila ng masama ang tiyuhin ng kanilang manugang. “Governor Bianchi, gabing-gabi na ang iyong pagbisita. Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na bababa ka pala? Nakapaghanda man lang sana kami ng aking pamilya para sa iyong pagpunta dito.” si Mr. Dankworth na hindi napapalis ang ngiti pero kuryuso sa dahilan ng pagpunta ng Gobernador sa kanilang mansion. “Pasensya na, Mr. Dankworth. Ngayon ko lang naisip na sumaglit dito dahil ngayon lang din naman ako may panahon.” palusot pa ni Giovanni na hindi alam kung paano sisimulan ang kanyang tanong patungkol sa anak nitong bunso nang hindi nito napapansin na siya ang pakay niya at hindi talaga ang
last updateПоследнее обновление : 2025-03-19
Читайте больше

Chapter 37.3

HINDI NA MAIPALIWANAG ng Gobernador ang kanyang nararamdaman kahit pa may hint siya kung ano talaga iyon. Masyadong naguguluhan ang kanyang matandang puso dahil ayaw din naman niyang i-admit. Ang mga taong kagaya niya na may edad na ay hindi na dapat nagiging involve sa mga ganung feelings na pangbata lang. Napagdaanan na niya iyon. Tapos na siya dito. Sampung mahabang taon ang agwat nila. Kahit na siguro subukan niya ang best niya na itanggi iyon, at kahit pa sabihin niya sa nakapaligid sa kanya na wala siyang pakialam sa dalaga. Hindi niya maitatangging kakaiba ang tratong ginagawa niya kay Briel kada makikita niya. Hindi man niya maibigay ang katumbas ng pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya, ang mahalaga ay may pakialam pa rin siya sa dalaga. Nananaig pa rin ang concern niya sa babae.“Whew!” hinga niya nang malalim, pauwi na sila ng hotel suite ng sandaling iyon at lulan na ng sasakyan.Binuksan na ni Giovanni ang bintana ng sasakyan upang papasukin ang hangin, pakiramdam niya a
last updateПоследнее обновление : 2025-03-20
Читайте больше

Chapter 37.4

HINDI NA MAKAHUMA doon si Giovanni at makaisip ng ibang idadahilan niya sa kasamang secretary. Hindi niya madalas na tawagan ang pamangkin dahil sa abala itong naglilihi. Ayaw naman niyang maging istorbo siya sa kanilang mag-asawa. Mukhang magiging palpak pa yata ang magiging katwiran niya dito.“Hindi naman ito mahirap alagaan at hindi nakakabalda. Lilinisan lang din ang kulungan. Bibigyan ng pagkain at tubig. That’s it. Mas mahirap pa nga ang pag-aalaga ng aso o kung hindi kaya ay mga pusa.” “Kung ganun ay kaya ng alagaan iyan ni Miss Dankworth, nakaya niya nga ang mga pusa…”Napaawang na ang bibig nni Giovanni, hindi niya nakitang hinuhuli lang pala siya ng kanyang secretary. Napakamot na siya sa batok. Mukhang wala na talaga siyang lusot. Sa mga taong nakapalibot sa kanya, ang secretary niya ang higit na nakakakilala sa kanya. At kahit itanggi niya, batid nito kung para kanino talaga ang love birds na kanyang binili. Sa huli, inamin niyang kay Briel niya nga ibibigay ang love bir
last updateПоследнее обновление : 2025-03-20
Читайте больше

Chapter 38.1

SUNUD-SUNURANG TUMANGO SI Giovanni na pinahinto na ang sasakyan sa gilid at nag-uumapaw ang selos na bumaba na ng sasakyan. Parang nagliliyab ang kanyang katawan hindi dahil sa init kung hindi dahil iyon sa matinding galit na alam ng Gobernador kung saan nagmumula. Habang palapit sa kanilang pwesto ay parang tinatambol ang puso ng Governor. Idagdag pa ang pagod niya, hindi niya mapigilan na mas uminit pa ang ulo niya. Pagod na nga siya tapos may ganito pang eksenang makikita? Nakakagalit. Nadagdagan pa iyong lalo nang marinig ni Giovanni kung ano ang pinag-uusapan ng kanilang grupo. “Patrick, hindi ba nanliligaw ka kay Briel? Bakit hindi ka lumuhod sa harap niya ngayon at hilingin mong maging girlfriend mo na siya? Malay mo? Maraming tao ngayon, hindi ka niyan matatanggihan!” “Tigilan niyo nga ako, wala akong gusto sa Patrick na iyan—” “Luhod na Patrick, try your luck!” sigawan pa ng grupo na parang mas inaasar ang dalawa. Uto-uto namang biglang lumuhod si Patrick na animo ay pala
last updateПоследнее обновление : 2025-03-20
Читайте больше

Chapter 38.2

NAPAHAWAK NA SA kanyang bibig si Farrah na halatang gulat na gulat bigla na lang din siyang naging problemado gaya ng mukha ng kaibigan niyang si Briel. Naisip niya na kaya naman pala ganun na lang ang asta ng kaibigan ay nang dahil sa nakita ito ng kanyang crush na tiyuhin naman ng kanyang hipag. Sino ang hindi matataranta doon, tapos nakaluhod si Patrick!“OMG! Totoo ba?” kumpirma pa nito na para bang ang sinabi ni Briel ay form lang ng panloloko nito.“Oo nga, nakita niya ako, tayo, doon kanina!” maktol pa ni Briel, parang di napagbigyang bata.“Hala Briel, paniguradong iba ang iisipin noon.”“Tama. Ano na lang ang iisipin noon, ang landi ko!” himutok pa ni Briel na humigpit na ang hawak sa manibela ng kanyang sasakyan, sa hilatsa ng mukha ay halatang gigil na gigil siya. “Umamin pa naman ako sa kanyang crush ko siya noon. Ano na lang ang iisipin niya? Di ako seryoso. Kainis!”Hindi na nagkomento pa si Farrah na tiningnan na lang ang kaibigan na patuloy sa pag-aalboroto.“Just expl
last updateПоследнее обновление : 2025-03-21
Читайте больше

Chapter 38.3

MATULING LUMIPAS ANG ilang buwan. Once a week ay nagse-send ng message sa kanya si Briel ng picture ng love birds upang ipakita umano ang kanilang hitsura ngunit hindi naman ito ni-reply’an ni isa ng Gobernador. Masyado siyang busy para gawin ang bagay na iyon, ngunit hindi niya naman nakakaligtaan na i-seen ang mga message ng babae. At okay na iyon kay Briel, alam niyang nakikita pa rin iyon ni Giovanni at wala nga lang time itong sagutin iyon. . “Governor Bianchi, kailan mo planong bumaba ng Maynila?” isang araw ay tanong ng kanyang secretary.“Wala akong plano, bakit?” “Wala naman, nagtatanong lang naman ako, Governor Bianchi.” Totoong wala naman ng plano si Giovanni na bumaba ng Maynila upang mapanindigan ang kanyang ginagawang pag-iwas, ngunit nang maaksidente naman ang kanyang pamangkin ay kinailangan niyang madaling bumaba doon upang damayan ang kanilang pamilya. Napag-alaman niya pa na wala doon ang asawa ng pamangkin na nasa ibang bansa dahil sa kanyang propesyon. Naging c
last updateПоследнее обновление : 2025-03-21
Читайте больше

Chapter 38.4

BIGLANG NAUBO SI Giovanni nang malakas na humagalpak ng tawa si Briel. Naburo na kasi ang mga mata nito sa kanya na para bang hindi siya nito naiintindihan. Tumaas at baba pa ang kilay ni Briel na hindi inaalis ang tingin sa kanya.“Tiyuhin niya. Gets mo? Ikaw ang tinutukoy ko. Konektado ka pa rin kay Bethany di ba? Kaya sigurado ako na hindi ka niya makukuha sa akin.” deklara niya pa doon na walang kahiya-hiyang makikita sa kanyang mukha. Nahati na sa dalawa ang labi ni Govanni na para bang hindi siya makapaniwala kung ano ang kanyang narinig. Bilang karugtong na reaction niya ay napaahon pa ang Gobernador sa upuan na halatang nawala na siya sa hulog ang sarili. “Ikaw, huwag mo nga akong pinagloloko, Gabriella—” “Niloloko? Bakit naman kita lolokohin? Totoo naman ang sinabi ko ah? Bakit may chance ba na makikipag-relasyon ka ba sa pamangkin mo? Wala naman di ba? Imposibleng mangyari ang bagay na iyon kaya safe na safe na ako sa’yo…” Napasabunot na si Giovanni sa kanyang buhok na p
last updateПоследнее обновление : 2025-03-21
Читайте больше

Chapter 39.1

NANLILIIT NA ANG mga mata ni Briel nang tumagilid siya paharap kay Giovanni nang dahil sa sinabi nito. Mahina pa siyang humagikhik nang makita niyang binasa ng Governor ang kanyang nanunuyong labi. Ayaw pa sanang bumangon ni Giovanni at lubusin pa iyon kaso marami siyang trabahong kailangan na tapusin. Muli pa niyang sinulyapan ang oras. Kalahating oras na lang ang meron siya para gumayak. “Sige nga, kainin mo ako…” hamon ni Briel na hindi nilulubayan ng tingin ang Gobernador. Pagak na natawa si Giovanni sa ginawang pagpatol ni Briel. Inilapit niya ang mukha at walang kyemeng hinalikan ang labi nito kahit na wala pang toothbrush. Na nang maisip iyon ni Briel ay bigla siyang nahiya. “Aba at talagang hinahamon mo pa talaga ako. Huwag mo ngang tunawin ang puso ko at baka hindi kita matantiya, Gabriella. Ang dami ko pa namang trabaho.” pahaging niya kay Briel na parang isang talunan.Humagikhik lang si Briel, pinikit muli ang mga mata matapos na isiksik iyon sa leeg ni Giovanni. Si Gio
last updateПоследнее обновление : 2025-03-22
Читайте больше

Chapter 39.2

TINUPAD NGA NI Giovanni ang pangako nito na after ng meeting ay babalik agad ng office niya kung saan tumambay lang si Briel kagaya ng usapan nilang dalawa. Pagkatapos ng araw na iyon ay balik bantay na si Briel sa hipag at si Giovanni naman ay naging busy muli sa negosyo. Sa chat na lang sila nito nag-uusap.“Aakyat na muna ako ng Baguio bukas, may kailangan akong ayusin sa kapitolyo na kailangan ang presensya ko. Pwede ba tayong magkita mamaya? Pagbiyan mo na ako, Briel.” hiling ni Giovanni sa kanya.Biglang nakaramdam ng lungkot si Briel doon na umaasa na magkikita sila sa weekend dahil iyon lang ang time na makakapahinga siyang magbantay kay Bethany dahil si Gavin na ang papalit noon sa kanya. Hindi naman niya maasahan ang kanyang mga magulang na kinakailangan din ng pahinga. Siya lang talaga ang maaasahan ng kanilang pamilya kung kaya naman wala na siyang naging angal sa naging ikot ng schedule.“Sige, kailan ka bababa ulit? Matatagalan ba?”“Hindi ko pa alam, depende kapag natap
last updateПоследнее обновление : 2025-03-22
Читайте больше

Chapter 39.3

HINDI NA KOMONTRA pa si Briel na iniumang na ang isa niyang braso upang ilagay dito ni Giovanni ang regalo. Pagkatapos na mailagay iyon sa palad ay sinunod ni Giovanni ibigay ang isa sa kanyang atm card. “Alam kong mayaman ka, may pera ka, kayo ng pamilya mo pero gusto kong gamitin mo ‘to ng walang iniisip kung magkano ang gagastusin mo. Bilhin mo ang anumang gusto mo kahit na magkano pa iyon.”Ngumuso na si Briel. Hindi pa nga siya nakakamove-on sa bracelet na bigay nito may paganito pang habol. Aminado naman siyang mahilig maglustay na kahit magkano na galing sa mga magulang niya at allowance niya. At iyong pakiramdam na gagastos siya ng pera ng iba parang ang weird na exciting sa kanya. Pwede niya naman bilhin ang lahat ng gusto niya, hindi siya binabawalan ng mga magulang niya. Minsan nga ay nakakautak pa siya sa kapatid, pero itong pera ng iba iniisip niya na ano kaya ang pakiramdam? Noong si Albert kasi, siya ang madalas na gumagastos sa kanila. Ngayon siya na ang gagastusan ng
last updateПоследнее обновление : 2025-03-22
Читайте больше
Предыдущий
1
...
707172737475
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status