HINDI NA KOMONTRA pa si Briel na iniumang na ang isa niyang braso upang ilagay dito ni Giovanni ang regalo. Pagkatapos na mailagay iyon sa palad ay sinunod ni Giovanni ibigay ang isa sa kanyang atm card. “Alam kong mayaman ka, may pera ka, kayo ng pamilya mo pero gusto kong gamitin mo ‘to ng walang iniisip kung magkano ang gagastusin mo. Bilhin mo ang anumang gusto mo kahit na magkano pa iyon.”Ngumuso na si Briel. Hindi pa nga siya nakakamove-on sa bracelet na bigay nito may paganito pang habol. Aminado naman siyang mahilig maglustay na kahit magkano na galing sa mga magulang niya at allowance niya. At iyong pakiramdam na gagastos siya ng pera ng iba parang ang weird na exciting sa kanya. Pwede niya naman bilhin ang lahat ng gusto niya, hindi siya binabawalan ng mga magulang niya. Minsan nga ay nakakautak pa siya sa kapatid, pero itong pera ng iba iniisip niya na ano kaya ang pakiramdam? Noong si Albert kasi, siya ang madalas na gumagastos sa kanila. Ngayon siya na ang gagastusan ng
NATAWA NA DOON si Giovanni kahit na kumakalat na rin ang lungkot sa kanyang sistema. Kailangan niya na pagaanin ang nararamdaman. Ganundin kasi ang nararamdaman niya. Kung pwede lang na bitbitin niya na lang si Briel patungo ng Baguio para lang hindi niya gaanong ma-miss, ginawa niya na sana iyon. Kaso ay hindi naman pwede iyon lalo pa sa sitwasyon na kinakaharap ng mga Dankworth at Bianchi sa ngayon.“Pinapahirapan mo naman ako, Gabriella…”Hindi sumagot si Briel na parang batang namamasa na ang bawat sulok ng mga mata. Naiiyak na siya. Hindi niya mapigilan ang sarili na para bang iiwan siya nito at kapag umiyak siya ay isasama na siya.“Kapag gumaling na si Bethany at bumaba ako, pwede kitang isama paakyat sa Baguio. Sa ngayon kasi hindi pa pwede dahil kailangan ka nilang mag-asawa eh. Mahihintay mo ba iyon, hmm? Saglit na lang...”Nagulat si Briel sa sinabing iyon ni Giovanni. Siya? Isasama nito sa Baguio? Saan siya titira? Sa mansion nila? Hindi man lang ba muna siya ipapakilala s
PATAKBO NG TINAWID ni Briel ang kanilang pagitan upang bigyan ang Gobernador nang mahigpit na yakap. Hindi pa man lang si Giovanni nakakapagpalit ng kanyang suot na pang-opisinang damit ay doon na ito agad dumiretso. Sinalubong naman din siya ni Giovanni ng yakap na agad na siyang nahawakan sa kanyang beywang at nabuhat upang iikot-ikot lang. Mababanaag sa kanilang mga mata na miss na ang bawat isa. Yumakap na ang mga binti ni Briel sa beywang ni Giovanni na mabilis ng nahalikan ang labi ni Briel na bumaba na sa leeg ng babae na mahinang humahagikhik sa tuwa at kiliti. Napatili pa doon si Briel sa hatid nitong ibayong kiliti na kinailangan ni Giovanni na agad selyuhan ang labi upang mapahina iyon.“I miss you—” “Sobrang na-miss din kita, Gabriella…” anas ni Giovanni na humakbang na patungo ng kama habang buhat pa rin ang katawan ng kasintahan. “Miss na miss...” patuloy nitong sambit habang salitan ang mga halik. Hinakbangan lang ni Giovanni ang maleta ni Briel sa sahig na nakakalat
NAKIKITA NA ANG sinag ng araw sa yari sa bubog na dingding ng silid kung saan ay nakahawi ang makapal na kurtina at tanaw ang labas noon na may halik pa ng mga hamog ng nagdaang gabi. Maingat na tinanggal ni Giovanni ang ulo ni Briel na nakaunan sa kanyang braso, gumalaw lang ito pero hindi naman tuluyang nagising na humarap lang sa kabilang dereksyon ng kama. Kailangan niyang magtungo ng sariling silid upang maligo at ihanda na ang kanyang sarili. Patingkayad niyang tinungo ang pinto matapos na halikan muli sa labi ang kasintahan. Pigil ang hingang lumabas siya ng silid ng nobya at nang bumalik doon pagkaraan ng ilang minuto ay nakaligo na at gayak na rin upang umalis ng mansion para sa trabaho. “Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?” tanong ni Briel nang maaninag ang bulto ni Giovanni sa gilid ng kama niyang nakaupo, agad na yumakap ang kanyang mga braso sa katawan nito matapos na umusog palapit at umunan sa isang hita ng Gobernador. Pabalagbag na ang higa niya ngayon sa nasabing
SA KANYANG PANINGIN ay sobrang naging gwapo lalo ng Gobernador. Para tuloy gusto na niyang hilahin ang oras na gumabi na para magkita na sila. Pinahaba na ni Briel ang kanyang nguso sa bilis noon at upang muli itong sumilip sa camera ngunit hindi na ito naulit pa. Nanatili na itong naka-focus sa kisame ng office.“Stop doing that, Gabriella…hindi na ako makapag-focus...”Lumakas pa ang tawa ni Briel, lalong pinahaba ang nguso na para bang gusto nito ng kiss mula kay Giovanni. Pinatay na ng Gobernador ang videocall. Maya-maya ay tumawag na lang ito sa phone number.“Bakit mo pinatay? Saglit mo nga lang pinakita sa akin ang mukha mo. Gusto ko lang naman ng kiss.”Problemadong napakamot na si Giovanni ng kanyang ulo habang panaka-naka ang tingin ng secretary niya na kanina pa may kakaibang ngiti sa kanyang labi bagama't hindi ito nakatingin sa kanyang mukha. Alam niya na narinig nito ang buong usapan nila ni Briel at nasulyapan din nito ang hitsura ng kasintahan niya.“Humanda ka sa akin
PAGKATAPOS NG DINNER ay hinayaan na silang magpahinga ni Donya Livia at hindi na inistorbo pa. Ni hindi na sila inimpede na makipag-usap pa sa kanya hanggang sa antukin. Gaya ng inaasahan pasimpleng dinala ni Giovanni si Briel sa loob ng kanyang silid. Habang nakaupo sa gilid ng malaking kama ay iginala ni Briel ang mga mata upang pansinin ang mga antigong bagay na naroon. Noon lang niya napagmasdang mabuti ang silid. Unang may nangyari sa kanila doon, ngunit doon lang nakatutok ang utak ni Briel kagaya kanina kung kaya naman hindi niya napuna kung ano ang hitsura ng kwarto ng Gobernador. “Bakit gulat na gulat ka yata sa hitsura ng silid ko?” lapit na agad ni Giovanni sa kanya na ikinulong na ang mukha ni Briel sa kanyang dalawang palad, yumakap naman ang mga braso ni Briel sa kanyang beywang bilang tugon. “Pang-ilang beses mo ng nakapasok dito ah? Noong una hindi pa tayo, tapos kanina. Bakit parang first time mo ata ngayon kung makaikot ang mga mata mo sa mga gamit na laman ng kwart
NAPAKUNOT NA ANG noo ni Donya Livia sa reaction ni Giovanni na parang galit ito sa kanyang huling tanong. Usually, wala itong pakialam sa ibang tao pero kitang-kita ng matanda ang concern sa bunso ng mga Dankworth na maistorbo. Hindi na niya iyon binigyan pa ng kulay, baka kasi iniisip at trinatrato niya lang ang babae na parang pamangkin niya rin. Kagaya ng hipag nitong si Bethany, ganun lang din iyon.“Mama, ang ibig kong sabihin ay anong oras na rin kasi. Sigurado akong tulog na iyon. Pagod iyon sa paglabas niya at paniguradong nagbabawi pa ang katawan sa puyat. Nakakahiya naman kung maiistorbo.”“Ganun ba iyon? Kahit na, katukin ko pa rin kaya at tanungin? Malay mo gusto niyang kumain?” pagbibiro pa ng matanda na parang mas gustong asarin ang kanyang anak na nakikinita niyang apektado doon.“Mama? Hindi ka pa ba inaantok? Bored ka ba? Huwag ka ng mangdamay pa ng iba...”Tiningnan na ng Gobernador ang caregiver nitong kasama na mabilis lang napatungo ang ulo sa kanya. Iyong mga tin
MAY PAGTUTOL MAN sa kanyang mga mata, hindi niya tahasang masabi iyon dahil nagkasundo na rin sila ni Giovanni ng kung anong gagawin sa relasyon nila pansamantala. Kumbaga, alam nila pareho kung ano.“Ah, akala ko fiancee mo na. Tanda mo na rin kasi, hindi ka pa ba mag-aasawa?” medyo nakakainsultong saad ni Daisy na tiningnan si Briel mula ulo hanggang paa, palihim siyang tinaasan ng isang kilay ni Briel. Kabadong tumawa lang si Giovanni na nilingon na si Briel. Nabasa niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Alam niyang nasaktan ito, pero hindi naman pwede na sabihin niyang bigla na girlfriend niya ang babae gayong itinanggi na niyang kasintahan ito. Nasabi na rin niya kung ano ang relasyon nito sa pamilya nila.“Nagbabakasyon lang siya dito.” dugtong pa ni Giovanni upang mukhang maging kapani-paniwala iyon. “Ah, o siya sige. Aalis na rin ako at may lakad pa ako. Ingat kayo kung saan pa man ang lakad niyo.”Dumiin ang mga mata ni Briel sa kamay ng babaeng humawak sa isang braso ng Gobe
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy
HINDI RIN NAGING lihim sa kaalaman ng mga tauhan ni Giovanni ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Briel na tila bukas na libro iyon sa kanilang harapan, kung kaya naman hindi na niya sinaway pa ang tauhan sa ginagawa nitong pangingialam sa desisyon niya kahit na medyo napipikon siya. Kung tutuusin ay mayroon naman talaga itong malaking punto. Papayag ba siyang ganun na lang ang mangyari sa kanila ng babae? Matagal-tagal ng panahon na hindi sila nagkikita ni Briel. Ibig niyang sabihin ay siya lang ang nakatanaw sa malayo. Iba pa rin iyong nakakapag-usap sila. Anim na buwan na sa kanyang pakiramdam ay taon na ang lumipas at matuling dumaan. Laking pasalamat niya nga na nagawa niyang makaya iyon. Alam man niya kung nasaan ito, ganunpaman ay hindi naman nila nakuhang mag-usap sa nagdaang kalahating taong iyon kahit na madalas niyang pagmasdan ito sa malayuan. Lalo pa ngayon na binigyan siya ng mas malaking dahilan upang maghabol at tuluyang makipag-ayos dito. Kailangan niyang muling maku
MULI PANG UMATRAS ng ilang hakbang si Briel. Ngayon pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Sa halip na matuwa at magdiwang ang loob niya sa kanyang nalaman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagdaramdam. Dapat masaya siya dahil nalaman niyang ito pala ang naka-una sa kanya at hindi iba gaya ng iniisip niya, ngunit naging iba ang takbo ng isip niya sa mga nangyari nitong nakaraang buwan. Bagama’t nagawa ni Giovanni na maamin na siya ang babae sa buhay nito na alam na ng maraming tao. Hindi pa rin si Briel natutuwa. Nakukulangan siya sa effort at nananatiling masama pa rin ang loob niya kay Giovanni Bianchi. Hindi nabawasan iyon ng katotohanang nalaman niya.“Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang pakasalan? Dahil sa babaeng virgin na naka-one night stand mo habang nag-attend ka ng masked party na ito?” puno ng hinanakit ang boses ni Briel na pilit na pinipigil na pumiyok ang boses at pumatak ang mga luha, alam niyang siya naman din iyon pero hindi niya mapigilan
GULONG-GULO ANG ISIPAN ni Briel nang sabihin iyon ni Giovanni na mahigpit na mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng litanyang binitawan nito. Siya? Hinanap nito? Bakit? Ibig ba nitong sabihin ay noong nawala siya sa bansa? Hinanap niya silang dalawa ni Brian? Imposible naman na hindi nito sila makita ni Brian sa loob ng anim na buwan. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Saka, alam naman ng kanyang hipag na si Bethany kung nasaan silang mag-ina. Ginawan ba ng kanyang pamilya na huwag siyang mahanap ng dating Gobernador? Ang dami niyang mga katanungan ngunit ni isa ay hindi niya ito mabigkas upang mabigyan ni Giovanni ng tamang kasagutan. Parang naumid na ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig ng oras na ito.“Ikaw pala iyon, ikaw pala…” patuloy ni Giovanni na hindi na napigigilan na bumagsak na ang mga luha sa labis na saya. Gustong mag-umalpas ni Briel. Nais niyang itulak papalayo ang katawan nito
KULANG NA LANG ay sagasaan at banggain ni Giovanni ang mga naroon upang makarating lang sa banda na sinabi ng mga tauhan niyang kausap. Hindi na siya makakapayag pa na muling mawala sa paningin niya ang babae at malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng maskarang iyon. Samantala, kabado na pinili ni Briel na lumabas na lang ng area dahil kanina pa niya napapansin ang bulto ng isang lalaking titig na titig sa kanya na para bang may plano itong makipagkilala. Napansin niya ang mabagal nitong paglapit kanina sa kanya at maging ang matagal nitong pagtitig. Mabuti na lang at nakakuha siya ng pagkakataong makatakas dito nang yumuko ito saglit. Maiintindihan niya pa ito kung pamilyar ang suot na maskara, pero hindi naman. Hindi siya nagtungo sa party upang maghanap ng ibang lalaki na aangkin sa kanya, nagtungo siya doon upang mag-enjoy sa alak. Inalis na niya sa kanyang isipan ang makakilala ng lalaki ng maisip ang anak niyang si Brian. Marapat lang na magbagong buhay na siya. Saka, may Gi