Share

Chapter 39.1

last update Last Updated: 2025-03-22 21:25:45

NANLILIIT NA ANG mga mata ni Briel nang tumagilid siya paharap kay Giovanni nang dahil sa sinabi nito. Mahina pa siyang humagikhik nang makita niyang binasa ng Governor ang kanyang nanunuyong labi. Ayaw pa sanang bumangon ni Giovanni at lubusin pa iyon kaso marami siyang trabahong kailangan na tapusin. Muli pa niyang sinulyapan ang oras. Kalahating oras na lang ang meron siya para gumayak.

“Sige nga, kainin mo ako…” hamon ni Briel na hindi nilulubayan ng tingin ang Gobernador.

Pagak na natawa si Giovanni sa ginawang pagpatol ni Briel. Inilapit niya ang mukha at walang kyemeng hinalikan ang labi nito kahit na wala pang toothbrush. Na nang maisip iyon ni Briel ay bigla siyang nahiya.

“Aba at talagang hinahamon mo pa talaga ako. Huwag mo ngang tunawin ang puso ko at baka hindi kita matantiya, Gabriella. Ang dami ko pa namang trabaho.” pahaging niya kay Briel na parang isang talunan.

Humagikhik lang si Briel, pinikit muli ang mga mata matapos na isiksik iyon sa leeg ni Giovanni. Si Gio
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Hmm, soafer landi este sweet po nila. (⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
HAHAHAHAHAHA, landi now iyak later. ...
goodnovel comment avatar
Gelay Velasquez Orqueza
sobrang landi Nila, di mo akalain na ganyan Sila kalandi aaayyyy hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 39.2

    TINUPAD NGA NI Giovanni ang pangako nito na after ng meeting ay babalik agad ng office niya kung saan tumambay lang si Briel kagaya ng usapan nilang dalawa. Pagkatapos ng araw na iyon ay balik bantay na si Briel sa hipag at si Giovanni naman ay naging busy muli sa negosyo. Sa chat na lang sila nito nag-uusap.“Aakyat na muna ako ng Baguio bukas, may kailangan akong ayusin sa kapitolyo na kailangan ang presensya ko. Pwede ba tayong magkita mamaya? Pagbiyan mo na ako, Briel.” hiling ni Giovanni sa kanya.Biglang nakaramdam ng lungkot si Briel doon na umaasa na magkikita sila sa weekend dahil iyon lang ang time na makakapahinga siyang magbantay kay Bethany dahil si Gavin na ang papalit noon sa kanya. Hindi naman niya maasahan ang kanyang mga magulang na kinakailangan din ng pahinga. Siya lang talaga ang maaasahan ng kanilang pamilya kung kaya naman wala na siyang naging angal sa naging ikot ng schedule.“Sige, kailan ka bababa ulit? Matatagalan ba?”“Hindi ko pa alam, depende kapag natap

    Last Updated : 2025-03-22
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 39.3

    HINDI NA KOMONTRA pa si Briel na iniumang na ang isa niyang braso upang ilagay dito ni Giovanni ang regalo. Pagkatapos na mailagay iyon sa palad ay sinunod ni Giovanni ibigay ang isa sa kanyang atm card. “Alam kong mayaman ka, may pera ka, kayo ng pamilya mo pero gusto kong gamitin mo ‘to ng walang iniisip kung magkano ang gagastusin mo. Bilhin mo ang anumang gusto mo kahit na magkano pa iyon.”Ngumuso na si Briel. Hindi pa nga siya nakakamove-on sa bracelet na bigay nito may paganito pang habol. Aminado naman siyang mahilig maglustay na kahit magkano na galing sa mga magulang niya at allowance niya. At iyong pakiramdam na gagastos siya ng pera ng iba parang ang weird na exciting sa kanya. Pwede niya naman bilhin ang lahat ng gusto niya, hindi siya binabawalan ng mga magulang niya. Minsan nga ay nakakautak pa siya sa kapatid, pero itong pera ng iba iniisip niya na ano kaya ang pakiramdam? Noong si Albert kasi, siya ang madalas na gumagastos sa kanila. Ngayon siya na ang gagastusan ng

    Last Updated : 2025-03-22
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 39.4

    NATAWA NA DOON si Giovanni kahit na kumakalat na rin ang lungkot sa kanyang sistema. Kailangan niya na pagaanin ang nararamdaman. Ganundin kasi ang nararamdaman niya. Kung pwede lang na bitbitin niya na lang si Briel patungo ng Baguio para lang hindi niya gaanong ma-miss, ginawa niya na sana iyon. Kaso ay hindi naman pwede iyon lalo pa sa sitwasyon na kinakaharap ng mga Dankworth at Bianchi sa ngayon.“Pinapahirapan mo naman ako, Gabriella…”Hindi sumagot si Briel na parang batang namamasa na ang bawat sulok ng mga mata. Naiiyak na siya. Hindi niya mapigilan ang sarili na para bang iiwan siya nito at kapag umiyak siya ay isasama na siya.“Kapag gumaling na si Bethany at bumaba ako, pwede kitang isama paakyat sa Baguio. Sa ngayon kasi hindi pa pwede dahil kailangan ka nilang mag-asawa eh. Mahihintay mo ba iyon, hmm? Saglit na lang...”Nagulat si Briel sa sinabing iyon ni Giovanni. Siya? Isasama nito sa Baguio? Saan siya titira? Sa mansion nila? Hindi man lang ba muna siya ipapakilala s

    Last Updated : 2025-03-23
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 40.1

    PATAKBO NG TINAWID ni Briel ang kanilang pagitan upang bigyan ang Gobernador nang mahigpit na yakap. Hindi pa man lang si Giovanni nakakapagpalit ng kanyang suot na pang-opisinang damit ay doon na ito agad dumiretso. Sinalubong naman din siya ni Giovanni ng yakap na agad na siyang nahawakan sa kanyang beywang at nabuhat upang iikot-ikot lang. Mababanaag sa kanilang mga mata na miss na ang bawat isa. Yumakap na ang mga binti ni Briel sa beywang ni Giovanni na mabilis ng nahalikan ang labi ni Briel na bumaba na sa leeg ng babae na mahinang humahagikhik sa tuwa at kiliti. Napatili pa doon si Briel sa hatid nitong ibayong kiliti na kinailangan ni Giovanni na agad selyuhan ang labi upang mapahina iyon.“I miss you—” “Sobrang na-miss din kita, Gabriella…” anas ni Giovanni na humakbang na patungo ng kama habang buhat pa rin ang katawan ng kasintahan. “Miss na miss...” patuloy nitong sambit habang salitan ang mga halik. Hinakbangan lang ni Giovanni ang maleta ni Briel sa sahig na nakakalat

    Last Updated : 2025-03-23
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 40.2

    NAKIKITA NA ANG sinag ng araw sa yari sa bubog na dingding ng silid kung saan ay nakahawi ang makapal na kurtina at tanaw ang labas noon na may halik pa ng mga hamog ng nagdaang gabi. Maingat na tinanggal ni Giovanni ang ulo ni Briel na nakaunan sa kanyang braso, gumalaw lang ito pero hindi naman tuluyang nagising na humarap lang sa kabilang dereksyon ng kama. Kailangan niyang magtungo ng sariling silid upang maligo at ihanda na ang kanyang sarili. Patingkayad niyang tinungo ang pinto matapos na halikan muli sa labi ang kasintahan. Pigil ang hingang lumabas siya ng silid ng nobya at nang bumalik doon pagkaraan ng ilang minuto ay nakaligo na at gayak na rin upang umalis ng mansion para sa trabaho. “Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?” tanong ni Briel nang maaninag ang bulto ni Giovanni sa gilid ng kama niyang nakaupo, agad na yumakap ang kanyang mga braso sa katawan nito matapos na umusog palapit at umunan sa isang hita ng Gobernador. Pabalagbag na ang higa niya ngayon sa nasabing

    Last Updated : 2025-03-23
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 40.3

    SA KANYANG PANINGIN ay sobrang naging gwapo lalo ng Gobernador. Para tuloy gusto na niyang hilahin ang oras na gumabi na para magkita na sila. Pinahaba na ni Briel ang kanyang nguso sa bilis noon at upang muli itong sumilip sa camera ngunit hindi na ito naulit pa. Nanatili na itong naka-focus sa kisame ng office.“Stop doing that, Gabriella…hindi na ako makapag-focus...”Lumakas pa ang tawa ni Briel, lalong pinahaba ang nguso na para bang gusto nito ng kiss mula kay Giovanni. Pinatay na ng Gobernador ang videocall. Maya-maya ay tumawag na lang ito sa phone number.“Bakit mo pinatay? Saglit mo nga lang pinakita sa akin ang mukha mo. Gusto ko lang naman ng kiss.”Problemadong napakamot na si Giovanni ng kanyang ulo habang panaka-naka ang tingin ng secretary niya na kanina pa may kakaibang ngiti sa kanyang labi bagama't hindi ito nakatingin sa kanyang mukha. Alam niya na narinig nito ang buong usapan nila ni Briel at nasulyapan din nito ang hitsura ng kasintahan niya.“Humanda ka sa akin

    Last Updated : 2025-03-23
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 40.4

    PAGKATAPOS NG DINNER ay hinayaan na silang magpahinga ni Donya Livia at hindi na inistorbo pa. Ni hindi na sila inimpede na makipag-usap pa sa kanya hanggang sa antukin. Gaya ng inaasahan pasimpleng dinala ni Giovanni si Briel sa loob ng kanyang silid. Habang nakaupo sa gilid ng malaking kama ay iginala ni Briel ang mga mata upang pansinin ang mga antigong bagay na naroon. Noon lang niya napagmasdang mabuti ang silid. Unang may nangyari sa kanila doon, ngunit doon lang nakatutok ang utak ni Briel kagaya kanina kung kaya naman hindi niya napuna kung ano ang hitsura ng kwarto ng Gobernador. “Bakit gulat na gulat ka yata sa hitsura ng silid ko?” lapit na agad ni Giovanni sa kanya na ikinulong na ang mukha ni Briel sa kanyang dalawang palad, yumakap naman ang mga braso ni Briel sa kanyang beywang bilang tugon. “Pang-ilang beses mo ng nakapasok dito ah? Noong una hindi pa tayo, tapos kanina. Bakit parang first time mo ata ngayon kung makaikot ang mga mata mo sa mga gamit na laman ng kwart

    Last Updated : 2025-03-24
  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 41.1

    NAPAKUNOT NA ANG noo ni Donya Livia sa reaction ni Giovanni na parang galit ito sa kanyang huling tanong. Usually, wala itong pakialam sa ibang tao pero kitang-kita ng matanda ang concern sa bunso ng mga Dankworth na maistorbo. Hindi na niya iyon binigyan pa ng kulay, baka kasi iniisip at trinatrato niya lang ang babae na parang pamangkin niya rin. Kagaya ng hipag nitong si Bethany, ganun lang din iyon.“Mama, ang ibig kong sabihin ay anong oras na rin kasi. Sigurado akong tulog na iyon. Pagod iyon sa paglabas niya at paniguradong nagbabawi pa ang katawan sa puyat. Nakakahiya naman kung maiistorbo.”“Ganun ba iyon? Kahit na, katukin ko pa rin kaya at tanungin? Malay mo gusto niyang kumain?” pagbibiro pa ng matanda na parang mas gustong asarin ang kanyang anak na nakikinita niyang apektado doon.“Mama? Hindi ka pa ba inaantok? Bored ka ba? Huwag ka ng mangdamay pa ng iba...”Tiningnan na ng Gobernador ang caregiver nitong kasama na mabilis lang napatungo ang ulo sa kanya. Iyong mga tin

    Last Updated : 2025-03-24

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 45.2

    HINDI NAGING MADALI para kay Briel ang naging biyahe nilang mag-ina nang dahil sa haba ng oras noon. Nandiyan ang nag-aalboroto na ang anak kahit na komportable naman sila sa upuan. Gusto na nitong bumaba o may nais gawin na hindi masabi sa kanyang ina. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na hindi na lang sila sumabay pa kay Giovanni papunta nng Italy. Ganunpaman, bilang sanay na sa mahirap na sitwasyon, na-handle niya ang anak hanggang sa makalapag sila sa dayuhang bansa at makarating sa hotel kung saan sila naka-booked. Patang-pata ang katawan niya na para bang binugbog nang napakahabang biyaheng iyon, na kahit ang mga tawag ni Giovanni nang paulit-ulit sa kanya ay hindi niya magawang masagot dahil tulog siya at hindi man lang iyon narinig kahit malakas sa lalim ng kanyang tulog. Tulog silang dalawa ni Brian nang tunguhin ng Gobernador ang hotel kung nasaan na sila dahil hindi na nakatiis. Napuno ng kung anu-anong isipin ang utak kahit pa alam nitong nakarating sila nang maayos sa h

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 45.1

    NAPUTOL LANG ANG kanilang usapan ng makatanggap ng message si Giovanni mula kay Briel. Dali-dali niyang pinatay ang tawag kay Margie. Noon pa lang ay kabado na siya. Alam niyang sinubukan siya ni Briel na tawagan pero in another call siya. Hindi naman ito nanghingi ng paliwanag sa kanya kung kaya hindi na lang din niya sinabi upang hindi ito bigyan ng isipin. Mamaya sumama na naman ang loob nito bago pa sila makaalis ng bansa. “Hindi ka na ba, busy?” “Hindi na. Pahiga na ako.” tugon niya kahit ang totoo ay bigla siyang napalabas ng veranda upang lumanghap ng sariwang hangin nang dahil sa sakit ng ulo na binibigay ni Margie, “Ikaw? Tapos ka na bang mag-impake?” pag-iiba niya ng usapan na binaling na kay Briel.“Hmm, nakahiga na rin kami ni Brian. Gusto mo kaming makita?” Nararamdaman ni Briel na medyo balisa ang boses ni Giovanni ngunit hindi na niya ito pinuna, baka lang kasi pagod ito sa kanyang mga inasikaso kung kaya ganun ang timbre. “Sure. Wait lang, gagamit lang ako ng banyo

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 44.4

    HUMIHIMIG-HIMIG PA NG isang sikat na kanta si Briel habang nag-iimpake ng kanilang mga gamit at damit na dadalhing mag-ina sa bakasyon sa Italy. Dalawang wala pang lamang malaking maleta ang nakalatag sa ibabaw ng kama kung saan ay maingat na inilalagay ni Briel ang kanilang mga gamit na dadalhin. Nasa tabi noon si Brian na nilalaro ang robot na bagong bigay ng kanyang ama. Panaka-naka ang tingin ng inosenteng mata nito sa ginagawa ng ina. Hindi pa rin napawi ang ngiti doon ni Briel na hindi na mahintay ang bakasyon nila.“Brian, dadalhin ba natin ang toys na iyan?” Marahang tumango si Brian. “Alright, sa hand carry na lang.” Sinigurado ni Briel na wala siya doong makakalimutan kaya naman nilalagyan niya ng check ang mga naka-lista niyang gamit once na nailagay na iyon sa loob ng maleta. “Good for two weeks na ang mga damit na dadalhin natin para naman hindi na tayo namo-mroblema.” aniya pa kay Brian na animo ay maiintindihan ang sinasabi niya dito. Patapos na siya sa mga iyon n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 44.3

    HINDI DOON UMILING si Giovanni upang itanggi at pabulaanan ang masamang kutob at bintang ni Briel sa kanya. Para sa kanya ay mabuti na rin iyon ang isipin ni Briel nang mabilis nitong matanggap ang lahat. Lumabas man siyang masama sa paningin nito, hindi niya iyon papabulaanan. Oo, masasaktan niya ang nobya pero iyon lang ang alam niyang dahilan upang hindi niya ito magawang mapahamak sa hinaharap. Higit na mas masaklap ang bagay na iyon kung mangyayari. Higit na hindi niya magagawang labanan pa. Pareho silang mapapahamak. Pareho silang mawawala sa tamang katinuan. Pareho silang mahihirapan. “Sa sunod, huwag mo na akong hihintayin na pumunta dito dahil busy akong tao at hindi rin ako darating.” sa halip ay sambit ni Giovanni na mas bumasag pa sa pusong durog na durog na ni Gabriella. Gusto na naman ni Briel tanungin kung bakit, ngunit hindi pa nga nito nagagawang sagutin ang una niyang mga katanungan. Naisip niya na ayaw na nito kung kaya ganun ang ginagawa sa kanya. Maraming dahila

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 44.2

    SA HALIP NA sumugod sa club nang dahil sa nalaman niya sa tawag ay minabuti ni Briel na magtungo ng apartment. Ewan ba niya, umaasa siyang baka magawi doon ang nobyo pagkatapos niyang magsaya. Baka kasi kapag pumunta siya doon ay magaya sa dati na mapahiya na naman siya. Ayaw naman niyang pwersahin si Giovanni na sabihin na kasintahan siya, lalo pa ngayong may hindi sila pagkakaunawaan. Siya na lang ang pilit na uunawa sa kasintahan na para rin naman sa kanila. Titiisin na lang niya muna ang lahat.“Kapag hindi siya dumating, eh, 'di uuwi ako ng mansion namin kagaya ng ginagawa ko dati. Maliit na bagay lang.” higa na ni Briel sa sofa na mabigat ang pakiramdam lalo na sa may bandang dibdib niya. Nakatulugan na lang ni Briel ang paghihintay kung kaya naman pagdating ni Giovanni doon ang buong akala niya ay walang tao. Nakapatay ang mga ilaw na sinadyang gawin ni Briel. Sa kusina lang ang bukas noon na hindi gaanong kita sa bandang sala. Pagbukas niya ng main switch sa sala ay tumambad

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 44.1

    NAGSIMULA NA RIN siyang dumistansya sa nobya upang sanayin ang kanyang sarili na tanggalin ito sa kanyang sistema. Unti-unti niyang inilayo ang kanyang sarili. Pakunti nang pakunti ang reply niya sa mga message nito. Iyong mga tanong nito hindi niya binibigyan ng sagot kahit na nangangati ang daliri niya na tawagan na ito nang mapanatag na ang nobya at hindi na mag-alala sa kanya. Alam niyang masakit iyon kay Briel, pero higit na mas masakit iyon sa kanya at hindi iyon alam ng kanyang nobya. Nakikinita na niya na kapag nalaman nito ang dahilan niya, lalo lang itong hindi hihiwalay sa kanya. Nang lubusang gumaling ay bumalik siya sa kanyang dating trabaho s akapitolyo. Muli rin siyang nakipag-usap sa kanyang mga kaibigan na mahilig uminom at mag-bar. Muling nakipagkita sa kanila sa high-end bar kahit pagod at dis-oras ng gabi. Bumalik siya sa dating siya noong hindi pa sila nagkakaroon ng relasyon ni Briel. Ayaw niya man pero kailangan niyang gawin iyon para mailigaw na rin ang kanyang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 43.4

    HUMINGA NANG MALALIM si Giovanni na hindi intensyon na iparinig iyon kay Briel kung kaya naman minabuti na lang niyang patayin bigla ang tawag nang walang paalam. Hindi lang iyon, umatake ang sakit sa kanyang beywang at kung hindi niya papatayin ang tawag tiyak na maririnig ng nobya ang mga daing niya sa hindi niya na makayanang sakit kung kaya naman napangiwi na rin siya. Hindi rin siya pwedeng magtungo ng apartment kagaya ng hiling ng kanyang nobya kahit pa gusto niya. Paniguradong maraming mga matang nagmamatyag sa kanya at ayaw niyang ipahamak ang kasintahan na walang alam kung ano talaga ang mga nangyayari. Siya na lang ang magsasakripisyo. Siya na lang ang gagawa ng paraan doon.“Magpadala ka ng ilang mga bodyguards sa apartment upang bantayan si Gabriella hanggang sa tuluyan siyang makauwi sa kanila.” nahihirapan niyang utos sa secretary na nakatitig lang naman noon sa kanya. “N-Noted, Governor Bianchi…” saad nitong may tinawagan na habang ang mga mata ay nasa amo pa rin. Na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 43.3

    EXCITED NA PUMASOK na sila sa silid na pasipang isinarado ni Giovanni ang pintuan. Hindi na niya mahintay na mahubaran ang kasintahan. Gumapang naman ang kamay ni Briel sa katawan ni Giovanni. Magkatulong nilang tinanggalan ng saplot ang kanilang katawan habang hindi pa rin napuputol ang kanilang halikan. Determinado pareho na susulitin nila ang ibinigay na oras.“Hmm, more…Giovanni…more….” Napuno na ng mga ungol ang loob ng silid na iyon nang mas bilisan pa ng Gobernador ang kanyang galaw sa ibabaw ng kasintahan. Tumatagaktak na ang pawis pareho sa kanilang katawan kahit pa nakabukas ang aircon. Maririnig ang munting mga impit mula sa bibig ni Briel. Nang hindi pa magkaari doon ay ang babae naman ang umibabaw at siyang gumiling sa ibabaw ng Gobernador. Napaawang na ang labi doon ni Giovanni na hindi na maalis ang tingin sa mukha ng kasintahan na alam niyang sarap na sarap sa kanilang pinagsasaluhan.“Ohh, Gabriella…” higpit pa ng hawak ng mga kamay niya sa maliit na beywang ng nobya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 43.2

    DOON NAGSIMULA ANG pagsasama nilang dalawa ng Gobernador sa loob ng iisang apartment. Bumababa si Giovanni every Friday night kagaya ng kanyang pangako, mananatili doon ng weekend at maaga ng Monday siya muling aakyat ng Baguio gamit ang family chopper nila. Ipinagluluto niya si Briel at inilalagay iyon sa fridge, pinagsisilbihan naman siya ni Briel at umaakto itong kanyang maybahay. Madalas na makatanggap siya ng tawag mula sa mga kaibigan na nag-aayang magtungo ng bar, subalit palagi lang iyong tinatanggihan ni Giovanni.“Busy ako. Sa ibang araw na lang siguro.” iyon ang walang katapusan niyang litanya kay Jack. “Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?” “Hindi niyo na kailangan pang malaman.” Sa huli wala rin naman silang nagagawa dahil hindi pa rin pupunta si Giovanni kahit na anong pilit nila sa kanya. Iyong ibang trabaho nga niya na hindi naman ganun kabigat ay iniaasa na niya sa kanyang secretary. Mabibilang lang din sa daliri ng mga Gobernador ang mga events at gatherings na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status