HINAYAAN NA LANG ni Briel na igiya siya ng nobyo patungo ng naghihintay na silid. Naghaharutan pa sila at nagkukulitan. Hindi pa man sila nakakapasok ni Giovanni sa kwarto nang tumawag na ang ina sa kanya. Mariing naitikom niya na ang bibig sabay tingin ng makahulugan noon sa nobyo. Sumenyas naman itong mauuna na siya sa kwarto, at manatili na lang muna si Briel sa labas upang kausapin muna ang ina. Sanay na magsinungaling si Briel, ngunit noon lang siya kinabahan ng sobra dahil lantarang magsisinungaling sa ina at paniguradong maririnig pa iyon ng taong mahal niya. Ganunpaman ay wala naman siyang choice.“Hello, Mom—”“Hindi ka pa ba uuwi? Ang sabi ng Daddy mo, lumabas ka. Aba, anong oras na, Gabriella?!”Nakagat na ni Briel ang kanyang labi. Gaya ng sabi niya, sanay siyang magsinungaling pero hindi ngayon.“Sa unit ako ni Farrah matutulog, Mom…” “Ha? Eh ang sabi ng Daddy mo—”“Kausapin mo pa si Farrah mamaya, naliligo pa siya eh.” Intensyon na pinatay ni Briel ang tawag at tinawag
Last Updated : 2025-03-26 Read more