Semua Bab The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Bab 671 - Bab 680

749 Bab

Chapter 27.2

MARAHANG HINAPLOS NI Bethany ang mukha ng anak. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili kahit na pakiramdam niya ay wala na siyang lakas pa para gawin ang bagay na iyon. Kung anu-ano na ang masasamang bagay na pumapasok sa kanyang isipan at naglalaro doon habang wala pa ang asawa. Naisip niya na hindi kaya bunga iyon noong naaksidente ang kanyang asawa? Kaso ang tagal na noon. Apat na taon na halos kaya imposible na ngayon pa lang iyon lalabas ngunit malaki rin ang posibilidad na ito ang rason.“Huwag kang mainip, Gabe. Darating na rin ang Daddy. Baka nga ilang minuto lang ay narito na siya.”Sabay na napatingin ang mag-ina sa may pintuan ng marinig nila ang pagdating ng sasakyan na alam nilang kay Gavin. Tila nagdilang-anghel si Bethany sa huling sinabi niya sa anak. Punong napatayo na ang babae at walang pag-aalinlangang binuhat na ang anak kahit na mabigat upang salubungin ang kanyang asawa sa labas. Lumabas naman ng sasakyan si Gavin na pilit pinasigla ang katawan nang makita ang bu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-05
Baca selengkapnya

Chapter 27.3

HALOS WALANG NAGING gana ang buong pamilya na kumain nang sumapit ang hapunan. Ni hindi nila halos malunok ang kanilang pagkain na nasa bibig at inilagay sa kanilang mga plato. Hulog ang kanilang isipan sa suliraning iyon ng panganay ng kanilang pamilya. Mabilis din na natapos ang kanilang dinner. Umuwi na rin agad sina Gavin at Bethany sa kadahilanang may kailangan pa silang pag-usapang mag-asawa nang sila lang. Nagmukmok naman si Briel sa kanyang silid kasama ang anak matapos noon. Naghahanap ng makakausap tungkol sa kanilang negosyo at sa crisis na kinakaharap ng kanilang pamilya. Pati nga yata ang Law Firm ng kapatid ay gustong ipahawak sa kanila. Ano bang malay nilang dalawa doon ng kanyang hipag? Isiniksik na lang niya sa kanyang isipan na kung sakali man, may tutulong nga naman sa kanila ni Bethany. Gagabay upang magawa nila nang maayos ang kanilang trabaho na pag-aalaga sa kumpanya nila doon.Ilang minuto niyang tinitigan ang numero ni Giovanni, matanda na ito sa larangan ng n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-05
Baca selengkapnya

Chapter 27.4

MABILIS NA LUMIPAS ang ilang mga araw na para bang palaging nagmamadali. Natagpuan na naman ni Briel ang kanyang sarili na nasa study room ng ama sa kanilang mansion ng umagang iyon. Kaharap sina Bethany at Gavin na animo ay may napaka-importanteng sasabihin sa kanila. Sa harapan nila ay naroon ang makapal na mga documents na ipinahanda ng kanyang kapatid sa kanyang secretary na kung hindi nagkakamali si Briel ay may kaugnayan sa kanyang kumpanya na hinahawakan. Hindi niya alam kung bakit kinakailangang naroon pa rin siya gayong hindi naman siya ang tatanggap noon kundi ang kanyang hipag. Kumbaga ay support lang siya. Ginagawa lang silang witness ng kapatid niya na alam niyang masakit din sa kalooban ng kanilang mga magulang. Medyo natawa siya doon ngunit hindi na niya ipinakita pa sa kanila. Nagawa pa kasi niyang mag-absent sa trabaho ng araw na iyon nang dahil lang dito. Napag-isipan niya na ang lahat, pwede naman siyang tumulong sa hipag kahit na may trabaho siya. Nag-usap na rin s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Chapter 28.1

WALANG GATOL AT pakundangan na sinabi ni Briel ang lahat ng gusto niyang sabihin sa Gobernador. Hindi siya nagtira ng kahit na ano dahil gusto niyang ilabas ang lahat ng kanyang hinanakit sa kaptid. Pati ang tungkol sa paglilipat ng kumpanya kay Bethany ay nagawa niyang ibulalas ngunit nag-focus siya sa nakakabahalang behaviour ng kapatid niyang iyon. Gusto niyang humingi ng opinyon nito sa mga nangyayari, baka kasi may nabanggit dito si Bethany na nasabi ng kanyang asawa. Ang totoo gusto niyang makasagap ng balita. Iyon lang ang siyang nais niya. Tahimik lang naman si Giovanni na pinakinggan ang hinanakit niya.“Siguro ang lala na ng lagay niya, ano sa tingin mo? Ang sabi niya naman may cure pa pero bakit kailangang ilipat? Nakakapagtaka. Doon pa lang parang bigla na lang akong hindi makampante. Pwede naman kasing pangsamantala lang naman hindi ba? Hindi sa hinahabol ko iyon dahil sa pamilya namin at wala naman akong pakialam, ang concern ko lang ay si Kuya Gav. Sa ginagawa niya as i
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Chapter 28.2

WALANG MAY ALAM na parating ang Gobernador sa villa ng mga Dankworth kung kaya naman ganun na lang ang gulat ni Gavin na prenting nakaupo sa sofa ng living room ng villa nang makita siya. Bagama't kunot ang noong napatayo na ito upang sumalubong sa tiyuhin ng kanyang asawa ay na pilit niya pang bigyan si Giovanni ng malaking ngiti upang ipakita na okay lang siya at walang anumang karamdaman na iniinda ang katawan. Hindi man lang umabot sa mga mata. “Tito, anong ginagawa mo dito?” medyo nababagabag ang tono ng kanyang boses.Lingid sa kaalaman ng dating abogado na alam na niya ang tungkol sa sakit nito. Wala pa kasi silang pinagsabihang iba kung kaya naman hindi siya umaasang pupunta ang Gobernador doon upang mangumusta sa kanya o kung ano pa man ang pakay nito. Medyo nailang si Gavin sa kanya.“Narito ba ang pamangkin kong si Bethany?” Umiling si Gavin na hindi pa rin inaalis ang tingin sa Gobernador na halatang wala namang alam.“Wala siya dito, Tito. Umalis lang saglit upang mayro
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 28.3

NAGING MALUNGKOT PA si Giovanni nang makita niya na ganun na lang ang pag-iling ni Gavin.. Ilang beses niyang ibinuka ang kanyang bibig upang isatinig ang kanyang mga nasa isip. Kailangan niyang kumbinsihin ang abogado. Kailangan niyang bigyan ito ng lakas ng loob upang magpatuloy at hindi mawalan ng pag-asa. Bata pa ito para sumuko. “Gavin, magpagamot ka. May gamot pa naman hindi ba? Naniniwala akong may gamot pa ang sakit mo. Hindi mo kailangang panghinaan ng loob. Nariyan lang ang pamilya mo na handang umalalay sa’yo. May asawa at mga anak ka na maaari mong paghugutan ng lakas ng loob upang mas tatagan pa ang loob. Huwag ganyan ang mindset mo. Susuko? Sa tingin mo masaya ba sila na nagkakaganyan ka? Hindi naman di ba? Subukan mong mas tumapang pa na lumaban.”Sa wakas ay nagawa na rin siyang maitayo ni Giovanni mula sa kanyang pagkakaluhod kahit pa nagmamatigas siya kanina. Pwersahan na ang ginawa sa kanya ni Giovanni. Mabuti na lang na nagawa na niya iyon bago bumukas ang pinto a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 28.4

KUMIBOT-KIBOT ANG BIBIG at lihim na natawa na si Giovanni na kakasa na sanang tikman ang luto ng dating kasintahan. Gusto na niyang humalakhak sa pagiging isip-bata ng asawa ng pamangkin niya. Mahal niya ang kapatid, inaasar niya lang ito para paiyakin? Ganun naman ito. Pero alam ni Giovanni na malalim ang pagmamahal sa kanila ng dating abogado. Nasasaktan siya na hindi niya mawari habang nakatingin sa kanilang magkapatid na nag-aasaran dito.“Hindi na ako magtatagal. Dumaan lang naman ako saglit. Sa weekend na lang, Gabriella.”Napaangat na ng paningin si Gavin na humigop na ng sabay ng tinola. Hindi niya iyon malasahan ngunit nakita niya kung paano sumugat ang ngiti sa labi ng kapatid sa sinabi ng Gobernador. Hindi mapigilan ni Gavin na mapangiti doon. Alam niyang kailanman ay hindi ito pababayaan ng abogado kahit na hindi niya ibilin sa kanya. Nakikita niyang mahal din nito ang kapatid niya. Estado at sitwasyon lang ang nagpapagulo sa utak ng Gobernador na pinapaniwalaan ni Gavin n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 29.1

PINASIGLA NI BRIEL ang kanyang hitsura nang yakapin na ang hipag at halikan sa pisngi ang pamangking si Gabe. Tinanguan lang naman niya ang kapatid na may malamlam ng mga matang nakatingin sa kanya. Nabahala pa doon si Briel. Hindi kasi ganun ang hitsura ng kapatid niya. Mas gugustuhin niya pang mang-asar ito kumpara na makita ang kahinaan ng katawan niya. Hindi na mawala sa kanyang isipan na baka may mas malala na nga iyong dahilan. Hindi lang nito magawang isatinig sa kanya.“Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Gabriella.” paalala ni Gavin na binigyan ng matamis na ngiti ang kapatid, hindi kumbinsido doon si Briel dahil hindi man lang umabot iyon sa kanyang mga mata. “Anyway masarap ang luto mo ha? Papasa ka ng mag-asawa. Approved na sa akin iyon. Makakabusog ka na kahit papaano.” papuri nitong nagpakagat na ng labi ni Briel, sa halip kasi na matuwa siya ay hindi niya mapigilan na mag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Sobrang affected siya. Alam niya sa sarili iyon.Muli pang tuman
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 29.2

PAREHONG SUMANG-AYON SINA Gavin at Bethany sa iminungkahi nina Mrs. Dankworth. Pansamantala ay lumipat sila sa mansion kung saan ay maraming mag-aasikaso kay Gavin na mga katulong. Hindi lang iyon, kumuha rin sila ng itatalagang caregiver. Noong una ay nahihirapan sila sa sitwasyon dahil hindi sila sanay na ganun makita si Gavin, ngunit hindi naglaon ay nakasanayan nila ang mas lumalala pa nitong sitwasyon.“Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na palaging alalahanin kami, Gavin. May mga panahon talaga na makakalimutan mo kami at may mga araw na matatandaan mo naman kami. Hindi ba at iyon ang sabi ng doctor? As long as may gamot kang iniinom, hindi tayo maaaring mawalan ng katiting na pag-asa dito.” Narinig ni Briel iyon nang hindi sinasadya nang magtungo siya sa silid ng kapatid isang hapon pagkatapos ng kanyang trabaho. Nakasanayan na lang niya iyong gawin kung kaya siya naroroon. Sa halip na magpakita ng kanyang sarili, ikinubli niya pa iyon sa may pintuan habang tutop ang ka
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 29.3

GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Bethany kahit na sa asawa niya naman nga iyon galing. May note kasi na nakalagay na confedential at siya lang dapat ang makakakita kung ano ang nilalaman ng mga ipinadala ng asawa. Nagawa niyang itago iyon sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa kwarto na iniutos niya sa maid na siyang nagbigay din noon sa kanya.“Eh, asaan nga si Kuya Gav, Daddy? Mommy? Paano siya nakaalis ng walang nakakapuna? Ang daming tao dito sa mansion. Ni isa walang nakakita? Wala ba talaga? Paano? Saan natin siya hahanapin ngayon?” patuloy ni Briel na hindi na alam kung ano ang uunahing gawin ng mga sandaling iyon sa pagkataranta.“Kinuha niya ang lahat ng documents niya sa silid. Ganundin ang mga bank cards na pag-aari niya at ilang piraso lang din ng damit ang dala niya.” pagbabalita agad ni Mrs. Dankworth na kakababa lang ng hagdan. “Ibig sabihin ay planado niya itong gawin. Planado niyang umalis. Ang hindi ko maintindihan ay bakit ba?”Nahintakutan pa doon si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
6667686970
...
75
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status